"Eisz pakiabot nga kay Ivy," Nilingon ko si Jennie na may inaabot na brush. Kinuha ko 'yun at nilapag sa lamesa namin at iniusog kay Ivy.
"Hala kumalat! Anak puta," Nanlaki ang mata ko dahil baka nasagi ko si Mela kaya lumagpas ang pinipaint niya pero hindi naman eh.
We're currently painting. It's our p.e class. Last class na rin para sa araw na 'to.
Binun ko ang aking buhok dahil masyadong distraction sa'king ginagawa.
I'm doing a portrait painting with the face of my mom. Ang instruction kasi sa'min ay magpaint kung saan or sino ang importante o may magandang memories sa buhay namin. And I thought about my mom. She's so important. Gusto ko sana ang Manila kaso baka abutin pa ko ng siyam siyam dito.
After one hour nag inat inat na ko. I'm already finished. Tinignan ko sila Mela at Ivy. Badtrip na badtrip ang mukha ni Ivy kaya natawa ako.
"Ugh! I hate arts!" Rinig kong reklamo nito at tumingin sakin. "Tapos ka na?" She asked. I nodded.
"Patuyo natin sa labas," I nodded again. Hindi ko pa niligpit ang mga gamit ko dahil hindi pa tapos si Mela. Share share kasi kami.
Lumabas kami ng room at nagtungo sa corridor. Isinampay namin roon ang canvas at hinayaang nasisinagan ng araw.
"Gosh ang init! Dapat pala tinapat na lang natin malapit sa ac eh," Bahagya niyang sinikop ang mahabang buhok niya. Ako pa nahihirapan sa buhok niya eh. Makapal kasi at sobrang haba. Feeling ko mabigat pa.
"Hey," Nilingon ko ito at bahagyang nagulat nang sumulpot si Andres sa likod namin. Wearing a violet shirt printed in front is lakers and his basketball short.
"Andres! Tapos na practice niyo?" Ivy asked him.
"No, break time lang," He shrugged then looked at me again.
"Ay taray! Diretso agad kay Eisz. Sweet mo naman pala," Tumawa nang malakas si Ivy, nang aasar. Inismiran ko siya at napailing.
"Saan ka nag lunch?" Tanong ni Andres sa'kin.
"Sa canteen. Ikaw?" He nodded and smiled. Ayaw niyang sa fast food ako kumain. Kay ateng Lolit na lang daw at lutong ulam pa.
"Sa canteen din kaso lang late lunch," I nodded and turn my gazed to Ivy.
"Kaloka tulungan ko na nga lang matapos si Mela. Ayokong maging third wheel dito!" Natawa ako rito. "Yung paint ko Eisz ah! Masterpiece ko 'yan!" Paalala niya bago siya naglakad pabalik sa room.
Tinignan ko si Andres na tinitignan ang gawa namin.
"Where's yours?" Ninguso ko ang portrait. He looked at that and turn to me, shocked.
"Wow. You're a badass painter. You're so good,"
"Well, I love art," Tumawa ako at tinignan din ang gawa ko.
"It's your mother, right?" Tumango ako sa kanya, nakangiti. Inilabas niya ang phone niya at pinicturan ito.
"Credits mo akin 'yan," Tumawa siya at tinutok sa'kin ang cellphone niya.
"Sama na lang kita. Hold your canvas," Kinuha ko sa kanya ang canvas at ngumiti sa camera kahit na alam kong sobrang haggard ko na.
After he took pictures. Sumandal siya sa corridor habang inaayos ko ulit ang canvas na pinatuyo.
"Sama ka ba mamaya?" I asked. Kila Wendy ulit kami at gagawa ng research.
"Yeah," He said without taking glanced at me. Busy siya nag cecellphone. Nahiya tuloy ako kasi baka tinitignan niya ang picture ko.
"Hindi ka pa ba babalik sa gym? I thought break time lang?" Kumibit balikat lang siya. Tinignan niya ko at binulsa na ang cellphone.
"Uwian na. Sabay ka sa'kin mamaya. I'll wait you in the parking,"
Tinignan ko ang wrist watch ko at nalamang 2:30 na.
"Sige sabihan ko si Ivy," He nodded. Kinuha ko na ang mga canvas. Nagpumilit siyang samahan ako sa room pero pinilit kong umalis na siya at baka hinahanap na siya sa gym. Pasaway kasi pumunta pa rito.
"Saan na si Andres?" Tanong ni Ivy pagkaabot ko sa kanya ng canvas.
"Bumalik na sa gym. Sabay daw tayo mamaya sa kanya papunta kina Wendy," She playfully rolled her eyes.
"Sus! Ikaw lang inaaya pati ako dinadamay mo!"
"Sana all magkagroup," Singit ni Mela. Natawa ako roon. Ka group niya kasi sila Ronnie.
"Gagawa kayo ngayon?" Tanong ko. Para isama na lang namin siya kila Wendy at may kasabay ako umuwi. Nahihiya na ko kay Andres! Lagi akong hinahatid pauwi.
"Oo, kila Ronnie." Tumango ako at nanghinayang. Sayang naman. Namimiss ko na rin kasabay siya pauwi.
"Tara na Eisz. Baka hinihintay na tayo ni sweet lover," Sabi ni Ivy habang nilalapag namin sa prof's table ang mga painting namin. Iiwan lang namin ito dahil wala ang prof.
"Sweet lover?" Nagtatakhang tanong ni Mela na ikinatawa namin. Lakas talaga mang asar ni Ivy.
"Si Andres,"
Habang palabas kami ng room kinwento ni Ivy kay Mela ang nangyari kanina sa corridor. With actions pa kaya sobrang tagal niyang nagkukwento!
"Grabe lakas talaga ng amats sayo ni Andres ah,"
"Oo teh! Nahuhuli ka! Diba nga kinwento ko na sayo 'yung nangyari 'nung absent ka,"
"Oo nga eh. Sinabi niya na ba sayo in person gusto ka niya?" Umiling ako. Oo nga 'no. Sinabi niya lang sakin sa chat 'yun.
"Hala teh! Anong pinag kukwentuhan niyo kapag hinahatid ka niya? Kapag alone time niyo? Hindi niya minimention man lang?" Bahagya kong inisip kung ano ba ang pinag uusapan namin. Nagtatawanan lang kami madalas o kaya nagkukulitan. Minsan namin kinukwento ko 'yung mga ginagawa ko rati sa Manila na hindi ko na nagagawa ngayon. Minsan naman ay mga embarrasing moments.
"Kahit ano pero hindi niya namemention," I said. Naconscious tuloy ako. Masyado akong nagpadala sa emotions ko. Masyado akong nagpaniwala kaagad.
"Wala naman si Andres dito eh," Saad ni Ivy pagkarating namin ng parking. Inilibot ko ang tingin. Wala pa nga siya.
"Girl ayun oh," Nilingon ko 'yun at nakita ang sabay na naglalakad na si Andres at Scarlet. They laughing about something. Nakalingkis ang braso ng babae sa braso ni Andres.
"Ingat ka Eisz. Nakakalimutan natin si Scarlet," Rinig kong bulong ni Ivy. Umiwas ako nang tingin nang makita kami ni Andres.
"Hey," Sabi niya nang makalapit. I smiled a little. "Tara na ba?"
"Classmate mo sila, Earl?" Scarlet asked. Tinitignan niya kami. I smiled a little, too.
"Yes, that's Mela, Ivy and this is Eisz," Pagpapakilala ni Andres. Nasa tabi ko siya at hinahawakan ang siko ko. Napatingin doon si Scarlet at pagkatapos ay sa'kin.
Nakataas ang kilay niya. Mukhang gusto niyang umiwas ako kay Andres pero pakialam ko sa kanya.
"Oh, where you going anyway? Can I come?" Sabi niya pa at hinatak palapit sa kanya si Andres. Umiwas ako nang tingin. Napaatras palapit kila Ivy
"You have classes," Natatawang sambit ni Andres sa kanya. Nagpatuloy ang pagpipilitan nila na parang may sariling mundo hanggang tumikhim na ko.
"Mauuna na pala kami. Kanina pa chat nang chat si Wendy. Salamat na lang sa alok, Andres." I said smiling a little. Mula sa nakangiti niyang mukha napunta sa pagkunot ng noo.
"Huh? Then let's go,"
"Hahatid din kasi namin si Mela. Bale, papahatid na lang kami kay Ronnie papunta kila Wendy," Sabat ni Ivy at ngumiti rin.
Lalong kumunot naman ang noo ni Andres. Kita ko ang pag irap ni Scarlet. I looked at her. Almost glaring.
"Sasabay na nga kayo sakin. What's your problem? Kung nagmamadali edi tara na?" Pagpupumilit pa nito.
"You know what, Earl. Kung ayaw nila, edi 'wag. Ang daming arte,"
"You know what? Can you shut your mouth. You're not belong here! Shs ka ba?!" I said gritting my teeth. Alright, I lost my patience. Bullshit.
"Oh my gosh. Tara na Eisz. Calm your bestfriend, Andres," Pinag diinan pa talaga ni Ivy ang 'bestfriend.'
"What?"
"You're such an attitude girl. I'm just stating a fact. Ba't ka nagagalit?" She said, again. Nakatalikod na kaming tatlo pero napalingon pa ko. Andres came to me. Hinahawakan na naman ang siko ko.
"Calm down, Eisz." Iwinaksi ko ang braso ko para matanggal ang hawak niya sa siko ko.
"Don't come near me. Leave me alone, Andres."
"What? What did I do?!" Confused na sigaw niya pero hinatak na ko paalis nila Ivy.
"Grabe girl! Savage! Tinalo mo sa kamalditahan ang Queen Bee kuno," Natatawang sambit ni Ivy pagkatapos namin makarecover sa nangyari. Palabas na kami ng gate, mag aabang ng mga tricycle roon.
"She's only a high school kid. Dapat siyang rumespeto sa nakakatanda sa kanya,"
"Isang taon lang girl! Masyado ka namang o.a,"
"Kahit na! Duh!"
"Gigil na gigil ka. Gulat ako! Kala ko sasabunutan mo na eh," Natawa ako nang malakas doon.
"Muntik na nga eh, buti na lang napigilan mo ko," Nagtawanan kami kasabay nang malakas na busina sa likod namin.
"Ay shuta!"
Nilingon namin 'yon at agad akong napasimangot.
"Eisz, I'm sorry please. I'm sorry for Scarlet's behavior. Sabay na kayo sa'kin." Sumasabay ang sasakyan niya sa lakad namin. Nakababa ang car's window niya para makausap kami.
"Ano sa leave me alone ang hindi mo naintindihan?"
"I'm sorry, I'm sorry, I'm sorry. She's really a brat. I'm sorry, please don't be mad,"
Napahinto ako maglakad at humarap sa kanya.
"So what if I'm mad? I'm only your classmate, right?" I rolled my eyes and continue to walk.
"Eisz!" Rinig kong sigaw nito. Mabuti at hindi na sumusunod ang kotse niya.
"Eisz! I like you, I really really like you. Don't be mad at me please," He shouted. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. May mga pauwi ring shs na kasabay namin for heaven's sake!
"Oh my gosh!"
"Hala nag eksena na!"
Nilingon ko siya. Masama ang tingin niya sa'kin. Naglakad siya palapit at hinawakan na naman ang siko ko.
"Please sumabay ka na sa'kin. Kung galit ka pa rin, sige okay lang basta sasabay ka," I rolled my eyes and turn my gazed to my friends.
"Tara na girls," Ngiting ngiti silang dalawa na tumango.
Nagsimula akong mag martsa papunta sa sasakyan niya. Narinig ko pa ang bulong niyang 'thanks God.'
"Kila Ronnie ba?" He's looking at me, asking. Kunyari akong naglalagay ng seatbelt at hindi siya pinapansin.
"Oo Andres, hahatid natin si Mela Rose! Malapit lang naman kila Ronnie diba?" Dinadaldal na siya ni Ivy kaya napanatag na ko na hindi niya na ulit ako kakausapin.
Damn. Bakit bigla na lang siyang sumabog kanina at isinigaw 'yun. Actually, para na lang nag melt ang galit ko sa kanya at agarang nawala! Hindi ko na rin naman maitatanggi na kinilig talaga ko. Shet, hirap magpigil ng ngiti ngayon! At alam niya pang galit ako.
Silang tatlo na ang nag uusap tungkol sa kung saan. Samantalang ako tahimik pa rin at nakatingin lang sa bintana.
Gusto ko sanang magtanong nang pumasok kami sa street nila Wendy. Ang akala ko ay bababa na kami pagkatapat sa gate nila nang dumiretso pa ang sasakyan. Lumiko pa ang sasakyan kalaunan ay huminto rin sa modern one storey house.
It's nice and simple. Ito ba ang bahay ni Ronnie?
"Thank you sa paghatid Andres, Eisz, Ivy." I smiled at her and waved a goodbye. Nang makababa si Mela ay agad ding pinaandar ni Andres ang sasakyan.
"Ang lapit lang pala ng bahay ni Ronnie kila Wendy," Sabi ko kay Ivy nang makapasok kami sa gate nila Wendy.
One storey house rin ang bahay nila. It's actually a compound. Tatlo ang bahay na naririto, mga family ni Wendy. Kaya noong una kong punta rito ay ang dami naming pinag manuhan!
Dumiretso kami sa garden nila. Ang iba naming kagroup ay naroon na.
"Oh? May practice kayo diba, Dre? Why are you here?" Bungad ni Wendy habang naglalagay ng meryenda sa center table.
Kumibit balikat lang si Andres. Halatang wala sa mood. Dumiretso siya sa upuan ganun din ako pero hindi sa tabi niya.
Pumangulambaba na ko sa lamesa nang nilingon ko ang tumabi sa'kin. Nakapabilog kami dahil bilog ang lamesa.
"You're still mad?" He asked. Bumuntong hininga ako at umiwas nang tingin.
"Hindi Andres,"
"Then, why are you avoiding me?"
"I'm just not in the mood," Nilingon ko siya saglit. Narinig ko ang tawa ni Wendy kaya napunta ang atensyon ko sa kanya.
"Ay LQ?" Nang aasar na sabi niya na ikinangiwi ko.
Nagsimula na rin kami agad kahit na 'yung iba ay wala. I think nakapag paalam na rin sila kay Wendy na siyang leader namin.
"So sa logo muna tayo. Ano ba ang gusto niyong design?"
"Just a buritto and the name of our product," I tried to sketch my idea while they're still discussing it.
Pagkatapos ay ipinakita ko 'yun sa kanila.
"Idea ko lang. If ayaw niyo, okay lang." I said. Kumuha ako ng snacks na nasa center table habang tinitignan nila ang sketch ko.
"Grabe, Eisz! May nanalo na! Ikaw na talaga," Sabi ni Ivy at pinalakpakan pa ko ng gaga. Natawa ako roon.
"She's so good," Komento ni Andres. Tuwang tuwang nilapitan ako ni Wendy at kunwari'y pinasa sa'kin ang korona.
"Sayo na ang korono, girl." Tumawa ako habang ngumunguya. Nakakatuwa ang papuri nila at nagustuhan nila ang mumunting sketch ko at natutuwa rin ako sa kinakain. Ang sarap!
Hotdog rolls! My gosh, I love hotdogs!
"Wends?" Tawag ko rito habang may ginagawa siya sa laptop niya. Naroon din si Andres sa tabi niya at tinutulungan ata siyang ilipat ang sketch ko sa laptop.
"Pahingi pa kong hotdog rolls?" Mukhang nagulat siya roon kalaunan ay natawa. Napatingin din sa'kin si Andres. He look amused.
"Hotdog rolls is your favorite?" Tumango ako kay Andres. Tumawa siya roon at napailing.
Pagpatak ng 4:30 pm natapos din kami. Kaya kanya kanya na rin kaming ayos sa mga gamit namin.
"Thanks guys for today. Wala muna bukas. Enjoy your weekend!" Wendy said. I smiled at her.
"Ikaw din enjoy your weekend!" Si Ivy na sukbit na ang bag. Handang handa nang umalis.
Nauuna nang naglalakad sila Wendy palabas ng bahay. Habang kami ni Andres ang nahuhuli.
"Do you have some plans for tomorrow?" I heard him asked. Ramdam ko ang bigat ng kamay niya na nakahawak sa maliit na backpack ko. He's always like that! Pwede rin kasing hand bag ang backpack ko dahil may handle na malaki siya sa gitna na laging hinahawakan ni Andres!
"Idunno, maybe chill lang sa bahay. Ikaw?"
"Tara libot tayo," Gulat akong tumingin sa kanya. Nawala rin ang atensyon ko dahil kumakaway na samin si Wendy.
"Bye guys. See you on monday,"
"Bye, see you." I said smiling.
Pumasok na ko sa sasakyan ni Andres. Pagkapasok niya ay nagkatitigan kami.
"Saan naman tayo pupunta?"
"Bamboo park. It's in Lubao. Malapit lang naman," Sabi niya habang inaayos ang seatbelt niya. Clueless ako sa sinabi niyang Bamboo park. Obviously, hindi pa ko nakakapunta roon.
Inuuna niya palaging ihatid si Ivy. Medyo malapit kasi ang sa kanila.
"Bye guys! Sana kayo na sa monday, charot!" Nang aasar na sabi niya. Kumindat pa siya sakin na ikinairap ko. "Hoy Andres! Wag kang gagawa ng kung ano ano ah! Hindi pa kayo!" Inismiran siya ng lalaking 'to at nakita kong umirap din! Aba.
"So," Mabagal na sabi ko habang papunta na kami samin. "It's a date?" He suddenly glanced at me. Bahagyang nakaawang ang labi niya.
"Uh, yeah. I told you I like you," I bit my lip to prevent a smile. Oo na, kinikilig ako!
"Alam ba 'yan ng bestfriend kuno mo?" Kumunot ang noo niya at saglit pa kong tinignan. He looks offended.
"I don't need to tell her,"
"You need. She's your bestfriend, afterall," Napasimangot siya at pansin ko ang pag higpit ng hawak niya sa manibela.
"Why are you so persistent about her? You don't believe me when I said I like you? What do you want me to do, then Eisz?" Ramdam ko ang diin at gigil niya habang nagsasalita. And I know this moment, I cross the line. I made him, really mad.
Pagka park niya sa sasakyan ay nakatingin lang siya sa unahan. Huminga ako nang malalim at tinanggal ang seatbelt.
"Andres," Tumango lang siya, hindi man lang ako tinitignan.
"Uwi na ko. U- I'll see you tomorrow?" Tumango ulit siya. I heaved a sighed and press the button to open his car.
Pagkatapos ko mag dinner ay agad akong dumiretso sa kwarto ko para machat si Andres. Nakakakonsesiya kasi.
I open the messenger app and click his name.
Me:
I'm sorry.
Hindi siya online kaya binuksan ko na lang ang groupchat namin nila Lea.
Lea:
Shut up, Sica
Jessica:
What's wrong with Elias? He's good naman ah. Ang arte mo kala mo pretty!
Me:
Who's Elias?
Jessica:
Nanliligaw kay Lea ayie
Lea:
Shut up!
Me:
Omg patingin ako!!
Jessica sent a picture of Lea and her man. I laughed so hard when I look at Lea. Mukha siyang natatae na ewan.
Jessica:
Na dare namin siya na makipag picture kay Elias. Look at her she looks so miserable!
Me:
The guy looks okay naman ah. Anong ayaw mo kumareng Lea?
The guy Elias has a bright smile in the picture. Naka akbay siya kay Lea. He's cute. He kinda look like foreigner, siguro may lahi.
Lea:
He's annoying. Di ko type.
Jessica:
Oh come on ghorl! Type mo pa rin ba ang mga bad boys?! Sasakit ulo mo roon oy! Nandiyan naman si Elias eh. Super good boy! Hindi pasasakitin ang ulo mo.
Lea:
Heh! Ayoko niyan madalas nasa loob ang kulo! Kapag talaga iniwan mo na naman kaming dalawa bukas. Yari ka sakin
Mukhang botong boto talaga si Jessica kay Elias ah. I miss them, so much. Di bale birthday ni Lea next week. I'm thinking to surprise her and Jessica. Uuwi akong Manila.
Nag notif ang message ni Andres kaya dagli dagli ko 'yung binuksan.
Andres:
It's okay. Don't mind it.
Me:
Okay. Anong oras tayo bukas?
Andres:
10 am? So we can have a lunch date.
Para akong baliw na nangingiti. Kinikilig na ko agad para sa mangyayari bukas.
Nagtatype pa lang ako ng reply ko sa kanya ng biglang tumatawag sila Lea for video call. I clicked the green circle.
"Hoy gaga ka! Ang busy mo ah!" Reklamo ni Lea.
"Wait! Kachat ko crush ko,"
Me:
Okay, sige. Susunduin mo ba ko?
"Sino? 'yung guy na palihim mong pinicturan tapos na wrong sent ka pa sa gc imbis na isend mo sa sarili mo?"
"Oo, duh. Siya lang naman crush ko. Anong akala niyo sa'kin kayo?"
"Hoy! Konti lang crush ko 'no,"
Umabot kami hanggang alas dose ng hatinggabi dahil sa pagchichikahan. Nakatulog na nga lang ako habang naka open ang video call namin. At nakatulugan ko pa si Andres! Hindi ko na nareplyan.
Habang nagbebreakfast wala sila Mama kaya dinala ko ang laptop ko hanggang dining area. Chinacharge ko pa ang cellphone ko para sa "date" ko later.
"No gadgets, Eisz," Pinagtaasan ko nang tingin si Joaquin na nagsalita habang kumukuha ng pagkain niya.
Tignan niyo 'yang magaling kong pinsan kapag nandiyan sila Mama roon lang siya mag aate sa'kin. Napakamapagpanggap diba!
"Edi wow. Saan daw nagpunta sila Mama?"
"Grocery siguro,"
Kaming tatlo lang ang kumakain. Sila ate Belle ay mamaya pa makakauwi.
"Aalis ka ate Kelsey?" Napatingin ako kay Princess at tumango.
"Yes, sasamahan ko lang 'yung friend ko sa school," Gosh, napakasinungaling ko. Bawas points na naman. Next time na lang ako mag grind sa ligtas points.
After breakfast diretso ako agad sa kwarto para mapigpilian ang susuotin. 8 am na, sana 1 hour lang abutin ko.
Saktong 10 am papunta na ko ng school. Sumakay na lang ako ng tricycle papunta roon. Gusto ni Andres sunduin ako but ofcourse I refused! Baka makita siya nila Mama!
I'm wearing a denim short and a fitted black croptop. Sinuot ko na lang ang white birkenstock para naman hindi masyadong halata sa bahay na pupunta ako sa date ko!
Pagkababa ko pa lang sa tricycle agad na may humintong sasakyan sa harapan ko. Halata namang sasakyan ni Andres kaya binuksan ko na para makapasok.
"Wow," Sabay naming sabi sa isa't isa.