Simula
"Inquire na tayo sa MCU," Nakuha ni Lea ang atensyon ko mula sa pagbabasa.
"MCU? Masyado namang malayo," Puna ni Jessica sa school na gusto ni Lea. Nagsisimula na kaming mamili ng gusto naming school sa senior high. Marami akong friends ngayong high school pero dalawa lang talaga ang masasabi kong pinaka bestfriend ko at silang dalawa 'yun.
"Med school talaga, Lea." Pagsingit ko dahil ang MCU ay magaling at sikat pagdating sa medical na course.
"Mag s-shs pa lang tayo, Eisz. Akala ko ba sabay sabay tayong mag s-stem?" Napabuntong hininga ako at sinarado ang librong binabasa.
February na ngayon at next month ay mag momoving up na kami pero hindi ko pa talaga alam kung ano talaga ang gusto ko. I love drawing pero marunong lang talaga ako at hindi magaling. Hindi ako nag eexcellent sa lahat ng bagay. And it sucks, marunong lang ako sa lahat ng bagay pero hanggang doon na lang 'yun dahil kapag marunong na ko ay tinatamad na ko pagbutihin pa.
"Chill ka lang, Eisz. Mag iinquire pa lang kaya tayo!" Singit ni Jessica at natatawa marahil sa naguguluhan kong mukha. Undecided pa kasi talaga ko. Sobrang nakakalito. Ayokong tumanda. Ayoko nang mag aral!! Pero may choice ba ko?! Kailangan ko mag aral.
"Ano bang nilagay mo sa form?" Curious na sambit ni Jessica pagkalabas namin ng library. Tinatanong niya ang form na sinagutan namin 'nung career guidance ukol sa school na gusto namin.
"First choice ko UE, second choice AU and third OLFU." Pinili ko ang mga school na 'yun dahil sureball may stem doon na gusto kong kunin na strand sa senior high tsaka pwede na rin hanggang college.
"Mag U-UE ka talaga?" Tanong ni Lea na ikinabit balikat ko lang. First choice ko 'yun kasi roon nag aral si kuya at gusto niya roon din ako. Pero it's up to me pa rin naman kung saan ko gusto dahil ako ang mag aaral.
"I'm still undecided, you know. Parang gusto ko na lang maging high school forever," Napahalakhak ang dalawa at binatukan ako ni Lea.
"Malulungkot ako kapag nagkahiwalay tayo. Hindi ako sanay," Malungkot na sambit niya. Mula first year ay kaming tatlo na ang magkakasama kaya mahirap talagang ipaghiwalay kami.
Nang makalabas sa gate ng school ay diretso kami sa parking para hagilapin ang sasakyan nila Jessica na siyang naging service na namin. Magkaka street lang naman kami kaya sumasabay na kami ni Lea para hindi na hassle.
Nag vibrate ang phone ko hudyat na may nag text.
Kuya Renz:
Dinner tonight. I'm here at restau with Mama. Pahatid ka kay Manong. Don't be late.
Bigla akong napasimangot sa nabasa. Ang balak ko pa naman ay mag kulong na lang sa kwarto at isipin kung ano ba talaga ang gusto kong kuning course sa college.
"Movie marathon want niyo?" Aya ni Jessica siguro sa bahay nila. Nandito na kami sa kanilang sasakyan. Napanguso ako at sumulyap sa kanya.
"Can't. We have a dinner," Napanguso rin siya at tumango. Diniretso ng kanilang driver papunta sa bahay namin. Ako ang nauunang ihatid dahil mas malapit ang bahay namin.
"Bye, Jess, Lei." Lumabas na ko ng sasakyan at binuksan ang gate. Pagkapasok sa buong kabahayan ay tinignan ang oras at nalamang may 1 hour pa ko para mag ayos.
I simply wear a maong short and a simple white hanging blouse. Mag dinner lang naman kami sa mismong restaurant namin kaya hindi na talaga kailangang mag outfit ng sobra. We either eat in our restobar or restaurant.
Dumiretso ako sa baba at hinanap si Manong para magpahatid na. Kuya's really impatient when it comes to late. Ayaw niyang pinaghihintay. I must say mas strict siya kesa kay mama.
Dire diretso akong pumasok at tumungo sa private room namin at office ni mama. Siya ang nagmamanage netong restau at simula ng grumaduate si kuya siya na ang nag manage sa restobar.
"Ay sorry," Sambit ko sa lalaking nakabangga, mukhang galing itong cr. Nabigla ito at sabay kaming napatingin sa cellphone niyang nahulog. s**t, hindi ko naman ata nabasag?
"You should watch where you're going, miss." Halata ang inis sa kanyang boses at pinulot ang kanyang cellphone. I just said sorry again and walk away. Sabi ni Mama, I should treat well the customers kasi sila ang nagpapayaman samin kaya hinayaan ko na lang ang pagiging antipatiko 'nun.
Pagkapasok sa office ni mama ay nandoon pa lang sila ni kuya at wala pa sa dining room.
"How's school?" Bungad ni Mama.
"Okay lang," Casual na sambit ko at humilata sa sofa. Si kuya ay nasa visitors chair naman na katapat ni Mama.
"You grumpy?" Si kuya ang nagtanong. Sumimangot ako sa kanya.
"Am I look grumpy? I'm in a good mood my brother," Pang aasar ko rito at ngumisi. Napailing siya at tumayo.
"Let's eat. I'm totally hungry. Punta pa
kong resto, after."
"Cr lang," Sambit ni Mama at nagmamadaling mag cr. Tumayo na ko at inayos ang damit.
"Kelsey," Napatingin ako kay kuya dahil sa mariing pagtawag niya sa first name ko. Pag sa first name ko talaga ang pag tawag niya saken ay may importante siyang sasabihin.
"Mama's not feeling well. Lalong lumalala ang sakit niya," Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Habang tumatagal nga ay napapansin ko ang pagpayat ni Mama. She's diagnose having tyroid. May case na talaga sa family nila Mama ang ganung sakit parang mana mana. I just hope, hindi ko makuha iyon.
"So? What can we do?"
"She need to take a break from work. Long vacation I guess, para makapag focus siya sa pagpapagamot." Napatayo ng maayos si kuya ng biglang sumulpot si Mama at sumilip sa pinto.
"What are you talking about? Sa dining na tayo," Tumango ako at nagsimulang tumungo sa dining.
Habang kumakain ay tahimik lang ako. How can Mama take a vacation eh, I have classes? And kuya's need to work? Si Mama lang ang magbabakasyon?
"Anong pinag usapan niyo kanina?" Curious na tanong ni Mama. Tumingin ako kay kuya na umiling lang.
"I'm just asking her what school she wants for senior high," Pagsisinungaling niya. Sinamaan ko siya nang tingin. Paniguradong uulanin na naman ako ng tanong ng Mama. Kainis.
"Oh?" Tumingin sakin nang makahulugan si Mama. Hays. "Saan ka na ba nag inquire, Eisz?" Here we go.
"UE pa lang. Binabalak namin nila Lea sa MCU next week,"
"Saan mo ba talaga gusto? Habang maaga pa kailangan buo na ang desisyon mo Eisz para hindi ka mag sisi." 10th times niya na atang sinabi sakin 'yan.
Kumibit balikat ako. "I don't know,"
"How about new environment? Hindi ka ba nagsasawa rito sa Manila?" Kumunot ang aking noo at mariing tinignan si Kuya. Anong ibig niyang sabihin?
"What...do you mean?" Halata ang gulat. Si Mama ay tahimik lang na kumakain at nakikinig. Bakit parang may hindi ako alam? May balak ba sila ni Kuya? Abroad? Wtf. Ayoko.
"I'm just asking, Eisz."
"Nah. Manila is my comfort zone. Nasanay na ko rito, Kuya." Dito ako lumaki. Sanay na sanay na ko rito. Sobrang adjustment naman kung bigla kaming lumipat somewhere or worst abroad.
"We'll talk about it, again. Kapag wala ka pang napipiling school," Naguguluhan man ay hinayaan ko na lang. Marahil namomroblema sila dahil hindi pa talaga ko sure sa lahat. Ayaw nilang mangialam dahil ayokong pinapakialaman.
Natapos ang dinner na ako ulit ang umuwi mag isa. Mama stayed at Restau dahil may gagawin pa raw siya. Si Kuya naman ay naiwan rin dahil pupunta siyang restobar.
Buong byahe ay tulala ako. Iniisip ang balak nila Mama na ayaw nilang sabihin sakin. Hindi ko maintindihan. Kung iiwan namin ang Manila sino ang mamamahala ng business? Tsaka ayoko rin. This is my home. Manila is my home. My friends are here. Hindi ko kayang umalis.
"Eisz, narito na tayo." Napatingin ako kay Manong at napatango. Mukhang kanina niya pa ko tinatawag. "Ayos ka lang ba, hija?" Napakagat ako sa'king labi at mariing tumango.
"Thank you po, Manong." I smiled at him at pumasok na sa kabahayan. Dumiretso ako sa'king kwarto at ngayon lang naalala na nakalimutan ko pa lang dalhin ang cellphone ko. Binuksan ko 'yun at nakitang may mga messages sa messenger.
Yuri:
Hindi kita nakita sa school. Hindi ka pumasok?
Lea:
Eisz!! What time ka pasok bukas?
Wendell:
Hi Eisz. I saw your book in the library. Mukhang nakalimutan mo? I can give it to you tomorrow? Before class?
Nag reply muna ako kay Lea bago ko pinindot ang Wendell Navarro. I know him. Uhm ano, classmate ko rati.
Replying to Wendell:
Oh hi. Okay, tomorrow. Sa locker room na lang siguro.
Pinatay ko ang aking cellphone at hindi na nireplyan ang iba. I'm tired. Wala ako sa mood makipag chat. Dumiretso akong cr para mag shower na at matulog.
Kinabukasan ay maaga akong gumising. Agad akong nag ayos para pumasok sa school at bumaba na para sumabay sa agahan. Typical day.
"Good morning, baby." Bati ni Mama. Agad akong umupo sa kanyang harapan.
"May klase pa kayo? Akala ko ba ay binibigyan kayo ng oras para mag inquire sa mga gusto niyong school," Ani Kuya. Ganoon nga ang nangyayari sa school pero napag usapan namin nila Lea na next week na lang kami.
Napag isip isip tuloy ako. Dalawang school lang ang pagpipilian ko kung ganoon? Pero siguro ay kung saan sila Lea ay doon na rin ako.
"Next week pa nga kami nila Lea," Kahit naman pinagbibigyan kami ng school ay may klase pa rin tuwing umaga. Nag hahalf day lang ang mga balak mag inquire. Akala ata ni Kuya eh wala ng klase.
"Hatid ko muna si Mama bago ikaw," Napalingon ako kay Kuya na nagtatakha. "Wala si Manong, nag day off."
"So?" Pupwede namang ako ang unang ihatid dahil sa may kanto lang ang school ko. Anong kinakana nito ni Kuya? Trip niya bang magsayang ng gas ngayon?
"Basta," Napanguso ako bago sumakay sa back seat. May dapat ba kaming pag usapan? Eh, hindi pa naman cards out ah?
Nang lumagpas kami sa school ay nagtatakhang lumingon sakin si Mama. "Renz, nakalimutan mo atang ibaba ang kapatid mo?" Nilingon siya saglit ni Kuya.
"Hindi, Ma. Balak kasi ni Eisz magbaon kaya kukuha siya ng pagkain sa restau," Mula sa pagkakatingin sa bintana ay halos lumabas ang eye balls ko at tinignan si Kuya sa rearview mirror. Seryoso lang ito habang nag dadrive. Idol ko talaga siya sa pagsisinungaling. Siya na! Siya na talaga! Ang smooth! Speed lang!
"Ay ganun ba. Dapat ay sinabi mo agad sakin, Eisz. Edi sana ay napagluto na lang kita sa bahay." I just smiled at my Mama. Kawawa naman siya at napagsisinungalingan ni Kuya. Honestly, ano ba talagang nangyayare sa pamilya na 'to? Masyado na ba akong outdated?!
Pagkahatid kay Mama at kaonting paghintay sa white lies ni kuyang baon ko raw. Agad ko siyang hinampas pagkalabas namin sa restau.
"Ano bang trip mo? Bakit ka nagsisinungaling?" Masungit na sambit ko. Inakbayan niya ko at bumuntong hininga.
"We need to force Mama to take a break from work. Alam mo naman siya, sobrang workaholic nakakalimutan na ang kalusugan niya." Pumasok na kami sa sasakyan. Diretso lang ang aking tingin at iniisip ang susunod na sasabihin ni Kuya.
"She need to have a vacation. I guess, one year is enough." 1 year without Mama? Wtf? Hindi pwede. Hindi ako sanay. Hindi ko kaya.
"What? A year talaga?"
"Yes, Eisz. 1 year without work para makapag focus si Mama sa pagpapagaling niya." I need to understand. I don't have a choice! Kalusugan ng Mama ko ang pinag uusapan.
"B-but? How? Paano natin masasabi sa kanya 'tong balak mo?" Knowing Mama ayaw niyang iwan ang business niya rito. She loves cooking! She loves managing her restau.
"If you want to study in Pampanga. That is Mama's province. Kapag sinabi mong doon mo gustong mag aral, matutuwa siya. Maaari kong sabihin sa kanya na samahan ka muna roon," Napatunganga ako sa sinabi niya. Tangina? Province? Ako? Mag aaral? What the f*****g f**k!
"Eisz, 1 year lang naman. Senior high ka palang. For the health of Mama. Can you do this?" Dahan dahan akong lumingon sa kanya na hindi makapaniwala. Every year ay nagbabakasyon naman kami roon. Close ako sa mga pinsan ko dahil dati buong bakasyon ay nandoon ako. Pero hindi ko inakala at hindi ko inimagine na roon mag aral.
"Kuya, w-why? Hindi ba natin makakausap ng maayos si Mama tungkol dito?" Maiiyak na ko sa sobrang gulo. Bakit parang hawak ko pa ang kalusugan ni Mama? Bakit parang nasakin pa nakasalalay? Bakit wala akong choice? Bakit ganito? Bakit nangyayare 'to.
"Kelsey Eisz. Ilang beses ko na sinubukan, last year pa nga eh, hindi ba? Ngayon ay hindi ko na kayang makitang unti unting bumabagsak ang katawan ni Mama. I'm sorry, I'm sorry kung naiipit ka. Wala na kong ibang magawa. Hindi kaya ni Mama na malayo ka sa kanya. Kaya eto ang naisip ko. I'm sorry," Hinila niya ang braso ko para yakapin. Hindi ko na napigilan ang pag iyak. I don't know what to do. Nasanay ako rito sa Manila. This is my comfort zone. Pero hindi ko kayang itaya ang buhay ni Mama para lang sa lugar na ito.
"I'm sorry, Eisz." Sobra ang iyak ko. Sobra ang hagulgol. Sa isipang iiwanan ko ang kinagisnan kong lugar at mananatili sa hindi ako sanay na lugar. Para akong kakapusan ng hininga.
"K-Kuya. Can't breath,"