"You okay now?" Tumango ako kay Mama. Habang umuupo sa hapag kainan. "Sure ka na kaya mo nang pumasok?" I glanced at my Mama and smiled. 2 days na kong absent. Hindi pupwedeng hanggang ngayon ay hindi pa ko papasok.
"Half day lang naman, Ma." Sambit ko. Tumango na lang siya at pinagpatuloy ang pagkain.
I don't know what happened. Basta 'nung araw na 'yun ay hinika ako dahil sa biglang pag iyak. I have an asthma. Kaya siguro ganun ang idea ni Kuya ay dahil hindi ako maaaring iwan ni Mama dahil may sakit rin ako. Maliban sa Asthma, mahina rin ang puso ko.
Hinatid ako ni Manong sa school. Wala si Kuya, hindi ko alam kung nasaan. Hindi ko rin naman tinatanong kay Mama dahil hindi ko pa rin matanggap ang desisyon na gusto niya.
"Eisz!! Okay ka na?" Bungad ni Lea pagkarating ko ng classroom. I smiled and nod. Pinuntahan nila ko sa bahay kahapon to checked my condition. Alam na kasi nila na inatake ako ng hika kapag hindi ako pumasok. Mukhang napansin nila na wala ko sa mood kaya hindi na nila ko kinulit.
Lumipas ang oras na tila wala ko sa sarili. Paano na ang balak naming magkakaibigan na sabay gagraduate ng senior high at college? Well, pupwede pa rin naman, right? 1 year lang naman. Mabilis lang naman 'yun hindi ba?
"Ayos ka na ba talaga?" Napakurap kurap ako at sumulyap kila Jessica. Their face looks very worried.
I heaved a sighed. "Ah, yeah. Don't mind me. May iniisip lang," I smiled sadly.
"Okay but remember we're always here. You can open up, anytime." I nodded. Dahil half day lang ay maaga kaming nadismissed.
"Tara sa bahay, Eisz!" Aya ni Jessica. Niligpit ko agad ang mga gamit. Hindi ko muna iisipin. February pa. May march pa naman eh.
"Tara!" I said cheerfully. Napa smile sila dahil bumalik na ko sa katinuan. Agad kaming pumunta sa locker para iwan ang mga librong hawak namin. Nagkwento naman sila Lea tungkol sa mga nangyari sa dalawang araw na absent ako.
"Kaya 50/50 kung makakapag moving up ba sila." Kinukwento niya ang nangyaring cheating sa classroom namin last sem.
"Kawawa naman ang mga inosenteng nadamay," Puna ni Jessica. Hinampas siya ni Lea.
"Mabuti na lang at hindi ka napasama," Napabunghalit ito sa tawa dahil muntik na talaga si Jessica 'non. Ipapasa na dapat sa kanya ang kodigo nang agawin iyon ng classmate naming isa.
"Crazy. Wala nga kong balak kunin 'yon. Kaya si Vincent na lang ang kumuha," Sambit ni Jess habang binubuksan ang locker niya. Binuksan ko rin ang akin at inilagay roon ang mga bitbit kong paepal sa buhay. Hanggang malagay namin ang mga gamit ay walang humpay ang pang aasar ni Lea kay Jessica.
"Sus! Crush mo lang si Vincent eh," Lalong sumimangot ito at sinamaan nang tingin si Lea.
"Baka ikaw! Kanina ka pa Vincent nang Vince--"
"Eisz!" Halos sabay kaming lumingong tatlo para tignan ang sinumang tumawag sa'kin.
"Oh? Si Captain," Rinig kong sambit ni Lea. He's still wearing his basketball jersey, mukhang kakatapos lang mag training dahil dala na niya ang kanyang duffel bag. Siniko siko ako ni Lea samantalang si Jessica ay kinurot ako sa tagiliran.
"Hmm?" I arched my eyebrows. Nagtatanong kung baket makatawag 'to, wagas.
Nang makalapit sa'min ay napatingin ako sa inaabot niya.
"Your book," Napakagat ako sa'king labi. Akala ko pa naman kung ano! Agad kong kinuha 'yon.
"Thanks!" I smiled at him, sincerely. Naalala ko ang pag chat niya sa'kin nung nakaraan. Hinintay niya ba ko 'nun? Na indian ko ba siya? Gosh! Nakakahiya! Hindi man lang ako nakapag chat.
"No prob. I heard from Lei absent ka these days. Mabuti na lang at nakita ko kayo ngayon," I smiled before take a glanced at my back. Para silang timang na naka iwas ng tingin at nagpipigil ng ngiti.
"Ah, sige. Thank you, ulit."
"Pauwi na kayo?" Habol niya pang tanong. Bigla namang lumapit si Jessica.
"Cap! Bonding sa house namin, just like the old times. Gusto mo sumama? Nandun rin 'yung ibang friends natin!" Nanlalaki ang mata na sumulyap ako sa kanya. Pinagsasabi nito?!?! Akala ko ba ay kami lang?! Ba't may invite na nagaganap?
Tumingin ng alanganin sa kanya si Wendell.
"Iinvite ni Lea si Doms!" Nagulat si Lea sa pagdamay sa kanya kaya agad kaming napalingon sa pwesto niya. "Right, Lei?!"
"U-uh yeah," Si Dominic ang kambal ni Lea na basketball player rin.
Napatingin ako ulit kay Wendell. He's so shocked because of this sudden invite! Ah! Nakakahiya!
"If you don't want. Okay lang naman," Sumingit na ko sa usapan nila. He looked at me.
"Ah, no. Kasama pala si Doms, so why not?" Ngumiti na siya ngayon. Sumulyap ako kay Jessica at sinamaan siya ng tingin. Nag peace sign lang ang loka.
"I'm just going to change. I'm with Doms, earlier. Nakauwi na ata?" Sambit niya. Napanguso ako at sumulyap kila Lea.
Napansin ko ang paghinga nang malalim ni Lea. "Susunod na lang daw siya,"
Wendell nodded. "Okay. Susunod na lang din ako. I need to take a shower," He smiled at me. Nag smile na lang rin ako sa kanya at tumango.
Nagsimula na siya mag jog patungo sa gym. Nang makaliko na siya ay agad akong sumulyap sa dalawang gaga na 'to at hinampas sila.
"What was that?! Bakit niyo siya ininvite?!" Nanlalaki ang mata na tanong sa kanila. Tuluyan na nilang inilabas ang tinatagong tawa kanina pa.
"We're just supporting your lovelife!" Napasimangot ako at nauna nang maglakad. Naalala ang nakaraan.
Grade 8 hanggang grade 9 ay naging M.U kami. But when we turned grade 10, he became the captain of the basketball team.
Nawalan kami ng communication kasi sabi niya sobrang busy niya na. He need to focus on basketball with no distraction. Wala naman akong magawa kasi duh! Wala kaming label. We're just hanging out, everyday. Comfortable being with each other. Akala ko may something na, akala ko lang pala.
When someone asked, kung ano raw ba niya ko. He said I'm just his f*****g bestfriend! Well, I thought that time he's already courting me. Kasi duh mag o-one year na kami na sobrang sweet sa isa't isa tapos wala lang pala?! Just bestfriend?! Bullshit!
Simula 'nun ay lagi ko siyang iniiwasan. Wala man lang siyang ginawa, hinayaan niya lang akong umiwas sa kanya. So, edi okay. Nawalan na rin ako ng pake.
"Hey, Eisz. Chill! Mag momoving up naman na tayo. Consider it as the last bonding. Tsaka ano, uhm," Tumigil ako sa paglalakad at hinarap sila.
"What?" Kumunot ang aking noo habang nag aabang ng isasagot niya. Napatingin ako kay Lea na nasa gilid at may katawagan.
"Closure na rin, I guess. Para naman hindi na masama ang loob mo sa kanya! Happy happy lang," She smiled sweetly and suddenly hug me.
I heaved a sighed. "Okay. Kahit hindi naman kailangan ng closure kasi hindi naman naging kami!" Bumitaw siya sa yakap. I rolled my eyes at her.
"Ayan na Madam Jessica. Papunta na si Dominic sa inyo kaya tara na," Sambit ni Lea. She rolled her eyes too. Paniguradong magbabangayan na naman silang magkambal niyan. They're always like that! Hindi sila nagkakasundo.
Pagkadating kila Jessica ay pasalampak kaming tumungo sa kanilang living room.
"Ano? Wala kayong balak mag bihis?!" Sumimangot ako habang tumayo. Tumungo kami sa kwarto ni Jessica at dire diretso sa kanyang walk in closet. May kaonting damit kami rito ni Lea kasi lagi kaming nandito! Halos tumira na nga kami rito kasi palagi kaming nag s-sleepover.
Agad tumakbo si Lea sa bathroom at sumigaw.
"Me first!"
"Gaga!" Inis na sigaw rin ni Jessica.
"Ako na sa guest room! Bye!" Agad akong tumakbo sa kabilang kwarto. I just take a quick shower. I wear a yellow hoodie and maong short. Dumiretso ako sa kwarto ni Jessica pero wala kong naabutan. Nasaan na ang mga 'yun? Tumungo ako sa salamin to check myself. I put a liptint and powder. Agad na rin akong bumaba para tignan sila.
"Hey," Bati ko. Napatingin silang lahat saken.
"Ay wow. Malamig ba? Ang ginaw, Eisz. Ang lamig. Ang lamig ng convo niyo," Pang aasar ni Dominic. Katabi niya si Wendell na saglit lang tumingin sa'kin at agad binalik ang atensyon sa t.v dahil naglalaro sila ng playstation.
Humagalpak sa tawa sila Jessica. Ang oa ah! Napangiwi ako at kumuha ng cookies sa center table.
"Oh talaga? Paanong lalamig eh, wala namang convo." Humagalpak ulit sila nang tawa. Napasulyap sa'kin si Wendell na nakataas ang kilay. He looked amused at my sudden 'parinig'. I just rolled my eyes and got my phone.
"Bitter pa rin tayo, teh?" Natatawang asar ni Jessica. Napanguso ako. I shrugged and get the whole plate of cookies.
"Wow. Ganda nang bonding puro pang aasar sakin," I rolled my eyes, again.
"Init ng ulo natin, pareng Eisz." Pang aasar na naman ni Dominic. Tumayo ako at nagpamewang.
"Let's watch a movie. Itigil niyo na 'yang paglalaro niyo, Doms. Tanggapin mo ng talo ka," Naglalaro sila ng NBA. Sureball namang si Wendell ang mananalo.
"Hala! Ang sama ng ugali," Sambit niya pero nakangiti. Weird talaga ng kambal na 'to ni Lea!
"Tapusin lang namin," Sambit ni Wendell habang nakangiting nakatingin sakin. Nagulat ako roon. Makangiti naman 'to kala mo walang nagawang kasalanan.
Tinaasan ko siya ng tingin. "Okay whatever," Pumunta akong kusina para tulungan na lang ang mga katulong nila Jessica na mag bake ng cookies.
"Ang init ng ulo! Hindi bagay sa pangalan mo, Eisz." Rinig kong sigaw ni Doms. Nang aasar na naman.
Pagkapasok sa kusina nila Jessica ay bumungad sakin ang mayordoma nilang si Manang Elsa.
"Oh, Eisz anak. Bumalik ka roon at baka mapaso ka na naman," Ngumiti ako sa kanya at umiling. Tumingin siya sa'king braso na napaso last last week pa. Gumaling na 'yun kaya hindi na halata pa.
"Ayoko po roon. Inaasar nila ko," Nilagpasan ko siya at pumunta sa oven. Pinanood ang mga cookies na iniinit.
"Ngayon na lang nagpunta ulit rito ang mga binata," Nakangiting batid niya at pinanood akong nakatitig sa salamin ng oven.
"Ah, opo. Masyado po kasing busy sa school,"
"Eisz! Tapos na!" Sigaw ni Lea mula sa living room. Hinayaan ko lang 'yun at naupo sa counter table.
"Matagal pa po ba maluluto 'yan?" Kunwaring tanong ko para hindi pansinin ang tawag nila Lea. Ayoko na lumabas. Ayoko na makita si Wendell. Nakakaasar ang mukha niya.
"Hmm, mga tatlumpung minuto pa," Tumango tango ako roon.
"Hey. We're already finished," Sabay kaming lumingon sa b****a ng kusina para tignan si Wendell.
"Yeah! Susunod na lang ako," I rolled my eyes. Pumunta pa talaga rito.
"No," Naramdaman ko ang paglapit niya. Pansin ko ang naguguluhang tingin ni Manang sa'min.
Hinawakan niya ang wrist ko. Sinamaan ko siya ng tingin. "Don't touch me!" Inagaw ko ang kamay ko ngunit mahigpit ang hawak niya roon.
"Let's watch the movie. C'mon, Eisz." Pangungulit pa nito.
Tumayo na ko at hinarap siya. "Bitiw," Inis kong sambit. Masama pa rin ang tingin sa kanya. Binitiwan niya naman at itinaas pa ang dalawa niyang kamay na parang sumusuko. I rolled my eyes, again. Umalis ako roon pero imbes na sa living room dumiretso ay sa garden ako tumungo.
"Annoying," Naiinis kong sigaw pagkalabas sa garden. Mabilis akong pumunta sa fish pod at naupo roon.
"Eisz!" Wow! Sumunod pa talaga. Ang kulit! Samantalang 'nung iniwan niya ko ay hindi ko siya kinulit kahit kailan! What?! Iniwan? Wow, ang galing Kelsey Eisz. Ang galing mag ilusyon.
"Ano ba?! Ba't ka ba sumusunod, huh?!" Nagulat siya sa sobrang inis kong boses. Kalauna'y biglang natawa.
"Really? Why are you so annoyed?" Natatawa niyang sambit habang palapit sakin.
"Don't talk to me as if we're okay," Sambit ko na nagpahinto sa kanya. Mukhang ngayon niya na lang naalala ang ginawa niya dati. "Yeah, sabi mo nga rati bestfriends but now, it's done. Over na."
Naupo siya sa tabi ko. Tumingin siya sa mga isda pagkatapos ay tumitig sa'kin. "I'm sorry. I'm just so pre occupied that time. And I don't know what's the real score between us," Para akong sinampal sa katotohanan na wala talaga. Hindi niya rin pala alam. Hindi pala talaga siya nanliligaw. Wala pala talagang meaning 'yung mga araw na magkasama kami.
Tanga tanga naman kasi, Eisz. Masyadong umasa.
"Okay. Apology accepted," Tumayo ako at ngumiti. Iniwan ko siya roon at agad tumungo sa living room.
Dim na ang light at nagsisimula na ang movie. Ay wow, hindi man lang nanghintay.
"Oh? Nasan si Wendell? Tinorture mo na ata," Natatawang sambit ni Dom nang mapansin na kong lumalapit. Umupo ako sa pang isahang sofa at kinuha ang isang pinggan ng cookies.
Maya maya ay dumating na si Wendell. Umiwas ako ng tingin sa kanya at kinuha ang cellphone ko. May text pala si Kuya.
Kuya Renz:
Are you home? Go to Romero's hospital. Mama's sick.
Agad akong kinabahan roon at napatayo.
"I need to go to Romero's hospital," Nagpapanic kong sambit. Namumuo na rin ang luha sa'king mga mata. What happened to Mama? Is she okay?
"What happened? Sinong nasa hospital?" Nagpapanic na ring sambit ni Lea. Agad silang nagtayuan at hindi malaman ang gagawin. Dumiretso ako sa labas ng bahay habang naiiyak.
"Mama's sick," May tumulo ng luha sa'king mata. Hindi ko na nakayanan at nasisiunahan na silang lumabas.
"Wait, Eisz! Tinawag ko na si Manong. Let's just wait the car,"
Naramdaman ko ang pag akbay ng kung sino. Isinandal niya ang aking ulo sa kanyang dibdib. Patuloy akong humihikbi.
"Calm down, Eisz. Everything's gonna be alright."
Nang tumigil ang sasakyan sa aming harapan ay agad akong sumakay roon.
"Romero's hospital, immediately."