Kabanata 10

3272 Words
Days passed by so fast in bliss. At kahit na mabilis lumipas ang araw, hindi pa rin ako nakakaintindi ng kapampangan. Nakakainis, alam mo 'yun?! I'm trying my best. Araw araw pag uwi ko galing school nagkakaroon kami sa bahay ng kapampangan lesson. They're doing their best too just to teach me. Pero wala talaga. Gosh. Dati hindi ako naniniwalang bobo ako pero ngayon napatunayan ko na! Parang nawalan ng kwenta ang mga honors at medals ko sa elementary at jhs! "Wow so pretty!" Sinimangutan ko si Mama pagkababa ko ng hagdan. Today is our acquiantance party. I'm wearing a oversized denim jacket beneath is a white tube top and ripped denim jeans with a black gucci belt and a white sneakers. Halatang halatang denim theme ang acquiantance dahil sa outfit ko. "You're not putting a make up, ate?" Tumingin ako kay Princess at umiling. Gusto ni Ivy na siya ang mag make up sa'kin pagkarating sa school. "Smile, ate Kelsey," My mama said while pointing her cellphone at me. After taking shots, pinalaya na rin niya ko. "Tara na," Sabi ni Joaquin pagkakita sa'kin. They have a class. Friday kasi ngayon. Kawawa naman. Kaming mga shs nagsasaya samantalang sila hindi. "I don't know why kung bakit pa may acquiantance party ang mga shs," Rinig kong reklamo ng pinsan kong lalaki na nasa front seat. "Quin, pag inggit pikit," Tumawa ako nang malakas at nang aasar. Tumawa si Princess at tinuro ang kuya niya para mang asar din. "You're gonna experience it, too Kuya," Princess said smiling. Pagkarating sa school tumabi sa'kin si Joaquin. "Enjoy, ate. Wag ka masyadong lumapit kay captain baka makita nila tita sa picture," Natatawa niyang sambit pero mahina. I rolled my eyes. "Edi wow!" Tumawa siya at tinuro pa ang mukha ko. Pinamumukhang nakaganti siya sa kaninang pang aasar ko. He actually knows about Andres and me. Ewan ko pero ang lakas ng radar ng pinsan kong 'to! Nung nakaraan bigla niya na lang sinabi sa'kin kung ano raw ba ang isinagot ko kay Andres nang sinabi niyang gusto niya ko! Pero mabuti na lang at hindi naman niya sinasabi kila Mama o kahit kay Kuya! Gosh, hindi pa ko pwede mag boyfriend! Lalo na kay kuya, sobrang protective pa naman 'nun. "Enjoy, ate!" I smiled to our princess and rolled my eyes at Joaquin before parting ways. Papasok pa lang ako sa classroom pero nakita ko na agad si Ivy na biglang sumigaw. "Tara na Eisz!" Agad niya kong hinila papasok. Sinuyod ko muna nang tingin ang buong room para tignan kung nandiyan na ba si Andres. "Hindi halatang denim theme ang acquiantance, Eisz!" Sinulyapan ko si Ronnie. Nag aayos pa ng mga gamit si Ivy kaya nakipag daldalan muna ako. "Mag memake up pa kayo? Maliligo rin naman tayo roon. Resort 'yun oy!" Sabi ni Ronnie na ikinairap ni Ivy. "Who cares?! Mag pipicture kami. Chupi nga diyan," Light make up lang naman ang nilagay ni Ivy. Habang minimake up-an niya ko ay pumunta sa'min ang mga classmate naming babae at nakipag kwentuhan, 'yung iba ay nagpapamake up din kay Ivy. "Teka lang easy lang po tayo mga customers," Natawa ako nang magkagulo sila Shan kung sino ang mauuna. After the make up session. Pinapapunta na kami sa gym para malaman ang mga bus number namin. Wala pa si Andres or si Lyle kahit si Jennie. Or baka nasa gym na? Hindi na pumunta pa rito sa classroom. Pagkapasok namin sa gym naroon na halos ang mga shs. Late pa ata kami! Marami ng tao kaya hindi namin mahanap ang section namin. "Hey," Pagkahawak pa lang sa siko ko alam ko na agad kung sino 'yun. "Andres," Agad akong napangiti pagkakita sa kanya. Tinignan ko ang outfit niya naaalala ang sinabi niya sa'kin kahapon. He's wearing a denim jacket beneath is a white shirt and denim ripped jeans and white sneakers. "We're matchy!" I said exaggerated tho most of the students this is more likely the outfit. He smiled at my reaction. "Surprise! Nagtawanan kami parehas. Hinawakan niya ang dalawang siko ko at mas lumapit pa sa'kin. "You're so beautiful," He said out of nowhere. Kulang na lang matunaw ako sa titig niya. Yumuko ako at biglang nahiya. Napakagat pa ko sa ibabang labi dahil sa nararamdamang pag init ng mga pisngi ko. Grabe! Grabe na ang pinaparamdam sakin ng Andres na 'to! "Grabe kaaga aga, ah." Agad akong napalingon sa nagsalita. "Sana all ka na lang Ava!" Lyle said. Ready na agad mamikon. "Shut up!" "Siguro kapag pumunta tayo sa Sm para tayong mga tanga," Rinig kong sabi ni Mela na ikinatawa namin. "Duh denim theme nga eh!" Maya maya ay tinawag na rin ang section namin para sa bus na sasakyan. Meron kaming kahating tatlong section ata. "Andres pakawalan mo naman si Eisz! Para may katabi ako sa bus," Sambit ni Ivy habang hinihintay namin ang go signal para makapasok na sa bus. "No, tabi mo na lang si Mela Rose," Agad na hindi sumang ayon etong katabi ko. "Clingy mo ah! Kayo na ba?" Umiling ako kay Ivy na ikinairap ni Andres. Pagkapasok nga sa bus agad na tumabi sa'kin si Andres na seryoso ang mukha. Nawala rin ang atensyon ko sa kanya dahil nagkakagulo ang mga classmates namin sa likuran. Nag aagawan sa mga katabi. Nang may pumasok na teacher ay agad na silang nagsi ayos. Pumasok na rin ang kahati naming section. Pinapanood ko lang sila, nagtatakha pa dahil ang iba na napapatingin sa'min ni Andres ay nanlalaki ang mata, gulat pa ata. Titingin na lang sana ako sa bintana nang may mahagip ang mata ko na pamilyar. He suddenly smiled at me and I smiled back. Pagkadaan niya sa'min ay nag wave siya ng hi kaya ganun din ang ginawa ko. "You know Finn?" Agad na tanong ng katabi ko. Seryoso pa rin ang mukha niya at parang galit pa ang tono. "Ah oo, nakilala ko siya dahil kay Ronnie. Nagkasalubong kasi kami minsan sa gate 2," Gate 2 ang tawag sa maraming street foods na nasa dulo ng field. Naroon kasi ang gate 2 kaya ayun. Tumango siya at naglagay ng earpods. Napakunot ang noo ko. "Galit ka ba?" I carefully asked. Umiling siya. "Bakit ka galit?" I asked again. Tinanggal niya ang earpods niyang isa. "Hindi ako galit," "Bakit ang cold mo?" "I'm not," Sabi lang niya. Nanahimik na rin ako kasi dumating na 'yung pangatlong section na kahati namin. Tumingin na lang ako sa bintana dahil awkward na nagkaka eye to eye kami ng mga hindi ko naman kilala. Pagkatapos din 'nun ay umandar na rin ang bus. Sa San Fernando kami pupunta kaya medyo malayo pa ang byahe. Napatingin ako sa ka line namin na si Ivy at Mela. Si Mela naka earphone samantalang si Ivy nakasandal kay Mela na mukhang natutulog. Napalipat ang tingin ko kay Andres na nakapikit. Huminga ako nang malalim at tinignan ang mga kamay niya. Ang isa ay hawak ang phone niya samantalang ang isa ay nakapatong lang doon. Kinuha ko ang kamay niyang nakapatong lang at nilagay 'yun sa isang hita ko. I held his hand and squeezed it a bit. Tumingin na lang ako sa bintana at hindi na tinignan ang reaksyon niya. Na fefeel kong galit siya pero hindi niya naman inaamin. After a minute he intertwined our hands together. Doon na ko napatingin sa kanya. "I'm still mad," "Sabi mo hindi ka galit?" Kumibit balikat siya. Napangiti na lang ako sa pagiging pabebe niya. "Malayo pa ba tayo?" He nodded. Kinuha ko na lang ang phone ko. I started to scroll on i********: with my one hand. "Do you have an ig?" Tanong ko ulit. Tumango naman siya. "Anong username mo? Follow kita!" I excitedly said. Sa lahat ng social media accounts ko, pinaka favorite ko ang ig. I love taking pictures! His username is only his name. AndresM. Psh. Andres Montemayor and his bio Lay Low. I scrolled through his feed. Napanganga ako at sinulyapan siya. Nakatitig lang siya sa'kin at pinapanood ako. Tinaasan niya ako ng kilay. "This is me," I said. His three latest post is me and us. Pinindot ko ang nauunang picture ko. Nung nakaraan na nag paint kami sa pe. I remember he took me a picture. 'Never knew perfection til I met u.' Napangiti ako sa caption niya. Tinignan ko ang mga comments. @Lyle: so cheeeeeeesy @itsJennieM: Wow u have some sweet bones in u pala ha @superIvy: OMG MY SHIP IS SAILING Iniscroll ko pa pataas. Ito naman 'yung nasa bamboo park kami. Tatlong solo picture ko na nasa bangka kami at ang isa ay kumakain ako ng fries sa kotse. 'Her smile is enough,' Natawa ako sa caption niya. Sa pinakalatest post niya ay tatlong picture ulit na kaming dalawa na. 'Tao kami pero bakit napakabagay namin.' Natawa ako lalo. Ang corny pero kinikilig ako! Nakakainis. Tawang tawa pa ko sa mga comments nila Lyle. Hindi ako makapaniwalang may gan'to siyang side. Ang cute lang. Ang sweet. Nakakakilig. Tinignan ko pa ang mga ibang posts niya. Some are taken in abroad and most are in yacht. Just by looking on his feed. He loves sea. "We're here. Are you done stalking me?" Tumingin ako sa bintana at naka park na nga kami. Pabirong hinagis ko sa kanya ang kamay niya na hawak ko. "Ang yabang mo!" He laughed at reached for my bag. "Ah! Nandito na tayo. Nakakaexcite!" Napatingin ako kay Ivy at natawa. Nag simula na rin kaming bumaba. Pagtapak pa lang namin sa gate ng resort ay mayroon ng pa welcome na naka tarpaulin, nakalagay ang name ng school namin. "Excited na ko agad mag swimming!" Rinig kong sambit ni Ivy nang makakita ng mga swimming pool sa kanang bahagi. "Mainit na mamaya," Rinig kong sambit ni Mela. "Girl! May sunblock akong dala," Kinindatan siya ni Ivy. Nilingon ko si Andres na may nakasabit na duffel bag sa kanyang kaliwang balikat habang ang isang kamay ay hawak ang backpack ko. Nag uusap sila ni Lyle sa bandang likuran ko kaya sumama muna ako kila Ivy. "Pahingi akong sunblock, Ivy!" Lumingon kaming tatlo kay Shantal na sumigaw. "Oh sige sige mamaya," Naaaninag ko na ang venue kung saan gaganapin ang acquiantance party. Ngunit bago pa kami makapunta roon. Pinahinto kami ng adviser namin at nag aayang mag picture. Nakatayo kaming mga babae samantalang ang mga lalaki ay nakaupo. Sa harapan ko umupo si Andres. "Smile," Pagkatapos ay dumiretso na kami sa venue. Hile hilerang mga upuan at lamesa ang naroon. May mini stage sa pinakaharapan. Section namin ang nasa pinaka unahan. Magkakatabi kami nila Ivy samantalang sila Andres ay nasa likod namin. Ilang saglit lang ay nagsimula na rin ang program. Ang cute ng mga profs dahil naka denim outfit din sila. Nilingon ko si Andres para makita ang ginagawa niya. Para lang siyang nakatulala sa may likod ko dahil nagkatinginan kami agad. Tumaas ang kilay niya. Ang sungit naman! Gusto ko sanang magpapicture dahil same outfit kami pero 'wag na lang siguro. Umiling ako sa kanya at binalik ulit ang tingin sa harapan. Pinanood na lang si Ronnie habang nasa mini stage kasama ang mga prof at president din ng mga section. Ronnie's our class president. "Tara Eisz! Picture tayo 'don sa garden," I glanced at Ivy. Sa may side kasi namin ay garden. May flower arrangement pang pa heart. Agad akong tumango kaya tumayo kami para magtungo roon. Halos kaming mga babae ang nandito. "Doon naman!" Turo ni Mela sa may bench. Tumabi ako ng si Ivy ang mag sosolo picture. Nagulat ako ng biglang may humawak sa siko ko. "Tayo rin," Sabi niya agad. Ngumiti ako at tumango. "Galit ka pa rin?" I asked. He grinned and nod. Parang ewan lang. Kala ko ba galit pero ngiting ngiti naman. "Picture rin tayo," He intertwined our fingers. "Grabe naman talaga. Ang sakit sa mata," Tinawanan ko sila Ivy na iiwas iwas ng tingin samin. I glanced at Andres and found his eyes. He smiled and lean. "Ganda mo," Umiling ako sa kanya habang nakangiti. Hindi ko na mabilang kung pang ilang beses niya na bang sinabi 'yan kanina pa. Napaangat ako nang tingin ng marinig ang flash ng camera. Ngiting ngiti si Ivy habang pinipicturan kami. "Oh ship ko lumalayag!" Mukhang mas kinikilig pa siya kesa sa'kin. After the picture taking, we returned to our seats. Nakaabang na si Ronnie sa bungad ng venue na parang may hinahanap. Nang makita ako ay biglang ngumiti kaya sinuklian ko rin. "Eisz! Tara rampa tayo sa Mr. And Ms. Acquaintace outfit!" Umawang ang labi ko at agad umiling. Shy type kaya ko! "Ayaw mo? Sayang naman! Rampa lang naman ng outfit, walang question and answer," "She said no," Rinig kong sambit ni Andres na nasa tabi ko. Tumingin sa kanya si Ronnie. "Kung gusto mo kayong dalawa na lang?" Pamimilit pa nito. Natahimik kami ng mag announce ang prof. at pinapapunta na ang mga sasali sa stage. "Ronnie ayaw ko talaga. Hindi ako sanay sa mga ganyan," Sabi ko dahil mukhang umaasa talaga sila sakin. "Si Liane na lang kaya? Sanay sa mga pageant 'yun! Sisiw na lang sa kanya 'yang rampa rampa na 'yan," Singit ni Ivy kaya tinignan ako ni Ronnie at napatango na lang. The whole program is amazing. Bago kami inallow mag swimming at mag enjoy sa buong resort ay sinabi na agad ang nanalo sa mga patimpalak nila. Ni isa ay walang nakuha ang section namin. Nangulelat eh, imbis na malungkot ay natawa pa kami. "Ano? Bagay ba?" Tanong ni Ivy sa'kin na kakalabas lang sa cubicle. She's wearing a white one piece swimsuit. She's hella hot parang Lea ang postura. "Oo teh! Kabogness sana all sexy!" Sabi ni Shantal na naka blue one piece long sleeve. Nangingiting napasulyap si Ivy sa'kin at napaawang ang bibig. "What the hell Eisz. Ewan ko na lang kung hindi tumulo ang laway ni Andres sa'yo," Napailing ako sa kanya at kinuha na ang bag ko para bumalik na kami sa table namin. I'm wearing a black croptop long sleeve or rush guard and a high waist cycling. Naghilamos na ko kanina para wala ng make up. Pagkalabas ng bathroom area ay halos sumampal sa'kin ang hiya. Gosh, masyado bang conservative ang suot ko? Why are they looking at me? Ay feeling. Lumingon ako kay Ivy na sinusuklay ang kanyang buhok. Hindi ko na lang pinansin ang mga tingin nila at baka si Ivy talaga ang tinititigan nila. When we reach our table my eyes automatically found Andres. He's watching my steps like something's interesting with it. He smiled at me. Nahihiya akong ngumiti pabalik nang makalapit na kami sa kanila. "Where do you want to go?" Tanong niya nang maayos ko na ang bag ko. Tinignan ko ang nasa kaliwang bahagi namin na maraming slides. I really want to try it! Nagka phobia ako dati sa slides when I was a kid pero ngayon siguro hindi na. It's been a long time. "Tara libutin muna natin! May zoo dito!" Napatingin ako kay Andeng na halata ang pagiging excited. "We're up to slides. Kayo?" Sabi ni Andres na parang nababasa ang iniisip ko. He glanced at me and then turn to our classmates. "Sige doon muna tayo! Nakakaexcite grabe!" Ngiting ngiti akong tumango at nakisama sa takbuhan nila. Nagkalat na ang mga schoolmates namin sa paligid at may kanya kanyang trip. "It's a kid pool e?" Natatawang sabi ni Lyle dahil hanggang binti lang ang tubig. "Shut up! Look at the slides. Mukhang masaya!" Naiinis na sigaw ni Ivy. Natawa ako at hindi napansin ang biglang buhos ng tubig. Natatawa silang tumingin samin nila Ivy na basang basa! Kaming tatlo ang napuruhan samantalang si Andres natalsikan lang. "Basang sisiw si Snow White," Nang aasar na sigaw ng kung sino. Lilingon na sana ako ng hatakin ako ni Andres palapit sa kanya. Nang makalapit kami sa slides ay hanggang bewang na ang tubig. Ang iba naming mga classmate na babae ay tumungo na roon. Hinatak ako ni Ivy at umakyat na kami. Nilingon ko si Andres na nakikipagtawanan kasama sila Lyle at Ronnie. He glanced at me and smiled. Ilang oras kaming nag enjoy doon. Ayaw tumigil ni Ivy! Well, ako rin naman. Sinusulit ko talaga. We don't have a swimming pool in the house. My Mom have a phobia with it and in the sea. And my family, pool and swimming are not really their thing. Kaya lumaki akong hindi marunong lumangoy. Nang magsawa ay naupo kami sa gilid. Kaming dalawa na lang ni Ivy ang natira at nagtatawanan. Nilibot ko ng tingin ang paligid. "Nasa'n na sila Andres?" Bigla ko na lang natanong. "Hala! Oo nga. Nasaan na sila? Masyado ata tayong nag enjoy," Tumatawa siyang tumayo kaya sumunod ako sa kanya. Kanina lang ay nakaupo lang silang mga lalaki sa gilid at nagkukwentuhan. Pinapanood pa nga ko ni Andres habang tumatawang nag eenjoy sa pinakamataas na slide. Hindi ko sila napansing umalis. "Wait. What if may ginawa lang sila at babalik din?" Sigaw ko kay Ivy dahil nauuna siyang maglakad at nakakalayo na kami sa pool kid area. "Hanapin na lang natin!" Bahagya akong nag isip pero isinawalang bahala na rin. Ang daming swimming pool sa resort na 'to! Ilang minutes na ata kaming naglalakad nang makita namin ang ibang classmate namin na nasa jacuzzi. "Hey!" Sigaw ni Joshua sa'min. "Nakita niyo ba sila Andres?" Tanong nitong kasama ko habang naglalakad na palapit sa kanila. Umiling sila kaya sumunod ako kay Ivy at nakitambay din sa jacuzzi. Tawa ako nang tawa ng magsimulang magharutan ang mga lalaki. Para silang mga ewan na nag wrewrestling at naglulunuran dito. Kahit ang mga classmate kong babae na narito ay nakisali samantalang ako ay tinuon ang pansin sa bilog na may lumalabas na tubig para pigilan ito. Mas lalo kaming napabunghalit sa tawa ng lumabas ang sipon ni Shantal habang nakapulupot ang braso sa leeg ni Marjohn at pilit na sinasakal. Agad kaming umahon lahat sa tubig ng mahulog ang sipon niya. Sobrang sakit na ng tiyan ko kakatawa. Si Ivy ay pinupunasan na ang luha sa mga mata. "Tangina kadiri," "Sinadya ko ba 'yun huh?! Don na lang tayo sa kabilang jacuzzi," Sabi ni Shantal habang umaahon. Tawa pa rin nang tawa ang iba habang naghahanap kami ng ibang jacuzzi. Naenjoy namin ang pagdaan sa mga aquarium na punong puno ng mga isda. Palabas na kami sa parang kweba na pinaglalagyan ng mga ahas nang makita namin si Andres na nakakunot noo. Kasama niya pa rin si Ronnie at Lyle. "Sila Andres oh!" Sigaw ni Ivy kaya napalingon silang tatlo sa'min. "Where have you been?" Tanong ni Andres pagkalapit. "Kayo nga 'yung biglang nawala eh?" "I'm sorry. May nakalimutan lang si Ronnie sa venue," Tinignan ko si Ronnie na nakikipag usap kay Arabella. "And when we cameback, wala na kayo," Tumango ako sa kanya at ngumiti. "Eisz? Sama ka pa ba? Don tayo oh," Lumingon ako kila Joshua. "Hindi na. Sige, ingat kayo kung saan man kayo magpunta," Tinawanan ko sila. "Hoy ako sasama! Ayokong fifth wheel sa mga 'to," Si Ivy na nakasimangot. "Ingat din Eisz!" Tumatawang sigaw ni Shantal habang kumakaway paalis. "Sandali, ako rin! Sama!" Tinakpik ni Lyle ang balikat ni Ronnie at Andres bago tumakbo papunta kila Ivy. Sinundan namin sila ng tingin hanggang lumiko sila. Lumingon ako kila Arabella na nagtungo sa side ng mga ibon, parang may sariling mundo. "Sila pala?" Nakangiting sumulyap ako kay Andres na mukhang kanina pa ko pinapanood. "Yeah. Don't mind them," Kumunot ang aking noo. He leaned and whisper to my ear. "Mind me,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD