Kabanata 12

3008 Words
Sobrang gulat na gulat pa rin ako sa nangyari kaya pagkarating ko ng bahay, hinanap ko talaga ang nanay ko para kumpirmahin na totoo talaga na kaibigan niya ang Mom ni Andres. "Tita? Saan si Mama?" Nagulat pa ata si Tita sa bigla kong pagsulpot sa kusina. "Oh Kelsey? Nakakagulat ka naman! Ang aga mo atang umuwi?" Agad talaga kong umuwi pagkatapos ng last class ko! Inunahan ko pa sa pag uwi ang mga pinsan ko. "Nasa garden ang Mama mo. Nagtatrabaho na naman siguro. Eisz, pagsabihan mo nga," I nodded and smiled at her. "Ma!" Sigaw ko habang naglalakad palapit sa kanya. Naglalaptop siya habang umiinom ng favorite tea niya. Nilagpag niya ang tasa bago ako nilingon. "What? Oh my baby, you're early today," Umupo ako sa kaharap niyang upuan. Nakauniform pa at hawak ang backpack ko. "You didn't tell me," Gulong gulo ang mukha niya habang tinititigan ako. "Kaibigan mo pala ang may ari ng school ko," Nakasimangot na sabi ko. Napaawang ang bibig niya at gulong gulo pa rin. "So?" She said still confused. "Kaibigan ko rin naman ang owner ng dating school mo? What's wrong with that? And like you always said before, Everyone's like literally everyone is my friend," Ginaya niya pa talaga ang boses ko sa huling sinabi niya. Lalo tuloy akong napasimangot. Bigla siyang natawa nang makita ang itsura ko. "What's the problem? Did Mariam scold you?" "How did you know her?" "She's my classmate and bestfriend before in high school. So? You met her? She's kuya's ninang!" Napaawang ang labi ko. Ninang siya ni kuya! It means sobrang close nila ni Mama! "Why are you so shocked? What's wrong with Mariam?" Kahit naguguluhan, natatawa siya sa reaksyon ko. Nakakagulat naman kasi! "Wala po, Mama. Natanong ko lang," I smiled and immediately run to my room but before I step out in the garden. "Ma! Stop working, please. You need to rest," I shouted. When I reach my room kinuha ko ang cellphone ko at agad chinat si Andres. Me: Magkakilala nga ang Mama mo at Mama ko! Nakita ko ang pag online niya at pag seen. Halatang hinihintay ang chat ko. Hala, ang assuming ko naman! Andres: Huh? You didn't believe my Mom earlier? He sent a laughing sticker. Me: I'm just shocked. Andres: We always visiting your fam's restaurant in Manila, though What?! Bakit hindi ko ata alam 'yan? I swear, dito ko lang siya sa Pampanga nakita. Hindi ko kasi masyadong napapansin ang mga kumakain sa restau. Haler? Kailangan ba magpaka spy ako sa mismong restaurant namin? Me: I don't believe you. Bakit hindi man lang kita nakita, huh? Gusto ko na magbihis at mag half bath pero gusto ko pang kausapin si Andres. But hmmm I can do both. Multitasker naman ako. Andres: I don't know about you but I told you. I already saw you before. Binabad ko ang katawan ko sa bath tub habang hawak ang cellphone. I heaved a sighed. So refreshing. Nakakawala ng pagod. Me: Uh yeah but I don't know. Makakalimutin ako sa lahat ng bagay. Andres: It's okay. I understand. Mukhang nagmamadali ka rin naman 'nun. Me: What? Grabe, you really remember. Andres: Ofcourse, that's memorable for me. Anyway, I want to see you. Can I call? Sa sobrang gulat ko muntik ng mahulog ang cellphone ko sa bath tub! What the hell?! Magpapakita ako na nakaganito sa kanya?! Oh f**k baka masabunutan na ko ng tuluyan ng Mama ko. Me: Wait a minute. I'll just take a shower. Dali dali akong kumilos. Ramdam ko ang init ng mga pisngi ko. Bakit ako namumula? Gosh, ang dumi na ba ng isip ko?! Bakit kasi dinala ko pa ang cellphone ko rito sa banyo! After shower I immediately jump on my bed and told Andres that I'm already ready to be his girlfriend. Charaught! Syempre makipag call! Kawawa naman kasi siya miss niya na agad ang kagandahan ko. Another morning again going to school. Malalate na naman ang mga pinsan ko dahil sa sobrang bagal nilang kumilos. Kung sino pa kasi ang nag iisang lalaki sa'min. Siya pa ang sobrang bagal mag ayos! Kanina pa tuloy reklamo nang reklamo si Princess at panay tawag sa kuya niya. Samantalang ako happy na ngayon at hindi na grumpy. Halos buong hapon at gabi kasi kaming magkacall ni Andres! Sobrang clingy niya pero okay lang. Pasalamat siya at ang pogi niya! I glanced at my phone while waiting for my cousin. Nagulat pa ng makita ang message ni Jessica sa'kin. Jessica: What's wrong with Lea? Magkaaway kayo? Tinignan ko ang convo namin ni Lea na hindi ko na nareplyan. Lea: Hindi ako kumakampi kay Wendell. I just want you to play fair. Kung pinaasa ka niya, pinaasa mo rin naman siya. Lea: Look, I'm sorry. I snapped. Naaawa lang ako kay Wendell. Parang wala kasi siya sa sarili niya these past few days. Lea: Please reply to me. I'm sorry, Eisz. Sineen ko na lang 'yun at pumunta sa convo namin ni Jessica. Hindi ko alam ang sasabihin kay Lea. I find her really weird. May something sa pagiging over protective niya eh samantalang dati wala ngang pakialam 'yun sa mundo. Napatayo na rin ako at naglakad papunta sa sasakyan nang makitang pababa na si Joaquin. Me: I don't know, Sica. Sinisisi niya ko dahil kay Wendell? What's wrong with her? Tinalo niya pa sa pag aalala si Doms. Jessica: There's really something wrong with Lea. I think he likes Wendell. Napaawang ang labi ko. Bakit ba palagi na lang akong nagugulat sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon?! Wtf is happening? Si Lea may gusto kay Wendell? 'Yan ba ang something kay Lea? What the f**k? The hell?! Ginugood time ata ako ni Jessica. But, I recall our junior high school days. When I'm always with Wendell and Lea is nowhere to be found. Naalala ang mga palusot niya na masama ang pakiramdam pero 'nung binisita naman namin. Okay naman siya. Shit, s**t, s**t. Hindi ko man lang napansin! Ang daming memories ang naaalala ko na halatang nagseselos at may gusto nga si Lea kay Wendell! "Ate? We're here? Bakit ayaw mong bumaba?" Napabalik ako sa reyalidad nang niyugyog ako ni Princess. Tumingin ako sa kanya at napakurap kurap. Nakabukas na ang pintuan ng kotse sa side niya. Samantalang si Joaquin ay nagtatakha na nasa labas habang nakatingin sa'min. "Uh yeah," Bumaba ako at naramdaman ang kamay ni Princess na pumulupot sa braso ko. "Anong nangyari, ate? You don't look okay," "Para kang nakakita ng multo ah? Anong meron?" Si Joaquin at tumabi rin sa'kin sa paglalakad. "Wala, may nabalitaan lang ako sa Manila tungkol sa friend ko," Tumango silang dalawa. I heaved a sighed. Hinatid namin si Princess sa building niya. "Si Andres na naman ba 'yan?" Epal na naman ni Joaquin nang mahatid namin ang kapatid niya sa building ng elementary. "Hindi! Manila nga eh? Andres ka nang Andres," I frowned. Tumawa naman siya. "Diyan ka na nga," I rolled my eyes and walk out. Iniisip ko pa lang ulit ang sinabi ni Jessica nang makita ko si Ivy na nauunang maglakad sa'kin papasok ng building. "Ivy!" I shouted. Kunot ang noo niya na lumingon pero nang makita ako para siyang nakakita ng clown sa sobrang excitement. "Eisz! Ano na? Sabihin mo na sa'kin!" Halos magtatalon siya sa tuwa habang pinulupot ang braso sa'king braso. "Grabe! Hindi talaga ko makapaniwalang close kayo agad ng Mom niya?" Nanlalaki pa ang mga mata habang sinasabi 'yun. Kahapon kasi pagkatapos naming mag lunch, nag insist pa talaga si Tita Mariam na ihatid kami ni Andres sa classroom. Nakita tuloy ng halos classmate namin at gulat na gulat silang lahat! "You know kaya walang naglalalapit diyan kay Andres before kasi nga matapobre ang Mommy niya! As in sobrang sungit. Tapos ikaw?" Pumasok kami sa classroom. Kaunti pa lang ang mga naroon dahil na rin sobrang aga pa. "Grabe talaga Eisz! May royal blood ka ba? Sabi ko na nga ba! Sa sobrang ganda mo, isa kang sikretong prinsesa!" Natawa ako nang malakas sa sinabi niya. "Sira! Bestfriend kasi ang Mom niya at Mama ko kaya siguro mabait siya sa'kin," Natatawa ko pa ring sambit. Napaawang ang labi niya at napatango tango. "Ah kaya pala," Inayos ko ang vest ng uniform ko para hindi malukot pag umupo. Uupo na sana ako nang biglang magtitili si Ivy na nasa gilid ko at tumalon talon pa. "Oh my gosh, Eisz!" Napatingin ulit ako sa ibang classmate namin na nakatingin din sa kanya. "Ang ingay mo," Sabi ko habang natatawa. Naupo siya sa tabi ko. "Ibig sabihin niyan sayo na irereto si Andres," Nabitin ang tawa ko at tinignan siya ng nagtatakha. "Yung Mommy kasi ni Andres gustong gusto si Scarlet! Pero since ikaw na ang favorite niya wala na. Wala ng babakuran si Scarlet. Kabog ang beauty mo, teh! Sa'yo na ang korona!" Sabi niya habang tuwang tuwa. Napailing na lang ako. "Hindi nga ko nakikipag kumpetensiya. Ano 'to contest? Pag manalo, si Andres ang prize?" Magsasalita na sana siya nang pumasok sila Lyle na maiingay. Andres found my eyes and smiled. I smiled back. Tinapik niya sa balikat si Lyle bago pumunta palapit dito. "Hey, good morning," Tumitig siya sa'kin kaya nailang ako. Tumingin ako kay Ivy na pakunwaring umiiwas ng tingin. "Good morning din," Nasabi ko na lang kay Andres habang hindi nakatingin sa kanya. Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko. "I have something to show you later," Bulong niya. Napatingin na ko sa kanya at napatitig. Binabasa kung ano na naman ang gagawin niya. Sobrang unpredictable pa naman niya! Bigla siyang nag dedesisyon na hindi man lang sinasabi sa'kin! Nakakatakot pa naman ang mga ganyan baka biglang atakihin na lang ako ng hika dahil sa sobrang gulat. "Ano na naman 'yan, huh?" He smirked at me. Napakunot ang noo ko pero napasunod ang tingin sa biglang pumasok na prof namin. Buong araw tuloy ay wala ang atensyon ko sa pag aaral. Kinakabahan ako kung ano na namang nakakagulat ang ipapakita niya sa'kin. "Tara Eisz. Mag fast food tayo ngayon kasi masaya ako sa lovelife mo!" Bigla akong hinatak ni Ivy. Lumingon ako kay Andres na kumaway sa'kin. Hindi siya sasama? "Tara Mela, Shantal!" Humagikhik ang dalawa at itinago ang cellphone nila sa bulsa ng palda bago masayang kumapit sa braso ko. "Mag mamcdo tayo! Ang favorite na fast food ng prinsesa!" Nagtawanan silang tatlo na ikinasimangot ko. "Anong nangyayari sa inyo? Nababaliw na ata," Napailing iling ako. Tumawa lang sila at hinatak ako papasok ng Mcdo. After ng lunch, late sila Andres sa last class. Kasama niya ang ibang classmate naming lalaki. Pinanood ko siya hanggang makaupo siya sa tabi ko. "Saan kayo nag lunch?" I asked smiling. He also smile and pinch my cheeks. "Sa canteen," "Bakit late kayo?" Pumaling ang ulo niya habang nakatitig sa'kin. "Marami kasi kaming kinain," He bite his lips. Halatang pinipigilan ngumiti. Napasimangot ako sa kanya at tinignan na lang ang prof. Hindi alam kung maniniwala ba ko sa kanya o hindi. Nang mag uwian ay hinatak na naman ako nila Ivy. Tatambay daw kaming magkaklase kila Andres at mag chichill dahil daw sobrang stress sa research. Nagtakha naman ako. Bakit sila ang nangungulit sa'kin? At nasa'n si Andres? Hala, ako na ata ang clingy! Nilingon ko si Andres na pinapalibutan na nila Lyle. May pinag uusapan sila na hindi ko marinig. Hanggang sa mahatak na ko nila Ivy sa labas, hindi man lang siya tumingin sa'kin. Masaya silang nagkukwentuhan kung ano ang magandang gawin mamaya. "Gusto mo mag barbeque, Eisz?" Tumango ako kay Jennie at ngumiti. She also smiled at me. "Mauna na kayo Jennie! May kailangan akong bilhin sa Del Rosario eh," Si Ivy at nilingon ako. "Samahan mo ko, Eisz!" Aalma sana ako pero may choice pa ba ko? Hinatak niya na naman ako, hinatak ko rin si Mela Rose para makasama sa'min. Hindi pwedeng ako lang ang magdudusa! "Hala, bakit ako kasama?" Nagkatinginan silang dalawa. Napangiwi sa kanya si Ivy at tinignan ako ulit. "Tara na," Pumunta na kami sa Del Rosario kung saan naroon ang pamilihan ng mga school supplies. Sa huli naisip ko rin na mabuti nang sumama ako, gusto ko kasing bumili ng mga highlighter o kaya drawing materials. Seryoso akong pumipili ng mga highlighter ng mahagip nang paningin ko sila Ivy na pinapanood ako. Napataas ang kilay ko sa kanilang dalawa, nagtatakha. Alanganin silang ngumiti sa'kin na kinailing ko na lang. Minsan talaga may pagka weird sila. Pagkatapos kong magbayad ay hinarap ko na silang dalawa na hinihintay ako kasi kanina pa sila natapos. Napatili si Ivy habang may tinitignan sa cellphone niya. Tumingin siya sa'kin at ngumiti ng malawak. "Ganda mo talaga, Eisz!" Napangiwi ako at tinignan si Mela na ngiting ngiti rin. "Haba pa ng hair niyan," Sabi ni Mela na ikinangiwi ko na naman. Ano bang nangyayari sa dalawang 'to?! "Seriously? Okay lang ba kayong dalawa? Nasisiraan na ata kayo ng ulo," Natawa sila ng malakas. Napalo pa ko ni Ivy sa sobrang saya niya. Natawa na lang din tuloy ako dahil nakakahawa ang tawa nila. Sumakay kami ng tricycle papunta kila Andres. Kahit sa tricycle sobrang daldal pa rin ni Ivy. Ang nasa likod ng driver ay si Mela Rose na maswerte! Naiwan tuloy ako rito sa loob kasama ang madaldal na 'to. Sa kalagitnaan ng byahe may kinuha si Ivy sa bag niya at nilabas ang eye sleeping mask na kulay pink at may tenga pa. "Anong gagawin mo diyan?" Tanong ko sa pagiging weird niya. Balak niya bang matulog dito sa tricycle? Ano siya may agimat para kayang maging komportable matulog dito? "Wala, flex ko lang sa'yo. Cute 'no," Kumunot ang noo ko at napailing na lang. "Suotin mo Eisz! Kapag sinuot mo at naging komportable ka. Bigay ko na lang sa'yo 'yan," She smiled and winked at me. "No thanks," Iniwas ko ang tingin sa kanya. "Sige na Eisz," Niyugyog niya ang braso ko. Handa talaga kong kulitin kaya napabuntong hininga na lang ako at tumango na. May choice pa ba 'ko? Syempre wala. "Yes!" "Gusto ko spongebob 'yung design. Meron ka ba 'nun?" Hamon ko sa kanya. "Wala pero maghahanap ako para sa'yo. Bilis bilis suotin mo na," Napasimangot na lang ako at ginawa na ang gusto niya. "Ayan okay na," Pagkasabi ko 'nun nahinto na ang tricycle. Tatanggalin ko na sana ang eye mask ng pigilan ni Ivy ang kamay ko. "Wag mong tatanggalin, Eisz." "Why?" "Wag mong tatanggalin! It's a matter of life and death. Mamamatay ako kapag tinanggal mo 'yan," Madrama niyang sabi. Inalalayan niya kong lumabas ng tricycle. Hindi ko alam kung mababadtrip ba ko o ano. Wala kong nakikita! Ano na naman ba ang trip nito ni Ivy. Trip niya bang iwan ako kila Andres para may alone time kami? Well, hindi naman ako aangal. Grabe, ang landi ko na naman. Akala ko ba titigilan ko na si Andres! Masyado na kong nabubusog kakakain ng mga pinagsasabi ko. "Ano bang trip 'to? Hindi na ko natutuwa ah," Kunwaring galit na sabi ko habang inaalalayan nila ko maglakad. "Uy 'wag ka namang magalit Eisz. Sorry na agad! Dinadamay kasi nila kami kaya ayan!" Ang dami niyang sinabi pero hindi ko na lang pinatulan. Kinakabahan na kasi ako ng sobra. May pasurprise ba sila? Bakit? Birthday ko ba? Ang tagal pa naman eh! Kaya sure akong pinagtitripan lang nila ko pero bakit naman ako? Pwede namang si Ivy na lang ang pagtripan ah. For sure, sasakyan niya pa 'yan. "Ayan na, ayan na, ayan na," Tilian nila ang narinig ko. Ang dami naman ata nila? Sobra ng kaba ang nararamdaman ko. Hindi kaya balak nila kong ibully? O kaya itorture? Halos mabingi ako sa tili ni Ivy. Mukha namang tuwang tuwa. Hinawakan ko ang eye mask pero may humawak sa kamay ko at siya na ang nagtanggal. Dinilat ko ang mga mata ko at una kong nakita ang swimming pool na maraming lobo. Napatingin ako kay Andres na nasa gilid ko at may hawak na bouquet na ferrero. Tinitigan ko 'yun bago tumingin sa kanya. He smiled at me. Gulat na gulat at hindi masuklian ang ngiti niya. Tumingin siya sa harapan kaya napagaya ako. Umawang ang labi ko ng makita ang mga letters balloon na nakadikit sa pader sa kabilang side ng pool. Tumingin ulit ako kay Andres na nakatitig na sa'kin. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Mahihimatay na ata ako. "Can I court you?" Tanong niya na kagaya sa basa ng mga nakadikit na lobo sa pader. I inhaled and exhale. He looked tense, also. Hinawakan niya ang likod ko at hinagod. Tinignan ko ang mga classmates namin na nagkalat sa paligid. Tilian sila nang tilian. Nahagip ko pa ng paningin si Ivy na malakas na hinampas si Lyle na nasa tabi niya habang nagsisisigaw. Syempre si Lyle umalma at may kung anong sinasabi pero walang pakialam si Ivy habang nakatitig sa'min. "Eisz," Napatingin ulit ako kay Andres na may umaasang mukha. Kinalma ko ang sarili bago napangiti at hinampas din siya. "Ang dami mong alam. May pagan'to ka pa," Sabi ko na natatawa. "Kahit naman walang gan'to, papayag ako." Lumakas ang tilian nila na ikinatawa ko. "What?" Si Andres na slow. Gusto pa ata ulitin ko ang sinabi ko. "Yes, I'm now your girlfriend." Lumaki ang mata niya at gulat na gulat na ikinatawa ko ng malakas. "Ano? Sinasagot mo na agad?" Sigaw ni Ivy. "Agad agad?" "Magpakipot ka naman, Eisz!" Rinig kong sigaw ni Mela na natatawa sa malayo. "Osige, hindi muna," Tumingin ulit ako kay Andres na nakatitig lang sa'kin. Nakaawang ng bahagya ang labi niya at medyo namumula ang tenga. Kinikilig ba siya? Hala! Ako rin kasi eh. "Manligaw ka muna. Show me what you got, char." He nodded. Ibinigay niya ang bouquet at hinawakan ang kamay ko. Sinundan ko 'yun ng tingin hanggang itaas niya at halikan. "I'll court you forever," He smiled sweetly while holding my hand so tight. "Walang forever," Halos sabay sabay nilang sigaw na ikinatawa naming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD