Kabanata 5

2863 Words
The other day I'm so excited to go to school. Enjoy na enjoy ko ang teenage life dahil sa pagkaka crush ko kay Andres. The same routine. Early bird na naman ako dahil sa mga pinsan ko na mas maaga ang pasok kaysa sa'kin. Hinahatid ko pa rin sila sa kanilang building. Naiinis na nga si Joaquin dahil daig ko pa raw ang Mommy niya. Samantalang si Princess tuwang tuwa. Hay nako. I glanced at my wrist watch. Saktong 7 am. Mas napili ko na namang tumambay sa field at pagmasdan ang berdeng paligid. Nakakarelax. Miss ko na agad face ni Andres. Ay patay na patay. Tumayo na ko at agad na naglakad papunta sa shs building. Ang aga pa pero ih Gusto ko na agad makita ang crush ko. Pagkarating sa room ay akala ko wala pa kong madadatnan pero nagulat ako nang makita si Ronnie na sobrang busy sa pagsusulat sa kanyang upuan. Nasa dulong bahagi siya nakaupo. Sa dulong row at nasa tabi na ng pader. He immediately looked who suddenly came. I smiled at him and he smiled back. Nagulat din siya nang makita ako. "Ang aga mo ngayon ah," Sambit niya at huminto sa pagsusulat. Kung alam mo lang na lagi kaya kong maaga. Hindi lang ako agad pumapasok dito sa room. Nang maibaba ang bag ko sa'king upuan. Agad akong umakyat sa last row para tumungo sa kanya. "Lagi kang maaga pumasok?" Tanong 'ko habang naglalakad sa dulo na siyang kinauupuan niya. "Minsan kapag maagang nagising," Natatawa niyang sambit. Umupo ako sa may desk ng katabi niyang upuan. "Anong sinusulat mo? May aasignment ba?" Tinignan ko ang papel na sinusulatan niya kanina pa. "Reaction paper. Nakalimutan ko gawin kahapon," Mukhang tapos na rin naman siya dahil niligpit niya na ang yellow paper. Sabay kaming napalingon ni Ronnie nang mabuksan ang pinto at pumasok si Bryan at Marjohn na nagtatawanan. Pansin ko ay sobrang close nilang dalawa. "Yow morning," Ngumiti ako kay Marjohn na siyang bumati. Dumiretso sila dito sa kinaroroonan namin at umupo sa kanilang upuan. "Aga mong umuwi kahapon, Eisz," Tumingin ako kay Marjohn. Magkatabi lang sila ng upuan ni Bryan na nakatungo lang ngayon sa desk niya. Actually, hindi ko pa siya naririnig magsalita. Sobrang tahimik niya at seryoso lang palagi. "Ah oo, nagka emergency sa bahay eh," "Sumama ka?" Tumango ako kay Ronnie na nagtanong. "Sayang! Hindi ako nakasama," Bumukas ulit ang door ng room kaya lumingon kami roon. Bumungad si Ivy na nagsusuklay. Maaga rin pala siya pumasok? Nang makita niya ko ay napangiti siya agad ng malawak. "Eisz!" Ngumiti ako pabalik at agad na lumapit sa kanya. "Ang aga mo ngayon ah!" "Well masanay ka na, palagi na 'kong maaga papasok," Kaysa naman maghintay lang ako sa field ay agad na kong didiretso rito sa room. "Sige ako rin!" Natawa ako sa pagiging energetic niya. Palagi naman. "Yung reaction paper natin?" "Ah, ginawa ko na," I winked at her. Nagulat siya roon at maya maya'y tumawa. She exaggerated hug me. "Thanks god. Ikaw ang partner ko. Okay lang kahit walang ambag," Sunod sunod na nagdatingan ang mga classmates namin. Nang si Andres na ang dumating ay magkakasabay silang magpipinsan. Sa may unahan kami nagkukwentuhang mga babae. Dumiretso sa'min si Jenny samantalang silang dalawa ni Lyle ay agad na nagtungo sa dulo. Napanguso ako ng hindi man lang niya kami tinapunan ng tingin. Halos lahat close ko na kaya hanggang dumating ang teacher ay nag kwentuhan lang kami nang nag kwentuhan. Kanya kanya kaming punta sa'ming mga upuan nang dumating si sir Pat. Kunwaring nilibot 'ko nang tingin ang buong room bago umupo para tignan ang crush ko. Nagkatinginan kami pero agad kong iniwas ang tingin na kunwaring hindi siya ang tinitignan ko. Lowkey moves tawag dito. Gosh! I've never done this before! Hindi ko na matandaan kung ginawa ko ba kay Wendell lahat ng pinaggagawa ko ngayon. Nang sumapit naman ang lunch ay nakisabay sa'min si Wendy tsaka Drea. Kumain kami sa chowking dahil gusto nilang mag halo halo. Pwede namang sa dulo na lang ng field pero pwede na rin dito para makakain kami ng kanin. Hindi ako maka relate sa pinag uusapan nila. Mga pogi raw. Interesado na sana ako kaso lang hindi ko naman kilala kaya 'wag na lang. "Si Jake classmate ko last year. Na issue sila ni Kat ah," Ani Ivy. Bored na bored akong naghihintay sa order namin. Si Mela Rose at Drea kasi ang nag order. "Oo! Ayaw ng pamilya ni Jake kay Kat kaya ayon nag rebelde sila. Nagtanan teh! Nakakaloka!" Nang dumating sila ay laking pasasalamat ko. Whoa! Makakakain na rin! "Akala ko talaga may something sa inyo ni Ronnie 'nung first day!" Natatawang sabi ni Ivy kay Wendy. I glanced at them. "Bestfriend ko lang gaga! Magkapitbahay kasi kami," Tumingin sa'kin si Wendy na may nanunuyang tingin. "Diyan kay Eisz mo siya tuksuhin. Close na close sila," Sumimangot ako at umiling. "Ang dami ko na kayang close. Hindi lang si Ronnie," Tinignan lang nila ko ng nang aasar. Sumabay na rin si Ivy na kailanman hindi ako tinutukso. Kainis naman! Ba't si Ronnie? Si Andres na lang itukso nila sa'kin. Baka managinip na talaga ko nang dilat niyan. "Si Shan nga rin close si Ronnie eh," Pag iba ko ng topic. Napasulyap naman si Shan sa'min habang tahimik na kumakain. "Uy hindi ko na crush 'yun! Si Marjohn na crush ko," Gulat kaming napatingin sa kanya. Parang 'nung first day lang si Andres ang crush niya. Anong nangyari? Ang bilis magpalit ah! "Nung nakaraan lang si Andres crush mo ah," "Hmp! Masungit si Andres. Hindi ko na type," Natawa ako sa sinabi niya. Hindi naman siya masungit kapag kinilala ah? "Oh my! No to him. May bumabakod sa kanya," Napalingon ako agad sa sinabi ni Wendy. Halos nalunok 'ko agad ang buong yelo ng halo halo 'ko. "Bumabakod?" "Si Scarlet," Natatawang ani ni Mela Rose. Kumunot ang noo 'ko. May girlfriend na siya? "What do you mean by bumabakod?" Tanong ko pa. Sana nga lang hindi nila mapansin na sobrang curious ko. "Inaaway niya ang mga lumalapit kay Andres though hindi naman talaga siya lapitin ng babae dahil sobrang sungit niya," Nanatiling nakakunot ang noo ko. Hindi makapaniwala na naka reserved na pala ang crush ko. "Oh? Warfreak? Hinahayaan lang siya ni Andres?" "Hmm oo? Wala namang pakialam 'yun eh," Patuloy siyang sumubo sa pagkain niya. Ako naman nawalan ng gana bigla. Nakakainis! "Sila na ba? Tagal ng may issue sa kanila ah," Sabat ni Drea. "Ewan sabi ni Jenny ay bestfriends lang raw sila," Bestfriends, edi wow. Tinuloy ko na lang ang pagkain ko nang malipat ang pinag uusapan nila. Pagkatapos ay para akong lantang gulay habang papunta sa room. Nahuhuli ako at katabi si Mela Rose sa paglalakad. Nang narinig ko ang tawa ni Mela ay hindi ko ito pinansin. Malay ko ba kung anong nakakatawa. Wala ko sa mood tumawa. "Crush mo si Andres 'no," Mahinang sambit niya. Nagulat ako roon at napatigil sa paglalakad. Pano niya nalaman? Masyado na ba kong obvious? "Wag kang mag alala. Hindi ko sasabihin sa kanila. Secret lang natin," Nagpatuloy siya sa pagtawa kaya sumimangot ako at naglakad na ulit. Wala pa ang teacher namin sa Entrep pagkarating sa room. Dire diretso ako sa upuan ko habang nakasimangot. Nakatungo lang ako roon at lalong naiinis dahil ang tagal dumating ng teacher. "Wala raw si Sir!" Masayang sigaw ni Ronnie pagkabukas niya ng room. Kanya kanya namang tayo at ayos ang mga classmates ko. "Tara sa'min! Boodle fight tapos chill kwentuhan," Nagsigawan sila dahil sa sinabi ni Juan. Pansin ko lang na ang hilig nila sa mga ganito. Tatambay sa isang bahay at gusto nila ay kasama pa ang buong section. "Sama ka, Eisz!" Lumingon ako kay Juan na nasa dulo. Katabi niya si Andres at Lyle. I smiled at Juan. "Sure," Napatingin ako kay Andres na nakatingin lang sa'kin. Umiwas ako ng tingin sa kanya. I need to avoid him. Para makalimutan ko 'tong maling nararamdaman ko. Pagkatapos ko magligpit ng gamit ay agad akong hinila ni Ivy palabas ng room. "Alam mo hindi ko inakalang magiging comfortable ako sa section natin ngayon," Sumulyap ako sa kanya. Naka angkla ang mga kamay niya sa braso ko habang naglalakad kami sa hallway. "Me too," I smiled at her when she glanced at me. "Akala ko sobrang mahihirapan ako mag adjust lalo na hindi ako nakakaintindi ng kapampangan. Mahirap nga pero nakakaenjoy kasi nandiyan kayo," Nagtatakhang tumingin ako sa kanya ng napatigil kami maglakad. "Ba't ganyan ka bigla! Ih naiiyak ako," Napatawa ako sa itsura niya. Para siyang natatae na ewan. "Sira!" "Hoy ginagawa niyo diyan," Biglang sumulpot si Mela. Isinabit ko ang mga braso ko sa kanya ng makatabi siya sa'min. "Malayo ba ang bahay nila Juan?" Tanong ko sa kanilang dalawa nang makalabas na kami ng building. "For sure, teh! Masasanay ka rin naman," Saad ni Ivy. Habang naglalakad ay impit na napatili siya dahil sa bumusina. Sabay sabay kaming lumingon para tignan iyon. "Eka manggulisak, loko! Sapukan daka ken," Sigaw ni Ivy kay Joshua na siyang nambusina sa tricycle na sinasakyan niya. "Kamwa na," Tumawa siya nang malakas na siyang kinangiti ko. Weird kasi ng tawa niya! Parang kahit magjoke siya nang hindi nakakatawa, matatawa ka pa rin dahil sa tawa na meron siya eh. "Sabay na kayo sa'kin. Hindi niyo naman alam kung saan banda kila Juan," Agad na pumayag si Ivy kaya sumakay na kaming tatlo sa loob. Ang astig pa ng tricycle dahil may pintuan. Mostly kasi sa Manila ay walang pinto dahil sabi nila ay abala pa 'yun sa mga pasahero. "Sige mga teh dito na ako sa lapag, ano," Sarkastikong sambit ni Ivy dahil nauna kaming naupo ni Mela. "Doon ka na lang sa likod ni Joshua," "Diyan ka na Ivy. Dito si Jenny eh," Rinig kong sambit ni Joshua kaya sumalampak na sa lapag si Ivy. Wala kasing upuan na maliit kaya ayan. Nang makaayos ay sinara na ang pintuan ng tricy at lumarga. "Nasaan ba si Jenny? Uy! Kayo ah! Pansin ko kayong dalawa," "Wow, may couple na agad sa section natin," Inasar nilang dalawa ito. Tahimik lang akong nakinig at natatawa. Halatang halata kasi na may something sa kanilang dalawa ni Jenny. Palagi silang sabay mag lunch at minsan ay magkatabi pa sa room. As I expected sobrang layo na naman nang narating namin. Medyo mahina ako pagdating sa directions kaya tanging nagawa ko lang ay pagmasdan ang green lands na nadadaanan namin. Nasasanay na rin ako sa palaging paglilibot. Hindi ito katulad ng sa Manila na magkaka street lang kami nila Lea. Pagkarating kila Juan ay naroon na ang mga kaklase kong lalaki sa terrace ng bahay nila. Tumayo si Lyle at Juan para salubungin kami. "Hi Ava," Pang aasar ni Lyle. "Ivy kase! Animala!" Nauna na ito papasok ng bahay habang hinabol siya ni Lyle na tatawa tawa. Mukhang balak pang asarin si Ivy nang sobra. Bago pumasok ay lumingon pa ko at nadatnan ang tingin kaagad ni Juan sa'king likod. "Pasok lang, Eisz. Feel at home," He smiled that's why I smiled too. Partner sila ni Lyle sa kakulitan pero sobrang bait ni Juan, ni hindi ko nga naririnig 'yan mang asar. Halos mapanganga ako sa living room nila na akala mo museum. Ebarg, ang daming paintings. "Wow, sinong mahilig sa art?" Nilingunan ko si Juan kaya nagkatinginan kami dahil saktong nakatingin siya sa'kin. "Mom ko. Adik sa paintings. Thunders na thunders," Humalakhak siya at tumabi sa'kin habang nakatitig sa abstract painting na 'to. "Sira, hindi naman lahat nakaka appreciate ng art. Kudos to your mom," I glanced at him and smiled. Mukhang nagulat siya roon at napaiwas ng tingin. "Hoy Eisz! Doon tayo sa likod. Hinahanap ka nila roon," Ngumiti ako ng malawak kay Ivy. Agad akong sumunod sa kanya. Nag aayos na ang mga lalaki sa mahabang lamesa na may dahon ng saging. Boodle fight, again. Sa tuwing naglilibot palagi kaming kumakain sa dahon ng saging. It's weird for me kasi hindi ko nakasanayan 'yun pero paunti unti naman ay nasasanay na. "Huh? Bakit may plato dito?!" Angil ni Wendy. May mga plato kasi sa gilid katabi 'nun ang mga baso. "Ewan ko diyan kay Juan," "Pabren me!" Ani Juan sa kapampangan. Ngumuso ako at pumunta sa gazebo para panoorin silang mag ayos. Nalibot ko ng tingin ang likod ng bahay nila. May puno ng mangga roon na nakahiga, parang nakatumba. Naroon ang ibang classmates namin. Marami pang puno sa paligid. Napansin ko pa ang kalabaw na nakatali sa isang puno. "Mangan tana!" Napabaling ako kay Ivy. Sabay sabay kaming kumain habang naka kamay. Sobrang saya. Napuno nang kwentuhan at tawanan ang pagkain namin. "Ulam ko 'yon eh! Inagaw mo," "Nauna ako!" Pinagtawanan ko si Ivy at Lyle na nag aagawan sa hotdog. Mabilis din akong nabusog at tumungo sa kitchen para mag hugas ng kamay. Inayos ko rin ang long sleeve ng aking uniform na tinupi kanina para makakain ng maayos. Nilingunan ko si Juan na pumasok sa kitchen at nilagay sa lababo ang sangkaterbang pinggan na hindi naman nagamit. Sinundan ko 'yun ng tingin. "Busog ka na?" Napatingin ako sa kanya at tumango. "Sinong maghuhugas niyan?" Tanong ko at tinignan ang kanilang lababo. Napatingin din siya roon. "Mga helpers, Eisz," Napanguso ako at tumungo patungo sa kanya dahil nakasandal siya sa may lababo. Mas gugustuhin ko na lang banlawan ang mga ito kesa bumalik sa likod ng kanilang bahay. Paniguradong wala lang akong maiintindihan sa mga pag uusapan nila. "Luh, anong ginagawa mo?" Umusog siya habang pinapanood ako tupiin ulit ang long sleeve ng uniform ko. "Ako na ang maghuhugas. Bumalik ka na roon," Ngumiti ako sa kanya at nagsimula na sa gagawin ko. "Luh, nakakahiya! Wag na, Eisz." "Wag kang makulit! Kaya ko na 'to," Hindi na ko nakarinig ng sagot sa kanya kaya hindi ko na siya nilingunan baka bumalik na sa likod. Binabanlawan ko na ang mga plato nang malingunan ko ulit ang b****a ng kusina. Bahagya akong nagulat nang makitang nakasandal doon si Juan at magka krus ang mga braso sa dibdib. Halatang kanina pa 'ko pinapanood. "Akala ko umalis ka na," Natatawang ani ko at pinagpatuloy ang ginagawa. Naramdaman ko ang paglapit niya. Siya na ang nagpunas ng mga platong nahugasan ko na. "You're so kind. Ibang iba sa mga taga Manila na nakikilala ko," "Well, you shouldn't be judgmental." Pagkatapos din namin sa ginagawa ay sabay kaming lumabas ng kitchen nila. Nagsabi naman ang katulong nila na naglilinis sa sala na nasa terrace na raw ang mga classmate namin. May kanya kanyang ginagawa ang lahat. Ang iba ay busy na nag pipicturan sa gilid. Nakita ko naman si Ivy na nakaupo kinakausap ang crush niya, si Bryan. Magkatabi sila sa upuan habang si Mela Rose na nasa harapan nila na nag cecellphone lang kaya lumapit ako sa kanya at nakipag kwentuhan. Kapag napapatingin sakin si Ivy ay tinitignan ko siya ng nang aasar. Kinuha niya ang cellphone niya at pasimpleng winagayway. Kinuha ko tuloy ang phone ko at nakita ang text niya. Ivy: Picturan mo kami. Kunyari stolen HAHAHAHA Napahalakhak ako roon at ginawa ang pinag uutos niya. Hay, sana all nakaka diskarte sa crush. Pagkatapos ko silang picturan ay agad kong sinend sa kanya sa messenger. "Truth or dare!" Sigaw ni Wendy habang hawak ang malaking baygon spray na nakita niya kung saan. Nagtawanan kami dahil 'don. Napakamot din sa ulo si Juan at nagreklamo pa. Nagpabilog kaming lahat. Katabi ko si Mela Rose at sa kabila naman ay si Ivy. Iba iba ang natuturo ng magic spray kuno. Puro lang din first impression ang tinatanong kapag truth, kapag dare naman ay ten minutes magtititigan or what o kaya ay maghoholding hands ng 1 hour or tawagan sa phone ang crush mo. Sa huli ay hindi naman ako natuturo kaya kampante ako na makakaligtas dahil marami kami! Masyado namang malas ako ngayong araw para maturo pa pero syempre malas nga talaga ako at naturo rin ako. "Yes! Si Eisz na rin. Truth or Dare?" Masayang sabi ni Wendy na hindi man lang pinahalata na kanina niya pa ko gustong tanungin! Kapag gan'to talaga alam ko na sasabihin 'ko. "Truth," I smiled. Napangiti siya ng malawak at pinahalata talagang may balak. Ebarg naman! "Hmmm kanino ka naaattract sa classmates natin?" "Omg! Si Andres," Bulong kaagad ni Mela Rose. I smiled and bit my lower lip. Gosh, wala naman siya rito pero for sure malalaman niya. "Sabihin mo si Juan! Dali pagtripan mo," Rinig ko naman sa kaliwang tenga ko na sabi ni Ivy. Malakas niyang sinabi 'yun kaya nagtawanan ang lahat. Natawa rin ako at sumulyap kay Juan. He's just biting his lower lip, pinipigilan ang ngiti habang nakatitig sa'kin. "Gaga! Si Andres type mo ah!" Bulong ulit ni Mela Rose. "C'mon Eisz! Sabihin mo si Juan, trip trip lang naman!" Si Ivy naman na pilit akong dinedemonyo. Ayoko namang magmukhang kj kaya tinignan ko ulit si Juan. Natatawa na dahil tinutukso kami. "Okay, Si Juan Carlos," Halos nakakabinging tilian at sigawan. Natawa ako ng tuluyan dahil tinukso nila si Juan na nangingitim daw dahil namula siya sa sinabi ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD