Kabanata 11

3264 Words
Lea: I really have to tell you something. Napanguso ako at medyo kinabahan. Ang seryoso naman niya! Hindi ako sanay! Me: What is it? Seryoso mo naman. Medj skeri ah :((( Tinapik tapik ko ang cellphone ko sa tagal niyang mag reply. It's a personal message between us. Hindi ako sanay. Usually ay sa gc naming tatlo nila Jessica kami nag uusap. Ang seryoso niya. Kinakabahan na ko. Aalis pa naman kami ni Andres mamaya. Pupunta kami sa flower garden ng friend ng mama niya. Me: Helloooo. Nandiyan ka pa ba huh? What is it? Pancit?! Me: Hoy Ana Lea. Ano ba talaga 'yan? My anxiety is attacking me rn! Sabihin mo na sa'kin bilis. Napakagat ako sa labi ko ng sineen niya na ang message ko at sobrang tagal mag type! Ano bang tinatype niya? Talambuhay niya? Eh alam na alam ko naman 'yun! Lea: Nothing. I just realized that it's not my story to tell. Kumunot ang noo ko. Naiinis na talaga. Me: What?! You scared the s**t out of me and say that it's nothing. Ano nga? Clue? Lea: It's Wendell Oh my gosh! What's with him? Naalala ko 'yung sinabi ni Sica sa'kin nung birthday nila Lea. Is it real? Nawala rin kasi sa isip ko. And hindi ko na rin nakita si Wendell after that. Lea: Maybe you should talk to him in person. I know you're far but he deserves the talk. The closure. It's just my suggestion. It's still up to you. No pressure. What's really happening? Why the hell I feel like she's on Wendell side now. Like what the f**k? Biglang nag flash sa isip ko lahat ng nangyari during jhs days. Nagkaroon nga ng attachment between Wendell and I pero hanggang doon lang 'yun eh. Hindi niya ko sineryoso! Heck, hindi nga naging kami eh! Me: You know what? I don't really get you. Sino ba ang nagpaasa dati ha? And I moved on. Before graduation he said sorry and I accept it because why not? We're all friends. Ang nangyari dati. Dati na lang 'yun. Past is past. The f**k, Lea. Binalibag ko ang cellphone ko at pinatay. Dumiretso ako sa shower para gumaan ang loob ko. What's the f*****g happening. After shower I busy myself finding what to wear. Tinamad na ko mag isip kaya sinuot ko na lang ang bagong denim jumper skirt ko at pinares sa simpleng plain white shirt. Nagpaalam na ko kina Mama kagabi kaya dire diretso akong bumaba ng hagdan habang isinusukbit ang sling bag. I glanced at my watch while waiting the car. 1:30 pa lang ang bilis ko naman ata magbihis? 2pm ang usapan namin ni Andres at sa tapat kami ng school magkikita. Pagkarating sa school para akong tanga na nakatayo at pamasid masid sa paligid. May waiting shed area sa gilid ng gate pero ayaw ko namang pumasok. Mas okay 'yung ganito para makita agad ako ni Andres. I glanced at my wrist watch again. 2pm na! Lahat ng dumadaan ay napapatingin sa'kin kaya medyo nahihiya ako. Kinalikot ko na lang tuloy ang sling bag ko para ichat na si Andres baka hindi niya ko makita kaya ang tagal niya. Oh s**t. Ilang minutes akong naghalungkat sa bag ko na parang any minute biglang lalabas ang cellphone ko. I forgot! Oh gosh. Pa'no ako nito? Nilibot ko ng tingin ang paligid para hanapin pa si Andres. Bakit ba ang tagal niya? The last time when we go out, dito rin naman niya ko nakita. I glanced at my wrist watch again. 2:30 na. Kapag nag 3pm na at wala pa siya. I'll go home na lang. What a waste of time. Friday the 13th ba ngayon? Ang malas malas ko namang ngayong araw! When the time passed and 3pm came. Still, No Andres. He really stood me up huh? How funny. Nagtungo na lang ako sa tricycle area para makauwi na. Siguro nagchat siya sa'kin na may emergency or what. O baka late lang siya? Babalik na lang siguro ako rito. "Oh? I thought you're out, honey?" Si Mama na naglalaptop sa sala pagkapasok ko sa bahay. "I forgot my phone," I said before going upstairs. Agad kong tinignan ang cellphone ko para makita ang message ni Andres pero wala. Ang message lang ni Lea na pinili kong 'wag ng pansinin. Dali dali akong bumaba kaya halos magulat pa ang nanay ko at handa na kong sermunan. "Eisz! Why are you running dowstairs? It's dangerous!" "Ma, babalik po ako sa birthday ng classmate ko. Umuwi lang po ako saglit para kunin ang phone ko," I said smiling. Birthday ng classmate, huh. I know I lied! Alangan namang sabihin kong makikipagkita ako sa crush ko? Sobra sobrang magugulat si Mama at baka balakin niya pang ibalik ako sa sinapupunan niya. Oh gosh. I have a really strict family, okay?! "Okay? Just tell Manong to drive you back. Take care, baby." Me: Hi, nasan ka na? Chinat ko si Andres habang naghihintay ulit makarating sa school. I wish he's already there, waiting for me. Siguro siya naman ang naghihintay sa tapat ng school. Natawa ako sa iniisip at naexcite. Ano 'yun? Para kaming naghintayan ganun? Masayang lumabas ako ng sasakyan at nilibot ng tingin ang paligid. Wala pa rin siya? Tinignan ko ang oras sa cellphone ko. 3:30 pm na. Wala rin siyang reply. He's offline. Me: Tuloy pa ba tayo? Kanina pa ko nandito sa tapat ng school, sa gate 1. Pumasok na ko sa loob ng school at balak na lang hintayin siya sa waiting area. Nginitian ko ang guard na nasa gate, sinabi ko lang kanina na may hinhintay ako. Me: Nandito ako sa waiting area :) sa gate 1 pa rin. Nagbasa na lang ako ng story online pampalipas ng oras pero kahit na anong focus ko nawawala ang excitement at saya na naramdaman ko kanina. I heaved a sighed and stand up. I'm really disappointed. Ang bigat sa dibdib. Palagi na lang akong pinapaasa. Nakakatawa. Nakakatawa naman ang katangahan ko. Dati man hanggang ngayon, wala pa rin pala kong pinagbago. Everyone's happy fooling me. Me: Nevermind. I'm going home. I hope you're happy that you stood me up. Just leave me alone, from now on. Pagkarating sa bahay pabagsak akong humilata sa kama na walang buhay. It's okay, Eisz. You only have 1 year here. It's okay. That's okay. Pinikit ko ang mga mata ko at gusto na lang itulog ang buong araw na 'to. Napakamalas. Habang yakap ang unan ay lumipat ako sa kabilang side ng kama. Kinusot ko ang mata ko dahil wala akong makita sa buong kwarto. What time is it? Kinapa kapa ko ang paligid para hanapin ang cellphone ko. Hell, it's already 2 am! Hindi ako kumain ng dinner? Nauuhaw pa ko. Nanatili akong nag cellphone dahil nahihilo pa. Hindi ko pa kayang tumayo. Isa isang nag pop ang mga messages na nasa messenger ko. Nagising ang buong diwa ko ng makita ang chats ni Andres na halos punuin ang notification ko! Andres: I'm sorry, Eisz! I'm so sorry. Emergency came. I forgot my phone. I didn't mean to stood you up. Andres: I'm sorry. I'm sorry. I'm sorry. I'll do everything, Eisz. I can't leave you alone, heck I can't even sleep thinking that you're really mad at me. Please, talk to me. Andres: I'm sorry. Andres: I'm outside of your house please come out. Andres: Eisz please come out. Hindi ako aalis dito hangga't 'di mo 'ko kinakausap. Andres: Joaquin told me your room's lock. I'm sorry. Please talk to me. Andres: Baby, I'm still here. Please come out. I'm really sorry. His last message was around 12:40. Dali dali akong tumingin sa bintana para tignan kung nandiyan pa ba siya pero wala na. Active 1 hour ago na rin siya baka nakauwi na. Bumaba na lang ako para uminom ng tubig. Nagugutom din ako kaya naisipan kong kumain. Tama nga ko na may emergency na nangyari pero hay nako Eisz! Sign na 'yun para tigilan mo na 'yang kalandian mo! Isang taon lang naman ako rito. When morning came, Joaquin's annoying smiling face greet me. Umirap ako sa kanya at sumubo ng french toast. "Ma, why didn't you call me for dinner last night?" I asked my mom. "Nagising tuloy ako ng madaling araw na gutom na gutom," She glanced at me. Hindi makapag salita kasi kumakain pa. "Galing ka raw birthday party eh," Sagot ni Joaquin na ngiting ngiti pa rin habang may hawak na baso ng tubig. "Busog ka na raw at pagod kaya hindi ka na ginising," Shoot, 'yun nga pala ang dahilan ko. "How's the birthday party, ate? May shanghai?" Excited na tanong ni Princess na ikinasamid ko. Umiinom ako ng tubig tapos tatanungin ako kung may shanghai sa pag iindian sa'kin ni Andres?! "Uh wala. It's kinda formal, that's why." Tumango tango siya na ikinangiti ko para talagang totoong totoo ang palusot ko! Nang nasa sasakyan na kami palagi kong napapansin ang ngumingiti ngiti na si Joaquin. Tumitingin pa siya sa rearview mirror kaya nagkakatinginan kami. Parang baliw lang. Hindi kaya natuluyan na talaga 'tong lalaking 'to? Pagkahatid kay Princess ay sumabay sa paglalakad ko ang baliw. "Andres was outside of the house last night," He wiggled his brow while smiling like an idiot. "So?" "Oh, LQ nga," He laughed annoyingly. "Hindi kami lover para mag quarel. So, shut up. Papasok na ko, bye." I rolled my eyes at him. "Sungit!" Narinig ko pa ang sigaw ng baliw kong pinsan pero hindi ko na nilingon. Bahala siya diyan pagkamalang baliw talaga. Ako ang unang una nasa classroom dahil na rin siguro sobrang aga kong pumasok. Imbis na magmukmok doon at isipin ang mga walang kwentang bagay, bumalik ako sa labas at balak na lang tumambay sa 7 eleven. Halos mga junior high school lang ang mga nandito. Everyone's looked at me. Nagkatinginan pa ang grupo ng kababaihan na nakaupo sa gilid. "Yan ata 'yung nasa ig ni Andres," Rinig kong sabi nila pero wala akong pakialam. Pumunta ako sa side ng softdrinks at kumuha ng pepsi. Kumuha rin ako ng sandwich, nerds and some biscuits. When I'm about to go out after I paid. I heard the other girl. "Sila na ata? Pero bakit may something pa kay Andres at Scarlet?" Naglalakad na ko papunta sa mga gazeboo pero hindi ko pa rin makalimutan ang narinig ko. Kahit na sinasabi kong wala akong pakialam, naaapektuhan ako ng sobra. I looked at my phone and go to i********: app. I typed scarlet's name. May bago siyang post na mukhang nasa hospital room. May nakatalikod na lalaki na nasa lamesa. Wearing a dark blue short and a white shirt. Likod pa lang alam mo na kung sino. "Always be there for me, i <3 you @andresM" Wtf? Nakatag at nakamention pa si Andres. Ayan ang emergency? But why he was on the hospital? Si Scarlet ba ang nahospital? Pwede niya namang sabihin sa'kin na may nangyari sa babaeng 'yun. Pwede niya namang balikan ang cellphone niya para ichat ako kasi ganun naman ginawa ko kahapon. Nag alala ako na baka hinihintay niya ang message ko kaya kahit malayo ang bahay namin binalikan ko. Bullshit. Stop these nonsense, Eisz. You're here because you are studying. 'Wag puro kalandian. Inis tuloy akong kumain, pagkatapos ay saka ko pa lang naalala ang oras. Anak naman ng pating nalate pa ko! Okay lang naman malate sa first subject namin. Mag cutting na lang kaya 'ko? Ayoko kasing makita si Andres. Naiisip ko pa nga lang kumukulo na ang dugo ko. Dahan dahan akong kumatok sa pintuan ng room namin. "I'm sorry sir, I'm late." Tumango lang ang prof namin na naglalaptop. Nagsusulat si Arabella na secretary namin sa white board ng lecture. Napakunot ang noo ko nang makitang nasa upuan ni Mela Rose si Andres na seryosong nakatingin sa'kin. Nilibot ko ng tingin ang paligid. Ngumiti si Mela Rose at kumaway sa'kin na nasa likod. I smiled at her. May bakanteng upuan sa tabi niya! Syempre roon ako uupo. Mamamatay muna ako bago umupo sa tabi ni Andres! "LQ kayo?" Tanong ni Mela Rose pagkaupo ko sa tabi niya. "Walang kami," Iniwas ko ang tingin kay Ivy at Andres na nakalingon sa'min. "Nakita ko post ni Scarlet. Nagselos ka 'no," Chika ng mga classmate namin sa'kin. "As if," I rolled my eyes while putting my notebook in the desk. "Don't worry, Eisz! Ikaw gusto niyang pinsan ko," Si Lyle na kumindat pa sa'kin. "Pwede ba tigilan niyo ko ha. Hindi ako nakikipag agawan kay Scarlet," I said annoyingly. Kanina pa ko asar na asar. Kaaga aga. "Bestfriend niya lang naman si Scarlet," Rinig ko pang sabi ng isa. Napapikit na lang ako nang masita na kami ng prof. sinasabi ko na nga ba! Hay nako. Mabuti na lang sunod sunod ang mga prof. namin ngayon kaya tahimik ang buhay ko hanggang break time. "Eisz! Saan tayo mag lunch?" Tanong ni Ivy habang nililigpit ko pa ang mga gamit ko. "Kahit saan," I smiled at her. Hindi pa ko nakakatapak sa labas ng room nang marinig ko ang tawag ni Andres sa'kin. I ignore him. Naglakad kami palabas pero napahinto ako nang hawakan niya ang braso ko. "Let's talk, please," I looked at him. He looks so hopeless and so tired. Kitang kita ko ang pagod sa mga mata niya. Nakakalimutan ko agad ang galit at tampo ko. "Just hear me out, please. Just let me explain what happened," Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung tama pa ba 'tong ginagawa ko. Tumango na lang ako. Nilingon ko sila Ivy na ngumiti at tumango rin sa'kin. Ngumiti si Andres at nagsimula nang maglakad. Hindi kami makapag usap sa room kasi nandun pa ang ibang classmate namin kaya hindi ko alam kung saan ba kami mag uusap. "Seriously? Sa rooftop pa talaga," I whispered. Nilingon niya ko pero nakaiwas ang tingin ko. When we reach the rooftop, I stop in the middle. "Talk," "Okay, when I'm about to go and fetch you on school. Scarlet called me about her mom, she's on the hospital. And my mom just dragged me to pay a visit with them," Parang walang gana niyang kwento. Napakunot tuloy ang noo. "Believe me, I didn't mean to stood you up. Sobrang kulit lang ni Mommy," "I waited hours. I felt like a fool waiting for someone," "I'm so---" We suddenly hear phone's ringing. Napatingin ako sa cellphone niyang inilabas sa bulsa. "What now, Mom?" I heaved a sighed. Umiwas ako nang tingin sa kanya at pinanood na lang ang mga estudyante na nasa malawak na field. "What? Okay, I'll be there," Ramdam ko ang titig niya sa'kin na hindi ko sinasalubong. "And Mom? I want you to meet someone," Doon na ako napatingin sa kanya. He smirked and hold my left hand. "Hey! What are you doing?" I said while he's dragging me downstairs. Hindi niya ko nililingon at dire diretso lang ang lakad habang hawak ang kamay ko. Pagkarating sa ground floor. He walk all the way in admission office. I'm so confused. Bakit niya ba ko sinasama or more like kinakaladkad? The aircondition room filled me when he open the door. In the visitor's area there's a woman in a blue and black dress with a blue bag on her lap. Looking at this beautiful and sophisticated woman, she's Andres mother. "Son!" She smiled sweetly. Tumayo siya at hinalikan ang anak sa pisngi. She glanced at me. I smiled awkwardly. She kinda familiar? Or maybe familiar lang ang ganyang aura dahil sa mga friends ni Mama. "Who is she?" Tinignan niya ko mula ulo hanggang paa at napataas ang kilay ng makita ang magkahawak kamay namin ni Andres. Oh gosh! Pinipilit kong bawiin ang kamay ko pero napakahigpit ng hawak ng lalaking 'to! Nakakahiya sa nanay niya! Andres glanced at me and smiled. "Mom, she's Eisz." I smiled awkwardly at her Mom. She also smiled at me but I don't know if she likes me or not. "And," Andres looked at me. "I like her. I like her a lot." He said while staring at me. Naramdaman ko ang dagundong ng puso ko sa sinabi niya. Halos kapusin ako ng hininga sa sobrang bilis nito pero hindi ito ang tamang oras para hikain ako! Oh god, save me! 'Wag mo kong pahiyain. "Andres, son. You're too young for love," Her Mom said. Nawala ang tingin sa'kin ni Andres. "But you're always pushing me to Scarlet," He said sarcastically. "Ofcourse! She's Scarlet and," Tinignan ulit ako ng Mom niya. "Are you a transferee here?" "Opo. I'm from Manila but this is my Mom's province," Napataas ang isang kilay niya. Halatang halata ang pagiging matapobre. "What's your name again?" "Kelsey Eisz Sandoval po," I looked at Andres and found that there's a ghost of smile on his face. Kumunot tuloy ang noo ko sa kanya! Hindi niya ba alam na para na kong tinotorture rito?! "Kelsey Sandoval?" "What's your Mother's surname, Eisz," Sabat ni Andres na walang pinoproblema! "My Mama? Uh it's Mendoza. My name's Kelsey Eisz Mendoza Sandoval," Ngumiti ako sa Mom niya pero unti unting nawala rin nang makita ang reaction ng Mom ni Andres. What the hell is happening? "Ring a bell, Mommy," Andres laughed. "What's happening?" I asked but no one answered. "Your Mom is Amelia Mendoza?" She asked emphasizing my Mom's name with a bit of accent. Nanlalaki pa ang mga mata niya at gulat na gulat. Natawa tuloy ako. What's wrong with Mama? Famous ba ang nanay ko? "Yes po. How do you know my Mama po?" Andres laughing probably with her Mom reaction. "Jesus! I'm so sorry, hija! I did not recognized you," Hindi ko talaga naiintindihan kung anong nangyayari. Halos manigas pa ko ng yakapin ako bigla ng Mom niya! Pagkatapos niya kong yakapin ay hinampas niya ang braso ni Andres. "How dare you! You should have told me. Nakilala mo na pala ang anak ng bestfriend ko," Nanlaki ang mata ko. Bestfriend niya si Mama? Oh, lahat naman ata kaibigan ni Mama. Mapa manila man o dito marami talagang kakilala pamilya namin. I'm so used to that. Palagi kaming dumadalo sa kahit na anong gatherings. Naeenjoy ko naman kasi maraming pagkain. Tinitigan ako ng Mom ni Andres at hinawakan pa ang ulo ko. "I'm really sorry, hija. Nakita pa kasi kita 'nung maliit ka pa. It's been awhile! Hindi rin kita nakikita kapag binibisita ko ang Mom mo sa Manila," I smiled. Iginiya niya ko paupo sa visitor's area ng admission office. "How's your Mom, by the way? Kakagaling ko lang kasi ng business trip last week. I already know the news that you're Mom's here and you're studying here. Hindi naman nasabi sa'kin ni Andres na magkakilala na pala kayo," She looked at her son and glare. "Pasaway ka talagang bata ka!" "Okay naman po si Mama. Nagpapagaling po pero hindi pa rin po niya maiwasang mag trabaho," "Hay nako! Your Mom's really stubborn! Mga bata pa lang kami sobrang pasaway na," I laughed and nodded, totally agree. "Mom may next class pa po kami and we need to eat. It's our lunch time," "Oh no," Her Mom worriedly stare at me. "Gutom ka na ba hija? Where do you want to eat?" Tumayo ito at hinawakan ang kamay ko. Ang kamay ni Andres ay kanina pang nakawala sa'kin. "What, Mom? Sasama ka?" Andres groaned. "Ofcourse! We need to catch up! Let's go," Natawa ako kay Andres na nakasimangot pero sumunod pa rin sa'min ng Mommy niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD