Kabanata 4

3748 Words
Mabilis na lumipas ang araw. Hindi ko masyadong napansin dahil nag eenjoy na rin ako rito. Wala kaming pasok ngayon dahil walang power. Ang sabi ni Tita ay ganun daw talaga rito. Once a month, buong araw walang kuryente. Hindi naman kasi meralco ang kuryente rito katulad ng sa Maynila. Kahit walang pasok ay inaaya ako ni Ivy gawin ang reaction paper na pina assignment. Partner ko kasi siya roon. Kaya ko namang gawin mag isa pero ayaw niya. Gusto niyang sumama kami sa ibang classmate namin na tatambay raw sa isang bahay kung saan. Sa huli ay pumayag na lang ako. Tsaka para maging close ko na rin lahat ng classmates ko. Sinasabi kasi nilang Kj ako dahil hindi ako sumasama sa pag tambay nila after class. Nakakahiya kasi. Todo habilin sila Mama at Tita na 'wag akong papagabi. Na kesyo nasa probinsya ako at wala sa maynila na kahit gabi ay maraming tao. Akala mo naman may patayang nagaganap dito pagsapit ng gabi eh mas delikado pa nga sa maynila kahit maraming tao. Hays, gulo rin eh. Lumabas na ko sa gate namin para hintayin si Mela Rose. Magkatabi lang kasi kami ng barangay at sabi niya ay mag momotor na lang siya at aangkas na lang ako para sabay na kami. Nagtungo ako malapit sa waiting shed. Ang sabi ko kila Mama ay mamamasahe ako gamit ang tricycle. Paniguradong magagalit kasi sila kapag nalaman nilang umangkas ako sa motor. Tsaka ang weird talaga pupwede pa lang mag motor sila rito eh wala pa silang lisensiya? Menor de edad pa lang kaya kami! Pansin ko rin 'nung mga nakaraan na ang ibang classmates ko ay mga naka motor papunta at pauwi ng school. "Uy Mela Rose!" Kumaway ako rito nang maaninag ko na siya. Ngumiti siya at hininto ang kanyang motor sa tapat ko. "Sorry, naghintay ka ba ng matagal?" Umiling ako rito at tumingin sa gate namin sa hindi kalayuan. Baka bigla kasing may lumabas rito at sasakyan pala ni Mama or what. Baka mahuli pa ko, my gosh. "Tara na!" Agad akong umangkas sa likod niya. "Bilis Mela Rose baka makita ako nila Mama," Hindi naman na bago sa'kin ang umangkas sa motor. Masyadong adik si kuya sa motor at may rules kami na kapag may bagong sasakyan ay kailangan kami muna ni mama ang ipagmamaneho niya. "Hindi ba delikado 'to? Wala ka pang lisensiya!" Hindi ko mapigilang sabihin dahil kinakabahan na ko. Baka mahuli kami at wala pa kaming suot na helmet! Baka madulas pa kami sa kalsada at madedo na! "Hindi 'yan. Wala namang LTO kada linggo," Rinig kong sambit niya. Pilit akong huminahon. May tiwala naman ako sa kanya eh since lagi ko siyang nakikita 'nung nakaraan na laging naka motor kada papasok at uuwi. Nang lumagpas kami sa bayan ay hindi na ko pamilyar sa daan na tinatahak namin. "Nasaan na ba tayo, Mela Rose?" Masyadong malayo na ito sa bayan. At hindi pa ko pamilyar baka maligaw kami! Bago siya sumagot ay biglang namatay ang motor na sinasakyan namin. Rinig ko ang pagmumura niya at may sinasabi gamit ang kapampangan. "Hala? Anong nangyari?" Nagpapanic kong sambit at bumaba ng motor. Napakamot naman si Mela Rose sa kanyang ulo. "Nawalan ng gas. Akala ko aabot pa tayo eh," Napakagat ako sa'king labi habang nilibot ng tingin ang paligid. Sa likod namin ay malaking palayan samantalang sa harap ay mga bahay. "Paano niyan?" Naiiyak kong sambit dahil hindi ko alam kung nasaan kami! Hindi ko alam kung paano ang daan pauwi! Nang makita niya ang itsura ko ay napatawa siya. "Chat ko lang mga classmate natin. Malapit na rin naman tayo sa Paguiruan eh," Napatango ako at pinanood siyang nagtipa sa cellphone niya. Tumalikod na lang ako at tinignan ang malaking palayan. May mga ibon na kulay puti ang naroon. Parang minecraft lang eh. Kulang na lang may dala akong blocks at magtayo ng bahay ko rito. "Papunta na raw sila," Napabalik ang atensyon ko kay Mela Rose at tumango. Ngumiti naman siya ng alanganin sa'kin. "Sorry ah," Mukha siyang sobrang nakokonsensiya kaya ngumiti ako. "Ano ka ba! Wala 'yon," Natawa ako sa sitwasyon namin. Ayos na rin dahil nakapag relax relax ako sa pag iisip dahil sa tanawin sa palayan na ito. Naupo kami sa semento para mag hintay sa mga classmate naming irerescue kami. Pinagsisipa ko naman ang mga maliliit na bato na nasa paanan para iwas bored. "Anong nangyari?" Napatingin ako kaagad sa dumating. Naka mio sila. Si Juan ang nagdadrive at si Lyle naman ang naka angkas. Narito na ang mga classmate naming lalaki. Bumaba si Lyle at agad na sinuri ang motor ni Mela Rose. "Nawalan lang ng gas," Humawak siya sa kanyang batok na parang nahihiya. Napanguso ako habang pinapanood sila. Ipinarada ni Juan ang kanyang motor at bumaba. Nang tignan niya ko ay agad siyang napangiti. "Hello Eisz! Whoa! Sawakas sumama ka," Natatawa niyang sambit. Ngumiti ako pabalik hindi alam ang sasabihin. "Tol, tulak natin?" Nawala ang atensyon sa'kin ni Juan at napunta kay Lyle. Nag usap silang tatlo gamit ang kapampangan kaya ngumuso na lang ako. Walang naiintindihan. Nagulat naman ako sa biglang dumating. Napatigil rin sa pagsasalita ang tatlo at tumingin sa bagong dating. Napatingin ako sa kanyang motor niya na may naka dikit na sticker na ang sabi ay ducati. Small bike lang kaya ang cute! Sinuklay niya pataas ang kanyang buhok bago bumaba at nagtungo kila Mela Rose. Sinuklay ko rin ang aking buhok dahil sa init. Nakalimutan ko pa lang magdala ng pang ipit. Nagsimula silang maglakad habang akay ni Lyle ang motor. Sumunod naman agad ako sa kanila bago pa nila ko tawagin. Nakita ko ang gulat na dumaan sa mukha ni Andres na siyang bagong dating nang makita ako. "Hala! Grabe pulang pula na ang pisngi mo, Eisz," Napangiti si Lyle at Juan sa sinabi ni Mela Rose. Bigla naman akong nahiya. "Ah, mainit kasi," Sinuklay ko ulit ang aking buhok at inipon ito sa kabilang side. "Mauna na kayo. Gamitin niyo na lang ang motor ko," Rinig kong sambit ni Andres kay Mela Rose at pinasadahan ako ng tingin. "Huh? Hindi, motor ko 'to. Nakakahiya kapag pinaiwan ko rito," Sambit ni Mela Rose. Kinausap siya sa kapampangan nila Lyle pero makulit ata si Mela at hindi nagpatinad. "Hatid mo na tol si Eisz," Sambit ni Lyle. Agad namang gumalaw ang dalawang lalaki pero naunang makarating si Andres sa kanyang motor. Napanguso na lang si Juan at humakbang pabalik kila Mela Rose. Napatingin siya sakin kaya agad akong lumapit at humawak sa kanyang balikat para maka angkas. Bago umalis ay tinignan ko sila Mela na maiiwan. "Mag iingat kayo!" Munting habilin ko. Kumaway at ngumiti sila sa amin. Habang nasa byahe nahihiya ako. Hindi ko naman kasi masyadong nakakausap ito dahil sa tingin ko ay masungit siya. Ang madalas ko lang makausap na lalaki ay sila Ronnie, Lyle at Juan dahil sila palagi ang unang nag aapproach sa'kin at minsa'y nangungulit. Tahimik lang ang byahe pero maya maya ay bigla siyang nahinto dahil traffic. Nagtatakha naman ako dahil may naaaninag ako na nagkakagulo. May naaksidente ata? Itinabi ni Andres ang kanyang motor. Bumaba siya kaya bumaba na rin ako pero hindi ako sumunod sa kanya. Pumunta siya 'dun sa naaksidente ata. Grabe, ang tsismoso niya pala ah. Umaandar na ang mga sasakyan pero tumitigil rin. May nahintong tricycle sa harapan ko at may apat na lalaki ang sakay 'nun. "Uy chixx!" Rinig kong sambit ng isa. Umirap ako para malaman nilang masungit ako at magtigil tigil sila diyan. "Sungit na," Nagtawanan sila roon. "Nanung lagyu mu, teng?" Hindi ko sila pinapansin. I don't talk 'to strangers, ampeg ko. Nakita ko na ring palapit sa'kin ang kasama ko at sinuklay na naman pataas ang kanyang buhok. "Andres!" Sigaw ko rito at lumapit na 'ko sa kanya dahil naaasar ako sa mga lalaking sakay ng tricycle. Nagulat naman siya nang humawak ako bigla sa braso niya. Gusto ko lang naman malaman 'nung mga lalaki na may kasama ako! "Oh? Tol si Andres pala," Nakita ko ang hilaw na ngisi nila nang malaman ang kasama ko. "Sige tol!" Anang isa sa kanya bago umandar ang kanilang sinasakyan. Agad kong tinanggal ang kamay ko sa kanyang braso. "S-sorry," Sambit ko dahil hindi ata siya sanay na may humahawak sa kanya. "Binastos ka ba?" Mariin niyang sambit kaya umiling ako. "Hindi naman. Hayaan mo na 'yun," Ngumiti ako sa kanya at nagpunta sa harap ng motor. Tinitigan niya pa ko bago lumapit at sumakay na. Mabilis na lang ang naging byahe. Laglag ang panga ko dahil sa laki ng bahay na bumungad sa'min pagkabukas ng gate. "Wow," Hindi ko mapigilang bulalas habang tinitignan ang fountain sa harapan ng malaking bahay. Bumaba na ko sa motor at nilibot ng tingin ang kabuuan. May mga malalaking puno sa gilid ng pader. Dahil sa mga malalaking sanga ng mga punong 'yun ay nasa lilim ang nasa gitnang fountain. May statue 'yun na babae sa gitna at sa dalawa niyang kamay ay umaagos ang tubig. Nang mapatingin kay Andres ay nagkatinginan kami. Nagulat at nahiya ako sa kaalamang nakatingin siya sa'kin habang halos maglaway ako dahil sa nakikita. Nang maglakad siya ay sumunod na rin ako. Ang akala ko ay aakyat kami at dadaan sa double door ng bahay ay hindi pala. Sa gilid lang kami ng bahay dumaan. Nang lumiko ay naaninag ko na ang mga classmates namin. Parang nasa garden ata kami. Malaki 'yun at pansin ko ang swimming pool na nasa gitna. "Eisz!" Napangiti ako sa sigaw ni Ivy. Nasa gazebo sila. May mga pagkain na nasa lamesa at may videoke sa gilid. Para naman kaming magpaparty. "Uy, hello," Niyakap ako ni Ivy sa sobrang excitement. "Anong nangyari? Nasan si Mela?" Nginitian ko ang bawat classmate namin na hindi ko pa masyadong close. "Naiwan. Ayaw niyang iwan 'yung motor niya eh," Sambit ko at naupo sa isang gilid. Tumingin ako kay Andres dahil hindi man lang ako nakapagpasalamat. Kausap niya na si Bryan at si Marjohn na classmate rin namin. Napaiwas ako ng tingin ng ilibot niya ang tingin sa paligid. s**t, napansin niya pa atang nakatingin ako sa kanya. "Hi guys! Welcome to my house. Feel at home lang!" Sigaw ni Wendy at itinaas pa ang dalawa niyang kamay. Natawa sila kaya ngumiti na lang ako na kunwari relate. Napanganga ako sa yaman ni Wendy. Ibang klase. Akala ko ay simpleng student lang siya, hindi ko akalaing sa mala mansyon pala siya nakatira. "Balikan lang namin sila Lyle," Rinig kong sambit ni Andres kaya tumingin ako sa kanya. Nagkatinginan kami dahil nilibot niya ang kanyang tingin. He just nod at me. Masyado naman siyang formal. Wow, feeling close ka Kelsey Eisz? Gusto mo ibeso ka pa kaliwa't kanan. Halos mga babae lang kami na nandito sa gazebo. Nagkukwentuhan sila sa kung ano at kapampangan ang gamit kaya out of place na naman ako. Umupo sa tabi ko si Ivy galing sa kung saan. Agad kong itinuon ang sarili 'ko sa kanya. "Wala si Shan?" Nagtatakha 'kong sambit. "Oo, wala," Tinignan niya ang paligid at kumuha ng chichirya sa center table. Binuksan niya 'yun at pareho naming nilantakan. Nang tumayo ako para kumuha ng softdrinks ay tila lumiwanag ang itsura ni Jenny pagkakita sa'kin. Pinsan siya ni Andres tsaka ni Lyle, magpipinsan sila. "Eisz, tara!" Nagulat ako nang bigla niya kong hinawakan sa wrist at hinigit. "Where are we going?" Nag aalangan kong tanong. "Samahan mo 'kong mag barbeque," Nahinto kami sa harap ng grill at may lamesa sa gilid na puno ng hilaw na barbeque. Sa may tabi lang naman kami ng gazebo. "Ikaw ang taga paypay ah," Binigay niya sa'kin ang abaniko na pang paypay. Ngumiti siya ng matamis at sinuklian 'ko 'yon. These past few days naman ay nakakakwentuhan 'ko siya. "Ang dami naming ganap sa buhay, ngayon mo lang naisipang sumama," Sambit niya at inilagay na ang aming lulutuin. Sinimulan 'ko na rin 'yung paypayin. I'm not used to this, actually. Bawal akong mag grill dahil bawal ako sa usok. But I have no choice. Ayaw ko siyang hindian. "Hey, Jenny. May maitutulong ba 'ko rito?" Sulpot ni Ivy habang nakangiti ng malawak. "Oh, mag paypay 'ka na rin. Loka," Nagtawanan sila at kumuha ng pamaypay si Ivy. Ewan 'ko rin kung bakit at halos nagpunta na rin dito ang ibang classmates namin. We're all girls here. Ang mga lalaki ay tinulungan si Mela Rose sa kanyang motor. "Hindi ka ba talaga nakakaintindi ng kapampangan?" Biglang tanong ni Wendy na siyang pinakamasigla sa'min. Sobrang daldal niya at mahilig tumawa. "Ah, yeah," Ngumiti ako sa kanilang lahat dahil nakatingin sila sakin. "Kahit konti?" "Hmm, oo," Tumango pa ko. "Madalas kaming magbakasyon dito. Hindi ko lang masyadong pinagtutuonan ng pansin ang lengguwahe kasi hindi 'ko talaga ini expect na mag sstay kami nang matagal," "Mukha ka talagang Manila girl. Sobrang hindi 'ka bagay dito sa probinsya," Natuon ang pansin ko kay Wendy at tipid na ngumiti. Compliment ba 'yun o insult? Iba talaga ang first impression 'ko sa kanya. Akala ko mag iiba rin kalaunan pero hindi ko talaga siya gusto. I mean, her aura, feeling ko hindi kami magkakasundo. Parang may something na ewan. Naiba ang topic nila kaya tumahimik na rin ako. Maya maya ay dumating na rin sila Mela Rose. "How's your motor?" Agad kong tanong sa kanya. Nang magkasalubong ang aming tingin ay ngumiti siya. "Ayos na, salamat kila Andres. Ang bait nila!" Masaya niyang sambit kaya napatingin ako sa mga lalaki na nagtatawanan sa kung ano. Dahil sa pakikipag usap kay Mela Rose ay natigil ako sa pag paypay kaya napunta sa side namin ang usok. Napaubo ako at tinakpan ang ilong. "Ikaw muna, Mela. Mag ccr lang ako," Binigay 'ko sa kanya ang pamaypay at nagpunta sa gazebo para kunin ang small backpack 'ko. Kinalabit ko si Wendy na masayang nakikipagkwentuhan. "Cr?" Ginawa ko ang lahat para magmukha lang na normal. Hindi 'ko kayang malaman nila na may asthma ako at kaawaan pa. That's the last thing I want them to know. "Pasok ka sa may back door," Nilingon ko ang tinuro niya. "May mga kasambahay diyan. Tanong ka lang," Kinindatan niya ko at nakipag daldalan na ulit. Habang nagmamadaling pumunta roon ay tinawag ako nila Lyle pero nginitian ko na lang sila. Binuksan ko ang glass wall at bumungad ang malaking kitchen. Naghanap ako ng maids pero bakit wala? Nasaan ba ang cr? Napahawak ako sa malapit na counter top habang kinakapos na sa hininga. Nanginginig na hinalungkat 'ko ang aking bag pero pilit 'yung umuusad hanggang sa nahulog na sa kabilang side ng counter. Nag unahan nang tumulo ang mga luha 'ko dahil sa katangahang nangyayari. Pilit 'kong kinakalma ang sarili. Inhale Exhale Kalma Walang makakakita. Nasa labas sila. Kumalma ka. Kalma. Ang akala 'ko ay wala pero nang mapatingin ako sa b****a ng kitchen ay nanlalambot na napaluhod ako. There he is. He saw me. "Hey, what's wrong?" He sounds so worried. Hinawakan niya 'ko sa siko pero binitawan rin at nagpunta sa kung saan. Akala ko ay humingi siya ng tulong sa iba pero hinawakan niya muli ang aking siko at sapilitang pinatingin sa kanya. "Open your mouth," Mariing sambit niya. I glanced to what he's holding. Inhaler. Nasa gilid niya ang bag 'ko. Agad niya yun nilagay sa bibig ko. "Are you now okay?" Mahinang tanong niya nang makitang umayos na ang paghinga 'ko. Nanghihinang umupo ako at sumandal. "I want to go home," Tumingin ako sa kanyang mga mata habang nag uunahan ng tumulo ang mga luha 'ko. Nawala na ang hiya. I don't care anymore. I just want to go home. "Okay. Calm down," Hawak niya pa rin ang siko 'ko at itinayo. Nang akmang matutumba ako ay agad niya kong hinawakan sa bewang. "Careful," Bulong niya. Inalalayan niya ako hanggang makaalis kami sa kitchen. Bumungad ang malaking living room at may t.v na malaki sa gitna. Iniupo niya 'ko sa mahabang sofa. "I'll just get my key," Lumabas siya at hindi 'ko na alam kung saan siya nagpunta. Pinunasan ko ang aking luha at inayos ang buhok. Napatalon ako sa inuupuan ng biglang may dumila sa paa ko. Wow, a dog! A shihtzu! Umakyat siya sa sofa at umiikot ikot. Dumamba siya sa'kin at pilit na dinilaan ang mukha 'ko na iniwasan sa kanya. "Hey cutie," Tinap 'ko ang ulo niya para hindi na siya kumulit. "What's your name?" Parang timang na tanong 'ko na akala mo sasagot 'tong aso. "Max," Napalingon ako kay Andres. Agad na gumalaw ang asong katabi ko at tumakbo palapit sa kanya. Nanlaki ang mata 'ko ng makita ang classmates namin na sumunod sa kanya. Nagkatinginan kami ni Ivy na patakbong lumapit sa'kin. "Uy Eisz, anong emergency sinasabi ni Andres? Ba't uuwi ka na?" Napalingon ako kay Andres dahil doon. Hindi niya sinabi sa kanila? Well, that's good. "Ah, my mom needs me. I'm sorry, guys," Ngumuso siya at tumango. Napatingin naman ako kay Mela Rose na lumapit. "Uwi na rin ako kung ganoon. Magkasabay tayo eh," Agad akong umiling sa sinabi niya. "No, it's okay. You can stay. Kailangan ko na talaga kasing umuwi eh," "Ako na ang maghahatid sa kanya tutal bahay ko naman 'to," Kumunot ang noo 'ko. Hindi ba kila Wendy 'to? Anong sinasabi niya? "Tara na," Aya na ni Andres. Tumuon ako sa kanya habang nakakunot pa rin ang noo. "This is your house?" I asked him. Kumunot ang noo niya halatang naguguluhan. "I thought this is Wendy's house? She said that earlier!" Biglang tumahimik ang paligid pero wala pang sampung segundo ay umalingawngaw ang tawa nilang lahat. Ang iba ay napa upo sa sofa habang namimilipit sa pagtawa. Okay? What's going on? Anong nakakatawa? Sumimangot ako at tinignan si Andres na bahagyang nakangiti at umiling habang nakatingin din sakin. "s**t, Eisz, ang sakit sa tiyan," "Naniwala ka roon?" Sambit ni Wendy at tumawa na naman. "Nag jojoke lang ako, gaga ka!" "Okay? Sorry, I didn't know," Kinagat ko sa loob ang magkabilang pisngi ko para mapigilang tumawa. Grabe, pinahiya ko ang sarili ko! Naniwala ako agad. Oh my gosh Kelsey Eisz. Pagkatapos nang tawanan ay agad na rin akong nagpaalam at umuwi. Nakasunod lang ako kay Andres papunta sa kung saan. Lalo akong nahiya sa kanya! Oh god, nakita niya 'kong inatake ng asthma at hindi 'ko alam na bahay pala nila 'to! Nang makalabas ay biglang umilaw ang black na car na nasa harap namin. Dire diretso siyang nag tungo roon at binuksan ang passenger seat. "Get in," Teka? We're still under age! Bawal mag drive ng car! "Huh? Hahatid mo lang naman ako. Pwede namang motor na lang," "Hindi pwede, maalikabok. C'mon, get in. Ayokong makita ka ulit na hinihika," Kinagat 'ko ang labi 'ko at nagtungo na roon. Agad niya 'yung isinara at umikot na papuntang driver seat. "You know how to drive?" Tumango lang siya at inandar na ang sasakyan paalis sa mansyon nilang bahay. It's not a big deal at all. Nag dadrive na rin naman ang mga kaibigan kong lalaki sa Manila. Nahatid na rin ako noon ni Wendell when we we're grade 8 ata pero around barangay lang namin. Bawal sa highway dahil paniguradong huhulihin siya. "Where's your house?" "San pedro," Sumulyap ako sa bintana. Napabalik ulit ang tingin 'ko sa kanya ng saglit niya 'kong tignan na akala mo hindi 'ko sinagot ang tanong niya. "Anong purok?" Tanong niya pa ulit. Kumunot ang noo 'ko. Naguguluhan. "Huh? Pu-purok? What's that?" Ano bang pinagsasabi niya? Tumingin ulit siya sakin na naguguluhan rin nang binalik niya ang tingin sa daan ay tumawa na siya. "What's funny?!" Grabe, naiinis na 'ko sa kanya! Pinag titripan niya ba 'ko?! Masama ang tingin 'ko sa kanya hanggang tumigil siya sa pagtawa pero nakangiti pa rin. "What's street?" Sumulyap siya sakin nang nakangiti. Saglit akong natigilan. Lihim na inappreciate ang ngiti niya. God, he's charming! Nang matauhan ay agad akong tumingin sa bintana. Street lang pala! Purok pa siyang nalalaman diyan. "I don't know. Tuturo 'ko na lang," Mahinang sambit 'ko. Grabe, Kelsey Eisz. It's been only a weeks! Nagkaka crush ka na agad! "Hey, sorry for laughing. Can't help it," Tumingin ulit ako sa kanya pero napangiwi ng makitang hindi naman siya sincere sa sorry niya. Nakangiti pa rin kaya siya! Pasalamat siya at gwapo siya. "You still don't know where's your street. Anong nilagay mo sa I.D?" Inisip 'ko pa kung anong connect sa I.D, ah 'yung personal info pala na sinagutan namin last week. "San pedro, Floridablanca, Pamp.?" Nagtatakha 'kong sambit. "Tinanggap ni Sir? It's not allowed! Paano kapag may emergency?" Napangiwi ako sa pagiging o.a niya. Hindi halata na may ugali siyang ganyan ah. "Ang o.a mo pala Andres ah," Tumawa ako nang bigla siyang tumahimik. Matinding katahimikan ang bumalot sa'min hanggang makarating sa San pedro. Mukhang naapektuhan ata siya sa pang aasar 'ko? Should I say sorry? Eh? Big deal ba 'yun? Tinuro 'ko kung saan ang bahay namin. "Dito na lang, stop the car," Sabi 'ko pinahihinto ang kotse sa tapat ng kapitbahay. May cctv ang bahay sa harap ng gate. Ayokong malaman nila Mama na may naghatid sa'kin. Baka ma misinterpret pa nila. Mahirap na. "Where's your house?" Tumingin siya sa labas ng bintana na nasa side ko. "There," Tinuro ko ang kabilang side na kalsada hindi kalayuan ang gate ng bahay. Sinundan niya ng tingin 'yun at matamang tinignan. "Wow, richkid," Nang aasar na sambit niya habang sinulyapan ako na may ngisi sa labi. Tumaas ang kilay 'ko sa kanya. "Wow rin ah, shame on you," Tumawa siya roon. Sinukbit 'ko ang aking bag at handa nang umalis. "Thanks and sorry for what you saw earlier," "Uh yeah. I don't mind though. Be careful next time, Eisz," Tila kinilabutan ako sa pagtawag niya sa'kin. Feeling 'ko ay first time niyang sinabi ang pangalan 'ko. Ay ang o.a, Eisz. Crush mo na talaga, ah. "Bye, see you tomorrow," Tumango lang siya kaya lumabas na rin ako. Dire diretso lang akong naglakad hanggang makarating sa gate. Pinindot 'ko ang doorbell na nasa gilid. Lumingon ako para tignan kung naka alis na siya pero hindi pa pala. Napa awang ang labi 'ko sa gulat. He smiled. I smiled back. "Oh, ate!" Napatingin ako kay Joaquin na siyang nagbukas ng gate. Pumasok na 'ko sa loob at hindi na lumingon. Delikado. Hindi 'ko 'to naramdaman kay Wendell. Bakit parang iba kay Andres?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD