Kabanata 6

3070 Words
"Wow naman! Mabuhay ang bagong kasal!" Natawa ako sa mga o.a naming mga kaklase. Kakapasok lang namin ni Juan sa classroom. Obviously na late kaming magpipinsan pero actually sila lang talaga dahil tama lang ang oras ng pasok ko. Naabutan ko pa si Juan sa bungad ng shs building kaya sabay na kaming pumasok sa classroom. Ganda ng timing, grabe. Ngayon pa talaga kami nagsabay kung kailan mainit ang tuksuhan ng mga kaklase namin sa'min. "Mga siraulo," Natatawang sabi ni Juan at tumungo na rin sa upuan niya. "Oh ano Juan?! Pinopormahan mo na ba?" Tanong ng mga lalaki sa kanya. Tumatawang lumapit ako sa nagkukumpulan na sila Ivy. Tinignan ko sila Juan na nasa dulo. Nahagip nang tingin ko ang nakakunot noo na si Andres habang nakatingin sa'kin. I smiled at him and avoid his gazed. Ayokong masyadong ma attach sa kanya. He's a walking heartbreak! Delikado sa heart 'ko! "Oy gagi sineseryoso ata ni Juan 'yung trip mo sa kanya," Sabi ni Ivy kaya napakamot ako sa ulo. "It's actually your fault. Dinemonyo mo kaya 'ko!" I said. Ngumuso ako sa kanya at tinignan si Mela Rose na nasa upuan namin at busy kaka cellphone. "Hala grabe! Para namang bad influence ako sa'yo!" I laughed at her face. Umayos na rin kami lahat dahil dumating na ang prof. namin. It's another boring morning again. Nang mag lunch time ay nag aayos pa lang kami nila Ivy nang lumapit si Mela Rose. "May nakapaskil sa bulletin board. Acquiantance party daw," Napalingon kami sa kanya. Nanlaki naman ang mata ni Ivy. "Oh my gosh! Di nga?!" Nabitiwan ko ang suklay ko nang bigla niya kong hinatak palabas. Nagsusuklay pa lang ako eh! Ano ba 'yan. "What's with the rush?" Tanong ko rito habang bumababa kami ng hagdan at hatak hatak niya kaming dalawa ni Mela. "Aga ng acquiantance ngayon. Girl! Masaya 'yun," Nakipagsiksikan kaming tatlo sa dami ng tao sa harap ng bulletin board. Hindi naman masyadong marami, sakto lang. Nang makapunta kami sa harapan ay nakapaskil ang acquiantance party for senior high school. Nakalagay doon ang date, saan at kung ano ang theme. "Shet! Nakakaexcite! Dami talagang pa event sa senior high!" Rinig kong sabi ng nasa likod ko. Pinicturan ni Ivy ang poster at sinend sa gc. Umalis na rin kami roon agad dahil dumadami ang mga nakikiusisa. "Magtingin tingin tayo mamayang uwian sa mga boutique," Masayang sambit ni Ivy habang naglalakad. Papunta kami sa Mcdo at doon maglalunch. "Saan 'yung Alfredo's?" Tanong ko. Roon kasi ang acquiantance namin. "Resort 'yun sa San Fernando. Maganda roon at sobrang laki. Para ring zoo kasi maraming animals," Napanguso ako at nag imagine. I'm also excited! Wala kaming paganito noong junior high. "Nakapunta ka na?" Tanong ni Mela. Nakapasok na kami sa fast food at tumitingin sa menu. "Oo. Nung family reunion namin last year," Tumango kaming dalawa ni Mela. Nilibot niya ang kanyang tingin sa paligid marahil tinitignan kung saan kami maaaring maupo. "Sa second floor na lang tayo," Sambit ko nang mapansing maraming students dito at puno na ang mga upuan. Sabay kaming tatlong umakyat at naghanap ng mauupuan. Nang makahanap ay si Ivy na ang nagpaiwan at kaming dalawa ni Mela ang nag order. Nasa pila na kaming dalawa nang may mga pumasok na naka junior high na uniform, mga babae. Napatingin ako kay Mela na bigla akong sinisiko. What's her problem? "Why?" I said. May tinuturo ang nguso niya at nasa tabi ko 'yun. Napatingin tuloy ako sa babaeng nasa tabi ko. Mas matangkad ako sa kanya. Mahaba ang kanyang buhok at kapansin pansin ang tangos ng ilong. Tinignan ko ang pangalan na nasa right side niya bandang dibdib. Grade 10 Mercado Tinaasan niya ko nang tingin nang mapansing tinititigan ko siya kaya umiwas agad ako nang tingin. Grabe, maganda sana ang sungit naman! Umalis sila at tumungo sa second floor. Umandar ang pilahan namin kaya humakbang kami palapit. "That's Scarlet," I heard Mela. Napaawang ang labi ko at nagulat. Shocks, really? "That girl Mercado?" Tanong ko gulat na gulat. "Yup. Scarlet Mercado," Napabalik ang tingin ko sa second floor kahit na wala na sila roon. Kaya pala walang lumalapit kay Andres! Ang sungit nang bumabakod sa kanya! Itsura pa lang mukha nang nangangain! Nang makaorder at umakyat na ulit kami ni Mela ay nagcecellphone lang si Ivy. "Hay salamat! Makakakain na rin," I laughed at her face. Masaya kaming kumain. Daldal nang daldal si Ivy hanggang makatapos kami kumain. Nang pabalik na kami sa building sakto namang nakita namin ang mag pinsan. Si Andres tsaka si Lyle. Shocks. "Hey, guys! Saan kayo nag lunch?" Tanong kaagad ni Lyle pagkalapit sa'min. "Diyan sa Mcdo lang," "What's up, Eisz," I glanced at Andres. Tumabi siya sa'kin habang naglalakad. I smiled at him a little. "What's with you and Juan?" He said again. Nakataas ang kilay niya kong sinulyapan. "Ay pare! Super sweet nila kahapon," Humalakhak si Lyle na ikinailing ko. Halata naman na trip ko lang 'yun. Binibigyan na nila ng meaning. Pinag usapan nila ang mga nangyari kahapon. Hindi na ko nakinig at tumahimik na lang hanggang makaabot kami sa room. Nang dumating ang entrep prof. namin ay agad niya kaming pina assign sa group namin sa research. Nag groupings na kami first day of school pa lang. Kaya hindi ko na masyadong matandaan kung sino ba ang mga kagrupo ko. "Tara Eisz," Napatingin ako kay Ivy na nakatayo. Napatayo rin tuloy ako. "Group 3 tayo, Teh! Kagroup kita. Mukha kang nawawala eh," Natatawa niyang sambit. "Dito group 3," Sigaw ni Wendy na nasa dulo. Napatingin ako roon at bahagyang napaawang ang labi. Anak ng pating. Kagroup ko si Andres! "Upo na kayo," Sabi pa ni Wendy. Tumayo si Lyle na katabi ni Andres. Nasa dulo nakaupo si Andres at katabi ang pader. "Dito ka na Eisz," Bahagya akong nagulat sa sinabi ni Lyle. Tumaas ang kilay ni Andres habang nakatitig sa'kin. Umiwas ako nang tingin at bumaling kay Lyle. "Hindi na. Dito na lang ako," I smiled a little. Nakisiksik ako kay Ivy. Magkalahating puwet lang kami sa upuan! Nang matapos mag discuss ang prof. at binigyan kami ng time para gawin ang title research ay napatayo na ko dahil sa sobrang ngalay. Napatayo na naman si Lyle. "Dito ka na nga kasi Eisz. Sa table na lang ako uupo," Napairap ako sa inis at nag martsa na patungo roon. Iwas ako nang iwas, pinaglalapit naman kami palagi! "You okay?" Tanong kaagad ni Andres pagkaupo ko sa tabi niya. Tumango lang ako at hindi tumingin sa kanya. "Are you mad at me? Kanina pa kita napapansin eh," He said again. Gosh, ba't hindi niya na lang ako gayahin at manahimik na lang. "Hindi naman," "Weh? Something's wrong?" Pangungulit niya pa. Napabuntong hininga ako at tumingin sa kanya. "Wala nga. Wala lang ako sa mood," Nakatitig lang siya sa'kin kaya umiwas na lang ako ng tingin. Dahil feasibility study ang gagawin ay nag vote kami kung ano ang gusto naming product or business. Sa huli ay napagkasunduan na food business na lang para mas madali. Busy daw si Wendy mamaya kaya hindi namin matutuloy ang Introduction ng research. Ang ibang group ay gagawa na mamaya kaya sa huli ay kaming dalawa lang ni Ivy ang magkasamang umuwi. "Saan punta niyo?" Tanong ni Lyle sa'min. Napatingin ako sa kanya na katabi ko. Sinadya ko talaga na tumabi sa kanya habang naglalakad. "Mag titingin sa mga boutique. Sama kayo?" Sabi ni Ivy. Siniko ko kaagad siya kaya napatingin siya sa'kin. "No. We have a practice," My gazed turn to Andres. Nakatingin siya sa'kin at iniwas kaagad ang tingin. "Huh? Pwede namang hindi sumipot," Sabi pa ulit ni Lyle. Inakbayan siya ni Andres at sapilitang dinala sa pag alis. Lumingon ulit si Lyle sa'min at kumaway para magpaalam. Napasimangot ako at tumamlay. Kahit iniiwasan ko siya, gusto ko pa rin siya kasama. Nakokonsensiya tuloy ako. Wala naman siyang ginagawa sa'kin pero pinaparamdam kong ayaw ko sa kanya kahit gusto ko siya! "Bukas na lang tayo mag tingin, Vy. Sumasakit kasi 'yung ulo ko," Palusot ko para umuwi na. Hinawakan ko pa ang ulo ko para mas effective. "Hala? Bakit? Nabigla ata sa sobrang init!" "Oo ata," Ngumuso ako at tinignan ang parking. "Sige. Mauuna na ko!" Niyakap niya ko. Ganyan talaga siya 'pag uuwi na laging nangyayakap. She's so sweet. "See you tomorrow, Eisz" Kumaway siya at umalis na. Sinundan ko pa siya nang tingin bago nagpunta sa parking. Luminga linga ako para tignan ang kotse namin. Kaonti lang ang mga sasakyan na naroon. Tumingin ako sa aking wrist watch at nalamang 2:20 pa lang! Eh 2:30 pa dapat ang dismissal ko pero kasi pinauwi kami ng maaga para gawin ang research. Sa huli ay naglakad lakad na lang ako sa field. Napaupo ako sa bench nang mapagod. Nag iisip kung ano ba ang magandang gawin. Kakain na lang siguro. O kaya omg! Milktea! Tama, milktea na lang. Habang naglalakad ay nagkasalubong kami ni Andres na papunta ata sa gym. Napatingin ako sa suot niya. He's wearing a orange shirt. Sa baba ay basketball short na dark red and white na above the knee. Practice ang sabi niya kanina? Ibig sabihin practice sa basketball 'yun? Varsity siya?! Nakatingin lang ako sa kanya hinihintay na siya ang unang mag approach sa'kin. Umiwas siya nang tingin at aalis na sana kaya nag panic ako! Nagkabaligtad! Siya na ang hindi namamansin! Anak shuta! "Andres!" Panic kong sigaw kaya napalingon siya sa'kin. "What?" Masungit niyang sambit. "Uh---uh hmm," Napaiwas ako nang tingin para mag isip kung ano ba ang sasabihin ko. "What?" Kumunot ang noo niya at tinignan ang paligid. "Where's Ivy, anyway," "Uh...umuwi na," Ngumiti ako dahil nagtanong siya at maaaring humaba pa. "Then go home, too," Masungit niya pa ring sabi kaya napasimangot ako. Aalis na sana siya ulit nang nag salita ako nang mabilis. "Wala pa kasi 'yung sundo ko!" Lumingon ulit siya sa'kin, halatang halata na ang pagkairita. Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil nakonsensiya na naman ako! Masyado na ata akong makulit. "Uh---s-sige," Nag aalangan kong sabi at ako na ang tumalikod. "Sino ba ang susundo sa'yo?" Iritado niyang sambit. Lumingon ako sa kanya. Kitang kita ko ang inis niyang mukha. Nakakunot ang noo at matalim ang titig sa'kin. Kung nakakamatay lang talaga ang tingin kanina pa ko nakabulagta rito eh. "Si Manong, service namin ng mga pinsan ko. Sige ulit," I smiled at him again. Tumalikod na ko at naglakad na. "So, when will he arrive?" Napatili ako sa gulat dahil sa biglang nagsalita. Sinamaan ko nang tingin si Andres nang malamang siya 'yun! Tinabihan niya ko maglakad. "Siguro mga 3:00 ganon," Tumango tango siya. May munting ngiti na sa labi. "So, hindi mo na ko iniiwasan? Parang kanina lang ayaw na ayaw mo kong makita ah," Nakataas niyang kilay na sabi. Napahinto ako maglakad kaya ganun din ang ginawa niya. "Dapat lang kaya. You have Scarlet Mercado raw," Tumaas din ang kilay ko. Tumawa siya at yumuko. Nasa likod ang kanyang mga kamay. "And I heard you have Juan Carlos daw?" He licked his lower lip and bit it while smiling. Nagulat ako sa sinabi niya kalaunan ay natawa. "Echos lang 'yun para kiligin naman daw si Juan," Pinagpatuloy namin ang paglalakad. "And Let is only a childhood friend," He said. "Yeah, right. Possessive raw siya when it comes to you and you don't care at all when she's meddling with your girls," I said. Pinaglalaban ko lang naman dito na may something sa kanila ni Scarlet, I mean Mercado we're not close! Nakangiti pa rin siya at nakayuko habang mabagal kaming naglalakad. "Well, I know she have a little crush on me ever since we're kids. But she's not my type and she's only a friend," Huminto siya maglakad at naupo sa bench. Naupo rin ako roon katabi niya pero sapat ang distansya sa kanya. "She's quite beautiful. Bakit hindi mo type?" "Well, I value the attitude over beauty," Napa oh ako roon. May mga ganyan pa palang lalaki. "Ikaw? What's your type?" Balik tanong niya sa'kin. "Killer smile?" I laughed to my answer. Napatingin ako sa kanya na nakangiti lang din. "Gusto mo kapag ngumiti, mamamatay ka ganon?" Umirap ako sa pambababara niya. "Hindi naman mamamatay! Epal ka rin eh 'no. Gusto ko lang 'yung kapag ngumiti mafefeel ko 'yung pagbilis ng t***k ng puso ko na parang hindi na normal. Mamamatay sa kilig, ganon," I said laughing. Napatingin ako sa kanya at napatigil sa pagtawa nang mapansing nakatitig siya sa'kin. "Like who?" "Hmmm...wala pa eh," Tumayo ako at tinuro ang fishball-an. "Tara kain tayo!" Pagkapunta ko roon ay sinulyapan ko ulit si Andres na nasa likod ko lang. "I don't have money with me. Pautang ako ah," He said and asked the vendor for a cup. Wow, just wow. Anak ng may ari ng School na 'to nang uutang sa'kin?! "Libre ko na!" Masayang sambit ko. Kinuha ko ang cup na inaabot niya sa'kin. Umiling lamang siya bago nagtusok na ng mga fishball na niluluto 'nung tindero. Umupo kami sa malapit na gazeboo. Magkaharap kaming dalawa habang lumalatak ng fishball. Bumili rin ako ng siomai, hotdog tsaka palamig. One point for Kelsey Eisz. Naka first date na ko agad! I consider this as our first date. Kahit sa school lang okay na. "Takaw mo," He suddenly said. Nagulat ako roon. Mukha atang patay gutom akong kumain sa harap niya. My gosh. Mahihiya na sana ako nang makitang tumatawa siya at mukhang aliw na aliw habang pinapanood akong kumain. Inirapan ko na lang tuloy siya. "Bakit ka nga pala hindi nakasama kahapon?" Tanong ko dahil nakakacurious. "Birthday ng mom ni Scarlet," Napakurap kurap ako at napabilis ng nguya. Close na close nga talaga sila. Edi sila na. "Ah edi belated," Pilit akong ngumiti at tinignan ang stick ng hotdog. Ubos na pala. "What's your life in Manila?" Napa angat ako ng tingin sa kaniya. Nagugulat dahil ang random ng mga tanong niya. "Hmm same here. Bonding with classmates everyday, " I shrugged. Ang kaibahan lang syempre syudad 'yun kahit anong oras umuwi pwedeng pwede. And syempre hindi masyadong mahigpit kasi wala namang nakapalibot na mga kamag anak sa'min. "Uh- do your family have some restaurants?" Nagulat ako at napainom sa palamig dahil muntik ng masamid. How did he know? "Y-yeah in Manila. House of Filipino cuisine," Itinabi ko ang mga pinagkainan namin. Napatingin ako sa kanya na nakatitig lang sakin. "So, It's really you," "Anong It's really you? Nababaliw ka na ba?" Natatawa kong sabi. Umalis ako sa harapan niya para itapon ang basura namin. "We already met before!" Sigaw niya. Napataas ang kilay ko pagkabalik. "Saan naman?" "In your restaurant," Napakunot ang noo ko. I stared at him, confused. "That's a quite long ago, you bump me outside the restroom. That's all," Nag isip ako nang nag isip pero wala talaga kong natatandaan! "Na bump lang kita pero natandaan mo na ko agad?" I said while staring at him. He smiled a little. "My Mom and yours are high school classmates so they catch up in your Mom's office and I saw you in your family pictures. I had time to stare at you and memorized your face," He laughed at his last statement. Hindi ko alam pero feeling ko umiinit ang mga pisngi ko. Kinikilig ako sa sinabi niyang nimemorize niya pa ang mukha ko! "Whoa grabe ang init," Bigla kong sinabi para hindi niya malamang kinikilig ako sa simpleng sinabi niya! Natawa siya at umiling. Tumayo siya at tumabi sa'kin. "I think it's your time to go home?" Nanlaki ang mata ko sa gulat. Oo nga pala! Kailangan ko ng umuwi! I glanced at my wrist watch. s**t. 3:30 na! "Oh my gosh," I whispered. Agad akong naglakad at halos tumakbo na. Ang layo pala ng narating namin! Ang layo ng parking mula rito. "Eisz, careful. Hikain ka," Narinig ko si Andres na sinundan pala ko. Huminahon ako at naglakad na lang ng normal. Ayoko ngang makita niya na naman akong hinihika. "Bakit ka ba nagmamadali?" He asked. "Si Manong pero wala na rin 3:30 dismissal ng mga cousin ko. Siguro iniwan na rin ako," Mahigpit akong kumapit sa backpack ko habang naglalakad. "It's okay. I can drive you home," Napatingin ako sa kanya at napailing. "Hala, wag na. Mag tricycle na lang siguro ako," "I insist, Eisz. It's not safe to ride in a tricycle, you know. And you're alone!" Napanguso ako sa rich kid na 'to. Maka it's not safe naman! Mababait naman karamihan ng mga tricycle driver! Ang judgemental niya ah! Pero crush ko pa rin siya! "Okay," He smiled and hold in my bag. Lalo tuloy bumigat ang bag ko dahil sa kamay niyang nakahawak. He's grinning like an idiot pagkapasok sa kotse niya. Tinignan ko sa rearview mirror ang mga nakalagay sa backseat. May bola ng basketball at mga naka ayos na mga libro. Diretso lang siyang nagdadrive at ako naman ay nakatingin lang sa bintana. Nag iisip ng pwede naming pag usapan. Masyado nang malayo ang nararating namin habang tahimik lang. "You're always in Manila before?" I suddenly asked after a couple of minutes. He glanced at me and nod. "Yeah, we have some business there too," "Buti hindi ka nag aral doon?" Napaka reporter naman ng dating ko. Interview ba 'to? "Nope. I love Pampanga. But maybe in college," He glanced at me again. Wearing his lop sided smile. "How about you? Sa Manila ka na sa college?" Naalala ko bigla sila Lea. Isang taon lang naman ako rito eh. Sa Manila pa rin naman ako gagraduate ng senior high school kasama sila. "Yeah," He smiled at me. Pumasok na ang sasakyan sa may street namin. Grabe, ang bilis naman! Ang tagal ko pa lang nagpabebe. "So, I'll see you tomorrow," Saad niya pagkapark sa tapat ng kapitbahay namin. Napangiti ako dahil sasabihin ko pa lang na itigil niya eh. Naunahan niya na ko. "See you. Thank you, Andres," I said smiling. Nakahawak ang isang kamay niya sa manibela at ang isa ay namamahinga sa kanyang hita. Nakatingin siya sa harapan bago tumingin sa'kin. He bite his lower lip and smiled. "Next time," Kumunot ang noo ko. Nagtatakha. "I'll park in front of your house without inhibition," Naguluhan ako roon pero napangiti na lang. I'm so doomed. Malala ka na, Eisz.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD