"Ate Kelsey, hurry up! We're getting late," Sigaw ni Princess sa ibaba. Agad kong kinuha ang small backpack ko at nagmamadaling lumabas.
I'm wearing a civillian. Sa mga transfery ay required na 1 week civillian. Ewan ko ba kung bakit.
Pagbaba ay nadatnan ko ang dalawa kong pinsan na makakasabay pumasok. 6:30 pa lang at 7:30 ang pasok ko samantalang sila ay saktong 7. Ibig sabihin lagi akong early bird niyan dahil sa kanila. Agad na sumakay sa shotgun seat si Joaquin at sa back seat naman kami ni Princess.
"I'm so excited! I'm now grade 6," Natawa ako sa tinuran nito. Silang tatlong magkakapatid ay parehong graduating. Si Princess ay sa elementary, si Joaquin ay sa junior high school at si Ate naman ay sa senior high school.
Mabuti pa siya ay excited. Hay. Samantalang ako? Sobrang kabado. Last week pa ko na enrolled. Nilibot na rin namin ni Ate para maging familliar ako agad. Dun rin kasi nag elementary at high school si Ate.
Nang makarating sa parking ay pinilit pa kong hatakin ni Princess pababa ng sasakyan dahil bigla akong naduwag. Parang ayoko na pumasok. Biglang ayaw ko na mag aral.
Hinatid naming dalawa ni Joaquin si Princess sa elementary building. Tinignan ko ang wrist watch ko at nalamang may 10 minutes pa para hindi malate etong si Joaquin.
Pinanood namin pumasok si Cess na kumaway kaway pa halatang halata ang excitement sa mukha.
Sana all.
I heaved a sighed.
"Ate, you okay?" Lumingon ako kay Joaquin at ngumiti. "I can ditch my first subject to accompany you,"
Napasimangot ako at inakbayan siya. "No way! I can manage naman. Maglilibot muna ako rito hanggang mag 7:30," I smiled sweetly just to assure him. He is so sweet. Isang taon ang tanda ko sa kanya pero kung umasta siya ay mas matanda siya sa'kin.
Nagpumilit pa rin siyang samahan ako pero nakarating na kami sa building niya kaya tinulak tulak ko siya para pumasok na.
Nilingon niya ko habang malungkot ang mukha. Kumaway ako habang nakangiti ng malawak para hindi na siya mag alala pa.
Nang hindi ko na siya makita ay tumalikod na ko at huminga ng malalim.
This is it. Face your fear, Kelsey Eisz. You can do this. We can do this.
Naglakad lakad ako sa field just to ease my nervousness. Nakaka relax dito. Sobrang ganda at laki ng field. Nahiya ang school ko sa Manila.
May mga building na nakapalibot sa field. Pawang hanggang third floor lang pero mahaba. Hindi katulad sa Manila na hanggang 6th floor ang bawat building. Sa dulo ng field ay may mga nagtitinda ng street foods at agad akong nagpunta roon.
Ah! I miss this! Namiss ko ang foodtrip namin nila Lea. Sobrang amazed ako dahil hile hilera ang mga nagtitinda. Agad kong nilabas ang aking cellphone para picturan at isend sa group chat namin.
Naupo ako sa bench habang masayang nilapag ang binili kong mga street foods. Nilabas ko ang cellphone ko para tignan ang reply nila Lea.
"Wish we are there,"
"Ka aga aga! Wala ka pa bang klase?"
Napangiti ako at nag reply sa kanila habang kumakain. Tumingin ako sa orasan ng cellphone at nalamang 7:30 na! Wtf! Late na ko.
Dali dali akong tumakbo pabalik habang punong puno pa ang bibig dahil sa mga kinakain. Inisang subo ko na lang. Hindi kaya magka appendicitis ako neto?! Ang bilis ko pa tumakbo! Para akong nag mamarathon. Kapag ako nadapa dito jusko mababasag ata ang nguso ko.
Nang makita ko ang senior high building ay agad kong hinanap ang room ko. Nang nasa harapan na ay nilabas ko ulit ang cellphone ko para tignan ang sarili. Oh my god, sobrang haggard ko na. Hayaan mo na nga. Sobrang pula ng cheeks ko dahil sa pagod kakatakbo at sa sobrang init.
Binuksan ko ang pinto at halos nakahinga ng maluwag nang malamang wala pang teacher. Halos manlamig naman dahil sa lamig ng room at halos lahat pala sila ay nakatingin sa'kin. Gosh, pansin na agad nila ang pagka haggard ko.
Nilibot ko ulit ng tingin ang paligid dahil hindi ko alam kung saan ako uupo. Ang weird ng seating arrangement dahil ang nasa first row ay dalawa ang nakaupo, second row ay dalawa lang rin pero sa tingin ko ay pang tatluhan dahil may isa pang upuan doon. Agad akong dumiretso roon para maupo.
Gusto ko sanang sa likod maupo pero sa tingin ko ay wala na kong mauupuan roon. Lumingon ulit ako para tignan ang nasa likod na bahagi. Puro mga lalaki ang naroon. Mga anim sila. Parang domino ang seating arrangement. Sobrang weird.
Tumingin na lang ako sa harapan at tinignan ang katabi ko na pawang mga nag cecellphone kaya ganun rin ang ginawa ko.
"My section is so weird," Chat ko sa gc namin. Napatingin ako sa pintuan nang makita ang magiging teacher siguro namin. Umayos ako ng upo, ganun din ang katabi ko. Naka civillian din siya. Transfery rin siya?
"Good morning 11-A. I'm sorry, I'm late," Tumungo siya sa desk niya habang nakangiting nakatingin sa'min. Hinihintay ko silang tumayo para batiin rin ang teacher pero hindi ata uso dito 'yun. Wala ba silang pag galang sa guro? Ang weird talaga.
"I'm your EmTech teacher. I'm Patrick Manalang. Just call me Sir Pat," Nakatitig lang ako sa kanya. Chubby siya at kayumanggi ang balat.
May pinaabot siyang papel sa'min at sinabing ipasa sa likod. Exam 'yun na hindi ko alam. Wtf? First day pa lang exam agad?! Hindi pa ko familliar dito. What's this?!
"Okay lang kahit manghula kayo. Titignan ko lang kung pamilyar ba kayo sa subject ko," Sambit niya bago kami inallow na sagutan na. Gaya nga ng sabi niya okay lang kahit manghula kaya ganun na lang ang gagawin ko.
Agad naman akong natapos dahil innie minnie maynimo ko lang. Malay ko ba rito, eh hindi rin pamilyar sa'kin. Tinignan ko ang katabi ko na sumasagot pa rin hanggang ngayon kaya tinignan ko na lang ang mga sagot niya. Maya maya ay tumingin rin siya sa'kin kaya nagkatinginan kami.
Nakakahiya! Baka akala niya ay nangongopya ako.
"I'm already finished," Ngumiti ako ng awkward. Gosh, nagmukha ata akong guilty?! Eh hindi naman siya nagtatanong kung tapos na ba ko o hindi?!
Tumingin siya saglit sa papel ko at tumingin ulit sa'kin pero agad ring binawi at tinignan ulit ang papel ko. May mali ba sa papel ko? Nahalata niya bang nanghula lang ako?
"Kelsey Sandoval?" Nagulat ako sa biglang pagtawag niya sa pangalan ko. Ah, pangalan ko pala ang tinitignan niya.
"Uhm, yeah. What's yours?" Tanong ko. She seems nice, though. Napatingin ako sa katabi niya na nakatingin sa'kin. I smiled at her and she smiled back.
Akala ko noong una ay magkakilala sila pero hindi pala. Sabagay, transfery itong katabi ko samantalang ang katabi niya ay naka uniform. Old student. Ang sabi ng mga pinsan ko ay ganoon nga raw dito. Sa unang araw ay naka civillian ang mga transfery.
"Mela Rose," Nakangiting sabi niya. Napatingin ako ulit sa katabi ni Mela Rose na naka uniform.
"How about you," Puna ko rito. Mukha siyang nagulat pero kalauna'y ngumiti rin.
"I'm Ivy. Ang taray! Englishera natin," Tumawa siya kaya napansin ata ni Sir Pat kaya agad siyang napatayo.
"Finished? Pass your papers. Introduce yourselves after,"
Nagsimula sa likod ang pagpapakilala. Puro lalaki iyon at wala man lang akong natandaan. Halos lahat sila ay nagkakapampangan at tumatawa kapag nag jojoke ang iba. Pinipilit kong intindihan pero hindi ko talaga maintindihan!
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa kaba. May mga transfery rin na nagpakilala pero pawang taga Pampanga rin. Napahinga ako ng malalim nang tumayo ako dahil turn ko na.
Nagpunta ako sa harapan at umayos ng tayo.
"I'm Kelsey Eisz Sandoval. Actually, I'm from Manila but due to family matters we need to move here," Tinignan ko silang lahat na pawang nakatitig sa'kin. Lalo tuloy akong kinabahan. "Uhm u-h I can't understand and speak kapampangan. So please, bear with me," Ngumiti ako bago nagmamadaling maupo.
Hanggang natapos ay wala man lang akong natandaan na pangalan sa kanila. Ang alam ko lang ay etong dalawang katabi ko.
Nang mag ring ang bell hudyat na lunch break na ay nag ayos na kami ng gamit. Pansin ko na agad ang grupo grupo sa section namin na naglalabasan. First day pa lang naman bakit parang magkakakilala na sila? Classmates rin ba sila 'nung junior high school?
"Sabay sabay na tayong mag lunch," Sabi ni Ivy at kinuha ang backpack niya. Nauna na siyang lumabas kaya sumunod kami ni Mela Rose.
Nang pababa kami sa hagdan ay halos mahulog ako dahil sa gulat. May bigla ba namang mang akbay. Ang lakas ng tama!
"Hi guys! Pwede ba akong maki lunch," Magiliw na sambit niya. Mukha naman siyang nice kaya ngumiti ako at tumango.
"Saan ba tayo mag lalunch?" Tanong ko sa kanila. Napatingin sa'kin si Ivy na kanina pa tahimik.
"Hay salamat! Nagta tagalog ka. Kanina pa ko nag iisip kung paano makipag usap sayo in english," Narinig ko ang halakhak ng mga kasama namin.
"Muret!" Natatawang sambit ni Mela Rose na hindi ko naintindihan.
"What's muret?" Natawa ulit sila nang magtanong ako.
"Ano ngang tagalog 'non?" Si Mela Rose na napakamot sa ulo niya. Mukhang hindi sanay na mag translate sa tagalog.
"Baliw ata?" Sabi 'nung bagong kasama namin. Hindi ko alam ang pangalan niya. Hindi ko naman siya masyadong napansin sa introduce yourself, actually wala kong napansin. Nakakahiyang itanong ang name niya kaya nanahimik na lang ako.
"Oo, baliw nga ang tagalog 'non," Tatawa tawang sabi ni Ivy. Nakakahiya dahil mukhang sanay sila sa kapampangan at hindi sanay makipag usap sa tagalog na kagaya ko.
Ngayon ko lang napansin na tatlo pala kaming naka civillian. Si Ivy lang ang naka uniform sa'min. Transfery rin ba silang dalawa?
"Daan muna tayo sa milktea, gusto niyo? Kanina pa kasi ako nag ccrave roon," Tumango ako bilang pag sang ayon. Gusto ko rin mag milktea.
"Transfery din kayong dalawa?" Hindi ko na napigilang tanong. Napatango naman sila.
"Oo, sa Lubao ako dati nag aaral," Sagot ni Mela Rose.
"Ako sa Rizal, pero 'nung g7 at g8 dito ako sa ISI," Sagot 'nung hindi ko alam ang pangalan. Ugh! Ano ba ang pangalan niya?!
Nang makarating sa milktea-han ay kaming dalawa lang ni Ivy ang nag order. Habang hinihintay namin ang order ay biglang may tumawag sa cellphone ni Shantal. Narinig ko ang pangalan niya sa katawagan dahil video call 'yon.
"Sila 'yung mga new friends ko," Tinapat niya samin ang cellphone kaya awkward akong kumaway. Maingay at madaldal itong si Shantal.
Napagpasyahan nilang mag street foods na lang sa dulo ng field. Yung kinainan ko kanina. Kahit kumain na kanina ay nag order pa rin ako.
Pagkatapos ay bumalik na rin kaming room. Panay kwento si Shantal tungkol sa buhay niya. Kanina pa nga siya nag kukwento eh. Broken fam sila at tatlong magkakapatid. Nasa Rizal ang mother niya at nandito naman sa Pampanga ang father niya. May kanya kanya na rin daw na pamilya. Mala mmk rin eh.
"Tapos 'yung ate ko nasa ibang bansa. Doon na rin kasi sila nag stay ng asa- hala! Classmates natin oh!" Naudlot ang pagkukwento niya at tinuro ang grupo ng mga kalalakihan na nasa harapan namin.
"First day pa lang pero grabe kilala mo na sila agad," Natatawang sabi ni Mela Rose.
"Syempre! May crush na nga ko eh," Dahil sa sinabi niya ay napabunghalit kami sa pagtawa. Ibang klase! Ano 'yun love at first sight? "Ayun! Yung naka black na bag na nike," Tinignan ko ang tinuturo niya.
Kaso likod lang ang nakikita ko.
"Loka! Si Andres," Saad ni Ivy.
"Kayo ba? Sino type niyo?" Umiling lang ako sa tanong niya pero sige sagutin ko na rin.
"Wala, first day pa lang naman," Si Ivy ay ganun rin ang sagot. Etong si Shantal lang ang mabilis mag ka crush. Samantalang si Mela Rose ay hindi na nakasagot dahil nakarating na kami sa classroom.
Nahiwalay samin si Shantal kaya nilingon ko siya habang binababa ang backpack ko. Nasa pangalawang last row siya at halos kaibigan niya na ang mga naroon. Pati ang mga lalaki ay nakakausap na niya. Mukhang close na close na nga sila eh.
Sana all friendly.
Mukhang natagalan ata ang pag tingin ko kaya nakatingin na rin sakin ang iba. Agad kong iniwas ang tingin.
Narinig ko ang halakhakan nila kaya lalo akong nahiya. Pinagtatawanan ata ako. Dumukdok na lang ako sa lamesa.
"Kelsey, may sharpener ka?" Napa ayos naman ako ng upo at umiling kay Ivy na nagtanong. Kinalabit niya naman 'yung dalawang babae na nasa harapan namin.
"Hello! Atin kang pantasa?" Umiling naman ito. Kinalabit niya naman 'yung mahabang buhok pero hindi lumilingon. Napairap si Ivy kaya nagkasalubong kami ng tingin.
She mouthed. "Ang sunget!" Natawa ako rito.
Para ngang ang seryoso sa buhay netong dalawang nasa harapan namin eh. They seems close. Siguro classmates dati since naka uniform sila.
Maya maya ay dumating na rin ang teacher namin sa Entrep. Laking pasasalamat ko dahil hindi na siya nagpa introduce yourself pero tinawag niya isa isa ang names namin para sa attendance.
"Kelsey Sandoval?" Agad akong nagtaas ng kamay and said present. "What's the pronounciation of your second name?"
"Uhm, Eisz po as in Ice," Napatango naman siya at tinawag na ang iba.
Kinalabit naman ako ni Ivy kaya lumingon ako sa kanya.
"Astig naman ng name mo!" Ngumiti ako rito.
"Eisz na lang ang tatawag namin sayo," Sabi ni Mela Rose kaya tumango ako.
"Sure," Tumingin na rin kami sa harapan dahil pinapaliwanag na ang subject na ngayon lang namin na encounter.
Last subject namin ang entrep kaya uwian na rin saktong 2. Samantalang ang mga pinsan ko ay 3:30 ang uwian. Hihintayin ko sila para sabay sabay na kaming umuwi.
"Bye guys!" Magiliw na sigaw ni Shantal pagkalabas namin ng building.
"Bye, see you tomorrow," Nakangiti kong sambit.
Kumaway si Ivy habang papalayo. "See you!"
"Byebye, mingat!" Pahabol ni Mela Rose bago kami nagkahiwa hiwalay.
Dahil marami pang oras ang hihintayin ko ay gumala na naman ako sa field. Magpapa gutom muna ako rito. Naupo ako sa nakitang bench at nilabas ang cellphone.
"Class done. I already have a new friends. Ang nice nila :P"
Nagchat ako sa gc namin. Hindi naman sila online marahil may klase pa.
Habang pinapanood ang mga naglalakad ay may dumaan sa harapan ko na grupo ng kababaihan at may kinakain silang fries!
Gusto ko bigla ng fries! Agad akong tumayo at maghahanap ng mga nagtitinda ng fries dito. Saan ba? Wala naman akong napansing nagtitinda kanina.
Syempre meron niyan sa dulo ng field.
Ngayon ay mas dumami ang tao, sa tingin ko ay kapwa kasenior high school ko lang rin sila. Hindi ko naman malaman kung may classmate ba ko rito dahil hindi pa ko pamilyar sa kanila.
"Uy classmate!" Nagtatakha akong tumingin sa lalaking ngiting ngiti habang nakatitig sa'kin. "Si Manila girl!" Sambit niya pa kaya siguradong ako talaga ang kinakausap niya.
"Saan punta mo?" Nag smile rin ako sa kanya para naman magmukha akong nice.
"Uhm wala, nag titingin lang," Sagot ko. Nakakahiya namang sabihing naghahanap ako ng nagtitinda ng fries dito.
"Kanina pa dismissal ah. Hindi ka pa uuwi?" Tuluyan na siyang nakalapit sa'kin. Okay lang naman since classmate ko siya. Hindi lang talaga ko sanay dahil sobrang nice nila, eh ngayon pa lang kami nagkakilala. Iba talaga ang probinsya, ano?
Kung Manila ito hay nako pataasan ng pride kung sino ang mag fifirst move.
"Hinihintay ko ang mga pinsan ko. 3:30 pa dismissal nila eh," Napatango tango naman siya at napabaling doon sa katabi niyang lalaki. I wonder tuloy kung classmate rin namin siya.
"Nga pala tropa ko. Si Jasther," Pagpapakilala niya rito. Napatingin ako roon sa lalaking katabi niya at ngumiti pero maya maya ay napakunot ang noo ko.
"Kambal kayo or magkapatid?" Hindi ko mapigilang tanong. Magkamukha kasi sila! Sabay silang napahalakhak at umiling etong si classmate ko. Geez! I don't even know his name!
"Hindi ah! Tropa ko lang yan mula grade 7 pero ang dami ngang nagsasabi na magkamukha kami," Saad niya na natatawa. Natawa rin ako dahil mali pala ko. Siguro lagi silang magkasama kaya naging magkamukha na.
Patuloy lang kaming naglalakad sa mahabang hilera ng mga street foods dito sa dulo ng field.
"Saan ba ang nagtitinda ng fries dito?" Natanong ko na rin dahil gutom na ko. Agad naman niyang iminuwestra ang nagtitinda ng burger sa hindi kalayuan.
"Diyan sa mga burgeran automatic na mayroon diyan," I smiled at him and said thanks. Bumili rin sila ng fries at burger. Naupo kami sa bench na malapit habang hinihintay ang mga binili namin.
"Iba talaga kapag class A nasa inyo mga transfery," Rinig kong sambit ni Jasther.
"Animal, akala ko ba lilipat ka?" Hinayaan ko na lang silang mag kwentuhan at nakikinig lang. Nang magkapampangan na sila ay tinamad na ko makinig at nilabas na lang ang cellphone ko.
Wala pa ring reply sila Lea. Sabi kasi nila ay ala singko pa ang uwian nila kaya paniguradong nagkaklase pa.
Naglalakad na kami ngayon patungo sa elementary building. Sinamahan na nila ko dahil ewan ko nag volunteer sila eh.
"Hindi pa ba kayo uuwi?" Tanong ko sa kalagitnaan ng pagkain ng fries.
"Pauwi na sana kanina kaso nakita kita. Sabi ko na nga ba mabait ka eh," Napakunot ang noo ko dahil hindi ba ako mukhang mabait? Ang dami kayang nagsasabi na ang amo ng mukha ko!
"Pinagkakamalan ka kasing masungit ng mga classmates natin kanina. Ang ilap mo kasi sa'min eh!"
"Ate Kelsey!" Masayang tumatakbo papalapit sa'min si Princess habang kumakaway pa. Nandito na pala kami hindi ko man lang napansin.
"Ah sige, Kelsey. Una na kami. Ingat pauwi," Tumango ako at ngumiti.
"Ingat rin," Sinundan ko sila ng tingin paalis hanggang maramdaman ko ang presensiya ng pinsan ko.
"Oh? Who's that cute guy, ate?" Agad na tanong nito. Yumakap siya agad sa braso ko at tumungo na kaming parking lot.
"Classmate. You find him cute?" Well, cute nga naman kasi talaga siya pero hindi ko alam ang pangalan. Psh. Nakakahiya kasing itanong.
"Yeah, I saw his face. Cute siya ate!" Natawa ako sa tinuran niya. Naisipan ko tuloy siyang asarin.
"Honestly, he looks like gay," Akala ko talaga 'nung unang pag approached niya sa'kin bading siya. Chinito kasi at maputi. Tapos medyo madaldal pa.
"Hala ate! You're so judgemental,"
Sumunod ako sa pag sakay sa kotse habang tumatawa pa rin. Nagulat ako nang makita si Joaquin sa shotgun seat.
"Ate Kelsey? Kanina pa dismissal niyo ah," Gulat na tanong niya at nilingon ako.
"Yeah, I waited,"
"Pwede namang bumalik si Manong," Nagkatinginan kami sa rearview mirror.
"It's okay. Gusto ko lang kayo kasabay umuwi. Ayaw mo ba, quin? Huh?" Tumaas ang kilay ko sa kanya. Ngumiti siya at umiling.
"Nakakabored kayang maghintay," Tumingin siya sa may bintana. Hmm double meaning ah. Sino kaya chixx nitong pinsan ko.
"Mainipin ka lang,"
"Oo nga! Ayaw niyang pinaghihintay, ate," Singit ni Princess.
Hanggang makarating sa bahay ay pinag aasar lang namin si Joaquin.
Nang makauwi ay agad akong nag shower pagkatapos ay tinignan ko ang cellphone.
Hinanap ko ang blower para sa buhok. Nagtatakha naman ako ng sunod sunod na tunog ang naririnig ko sa phone. Sa messenger pa!
May group chat na pala agad ang section namin.
Agad kong pinindot 'yun pero wala rin akong naintindihan dahil nag uusap sila gamit ang kapampangan. Tinignan ko na lang ang mga members. Isa isa ko silang inistalk. Ang iba ay naka private account kaya profile lang nila ang nakikita ko pero sapat na siguro 'yun para makilala ko sila at maging pamilyar.
Yung cute guy na sabi ni Princess kanina ay Ronnie pala ang pangalan. Na iistalk ko na siya dahil inadd niya ko kanina. Ang iba ring classmate namin ay inadd ako.
Nag reply naman ako sa gc namin nila Lea. Pati si Wendell ay nag chat nangangamusta lang kaya nireplyan ko na rin.
Pagkatapos ay bumaba na rin ako para mag dinner.