Kabanata 7

3187 Words
Mahigpit akong nakakapit sa strap ng backpack ko habang pumapasok sa buong kabahayan. "Good mood na good mood ah!" Napaangat agad ako nang tingin para hanapin kung sino 'yun. "Wow you're here kuya! Hindi ka busy?" Si kuya na kakalabas lang sa garden. Hinubad ko ang backpack ko at nilagay sa center table ng sofa. Kumaripas ako nang takbo palapit sa kanya. "Napadaan lang. Babalik din ako sa Manila bukas. Sucks to live alone, you know." Lumungkot ang mukha ko at niyakap ang kuya. "You look happy. So nice that you're already comfortable here," Humilaway ako sa yakap at ngiting ngiting tumango. "Yes! I got so many friends! As in my whole class," He laughed. Pinaakyat niya muna ako sa taas para makapag palit. Nag half bath muna ako pagkatapos ay dali dali nang bumaba. Wearing my dolphin shorts and oversized shirt. "Jusko Kelsey mag ingat ka sa hagdan!" Natawa ako sa tinuran ni Tita. Typical kapampangan's nawawala ang 'h' sa words like hagdan dapat pero ang banggit nila ay "agdan." "Kuya Renz bili mo na ko ng ice cream!" Ang pagmamaktol ni Princess ang napansin ko sa kalagitnaan ng pagsasaya nila sa garden. "Oh kuya cha you're here din!" Sigaw ko nang makita si kuya cha na nakaupo sa harapan nila kuya. The long table is here. Omg, it's like a party! "Kausapin mo nga 'tong si Ysa, sa cellphone ko pa nag video call," Reklamo nito at nilahad sa'kin ang cellphone niya. "Kelsey!" Sigaw nito kaya tinapat ko agad ang phone sa mukha ko. Nakita ko ang nakasimangot na mukha ni ate Ysa. "Wish I was there!" Reklamo nito na halos maluha na. "Bakit kasi may exam pa ko bukas, ang epal epal." Nang gigigil na sigaw nito kaya natawa ako. Nasa condo niya siya at halos mag wala na kaya natatawa tuloy ako. "Ang daya pa ni Kuya cha ba't siya nandiyan dapat dinadamayan niya rin ako na missing in action!" Natawa ako nang tuluyan. Sumingit si kuya cha sa screen kaya pinaharap ko ang camera sa'ming dalawa. "Bleh! Kawawa ka naman," Napatili nang malakas tuloy si ate sa inis. "Chill, Sang. I'm gonna visit again on weekends but idunno which weekends," Nang aasar na sigaw ni kuya. "You guys bullying me! Itatakwil ko na kayong pinsan!" Natawa kaming lahat. "Eisz, nakakainis sila! Ibigay mo nga muna 'yung phone kay Inang. I'm gonna talk to her and ban kuya Renz in the house," "A'right, a'right," Pumunta ako sa side nila Mama. All our tita's and tito's are there, talking about something. Binigay ko kay Inang which is our lola ang phone at pinakausap kay Ate. "Tara bili tayo ice cream," Nagtatalon sa tuwa si Princess na sinalihan ko. Tinawag ko si Joaquin para sumama sa'min. "Bakit bibili pa ng ice cream, para namang wala tayo 'nun," Nakasimangot na sabi ni Joaquin habang sumusunod sa'min. Ice cream is our family business here all over the Pampanga. "I want selecta!" Sigaw agad ni Princess at inirapan ang kuya niya. Sumakay ako sa backseat at katabi si Joaquin. Si kuya ang driver at nasa shot gun si Princess. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawag si kuya para picturan. Nakangiti ako habang ginagawang story 'yun sa messenger. Naiimagine agad ang pagtatanong ni ate kung saan kami pupunta. Papatayin ko na sana ang phone nang may mag pop up na message. Andres Montemayor: You home? Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Napakagat sa labi sa pagpipigil ngumiti. Ako: Yes? Ikaw? Tumingin ako sa bintana kung saan papunta kami sa bayan. May pinag uusapan si kuya at Princess na kung ano. Sinulyapan ko ang cellphone at nakita agad ang reply niya roon. Nag reply siya sa story ko. Andres: I'm home, also. You have a brother? "Si ate Kelsey hindi sumasabay pauwi. She's so busy kasi with her school works," Natuon ang pansin ko sa sinabi ni Princess pagkasend ko ng reply kay Andres. "Uh oo nga pala. We have acquiantance party. This August na 'yun," Singit ko agad bago pa maintriga ni kuya kung bakit hindi ako sumasabay kila Princess. Well, medyo true naman kaso madalas ay nakikipag bonding lang ako kasama ang mga kaklase. Napatingin sa'kin si Joaquin. "Aga ah? Dati September pa ginaganap 'yun," Sinulyapan ko siya at nagkibit balikat. "Wow ate! Bili na tayo ng susuotin mo!" I laughed to our Princess. She's our little fashionista. Siguro ay nasanay na siya na simula pa pagkabata ay siya ang paboritong bihisan. She's indeed a living barbie doll. "Yeah, bebe. Siguro next week," Tinignan ko ulit ang cellphone ko para makita ang reply ni Andres Me: Yeah. One brother lang pero maraming kuya sa pinsan Andres: Alright. Where you going, anyway? Tinignan ko ang labas ng bintana kung saan pinapark ni kuya ang sasakyan sa harapan ng 7 eleven. Me: 7 eleven. Bibili ng ice cream ng pinsan ko. Wait, we're here na. Ttyl Lumabas kami ng sasakyan at nagtungo sa loob. "Anong flavor ang gusto mo, ate?" "Cookies and cream," Tila lumiwanag ang mukha niya. "Same tayo but I love two. Cookies and cream and rocky road," I smiled at her and nod. Pumunta ako sa side ng chichiria at kumuha roon. "Libre mo kuya ah," Paninigurado ko sa kanya pagkalapit ko. "You want Jollibee?" Tanong nito habang tumitingin ng inumin. Kumibit balikat lang ako. I glanced at Joaquin na nasa mga cup noodles. Kumuha rin ako bago nagpunta sa side ng mga ice cream para kumuha rin ng akin. Napaangat ang tingin ko sa mga kakapasok lang na mga naka varsity mula sa school namin. Kagaya ng basketball short ni Andres kanina, siguro ay mga kasamahan niya ang mga ito. Ang iba ay nakatinginan ko pa dahil agad silang napasulyap sa'kin. I suddenly got conscious. Nakapambahay lang ako for pete's sake! Pumunta si kuya sa counter kasama sila Joaquin kaya lumapit din ako sa kanila para ilagay ang mga napili ko. Ramdam ko pa rin ang mga tingin ng mga varsity player sa'kin na lalong kinailang ko. "Sup, Joaqs!" Rinig ko ang mga bati nila kay Joaquin at mumunti nilang pag uusap. Joaquin was also a varsity player before. Pinastop muna siya ngayong taon ng mom niya para makapag focus sa studies. Sa Angeles kasi siya balak pag aralin ng senior high school. Nagpauna na ko agad sa kotse. Si kuya at Princess ay pumunta ng jollibee which is katabi lang naman nitong 7 eleven samantalang si Joaquin ay nakikipag kwentuhan pa sa mga kaibigan niya. Binuksan ko agad ang phone ko pagkapasok. Andres: Okay. Chat me when you're done Me: Hi, nandito ang ibang basketball players. Tinignan ko ulit sila Joaquin. Ang iba ay nakatingin sa sasakyan ni kuya na parang nakikita nila ko. I'm sure as hell that this car is tinted. Lahat ng cars namin ay tinted. Sinulyapan ko ulit ang cellphone ko. Andres: Really? I don't usually hanging out with them. Bakit kaya? Hindi ba ang mga lalaki ay mahilig makipag hang out? Hmm siguro ay masyadong taong bahay lang itong si Andres. Me: My cousin, Joaquin knows them. You know him? Varsity player na siya since he was an elementary! Star player pa. Panis ka. Humalakhak ako sa pagyayabang. Nakita ko agad ang pag seen niya at pag typing. Grabe, ang bilis! Halatang ako lang kausap. Masyado namang paasa si crush. Andres: Yeah, we're kinda close. You're a proud cousin. So lucky of him. Me: Bakit? Gusto mo rin cousin kita? Napaangat ang tingin ko kay Joaquin na pumasok na sa sasakyan. Napatingin tuloy ako sa labas pero naroon pa ang mga kaibigan niya at ang iba ay nakatingin dito. "Quin, you know my classmate Andres? He's also a varsity!" Napataas ang kilay niya at tinignan ako. "Ofcourse. Hmmm," His lips suddenly rose up. May nanunukso na agad na ngiti sa kanyang labi. Napaiwas tuloy ako nang tingin. "I heard you're close with him?" Tinignan ko ulit siya na parang wala lang 'yun at hindi ako interesado. "Oo he's nice, duh we're classmates. And I told you! Close ko nga ang mga kaklase ko," "Ate being close with that man is hard. Hindi masyadong pala kaibigan 'yun," He said with so much malice. Gosh, baka isumbong pa ko nito! "Ang malisyoso mo, Joaquin!" Nairapan ko tuloy. Tumawa naman siya. Tinignan ko na lang ulit ang cellphone kaysa mabuking niya pa ko. Andres: Of course not. I just want someone who's proud at me too. Me: Nandiyan naman sila Lyle and Jennie. I'm sure proud sila sayo. Pinanood ko ang agad niyang pag seen at pag reply sa chat ko. Andres: Maybe but anyway pauwi na ba kayo? Sumilip ako sa labas ng bintana at nakita ang papunta na sila kuya at Princess dito. Dumidilim na rin sa labas. Inabutan na kami ng gabi. "Daming tao," Sambit ni kuya pagkapasok. "Kuya Renz coke float ko," si Princess. Napa ayos ako ng upo at nanghingi rin ng akin. Dinala niya ang lahat ng binili niya rito sa backseat sa gitna namin ni Joaquin. Pagkarating sa bahay ay kumain lang kami at nagkwentuhan. Atat na atat na ko matapos para makausap ang crush ko. "I'm tired. Tulog na ko kuya," I kissed his cheek and bid my goodbye. "Princess, Joaquin! Matulog na tayo. May pasok pa tayo bukas," Sigaw ko sa kanila. Sumunod sila at yumapos sa'kin si Princess. "Ate goodnight," "Goodnight. Sleepwell bebe," Pagkapasok sa kwarto, agad akong tumalon sa kama at kinuha ang cellphone. Me: Hi, I'm home. Kanina pa talaga nag dinner lang. Offline siya. 30 minutes ago kaya napabuntong hininga ako. Tinignan ko ang ibang mga nag memessage sa'kin. May mga message roon ang mga classmate ko rati o kaya mga schoolmate. Inignore ko na lang dahil wala kong balak ientertain sila. Andres: Hey, wait. I'm playing Napanguso ako sa reply niya kaya nag scroll na lang ako sa ig. I tried to search his name. Hindi ko makita kaya in the end inistalk ko ang account ni Jennie. She followed me days ago. Habang tinitignan ang following niya nakita ko ang username ni Scarlet. Kaya naisipan ko tuloy pindutin ang account niya. Hell, she's kinda famous. Tumaas ang isang kilay ko habang tinitignan ang feed niya. Marami siyang posts, 500. Ang iba pictures nila ni Andres. Pinindot ko ang isa, naka basketball jersey si Andres at ngiting ngiti sila sa camera. itscarletM: Congrats! We're champion because of you, my mvp! Tinignan ko pa ang iba na picture nilang dalawa. itscarletM: Happy birthday. I wish you all the best in life and I'm always here for you. May comment doon si Andres saying thank you with a heart emoji. Tinignan ko pa ang isa na mukhang nasa hospital bed si Scarlet at nakaakbay siya kay Andres. itscarletM: Thank you for taking care of me! You're always the best! Inexit ko na agad pagkatapos 'non. Pinatay ang cellphone at tinitigan ang kisame. They look like a couple. Kung hindi ko lang sila kilala sa personal ay hindi ko mahahalatang mag bestfriend lang sila. And s**t this is so frustrating me. Nafefeel ko gusto rin ako ni Andres. Or maybe I am just assuming things? Na feelingera lang talaga ako. Nag vibrate ang phone ko at tinignan 'yun. Andres: Hey! I'm done. I'm sorry. Are you still awake? Huminga ako ng malalim. I am a straightforward person. And I think I should be clear, he should be clear. Alam ko rin namang hindi ako makakatulog hangga't wala kong nakukuhang sagot. Me: Hey. I'm sorry. I just want to asked if am I just assuming things? Are you interested on me? Tinurn off ko agad ang cellphone ko at parang tangang nagpagulong gulong sa kama. s**t. Ngayon lang ako sobrang kinakabahan sa gan'to. Hindi ako sanay! Sa Manila naman ay hindi ganito. Even with Wendell! Hindi naman ako naging straight forward sa kanya tungkol sa relationship namin dati dahil hindi naman ako masyadong naapektuhan! Tinignan ko ulit ang phone ko para makita ang reply niya. Andres: You're not assuming. I'm really interested. I should say it in person but I like you, Eisz. Halos hindi ako makahinga. Omg. Hihikain ata ako! Me: How about Scarlet? Andres: C'mon she's just my bestfriend for heaven's sake. Huminga ako nang malalim at pilit pinakalma ang sarili. Me: What about her? Bestfriend lang din ba ang turing niya sa'yo? Ang bilis niya mag reply! My gosh. Andres: Of course Me: I doubt. Masyado na ata akong nangengealam. Hay ano ba Kelsey Eisz! Nakakainis ka talaga! Andres: Eisz, I don't care at all. We're just best of friends. And she hella knows it. Please, believe me. I sighed. Hindi pa nga kami pero kung mag duda ako para na kaming mag jowa! Me: Okay. I'm sorry. Hindi lang talaga ko sanay. You're too close to each other. I'm just so insecure. Kasi sila marami nang pinagsamahan. Magkakilala na mula pagkabata. And for sure, kilalang kilala na nila ang isa't isa. Pinatay ko ang cellphone ko at napiling matulog na. Kinaumagahan para akong lantang gulay na bumababa ng hagdan. "Good morning kids!" Bati ni kuya pagkapasok ko sa dining. I just smiled at him and turn to my seat. "Ate please hurry up. Malalate na tayo," "Kayo lang kaya," Sambit ko kaya napasimangot siya. Dahan dahan kong kinagat ang sandwich na hawak. Rinig ko ang halakhak ni kuya. "Eisz is still hate mornings," Sambit niya. Hindi ko alam anong nangyari pero nagising na lang ako sa kotse at wala na ang mga pinsan ko kahit ang kuya! "Ugh what's happening," Mahinang sambit ko at tinignan ang wrist watch. It's already 8:10 am. Wtf! I'm late! Dali dali akong bumaba at tinignan ang paligid. Nasa'n na nga ang shs building? "Eisz!" Dinig kong sigaw nang kung sino pero hinayaan ko na lang at tumakbo na ko. "s**t s**t s**t s**t," Paulit ulit kong sambit habang umaakyat ng hagdan. I'm not a late person. And I hate late person! Dahan dahan kong kinatok ang pintuan ng room. Kasalukuyan ng nag didiscuss ang prof namin! "Good morning, Ma'am. I'm sorry, I'm late," Tumango lang siya at pinauupo na ko. Tinignan ko ang upuan ko at nakita roon si Andres na ngiting ngiti sa'kin. Tinapik niya ang tabi niya na kinakunot ng noo ko. Where's Mela Rose? Pasimple kong nilibot nang tingin ang buong classroom. Wala naman siya. "Kaloka teh! Kala ko naman nag usap kayo ni Mela umabsent ngayon. Magtatampo na sana ako eh!" Daldal agad ni Ivy sa'kin pagkaupo sa tabi niya. Pinagigitnaan tuloy nila kong dalawa. "Hi, good morning. Mukha kang bagong gising," Nang aasar naman na sabi ni Andres habang nakatingin sa'kin at nakakagat sa kanyang ibabang labi. Mukhang pinipigilang ngumiti. Sinamaan ko siya nang tingin. "But still cute tho," He grin. I rolled my eyes trying to prevent my smile. Nagsimula ang klase na katabi ko siya. Pagsapit ng lunch at paglabas ng prof namin ay agad humarap sakin si Andres. "Saan tayo maglalunch?" He asked. Tinignan ko siya habang inaayos ang mga gamit ko at nilalagay 'yun sa bag. "Saan ba Eisz? Sama ka samin, Andres?" Si Ivy. He nodded. "Canteen na lang. Puro fastfood si Eisz. That's not healthy," Sabi niya habang mariin ang titig sakin. Nailang ako roon kaya tumayo na ko. Sa canteen nga kami kakain. Katabi 'yun ng gymnasium na malapit sa jhs building. Kinakabahan tuloy ako baka makita ako nila Joaquin. Ang malisyoso pa naman ng pinsan ko na 'yun! Habang naglalakad sumasabay pa si Andres sa bagal kong maglakad. He always taking glanced at me. Na conscious tuloy ako sa pagmumukha ko! Nagulat ako nang tinaas niya ang palad niya sa harapan ng mukha ko at pilit tinakpan ang araw. "Namumula ang mga pisngi mo kapag masyadong bilad sa araw. You should always bring umbrella, you know," ani niya. Pinagtitinginan kami ng mga students na nakakasalubong. Syempre nakakacurious nga naman at pilit pa kong sinisilong ni Andres sa araw gamit ang mga palad niya. "Nakakangawit ang mag payong," I shrugged. Ngumiwi siya sakin. Diretso kami papasok hanggang canteen. Sobrang daming tao. This place is huge. Hile hilerang mga upuan at lamesa. Stalls sa mga gilid. At may malaking ceiling fan kahit sa mga gilid ng pader ay mayroong malalaking fan kaya kahit maraming tao ay presko naman. "What do you want to eat?" I glanced at Andres. He's staring at me. His hands is in his pants pocket. Tinignan ko ang mga stalls sa paligid. "Gusto mo lutong ulam?" Tanong niya pa ulit. Tumango ako sa kanya. Nagulat nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at igiya sa kung saan. "Hey follow me," Utos niya kila Ivy. Kasama namin si Ivy at Lyle. "Ateng Lolit!" Hinatak niya ko sa malaking stalls. May malaking istante roon at may mga lutong ulam. Nakakagutom. Medyo may katandaan na ang tinawag ni Andres. May suot itong apron at gloves. Nag usap silang dalawa gamit ang kapampangan. Tinignan ko lang ang mga ulam para mamili. Napatingin ako sa kanilang dalawa nang mamention ni Andres ang pangalan ko. "Bata me? Kalagu na," Tumingin silang dalawa sa'kin. Ngumiti ako sa matanda. "Alikupa teng," Andres smiled at me. Napanguso ako dahil wala kong naintindihan. Narinig ko ang tawa ng matanda. "Hindi ka ba nakakaintindi ng kapampangan?" I nodded and smiled shyly. "Mamili na kayo at kumain," Aya niya sa'min. Nilingon si Lyle at Ivy na nasa likod. Ngiting ngiti sakin si Ivy na kinakunot ng noo ko. She mouthed 'later' Nakakaconscious kumain tbh. Pansin ko ang mga titig sa paligid. Katabi ko si Andres, katapat naman si Ivy na katabi ni Lyle. As usual napuno ng asaran dahil sa kanilang dalawa. "Don't talk when your mouth is full! Hindi ka ba naturuan 'non?!" "Hoy! Ikaw nga ang ingay ingay ngumuya!" Nagkatinginan kami ni Andres at natawa. Mabilis na lumipas ang oras. Pagsapit ng uwian ay napagpasyahan naming gumawa ng research kila Wendy. Katabi lang ng barangay nila Andres. "Para ka namang tuko kay Eisz! Uy hindi pa kayo pakawalan mo naman!" Inirapan ni Ivy si Andres habang palabas kami ng room. "Samin na kayo sumabay. Lyle brought his car," Sabi ni Andres na lalong kinagalit naman nito. "What?! Makakasama ko na naman 'yang impaktong 'yan?!" "Pogi ko kaya. Kausapin muna raw tayo ni coach, bro." Tinapik ni Lyle ang balikat ni Andres. Lumingon sa kanya ito at tumango. "Wait us. Saglit lang 'to," Hinawakan niya ang siko ko. Tumango ako at ngumiti. Kumakaway pa lang ako sa kanya nang bigla akong hilahin ni Ivy sa kung saan. "Grabe ka naman. Di ko talaga mareach ang ganda mo sis!" Natawa ako roon. Umupo kami sa may mga gazeboo sa gilid ng shs building. "Alam mo ba 'yung sinabi ni Andres kay Ateng Lolit?" Umiwas ako nang tingin at nag isip. Naalala ko bigla ang paglingon ko sa kanya at ang later niya. "Oo nga. Anong meron 'don? Sabi mo later," "Si Andres kasi! Masyado nang pinapangalandakan na gusto ka niya," I exaggerated open my mouth and be shocked. As if naman hindi sinabi sa'kin ni Andres kagabi na gusto niya ko. "He likes you, girl!" Tumili siya nang sobrang lakas at tinalo pa ko sa sobrang kakiligan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD