Kabanata 2

3135 Words
"Congratulations, grade 10." Pumalakpak kaming lahat sa huling pag announce na kami ay nakapag moving up na. Nagkanya kanya nang alisan ang lahat at tumungo sa stage upang makapagpapicture. "Eisz!" Agad akong dinambahan ng yakap ni Lea at Jessica. Sobrang saya. Lahat ay masaya. Pero hindi ko magawang maging masaya para sa susunod na mangyayari sa'kin. "Picture raw ang section natin," Nagpahatak ako sa kanila. Agad kaming sumiksik sa'ming mga kaklase para sa magaganap na picture taking. I smiled. Ayoko namang nakasimangot ang mukha sa moving up pictures na 'to. Nang matapos ay kaming tatlo naman ang nagpicture. Hindi ko pinahalata ang kalungkutan at pumapayag lang sa kung ano man ang pose na gusto nilang gawin. "Saan ka mag sesenior high, Eisz?" Tanong ni Louiella na classmate namin. I smiled and shrugged. Pinahalatang wala kong balak sagutin ang tanong niya. Nagsimula na kaming maglakad palayo sa'ming mga kaklase. Mukhang nahalata ng mga kaibigan ko na ayaw ko na ulit makatanggap ng ganung tanong sa mga kaklase namin. "Hey! Don't be so down. 1 year lang naman 'yun, right? After 'nun mag tatransfer ka na ng g12 dito. Magsasabay sabay pa rin tayong gagraduate," Nakangiting sambit ni Jessica. I heaved a sigh and nod. Biglang kumaway sa kung saan ito kaya sinundan ko iyon ng tingin. "Picture tayo, Wendell!" Sigaw ni Jess. Nang makalapit ay agad akong itinulak ni Lea. Halos masubsob na ko kay Wendell, amp. "Smile," I have no choice but to smile. Naramdaman ko ang kamay niyang ipinatong sa'king balikat. Sus. "Wacky!" Napasimangot na ko. Kunwari'y wacky pero totoo 'tong simangot ko! Picture roon, picture rito. Smile rito, smile roon. Sumakit na ang panga ko at feeling ko nadislocate na ito kakangiti. "Bonding tayo later ah," Paalala ni Jessica bago kami magkahiwa hiwalay upang tumungo sa'ming mga magulang. "Congratulations, baby!" Masayang sambit ni Mama at niyakap ako ng mahigpit. Akala mo naman college na ang natapos ko. "Let's take a picture," Nakiusap pa siya sa kung sino para mapicturan kaming tatlo. "Congrats, Eisz," Sambit ni Kuya pagkatapos mag picture. I glanced at him and smiled. Kung sino sino pa ang grineet ni Mama na parents ng mga ka schoolmates ko. Talo niya pa ko sa dami ng kakilala niya. Pagkatapos ay tumungo na kami sa restaurant upang mag salo salo at celebrate na rin. Kumain lang kami at nag kwentuhan. Umuwi na rin ako agad pagkatapos upang mag ayos para sa celebration naman namin nila Jessica. Sobrang busy ni Mama ngayon dahil matagal siyang mawawala. Tinuturuan niya na rin si Kuya kung paano imanage ang restau. Mahihirapan nga lang siya dahil may mga recipe ang restau na si Mama lang ang may kakayahang makagawa. Ewan ko kung paano nila imamanage 'yan. Hindi na rin ako nangealam dahil masyado akong pre occupied sa mangyayare sa'kin sa probinsya. Natulog muna ako saglit dahil maaga pa naman. Ala singko pa ang usapan, eh alas dos pa lang ng tanghali. Nang magising ay kinusot kusot ko pa ang mata ko habang tinitignan ang wall clock. "Oh my gosh," Mariing sigaw ko dahil halos mag aala-singko na. Hinagilap ko ang cellphone at wala pa naman silang message kaya agad na kong tumungo sa bathroom. I just wear my adidas tracksuit. Nang tignan ko ulit ang oras ay 5:30 na. Ang tagal ko talagang maligo, nakakainis. Tinignan ko ang cellphone ko habang bumababa ng hagdan. Sakto namang tumawag bigla si Lea. "Hoy babae, nasan ka na?" Bungad kaagad nito. "Manong, kila Jessica po." Agad kong tawag dito, mukhang papunta pa siyang kusina. Hindi ko nga pala nasabi sa kanya na may lakad ako ngayon. "I'm on my way," Sagot ko kay Lea at tumungo na sa labas ng bahay. "Okay, take care. You are already late," Sambit niya na hindi naman ata obvious 'no. "Yeah, I know. See you," Binaba ko na ang cellphone bago makapasok sa sasakyan. Dumiretso ako sa living room at halos lumuwa ang mata ng makitang ang daming tao, gosh. Ano 'to party?! Akala ko ay kami kami lang wtf. Walang habas na dumaan si Dominic sa harapan ko pero maya maya ay bumalik nang malamang ako. "Eisz! You're here. Akala ko hindi ka na pupunta," "Nalate lang," Napakamot ako sa'king noo habang nililibot nang tingin ang paligid. "Where's Lea and Jess?" Parang naging bar ang living room nila Jessica. Maraming high tables at kapwa mga nakatayo lang ang mga ka schoolmates namin. "There," Nakaturo siya sa kung saan. Napakunot ang noo ko sa kanya dahil nagpipigil siya nang ngiti habang nakatitig sa'kin. Malakas ko siyang binatukan. "What's funny?!" I glared at him. "Akala mo ata sleepover ang pupuntahan mo," Tinignan niya ko from head to toe. Napasimangot ako at tinignan ang suot. Eh, ano naman?! "It's not pajama! Wala ka talagang alam sa fashion," Inirapan ko siya at iniwan doon. Hahanapin ko na lang ang mga friends ko. Bawat table ay panay ang ngiti ko sa mga kakilala. Mga kabatch namin ang narito. "Hey Eisz!" Humarang ito bigla sa dadaanan ko. I faked my smile at Monique. Well, I actually don't like her. "What school ka na mag aaral?" Maarteng tanong niya. "I don't know," I shrugged and left. Tuwing may nagtatanong ay laging ganun ang sagot ko. Paniguradong uulanan ako ng tanong ng mga 'yan kapag sinabi kong sa ibang lugar ako lilipat. Napasimangot ako nang makita si Lea na nakikipag usap sa crush niya. Si Clifford na baseball player. Nagbubulungan pa silang dalawa dahil masyadong malakas ang music. Pumunta na lamang ako sa garden para roon na lang tumambay. Ayokong makihalubilo sa schoolmates namin dahil iisa lang ang itatanong nila at ayoko namang sagutin. "Hi," Si Wendell, tumabi ito sa'kin. "How's your Mom?" Saglit ko lang siya tinignan at binalik ulit ang tingin sa mga isda. "Fine, I guess," Hindi ko alam talaga. Hindi pa naman siya nagpapagaling. Patuloy pa rin siyang nagtatrabaho. "So, you're really going to study in Pampanga?" I nod. Hindi ko tinitignan. Sa totoo lang ayoko na mabalik 'yung feelings ko sa kanya. Masyado na kong maraming problema para problemahin ko pa 'yun "Uh...uhm...I'm going to miss you, real bad," Paasa ampeg. Lakas na naman magbigay ng motibo tapos iiwan ka rin sa huli. "1 year lang naman," Pasimple akong umirap. Akala mo naman eh mamamatay na ko para mamiss niya ko, real bad real bad pa siya diyan. Daming alam. "Eisz!!" Agad kong tinignan ang sumigaw. Oh, gosh. Thank you, Lord. Mabilis akong tumayo at lumapit sa mga friends ko. Geez, mabuti na lang dumating sila. Agad ko silang kunwaring niyakap. "Aw, I miss you, guys." Madrama kong saad. "Ay, nasira ata namin moment niyo," Pang aasar ni Jessica na kinasimangot ko. "Hindi ah!" "Hey," "Hi Wends! I hope you enjoying. Pa goodbye party na rin 'to kay Eisz," Natatawa niyang sambit. "Excited ako paalisin?! Next month pa kami aalis, tanga." I rolled my eyes. "Wala ng magsusungit," Nakangusong sambit ni Dominic. Nandito pala 'tong baliw na 'to. Ngayon ko lang napansin. "Hoy! Bakit iniwan mo si Innah, roon?!" Hinampas ni Lea ang kakambal niya at sinamaan nang tingin. Matchmaker 'yan si Lea. Gusto niya si Innah para sa kapatid niya. "Ayoko ron! 'wag ka ngang feeling kupido," Natawa ako roon. Pinilit pa rin nang pinilit ni Lea ang kakambal niya para puntahan ulit si Innah. Ang tagal na niyang matchmaker sa dalawang 'yan pero wala talaga, hindi talaga gusto ni Dominic. Si Lea lang itong mapilit. Sa mga party na ganto puro lang kami chismis. Tamang sayaw lang, tamang kain. We're just 16, menor de edad, bawal ang alak. Pasado alas diyes ay nagsisimula nang magsi uwian ang iba. Dito kami matutulog nila Lea. Sumama ang mukha ko nang makita na naman si Dominic na tumatawa habang papunta dito sa'ming direksyon at nakatingin sa'kin. Pagtitripan na naman ako ng hudas. "Ready-ng ready ka na matulog, Eisz." Odiba. Walang sense kausap. "Ayain ko kaya si Innah mag sleepover dito. What do you think?" Biglang nataranta ang mukha niya at hindi alam ang gagawin. Bahagya akong natawa roon. Tiklop kaagad eh. "Oh s**t, no way." "Ano? Pipikonin mo pa 'ko?" I smirked at him. He smiled sweetly and held my hands. "Oh pinakamaganda at pinakamabait na yelo hinihingi 'ko ang tulong mong mapalayo ako kay Innah bruhilda," Malakas akong napatawa habang binatukan siya nang kakambal niya. Nagkulitan lang kami lahat bago nag desisyon na maghilamos na pagkatapos ay mag momovie marathon. Dito na rin matutulog si Doms at Wendell. Parang dati lang. Ewan ko ba kung ba't bumalik kami sa dati kung kailan aalis na 'ko. Kinabukasan ay nagtatakha akong gumising dahil wala sila Jessica sa paligid. Magkakatabi kaming tatlo samantalang ang boys ay sa guest room natulog. Agad akong nagtungo sa cr for my morning routine. Habang pababa ng kanilang hagdan ay hindi ko mapigilang mainis. Hindi man lang nila ko ginising. Malay ko ba kung nag jogging sila or what tapos hindi man lang ako sinama. Mula sa pagkakasimangot ay halos lumuwa ang mata ko dahil sa gulat. Lumabas mula sa kusina silang apat. Jessica's holding a cake. Birthday ko ba? Sumaboy ang confetti sa paligid. Binatukan ni Wendell si Dominic na siyang nag saboy nito. "You're late, dumbass. Hindi na siya nagulat," Sobrang inis na sabi niya na ikinangiti ko. "What is this for?" Naguguluhan ako dahil hindi ko naman birthday at parang may pasurprise pa sila. Napa awang ang aking labi nang magsimulang maging emosyonal ang dalawa kong kaibigan. "We're really going to miss you. So bad, Eisz. Nasanay na tayong tatlo habang nagsisimula pa lang ng high school. Hindi namin ma imagine na kami na lang muna ni Lea ang magkasama next school year." I started to get teary eye. Sobrang overwhelm sa ginagawa nila ngayon. I feel so appreciated. I will surely miss them so bad, too. "Isang taon lang naman, Jessica. Huwag ka ngang OA diyan! Mabilis lang 'yun," Panira ni Dominic kaya napahalakhak ako habang may tumulong luha sa'king mata. "Don't spoil the moment, Doms." Mariing sambit ni Wendell kaya napatakip ng mahigpit ito sa kanyang bibig. Nakatanggap siya ng tadyak kay Lea bago ako sinunggaban ng mahigpit na yakap. "Wala nang magsusungit every morning. Wala nang matakaw every lunch. Wala na kaming aalagaan every night. We can't imagine everyday na hindi ka kasama. But ofcourse for your Mom, for you. We pray for the good health of Tita para makabalik na agad kayo rito," Sa buong high school namin. Hindi ko pa nakitang mag drama ng ganito si Lea. Hindi ko pa rin naririnig ang boses niyang ganto kalungkot. Lagi kasi siyang palaban at sobrang siga kung magsalita. Nilapag ni Jessica ang cake sa table at agad na nakisali sa yakap. "Kahit nandito ka pa namimiss ka na agad namin. Paano pa kaya kapag nasa malayo ka na," Narinig ko ang halakhak ni Jess at ang munting hikbi ni Lea habang nakasubsob sa leeg ko. "We are allow to visit you naman, right?" Humiwalay siya at tinignan ako. Agad akong napatango. "Ofcourse! Anytime," Nakisali na rin sa yakap sila Dominic. Patuloy siya na nang asar kaya ang hikbi ay napalitan ng tawanan. Mabilis na lumipas ang araw. Busy kami sa requirements na kailangan tapusin. Busy pa rin si Mama sa restaurant na maiiwan niya rito. Ang iba naming gamit ay inilipat na sa bahay ng lola ko roon sa Pampanga. We need to hurry. Mag iinquire pa kasi ako sa mga school doon. Hindi ko alam kung tumatanggap ba sila ng agad agarang pag transfer since dito sa Manila ay hindi sila pumapayag sa ganoon. Kailangan ay makapag exam ka pa at makapag interview para makapasa. "Kuya naman!" Pagkabukas ko ng kwarto ay mukha niya kaagad ang nakita ko, pipihitin na sana ang doorknob. Muntikan pa kaming magkabungguan. "Pack your things. Aalis na kayo ni Mama," Napanguso ako. Para namang pinapalayas niya na kami. "Sasama ako. But after you transfered babalik na ko rito," Tumalikod ako at nilibot nang tingin ang kwarto ko. Hay, my yellow room. I'm gonna miss this, too. Pagkatapos mag ayos ng gamit at sarili ay para akong tanga na naglibot sa buong kabahayan. Ang hagdan kung saan ako gumulong gulong dahil nalaglag ako noong 8 years old. Sa garden kung nasan ang mga coi fish dati ni Mama na pinatay ko lang dahil nasobrahan sa pagkain. Sa kitchen na muntikan ko ng mahiwa ang kamay ko dahil pinakealaman ko ang mga kutsilyo. Sa dining room na puro tawanan at asaran. Sa living room na favorite naming tambayan nila Lea. Hays, ang drama. Babalik rin naman kami agad rito. "Eisz, anak." Napalingon ako kay Mama. "Are you done?" I smiled and nod. "Yes po, nasa car na rin ang mga gamit ko." Lumapit ako at niyakap siya. Gusto kong sabihin na magpagaling siya agad para umuwi na kami rito ulit pero parang naubusan ako ng boses. Dahil alam kong iiyak ako kapag nagsalita pa 'ko. "Hindi mo ba papapuntahin dito ang mga kaibigan mo? For the last time, Eisz." Pababa ng hagdan si kuya at may dala ring maleta. Marahil ang gamit niya. Agad akong umiling at malungkot na ngumiti. Baka hindi ako maka alis kapag nakita 'ko ang mga malulungkot na mukha nila Lea. "Okay, lets go." Mabilis lang ang naging byahe dahil malapit lang rin naman ang Pampanga. Mga dalawang oras lang. Buong byahe ay nakatitig lang ako sa tanawin. It's been awhile since I saw a green places. Mga walang buildings, establishments and business places. Siguro good thing rin na dito muna kami at makalanghap ng sariwang hangin si Mama. Pagkarating sa bahay ni Lola or Inang this is what we call her. Buong pamilya ata ni Mama ay sinalubong kami. Mula sa'ming tatlo noon ay parang lumaki ang pamilya namin. Ang sarap sa feeling. "Dalagang dalaga na si Kelsey," Sambit ng isa kong Tito pagkatapos kong mag bless. "Kalagu na! Bawal muna ang boyfriend," Ang isa ko namang Tita. Hindi ako nakakaintindi ng kapampangan. Mga basic lang ang alam ko katulad ng sinabi niya na ang ibig sabihin ay maganda raw ako. Psh. Pagkatapos kong mag bless sa mga kapatid ni Mama at sa'ming Inang ay kinaladkad na 'ko ni Ate Belle papunta sa aming magpipinsan. "Ate Kelsey!" Masayang sigaw ni Princess na ang laki na. Grabe, last na punta namin dito ay 5 years old pa lang ata siya. Ngayon ay parang 8 na siya or 9. Pinasadahan ko ng tingin ang aking mga pinsan na nagkalat sa living room ng bahay. Mas malaki ang bahay na ito kumpara sa bahay namin sa Manila. Para na nga itong mansyon dahil sa laki. Tatlong magkakapatid sila Ate Belle. Siya ang panganay, sumunod ay si Joaquin at ang bunso ay si Princess. Anak sila ni Tita Myleen. Samantalang only child naman si Kuya Charles na anak ni Tita Myra. Si Kuya Carlo at Jm ay anak ni Tito Louie. Si Jhonny at Jumbo ay anak naman ni Tito Allan. "Ah! Thank god! Nandito ka na rin may kasama na rin akong babae," Natatawang sambit ni Ate Belle. Nakahawak sa kaliwang kamay ko si Princess na parang ayaw na kong pakawalan. "Si Kelsey 'yan? Siya na 'yan?" Inismiran ko si Kuya Charles. "Lalo siyang pumanget," Natawa silang lahat samantalang hinampas siya ni Ate. "Ika matsura!" Asar ni Ate sa kapampangan na ang ibig sabihin ay panget. Nag asaran sila gamit ang kapampangan kaya wala kong naintindihan! Kapag tumawa lang ang iba ay siyang pagtawa ko rin at kunwari ay nakakarelate. Paano ako makakapag aral dito niyan? Hindi ko alam ang lenggwahe nila. "Mangan tana," Narinig kong sambit ni Tita Myra nang dumaan sila sa living room. Tuwang tuwang umakbay si Kuya Karlo at Kuya Charles sa kuya ko. Si ate naman ay agad akong hinatak sa dining area. "Kain na raw," Natatawa niyang sambit dahil hindi ko naintindihan ang sinabi ni Tita. Napuno nang kwentuhan at asaran ang hapag kainan. Ngayon ko nafeel ang ganitong saya kahit na ganto rin naman kami dati sa Manila pero iba pa rin talaga kapag malaking pamilya ang kasalo. Pagkatapos kumain ay nagpunta naman kami sa garden para ipagpatuloy ang pagkukwentuhan ng mga thunders. Inaya ako ni Ate na ilibot niya ko sa buong kabahayan na agad kong kinapayag. Wala rin kasing sense kung makikinig ako sa kwentuhan nila dahil nga wala akong naiintindihan! "So, this is my new room. Next lang sayo," Agad kong nilibot nang tingin ang buong kwarto niya. Queen size bed. Bookshelves. Study area. Coffee table. Couch. And her achievements in school. Sikat ang Ate Belle sa pamilya dahil sobrang talino niya. Valedictorian siya sa elementary at high school. Mas matanda siya sa'kin ng isang taon lang pero sobrang strict nang pamilya namin kaya kailangan mo pa ring mag ate. "Kailan mo gustong mag inquire?" Naupo siya sa kanyang kama. "Sasamahan kita," Nag isip ako kung kailan at saan nga ba. "Kung saan ka na lang nag aaral, Ate," Naupo ako sa couch na nasa tabi lang ng kanyang kama. She laughed. "Hindi ka papayagan. Sa Angeles pa ang school ko," Sabi nga ni Mama ay malayo ang school na pinag aaralan niya. "Mabuti nga at pinayagan ako ni mommy mag dorm," Naging sobrang issue sa family ang gusto niya. Hanggang sa'min sa Manila ay nabalitaan 'yun. She wants to study in an university in Angeles raw. Eh nasa Floridablanca kami na medyo malayo sa Angeles. Ayaw siyang payagan dahil automatic mag dodorm siya at matututong maging independent. "U-uhm I guess. I need to convince, Mama." Ngumuso ako habang nakasimangot. Nang kinagabihan pagkatapos ng dinner ay agad akong pumuslit sa kwarto ni Mama. "Eisz? Do you need anything?" Nadatnan ko siya na nasa study table at nag lalaptop. Umupo ako sa couch habang kinakagat ang pang ibabang labi. "Uhm, I want to study where ate's studying," Lumingon siya sa'kin kaya nagkatinginan kami. "No, Eisz. First time mo lang dito, hindi ako papayag na magpapaka independent ka kaagad," Binalik niya na ulit ang atensyon sa laptop. "But Ma, Ate's there naman eh. Hindi naman ako mag iisa," Hindi ko siya titigilan hangga't hindi ko siya napapapayag. "Eh kung nasa same year sana kayo pupwede pa. But she's older than you! Mag iisa ka. Hindi ka niya masasamahan sa lahat dahil may ginagawa rin siya," Napanguso ako at napatayo. Pumunta ako sa gilid niya. Maglalambing. "Ma, I want to be with ate. Tsaka University na agad 'yon," Pamimilit ko pa. "No, Eisz, no." Final na sabi niya. Psh. "Saan naman ako mag aaral kung ganon," Tumalikod ako at halos magpapadyak sa inis. "Sa ISI. Doon nag aaral ang halos lahat ng pinsan mo," Napairap ako. "Don't be hard headed. Next year ay sa Manila na ang Ate mo para sa college. Maiiwan ka roon. Hindi pwede," Napatango na lang ako at lumabas ng kwarto. ISI. Sounds good naman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD