There he is looking so good in his dirty white short above the knee and a black marvel shirt.
"We're matchy!" I said exaggerated. He just laughed and start to drive.
"Malayo ba 'yun?" I asked. Hindi pa ko nakakapunta ng Lubao or siguro nakadaan na pero hindi pa nakakapasyal sa mga park doon.
"Kinda. Do you like flowers?" He asked out of nowhere.
"Yes but not really with plants," Napatingin ako sa kanya. "Bakit mo natanong?"
"Uh, my Mom's friend have a flower garden. It's a tourist spot," Tinignan ko niya ko saglit. "Maybe you want to see?"
"Yes! Doon ba tayo pupunta?"
"Nah, It's a bamboo park, Eisz. But maybe next time I'll take you there," I nodded. Tinatak ko talaga sa isipan ko ang sinabi niya para palagi ko siya maalalahanan!
"When's the next time?"
He laughed and glanced at me.
"Gusto mo na ba agad?" Napanguso ako at nag isip. Siguro next week na lang.
"Next week na lang pala," I said smiling. Tumango naman siya pero habang tinititigan ko siya ay may naalala ako.
"Hala, aalis pala ko next week," Birthday pala ni Lea sa weekends. And I need to be there!
"Where are you going?"
"Birthday ng bestfriend ko sa Manila sa saturday,"
"We can go on weekdays after class," Tumango ako sa kanya at tumitig sa bintana. Nag iisip ng pwedeng panregalo kay Lea.
Hindi naman kasi materialistic ang babaeng 'yun. Kinuha ko tuloy ang phone ko para machat si Jessica.
Me:
What's your birthday gift to Lea?
Tinignan ko si Andres na seryosong nagmamaneho.
"Pa'no tayo makakalibot? Eh nagpapractice ka 'di ba?"
"I can ditch," Napaawang ang labi ko. At maya maya'y pabirong hinampas ang braso niya.
"Salbahe mo naman, sir. Ginagawa mo kong bad influence!" He laughed.
"Hindi naman halatang bad influence ka," He said glancing at me. Inirapan ko tuloy.
After a minutes nakarating naman na kami. Pagkapark niya pa lang ay agad na kong bumaba.
"Wow! Ang cute 'nun! Sakay tayo roon!" Itinuro ko ang parang duck ata. May lawa sa gilid kasi at may mga ducks na pwedeng sakyan.
"Okay, you want to take a picture?" Nangingiting tumango ako sa kanya.
Obvious naman sa pangalang bamboo park malamang bawat lingon mo maraming bamboo. It's cute though, may mga plastic bottles pa na naka design sa mga pathway. Maraming upuan at lamesa na pwedeng pagkainan.
Hindi naman masyadong maraming tao. May mga family na nagbobonding and having a picnic.
"I wish I have a complete family," I just said loudly. That's my biggest insecure. A complete family.
Naramdaman ko ang kamay ni Andres na magaang hinawakan ang kanang kamay ko. Napunta tuloy ang atensyon ko sa kanya.
He smiled at me. "I want you to enjoy when you're with me," He intertwined our fingers and started walking.
Pumunta kami sa mga ducks at sumakay doon. I was grinning the whole ride.
"Picture tayo!" Kinuha ko ang cellphone ko at itinapat sa'min. Andres not really fond at selfies. Sobrang pogi pero ayaw sa camera!
Pagkatapos ng pamimilit kong pagpicture ay ang mga bamboos at clouds naman ang pinicturan ko.
"Eisz," Nakangiti akong lumingon kay Andres na bigla kong pinicturan.
"Patingin nga ko! Baka naman mukha akong ewan diyan," He's laughing while handing his phone.
Halata namang lumingon ako at sobrang saya ko sa picture dahil sa ngiti ko. And I just realized I am genuinely happy today. Masaya naman ako na kasama ang mga pinsan ko pero iba ang saya ko ngayon na hindi ko na iniisip ang dati kong buhay sa Manila.
"Why? What's wrong?" He asked after the ride. Hindi niya na binitawan ang kamay ko galing sa pagkakaalalay sa'kin bumaba.
"Thank you for taking me here. Thank you," For making me this happy.
"This is only the start, Eisz. Be ready," He smirked and winked.
We spent walking and appreciate the surroundings. If you are a nature lover, you can go here.
"Stand there, I'll take a picture," Lumingon ako kay Andres na tumuro sa mga gulong na pahagdan. Pumunta ako roon at nag smile. He's smiling while taking me a picture.
Nang may dumaang lalaki na parang staff dito ay agad akong humarang.
"Hello po kuya. Pwede pong papicture?" I asked smiling. Halata ang gulat sa mukha niya at agarang tumango. I smiled widely while giving him my phone.
Hinatak ko si Andres at itinabi sa'kin. We smiled in the camera. After a minute naramdaman ko ang kamay niya na pumulupot sa kabilang balikat ko para umakbay. Hindi ko na alam ang itsura ko dahil kinikilig na ko ng sobra!
Kinuha ni Andres ang cellphone ko sa lalaki pagkatapos magpasalamat. He started scanning our pictures while smiling. He got his phone and air drop siguro.
"Where are we going to eat?" Tanong ko habang inaabot sa kanya ang phone. "Mcdo!" I exclaimed.
Napatingin siya sakin na sobrang seryoso. I grinned at him.
"That's not healthy,"
"Masarap naman!"
He sighed, defeated. He held my hand and entertwined our fingers as we go in his car.
Habang naghahanap ng Mcdo sa paligid biglang tumunog ang cellphone ko mula sa messenger dahil may tumatawag.
Jessica's calling. I glanced at Andres, he just nodded. I clicked the green button.
"Girl, nandito ako sa mall naghahanap ng regalo sa babaeng mahirap regaluhan. I wanna show you something!" I chuckled.
"Video call tayo," Bumungad ang mukha ni Sica na halatang halata na may masamang binabalak. Nasa store siya ng mga damit.
"I decided to just buy her a dress," May ipinakita siyang plunging neck design na black dress.
"What the hell? Are you serious? She hates dresses,"
"Kaya nga eh! I wanna pissed her. And! Tutal right age na siya! She can use it to go on a parties you know," Jessica's evil laugh. Napailing ako habang may namumuo na rin sa'king isipan na masama.
Lea and her twin turning 18th on saturday. While Jessica is on december. Ako naman next year pa.
"Thanks for the information. Alam ko na rin kung anong ireregalo ko," I smirked at her.
"Wow ah! Thanks for me ah, anyway
why are you inside a car? On the way na u? Let me see your gift! For sure you're coming home, right?"
"Nope. I'm with someone and maybe I'll try. Busy sila Mama eh," Sumulyap ako kay Andres habang busy siyang lumiliko para sa kakainan naming fast food.
Shit, his veins in his arms. Weakness ko na ata.
"Sino? Mga cousin mo?" She asked curiously. Nag titingin pa siya ng mga damit.
"Hindi, si Andres namamasyal kasi kami," Tumingin ulit ako kay Andres na nakatitig na lang sa'kin. Tapos na siya mag park kaya mukhang hinihintay niya na lang ako.
"Andres? Oh my gulay ka! Patingin!" She excitedly said. Bahagya akong napakamot sa'king noo dahil sa hiya.
Nakakahiya ka talaga, Jessica!
Ipinakita ko si Andres sa camera. He waved and said hi. His other hand is resting on the steering wheel.
"I'm Andres. Nice meeting you," He said smiling. I bit my lower lip to hide my kilig.
Ewan ko bakit ba ko kinikilig na nakilala niya ang mahalaga sa buhay ko?
"Oh my gosh! Oh my gosh!" Mabilis na sabi ni Jessica sa kabilang linya. "Hi! I'm Jessica. Bestfriend ni Eisz. Oh my gosh ka talaga Kelsey Eisz!" She said so shocked. Pigil na pigil ang tawa ko dahil sa reaksyon niya. Napaka OA Andrea Jessica!
Ibinalik ko na ulit ang camera sa'kin.
"We're gonna eat lunch. Kain ka na rin ng lunch baka naiinggit ka. Happy lunch! I miss you! Talk to you later," Pinatay ko na agad ang call at hindi na hinintay ang sasabihin niya.
Lumabas na rin kami ng kotse para makakakain na. Andres order our food. Chicken and rice lang ang pina order ko sa kanya. I'm shy. Ayokong isipin niyang sobrang takaw ko.
Ngiting ngiti si Andres pagkaupo sa harapan ko. May dalang tray na may nakalagay na dalawang basong tubig, tissues, utensils.
"Where's the food?" I asked him while he's wiping the utensils with the tissues.
Hindi niya ko sinagot at lumingon lang. Pinanood ko ang dalawang crew na papunta sa puwesto namin.
"What the hell? Ang dami naman niyan!" Napanganga ako habang inilalagay ang mga orders namin or should I say order ni Andres! Hindi ako na inform na magvavlog ata kami?
"You like their food. And Eisz," Nakanganga lang ako sa mga dalawang large fries, large sundae, mango pies, isang bucket ng chicken joy, spaghetti, burgers, nuggets and many more!
Oh gosh, ang sarap kasama ni Andres kumain!
"This is not everyday. It's not healthy. You should avoid eating fast foods," Nakanganga pa rin akong napaangat ng tingin sa kanya. Lagi niyang sinasabing iwasan ko ang fast food pero gan'to siya!
Inabot niya sa'kin ang utensils na pinunasan niya kanina. We start the mukbang challenge.
"Alam mo dapat pala vlinog ko 'to. Dami ko siguro agad subscribers dahil lang sa mukbang na 'to,"
I started eating rice and chicken.
"Pa'no kapag hindi naubos?"
"I doubt. Takaw mo kaya," I rolled my eyes at him. I am being judged!
"Hindi kaya! Kanino mo nalaman 'yan?"
"I always see you eating," Napanganga ako habang kagat ang chicken. Is he stalking me?!
Ay medyo assumera ako sa bandang 'yun.
"Sige nga. Kailan ?" He grinned.
"Break time, after school and everytime we're doing our thesis,"
Inirapan ko siya at kumain na lang. Halos lantakan ko ang manok at kanin. Mamaya na lang sa kotse ko kakainin ang desert.
"I wonder," Napatingin akong muli kay Andres na mahinahong kumakain. Siya pa ata ang babae sa'min! "Bakit hindi ka tumataba?" He asked so curious. I shrugged.
"Later may secret akong papakita sayo," I grinned at him and winked. He smiled at shook his head. Cute niya shemay.
"Is that your secret that's why you're not getting fat?"
"Hindi! Basta! Wait ka lang kasi. Madaling madali ka rin eh 'no. May taxi ba sa labas?" He laughed.
"Sungit,"
Marami pang natirang pagkain kaya pina take out na lang namin. I glanced at my wrist watch. 1:30 pa lang. Ayoko pang umuwi.
"Saan na tayo after?" Tanong ko kay Andres pagkapasok namin sa sasakyan.
"Roadtrip?" I smiled at him and nod.
Habang bumabyahe at sinasabi ni Andres ang mga nadadaanan namin ay biglang tumunog ang cellphone niya. Sa kanya naman may tumatawag.
I glanced at his phone and saw Lyle's name.
"Can you answer it?" Lumingon siya saglit sa cellphone niya at sa'kin. Tumango ako at sinagot. Itinapat ko agad ang camera kay Andres.
"Dre! Where are you? Chillnuman daw nang aaya sila Wendy,"
"Pass. I'm busy," Sagot niya habang hindi lumilingon.
"Talaga? Who are you with? Who's holding the phone?"
"Is that Andres?" Narinig ko ang boses ni you know who. Scarlet, obviously. "Come home! I have a surprise for you, Dres." Matinis niyang boses.
"I can't. I'm sorry. I'm on a date," Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Bigla ring tumahimik ang nasa kabilang linya.
"Wtf? Si Eisz kasama mo?" Si Lyle. Pinarada ni Andres ang sasakyan at kinuha ang cellphone niya. Itinapat niya sa'ming dalawa. I waved at Lyle and smiled.
"I'm gonna hang up now. Huwag ka ngang istorbo," He said and end the call.
Umiwas ako nang tingin sa kanya at tinignan ang bintana. Nasa highway kami? Wtf? Where is this?
"Saan na tayo?" Sambit ko nang hindi tumitingin. He sighed.
"Uh I think on the way to SF," Tinignan ko ang wrist watch ko. Quarter to 3 na. Alanganing oras na para bumili pa ko ng reregaluhin para kay Lea. At saka wala na rin ako sa mood.
Nakikipag inuman siya kay Scarlet na grade 10 pa lang. Wtf? We're still minors! And I know at this age, madaling matukso! I'm not dumb. Oo at hindi pa ko nagkakaboyfriend but I know how a relationship goes!
Naalala ko ang ex boyfriend ni Jessica when we where grade 10. Last year. Sobrang nabroken siya kasi nakipaghalikan ang ex niya sa kainuman habang sila pa.
"Tahimik ka," Saad ni Andres pagkatapos ng mahabang katahimikan nang sinabi kong gusto ko ng umuwi.
"Pagod lang," I said. Heto na naman tayo. Why am I like this?! Bakit ba ang laki ng insecurity ko sa Scarlet na 'yun. Bakit ba palagi na lang akong naaapektuhan sa kanya?! Gan'to ko na ba kagusto si Andres?
I am so f*****g confused. I don't know what to do. I need Sica and Lea. I just wanna go back to Manila and forget this feeling.
"Eisz," Nakatingin lang ako sa bintana. Pinarada niya na naman ang sasakyan sa gilid. Naramdaman ko ang paghawak niya sa siko ko. "What's the problem?"
Umiwas ako at humarap sa kanya.
"I just wanna go home," I whispered. Tumango tango siya.
"Okay. We're going home, baby. Tell me what's the problem, first and we'll go," He said. Mukha rin siyang nahihirapan. Nakakakonsensiya naman.
"A-are you," He's staring at me. Waiting to whatever I'll say. "Are you always drinking with them?"
Kumunot ang noo niya. "Huh? Do you mean the chillnuman?" Tumango ako at kinagat ang labi. His lips suddenly rose up.
"No, minsan lang kapag kasama sila Let. But with the guys I think madalas,"
"So, you're still drinking with her? And worst with the other girls?" Binasa ng dila niya ang kanyang ibabang labi at dinausdos ang buhok pataas.
"I know my limitations, baby. Especially now that I finally found you," He said smiling. Umiwas ako ng tingin. Natatawa siyang humawak sa siko ko at pinaharap ako.
"Since I'm now courting you. I'll always update you what I am doing and my whereabouts," My eyes widen.
"What?!"
"What? I'm courting you. Ayaw mo ba?"
"Hindi ba dapat magpapaalam ka muna sa'kin?" Hindi ba ganun 'yun? Oh gosh. I'm so clueless.
"Hmmm okay. So, may I court you?" Napasimangot ako. Ano ba 'yan! Ba't parang sapilitan pa!
He laughed because of my face. Pinalo ko tuloy siya.
"Hindi ka naman seryoso eh!"
"What? I'm really serious!"
"Ba't parang napilitan ka pang magsabi sa'kin," He licked his lips and hold my hands.
"Because for me I don't need to ask for permission. I really really like you. Liligawan kita hanggang magustuhan mo rin ako," Ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso ko. Normal pa ba 'to? O sadyang sign na 'to kasi mababaliw na ata ako ng tuluyan sa kanya.
Lea's birthday came. I'm wearing a pink dress semi puff sleeves, lower the knee and ankle strap heels. I'll surprise them that's why I said earlier I can't come because of my Mom. Kanina pa ko sa kotse tawa nang tawa para sa magiging reaksyon nila.
I glanced at my phone when I saw Andres message.
Andres:
We'll playing ml, baby. Enjoy the night. I miss you.
Napanguso ako at nagreply. Simula nung first date namin ay palagi nga siyang nag tetext at nag uupdate kung ano ang ginagawa niya. Miski kung sino ang mga kasama niya ay tinetext niya sakin.
Bumaba ako sa kotse at dire diretso sa venue kung saan ginanap ang debut ng bruhildang Lea.
"Look who's here! Eisz!" Nakita agad ako ni Doms na nakatambay sa may entrance. Anong ginagawa nito dito? Trip niya bang maging gwardiya?
"Happy birthday, Doms!" I hug him. Narinig ko ang halakhak niya.
"Thanks. Where's my gift?" Binigay ko sa kanya ang gift ko habang ngiting ngiti.
"Hindi ako naniniwalang matino 'tong regalo mo," He scoffed at me. Tumawa ako nang nakakaasar.
"Trust me magugustuhan mo 'yan," Pabirong inirapan niya ko.
"Oo nga pala akala namin hindi ka makakapunta grumpy tuloy si boss Wendell," Kwento niya habang iginigiya ako papasok.
"The hell Doms mag move on ka na nga sa kakaship sa'min. I have someone in Pamp," I smirked and winked at him. Napa oh ang bibig niya.
"What the hell?! Wala na talagang pag asa ang bestfriend ko?" Sumimangot ako at umirap.
"As if,"
"Omg! Babaita ka scammer ka talaga!" Tawang tawa ako kay Jessica na halos madapa habang tumatakbo palapit sa'min.
"Ayan na ang babaeng o.a," Rinig kong bulong ni Doms.
"Surprise!" I said happily. Tuwang tuwa nagyakapan kaming dalawa.
"Grabe girl! Miss na miss ka na namin. Balik ka na please," Ngumiti ako at sasagot na sana sa kanya nang bigla niya kong hampasin.
"Oo nga pala! Malandi ka! Ang gwapo naman ng lalaki mo sa Pampanga. Lumayo ka lang inarangkada mo na agad ang fezlak mo," Tumawa ako at hinampas din siya.
"Syempre maganda tayo eh," Tinapik ko ang aking baba at pinakita sa kanya ang mukha ko. Nagtawanan kaming dalawa.
Nang nagsalita na ang emcee para sa pagbaba ni Lea ay lumapit na kami palapit sa stage.
Everyone's greeted me mostly our classmates or schoolmates. Kinamusta rin ako ng ibang medyo close ko. They know I'm studying at Pamp.
Nang pababa ng hagdan ang pabebeng si Lea na hindi sanay magpaganda at mag gown ay nagpalakpakan kaming lahat. Tumili nang malakas itong katabi ko kaya bigla ko siyang siniko.
"That's Elias! Siya ang escort," Tinignan ko ang nasa dulo ng hagdan na naghihintay kay Lea. Oh, he's cute! Matangkad ito at may kulot na blonde na buhok.
Sumimangot si Lea habang nakatingin kay Elias kaya natawa ako. Pabebe talaga! Kunwari lang 'yan!
"Why Elias? Buti pumayag si Doms?" Tanong ko dahil obvious naman na dapat si Doms ang escort kasi siya ang kambal!
"Duh! Ofcourse because of me! Pinilit ko 'yan si Lea na iabot ang invitation kay Elias at ayain siyang gawing escort. Kunyari lang 'yang babaitang 'yan! Malandi rin 'yan!" Nagtawanan kaming dalawa. Naalala ang high school days kung kailan na kay Lea na ang in denial queen.
Hawak na ni Elias ang kamay ni Lea nang mapatingin ito sa'min. Nanlaki ang mata niya pagkakita sa'kin at umamba ng suntok. Napatingin din tuloy si Elias sa'min kaya ngumiti ako.
Mukha nga siya good boy. Bagay na bagay sa malditang debutant.
Naupo na kaming lahat. Nagulat ako ng biglang may humawak sa balikat ko.
"Hey I thought you're not coming?" Napatingala ako kay Wendell nang biglang sumulpot ito. He's wearing a tux.
"I'm surprising this two," I smiled at him. Naupo siya sa isang silya at inilapit ito sa'kin.
"You're not replying to my messages,"
"Uh sorry. Busy eh," I said smiling. Ang awkward, tbh. All I am thinking is Andres. Is it normal?!
"Okay," He smiled and lean. "So, how's Pampanga? How are you?" Umiwas ako sa kanya at hindi alam kung ngingiti pa ba ko.
"Uh okay lang naman," Natawa ako ng bahagya. Naramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko. Hawak ko lang ito dahil vinideo-han ko si Lea kanina.
Andres:
I'm done.
Andres:
What's happening there?
Andres:
I miss you
Andres:
Fuck, I'm so f*****g clingy
Natawa ako sa tadtad na messages niya. Clingy talaga siya. Kahit sa school, gusto niya magkatabi kami.
"Eisz?" Napatingin ako kay Wendell. Mukhang nagtatanong siya kaya nagtakha ako.
"What? I'm sorry," I smiled at him and glanced at my phone again.
Sinend ko ang picture ni Lea kanina at ang selfie ko at selfie's namin ni Sica.
Tinignan ko ulit si Wendell dahil naramdaman ko ang mariin niyang titig.
"What?"
"A-are you seeing someone?" He asked serious. Napaawang ang labi ko. Gusto niya ba 'ko?
Naputol ang titigan namin nang tinawag ang pangalan niya. 18th roses na pala hindi namin namalayan.
Napatingin ulit siya sa'kin bago kinuha ang bulaklak na inaabot ng staff. Pumunta na siya sa harapan at isinayaw si Lea.
Tinignan ko ang phone ko.
Andres:
You're beautiful. I wish I could see you tonight :(
Me:
I sent you my picture
Tinignan ko ulit ang solo picture na sinend ko sa kanya. Pinicturan pa 'yun 'nung nasa bahay pa lang ako.
Andres:
It's still different in person
Natawa ako. Pabebe naman ni fafa Andres.
Me:
Ewan ko sa'yo HAHAHAHA
"Hoy babae ka! Ngiti ngiti ka pa diyan. Halatang bebe time ah!" Napairap ako kay Sica na kanina pa rin nag cecellphone. Akala mo talaga siya wala eh.
"Tara kain na tayo," We stood up and walked on the buffet.
Nadaanan namin si Wendell na tapos ng sayawin si Lea pero agad siyang umiwas sa'min. Nagkatinginan kami ni Sica.
"Anyare 'don?" Tanong ko.
"He saw you texting someone, Eisz." Napataas ang kilay ko. "He likes you. Syempre, nasaktan 'yung tao,"