Sarah Pov.
Napatigil ako sa pag lalakad ng kumalam ang aking sikmura. Nahihiya tuloy ako sa mga nakakasalubong kong dumaraan, dahil ako mismo naririnig kona ang pag aalburoto ng tiyan ko. Naisip ko kasing mag pahangin at baka sakaling makahanap man lang ako ng trabahong hindi kailangan ng background check. Huminga ako ng malalim at gusto kong sumigaw.
Napapaligiran kasi ako ng mga restaurant at naghahalimuyak ang amoy ng mga masasarap pagkain. Napayuko ako sa panghihina ng umingay muli ang t'yan ko, "Litsi! Kung puwede lang talaga mag evolut." Singhap ko.
"Ay kamote!,"
Nanlaki ang mata ko ng may muntikan tumamang upuan sa gilid ko at galing yon sa loob ng restaurant. Agad kong ibinaba ang kamay ko dahil nakalutang sa ere ang upuan na dapat ay tatama na sa akin. Hindi ko napigil gamitin ang kapangyarihan ko sa pag protekta sa aking sarili.
Napalunok nalang ako dahil sa dami ng makakatama sa akin ng upuan nayo'n ay don pa sa pamilyang pinag linisan namin ng Venue ni China. Pero nakahinga naman ako ng maluwag dahil abala sila sa pag awat sa mga nag tatalo. Tila hindi naman nila ako napansin sa nagawa ko at baka akoy malapa ng mga Lobong to pag nagkataon.
"Augustine, calm down walang gusto na mangyari ito?" Kunot noo akong patigil sa paghakbang at makiki issues saglit.
"And what do you want me to do huh? I don't know if Belinda is in endanger or if she is betraying me!,"
Igtad akong nagulat sa sukol na sukol na lalaki sa pagkakaupo, halos mawarak na ang lamesa sa pag suntok ng kamao nya dito na pilit inaawat ng mga kasama niya. Ngiwi akong napatalikod kasi sa totoo lang may problema pa ako. Hindi ko alam kung paano ko tatangalin ang lintik na singsing nato sa palansinsingan ko na sinubukan ko lang naman sukatin. Pero ayaw ng kumawala. Natatakot ako na mapagbintangan na nag kainteres ako sa gamit nato O masangkot sa Gf ng Lobong yon.
" Haroy! Jusko po!," Gulat ko ng pag harap ko sa Dadaanan ko. para iwan ang lugar kung nasan ang mga lahing lobo ay s'ya namang sulpot ng lalaking kulot na'to na walang pa yatang segundo sa bilis na makapunta sa kinaroroonan ko. Nagbalik ako ng tingin sa Restaurant at nanlaki ang mata ko ng sa akin na naka dako ng tingin ang mga Lobong to' Muli akong napatingin sa Lalaking nasa likuran ko.
Medyo napahinto lang ang hininga ko dahil mas malapit na sy'a sa akin, nilunok ko ang natitirang laway sa akin bibig. gawa ng mga titig nya. samahan pa ng kilay n'yang mala angry birds sa salubong. napahakbang ako ng paatras ng muli s'yang lumapit at inamoy amoy ako. Tiwala naman ako sa kapangyarihan ko na hindi niya malalaman ang Lihim ko. pero hindi ko maiwasan mangamba.
" Augustine Stop!," May lumapit sa aming nasa edad 50's na Babae at hinila ang lalaki papalayo sa akin. " Ija, pasensya kana He, has drunk a lot," Anya ng maamo muka ng Babae sa akin. maya maya pa ay lumapit na ang angkan ng mga Lobong to at pinaligiran nila ako. hindi ko maiwasan manliit dahil ang tataas nila at parang mga christmas light ang mga mata.
" Wa-wala po yon, Ma-mauna napo ako, may pupuntahan papo kasi ako," Utal ko at mabilis na nagpahawi ng daan sa kanila " BrUKKKok" Pisti talaga, hindi man lang ako hinayaan ng t'yan ko maka layo muna bago mag ingay, nakakahiya.. muli akong lumingon patalikod para alamin kung mga nakatingin sila, at halos gusto kong lumubog dahil hindi lang sila nakatingin mga nag pipigil pa ng tawa.
"Woman, if you want, you can join us for lunch," Pag aaya ng Isang lalaki sa akin. natatandaan ko s'ya, Siya ang huling kasama ni Kulot non sa kitchen kung san kami muntikan mahuli ni China. Hindi ko man masyado naintindihan dahil english, pero sa kilos nyang pag lahad sa loob ng restaurant ay alam ko na agad.
"Pwede po ba?," Kapal muka kong tanong..
" Ofcourse!," Sabay sa sabay nilang sagot na nakapag pawala sa akin ng takot.
" Iha, kumain kapa," Mabilis akong umiling ng iharap sa akin ang isang bilaong pansit bihon. Sobrang dami na ng nakain ko at pakiramdam ko sasabog na ang aking sikmura.
"Busog na Busog napo ako nay," Tangg'i ko at Ipinikita ang mala 9monts kong tiyan, halinhing na natawa sa akin ang matanda at hindi na ipinilit sa akin ang pagkain. nahihiya man ay mabilis akong naka pagaanang loob sila, hindi ko man maintindihan pero maamo nila akong pinag mamasdan habang nguma'ngata. Naagaw ng pansin ko ang lalaking kulotna naka upo lang sa isang sulok at pakiwari ko ay kanina pa niya ako tinitingnan. Tingin may halong pag dududa, Napalunok ako ng Tumayo siya at dahan dahan lumapit sa kinaroroonan ko.
"Tell me woman, where did you get that ring?," Blangko niyang tanong ng makaharap ko siya..Awang ang bibig kong nakatingala sa lalaking ito ng bigla niyang hinila ang aking kamay at tinuturo ang singsing.
Nawala sa isip ko na sila nga pala ang nag mamay-ari ng pisting singsing na to' na hindi ko na matangal sa daliri ko. Tumingin ako sa paligid ko at halos gusto ko ng maglaho, kita sa muka nila ang pag aabang sa akin sagot.
" Ah, eh...hi- hindi ko po ito ninakaw," Tarantang kong sagot sa kanila at mabilis na tumayo. Pilit kong hinuhugot ang singsing para ibalik, napadaing ako sa sakit ng pwersahan kong inaalis ang bagay na nasa daliri ko..
" No, iha don't force it, hindi talaga basta maalis yan sa bagong nag mamay-ari na sa kaniya," Sagot sa akin ng ale na nag alok sa akin ng pag kain. Taka akong tumingin sa Babae.
"Po?," Pag lilinaw kong tanong? Bumawi sya ng tingin sa akin..
"Ah eh, ang ibig kong sabihin alam namin na hindi mo yan ninakaw,ang gusto lang namin malaman kung paano sayo ito, napunta?," Pagtatakang sagot sa akin ng Babae.
Muli akong tumingin sa akin paligid at lalo nasa lalaking nag aabang ng aking sagot. Hindi ko alam kung saan ako mag sisimula at kung nakahanda ba siya sa aking magiging sagot.
"Damn that woman!"
"Lakas ng loob n'yang gawin yon!,"
" Sinasabi ko na nga ba na may kakaiba na sa kinikilos niya sa Agangement party,"
" Augustine, now that you heard the answer. Hindi muna siguro kailangan mag alala pa kay Belinda?,"
Salitan ang mga tingin ko sa Pamilyang lobong ito' ng maikuwento ko ang pang yayari, kung paano napa sa akin ang singsing ng Belinda. Buong akala ko mahihirapan sila mapaniwala. huminga ako ng malalim. ngunit bigla ito nawaglit ng mag tapatan kami ng tingin ng lalaking kulot. Ano na naman kaya ang problema niya sa mga titig niyang ito naiinis na ako.
"Is everything you said true?," Kumunot ang noo ko sa kaniya ng mag mag salita ito.
" Pakitagalog po hindi ako nakakaintindi ng Engles," Diretsahan kong sagot. Pumaywang ito sa akin at dismayadong napatingala, lumitaw tuloy ang adam's apple n'ya na gustong gusto ni China sa mga lalaki.
"Lahat ba ng mga sinabi mo ay Totoo? dahil kung hindi, Ipapakulong kita," Banta niya sa akin na may panduduro, naduling pa ako sa hintuturo niyang nakatapat sa akin. tinaasan ko siya ng kilay at hinawi ang kamay.
" Naiintindihan ko naman Sir kung hindi kayo maniniwala sa akin,nasa inyo naman po iyon' kung ano ba ang pag kakakilala mo sa iyong nobya?," Malumanay kung sagot pero hinaluan ko ng punto. Nakatitig lang sa akin ang lalaki at walang kurap ko rin s'yang tiningnan. Huminga ito ng malalim at kuyom kamaong umalis.
Mukang hindi niya matanggap ang katotohanan. Sinundan namin siya ng tingin, hindi ko alam kung anong lakas meron ang lalaking ito na sa bawat hakbang niya papalayo sa amin ay parang bumabakat ang yapak niya sa simento.
" Charlie, follow Augustine closely i don't like what he does next," Ani ng matandang babae
"Yes Tita," Sunod na umalis ang isang lalaki para sundan yung kulot na masungit.
Naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko sa pantalon. mabilis kong hinugot sa bulsa ang dipindot kong cp. at binasa ang mensahe ni China.
" Nasaan ka! kanina kapa hinahanap sa akin ng Papa mo!,"
Kumabog ang dibdib ko ng mabasa ko ang mensahe. nawala sa isip ko na mahigpit akong pinag babawal ni papa na makalapit sa mga ganitong lahi.
"May problema ba Iha?," Bigla ko naitago sa akin likuran ang aparatong hawak ko ng mag salita ang ale.
"Wa-wala naman po, ahmm.. Maam, pwede ko po bang mahingi ang number ninyo, para maisauli kopo ang singsing, gagawa po ako ng paraan para mai alis ko siya sa daliri ko," Sagot ko sa Ale. Umiling siya at ngumiti sa akin. hinawakan niya ng mahigpit ang aking kamay.
" Kapag nagawa mong matangal ang singsing na yan sa iyo, saka mo siya isauli sa amin. Pero kapag hindi, wala kang magagawa kung hindi tangapin ang kapalaran mo Bilang Luna," Napangiwi ang muka ko sa sinabi ng matanda.
" Ano-," Umigtad ako ng marinig ko ang skandalosang cellphone ko at nakita ang pangalan ni Papa. nalito ako kung ano uunahin ko ang magtanong ba sa sinabi ng Ale o ang makapag paalam na.
" Mauna na ho ako maraming salamat po uli sa pakain, pangako po ibabalik ko po sa inyo ang singsing..," Mabilis ko silang nilisan sa sobrang taranta ko kay papa. natatakot kasi ako na baka maramdaman sila ni papa sa oras na sinagot ko ang cellphone.