Kabanata 13

3199 Words
"Eisz," Lumingon ako kay Ate Ysa nang tawagin niya ko habang busy kaming naglalaro sa Playstation ng NBA sa sala. "What's with you and Andres Montemayor?" Nanliit ang mga mata niya habang nakatitig sa'kin. Nahinto ako sa paglalaro at gulat na gulat. Bawal ang mag boyfriend sa pamilyang 'to! Sobra sobra naman kasing conservative. "W-what?" Umiwas ako nang tingin. Nag iisip ng pwedeng sabihin. "Oh couz, don't you dare deny it! I saw his i********: posts. Follow ko kaya siya," Nanatili akong nakaiwas nang tingin. Naramdaman kong tumabi siya sa'kin. "Relax! It's okay. Why are you so scared?" Tumingin na ko sa kanya. Hindi makapaniwala na tinatanong niya pa talaga ko ng ganyan? Hindi pa ba obvious? "Syempre, bawal pa. And kuya's strict," Ngumiti siya at tinapik ang likod ko. "It's normal and there's nothing to be scared of. Kapag kasi happy ka, roon na rin kami," She smiled sweetly. Isang taon lang ang agwat namin sa isa't isa pero akala mo kasing edad niya na si kuya. She's so mature... sometimes. "And Andres' nice," She gave me a thumbs up. "Who's Andres?" Napalingon kami pareho kay Princess na dire diretsong umupo sa pang isang sofa habang lumalantak ng popcorn. "Just someone we know," Ate Ysa said. "Dito ka nga, bebe. Penge kami," "Why are you talking about boys?" Nakataas ang kilay niya habang nakatitig sa'min. Nagkatinginan kami ni ate at natawa. Nanatili kaming naglaro habang nagsimulang magkwento si Princess about her studies. When lunch time came, sama sama kaming nasa hapag. It's weekend so it means loud and mess happening in this house. Maya maya napadaan si Tita sa sala at nakita si Princess kaya pinagalitan siya kasi kanina pa pala siya kumakain ng popcorn. She have braces. Natawa ako nang tumakbo siya sa kwarto niya at doon na lang balak kumain. Kulit talaga kapag napagalitan siya ng dentist niya, tatawanan ko talaga siya nang sobrang lakas. "Samahan mo ko bukas Eisz," Sabi ni Ate nang mapatingin na ko ulit sa tv. "Where?" I asked. I looked at her and saw her grinning. "Shopping," Tinaas baba niya ang kilay. I frowned. "Wala akong pera," "What?" She laughed while looking at me. "What about your allowance?" "It's for my school. I don't have a extra money," "Ang kuripot mo naman! Sumbong kita kay Tita," "Wala nga kong pera," Natatawa kong sabi. She rolled her eyes. "Fine! Lilibre na kita!" Natawa ako nang malakas. "Style mo talaga. Gusto mo lang malibre eh," "Kailan ba?" "Tomorrow nga para after diretso na ko sa Angeles," I nodded my head. "Hahatid mo ko," When the night came nagkayayaan kaming magpipinsan na mag movie marathon sa garden. The boys set up the projector, laptop and the tents. We're doing a camping in the garden. Nang nag start na at kanya kanya na kaming higa. I open my i********: account and took some vids. Ang iba ay ini-story ko at ang iba na may kasamang mukha at selfies ko ay sinend kay Andres. Me: Have a goodnight too bb Offline siya siguro naglalaro na naman ng ML. I turn off my phone and focus on the movie. We're watching fear street. Three part ang movie at balak nilang tapusin 'yun ngayong gabi. Palagi pa naman akong nakakatulog kapag ganito. Kaya nga sabi nila kapag movie marathon ang pangit kong kabonding. Antok na antok na ko habang pinapanood namin ang part two habang gising na gising at marami pang energy ang mga pinsan ko. Ayaw ko pang matulog nang maaga kasi for sure pagtitripan nila ang mukha ko. Pero hindi ko na talaga kaya. When the morning came I immediately run to the nearest bathroom. Napahinga naman ako nang maluwag nang makita ang mukha kong wala halos na sulat. Hay salamat. I did my morning routine. Tulog pa rin ang mga pinsan ko nang pumunta ulit ako sa garden para kunin ang phone ko. Andres: Enjoy baby. I'm playing Andres: Goodnight, baby. Sleepwell Naupo ako sa metal chair habang binabasa ang messages ni Andres. I typed a morning text before checking notifications. After checking all of my social media accounts. Nag reply na rin si Andres. Wow, ang aga magising. Andres: Good morning too! We're going to cemetery today for my grandpa's birthday. Wala pang kami pero grabe siya maka update 'diba. Me: I'm going for shopping with my cousin later. May gusto ka bang ipabili or something? Andres: I want to buy your yes, charot lang bb. Enjoy your day. See you tomorrow. Napangiti ako sa charot niya. Habang tumatagal kumukulit si Andres but in a cute way. Namimiss ko tuloy siya. After lunch I immediately went to my room to dress up. Gustong sumama ni Joaquin at Princess pero ayaw ni ate kasi for sure raw wala rin silang pera. I decided to wear my yellow fitted floral dress puff sleeves above the knee and white square toe flat sandals. I took a mirror shot whole body to send it for Andres. Wala lang. Flex ko lang ang kagandahan ko today. "Eisz," Agad akong lumingon sa pintuan ng kwarto dahil sa sobrang gulat. "Ate?!" I said while dramatically touching my chest. "Hindi ba uso sa'yo ang kumatok?" Tumawa siya habang dala ang travel bag niya. May dala pa siyang maliit na hand bag na nasa balikat niya. She's wearing a wide leg pants and a white square neck croptop. She looks so sexy. "Tara na," "Yeah," Since wala nga kong pera, hindi na lang ako nagdala ng bag. I actually have an extra money pero since ililibre niya ko edi go! Tumakbo ako palapit sa kanya para kunin ang travel bag niya. "Ang bigat naman! Para kang mag aabroad ah?" Hindi niya na ko nasagot dahil agad naming naabutan sila Mama na nasa sala. Tinignan nilang lahat kaming dalawa ni ate. Rinig ko ang tawa ni Joaquin na nasa pang isahang sofa habang hawak ang laptop niya. "Tita may double date sila," "Epal ka talaga," Umirap si Ate sa kapatid niya at nang mapatingin kay Mama ay agad ngumiti nang matamis. "Sasamahan ako mag shopping ni Kelsey, Tita." "Huh? Hindi naman nanghingi ng pera 'yan ah?" "It's my treat!" "Okay. Ingat kayong dalawa," Tanging nasagot na lang ni Mama kasi si ate 'yan. She's actually the spoiled brat in this family. Sobrang layo ng mall kaya expected na matagal pa ang byahe. I played with my phone. Hindi ko makausap si Andres dahil offline pa rin siya. Inupdate niya naman ako kanina na maglalaro raw muna sila nila Lyle ng basketball. When we arrived at the mall ate Ysa grinned at me. Umiling ako at tumingin kay Manong. "Manong text na lang kita after ah. Diretso na kami ni Eisz dito sa car mamaya," Tumingin ako sa buong paligid habang kinakausap niya pa si Manong. "Alam mo na pin ko sa card ko ah. Enjoy kuya! Bili ka nang kung ano ano," Lumapit na siya sa'kin at ipinulupot ang braso sa braso ko. Pagkapasok sa loob at bago lumiko ay lumingon pa siya para kausapin si Manong. "Huy kuya baka mang chixx ka. Sumbong kita kay ate April," Ngumiti at napailing na lang siya sa kakulitan ni ate bago humiwalay sa'min. "So, where are we going first?" She glanced at me. "Ako talaga tinatanong mo?" I raised my brow. "Skyranch," "Ano? Sarado pa 'yun! Mag shoshopping tayo, Eisz! Hindi mag rarides," She said while laughing. Natawa rin ako. In the end we decided to go first in plains & prints. It's my decision because this is my favorite brand. Dahil libre niya 'to syempre lulubos lubusin ko. "Look, it's cute," Pinakita ko ang dress na may woman impressionism painting sa may skirt. She rolled her eyes. "Not my type," I frowned. Sinukat ko ang mga pinili ko samantalang si ate isang dress lang. Our second destination is her choice. Pareho kaming namimili ng tops nang lumingin siya sa'kin. "So, tell me what's your story with Andres? Ang pogi 'nun Eisz!" I laughed at her face. Napailing din pagkatapos. Kung malapit lang ako sa kanya ay baka nahampas niya pa sa'kin ang hawak niyang top. "Ewan ko rin. It's just happened," Sumimangot siya at itinaas ang hanger na may top, nananakot na ihahampas sa'kin. "He's courting me," Dagdag ko. Gusto kong pigilan ang ngiti ko pero ang hirap! Nanlaki ang mata niya at dali daling lumapit sa'kin at tuluyan ng hinampas ng hanger. "Haba naman ng hair mo," Natawa ako. Pinilit niyang ipakwento sa'kin ang nangyari mula sa first day of school ko hanggang ngayon. "Shesh Eisz! Hindi talaga ko makapaniwala. Para kayang Dao Ming Si ang ganap niyan ni Andres nung nasa ISI pa 'ko," We're now eating in a japanese restau kasi nag ccrave raw siya sa sushi. "Oa mo ah," "Kahit kasi sa mga higher level like me dati nagkakainteres sa kanya but he's super snob! Kaya alam mo 'yun everyone's thinking before he's out of their league," Pinunasan niya ng tissue ang bibig at may balak pang sabihin. "Napanood mo na ba siyang mag basketball?" Umiling ako habang pinunasan din ang bibig. "Omg girl! You should watch him! Tapos kwento mo sa'kin ano magiging reaction mo," Natawa ako sa pag kindat niya. Hay nako Andres. What's with you? Everyone's like you. Our last destination is the gucci store. Busy si ate nagtitingin ng mga bags kaya umupo muna ako sa couch para makapag cellphone. Napangiti ako nang makita ang pictures na sinend niya sa'kin. They are in the cemetery with his family. Pinindot ko ang play ng video clip na sinend niya. "The f**k are you doing, dude?" Nilibot niya gamit ang camera ang museuleum hanggang tumapat kay Lyle. "I'll send it to Eisz," Nang aasar na napangiti si Lyle. "Someone's whipped," Naputol na ang video. Napangiti ako habang nagtatype ng reply. Me: Enjoy!!! Malapit na kaming umuwi. Sad :( I want to try the rides in skyranch kaso hindi hilig ni ate :((( "What's better? This or this?" Napatingin ako kay ate na may hawak na dalawang bag na magkaiba ang kulay pero pareho lang ang style. "The black one," Napanguso si ate at tinitigan ang brown bag na hindi ko pinili. "Mas maganda kaya 'to," Tinaas niya ang brown bag at tumalikod na. Nilibot ko nang tingin ang paligid. Ano bang magandang bilhin. Tinignan ko ulit ang cellphone ko habang hinihintay ang size ng paa ko sa napili kong sapatos. Andres: What store are you in? Kumunot ang noo ko habang nagrereply, nagtatakha. Naisawalang bahala ko rin dahil nariyan na ang sale's lady. "Hindi ka pipili ng bag mo?" Tanong ni ate pagkatapos kong subukan ang sapatos. Lumingon ako sa kanya at umiling. "Expensive baka mawalan ka na ng pera," I laughed. She glared at me. "Wow ah pero pumili ka pa rin ng shoes mo. Come on, don't insult me!" Hinila niya ang kamay ko para dalhin sa mga bags. "I'll treat you next time," I said smiling at her. She looked at me and rolled her eyes. "Yes. I know," Sobrang daming paper bag ang tumambad sa'min pagkatapos. Tinawagan ni ate si Manong para tulungan kami. Though, ready naman kaming tulungan ng mga staff ng store. "Oh s**t. Am I seeing things?" Hindi ako lumingon kay ate dahil nagtatakha ako kay Andres na hindi man lang nag reply. Naramdaman kong niyugyog ni ate ang braso ko kaya napatingin na ko sa kanya na nakatitig lang sa harapan. I glanced at it and blinked my eyes. Napaawang pa ang labi ko! What the hell is he doing here? "Hey," He smiled at me and Ate. "Good afternoon," He's wearing a white thrasher hoodie and adidas track pants and a white sneaker while walking smoothly towards ours. "You didn't tell me that he's coming," Ate whispered. Napakurap kurap ulit ako. "Andres," I said and glanced to Lyle. He waved at me and smiled. "Anong ginagawa niyo rito?" Nginuso ni Lyle si Andres. Napailing na lang ako at tumabi sa kanya habang hawak ang braso niya. "Ate, Si Andres tsaka si Lyle. Andres, Lyle, si Ate Ysabel, pinsan ko," Awkward na pakilala ko sa kanila dalawa. Agad na naglahad ng kamay si ate. Mabuti na lang masyadong socialized itong si ate. "You need help?" Tanong ni Lyle habang nakatingin sa mga paper bag. "Yeah, yes!" Agad na sabi ni ate. Tinulungan nga kami ng dalawa na halos silang lahat na ang nagbuhat kaya ni isang paper bag wala kaming hawak ni ate. "Are you hungry, guys?" Tanong ni ate pagkatapos asikasuhin ang cellphone. Siguro kinausap si Manong. "Okay lang. Kakakain lang namin," Sagot ni Lyle. I glanced at Andres who's beside me. "You okay?" He smiled at me and nodded. "Nasaan na raw ba si Manong?" Lumingon ako kay Ate na bahagyang natigilan sa pagkakangiti at pagkakatitig sa'min. "Pinahintay ko na sa car. Wait? Andres, you're here. So you want to take out on a date si Eisz?" Pinanlakihan ko siya ng mata. Anong pinagsasasabi nito? Nagkatinginan kami ni Andres. "If it's okay?" He said while staring at me. Napakagat ako sa labi ko. Ginawa niyang hobby ang pakiligin ako. Kainis. "Ofcourse! Ano ka ba?!" Tumawa si Ate at hinampas pa ko. Tinignan niya ko at kinindatan. "Pero sama ako syempre," "Yan tama desisyon 'yan. Hindi pwedeng ako lang ang third wheel sa pamilyang 'to," Iling iling pang sabi ni Lyle. Nagtawanan sila ni ate at naghampasan. Hindi naman halatang nagkasundo sila agad 'no dahil sa pareho nilang personality. Nauunang maglakad si Ate at Lyle habang kaming dalawa ni Andres ang magkasabay. "Mabigat ba? Akin na lang 'yung iba," Nakakahiya naman kasi baka akalain niyang spoiled kami ni Ate at palaging gan'to kung mamili! Si Ate, oo spoiled! Pero ako medyo lang. "It's fine. Don't worry," Dumating na rin kami agad sa parking at naghihintay na roon si Manong. Pinasok nila Andres ang mga paper bags sa likod ng kotse. "Kuya babalik ulit kami sa loob. Okay lang? Bored ka na ba?" "Hindi naman po. Katext ko naman si April," Manong said casually. Nagulat si ate at napaawang pa ang labi. "Grabe ka talaga kuya! Kailangan mo talagang ipamukha sa'kin na may bebe time ka. Sana all!" Napailing iling ako habang natatawa. "Sana all nga," Sabat ni Lyle kaya napatingin sa kaniya si Manong na natatawa. "Ay oo nga pala. Kaibigan sila ni Eisz. They need to catch up kaya hang out kami muna sa skyranch, Kuya." She said. "Gusto mo sumama? Tara!" "Kagagaling ko lang diyan ma'am," Napakamot siya sa batok niya halatang nahihiya. Pinilit pa siya ni ate pero in the end hindi rin siya sumama dahil mas gusto niya ang bebe time. "Sooo saan tayo magsisimula?" They looked at me. "Rollercoaster," I said. Habang naglalakad papunta roon. Lumingon si ate kay Andres. "You know what Andres kung gusto mong idate pa ulit si Eisz. Sa mga amusement park mo siya dalhin. She really have addiction on that," "What the hell," Pinandilatan ko siya ng mata. "Tuwing birthday niya nung mga bata pa kami. Gusto niyang magcelebrate palagi sa star city or EK," Tuloy tuloy niyang sabi habang nakatalikod na sa'min. "Dream niyang makapunta sa bawat bansa na may disneyland," Tumingin ako kay Andres kaya napatingin siya sa'kin. He smiled and reach for my hand. He intertwined it. "She's weird, right?" Lumingon si ate. "Grabe! Mga walang galang! Mga walang respeto," Tinawanan namin siyang dalawa. "Sorry, she's o.a. She's always like that," Natatawa kong bulong kay Andres. "Yeah, it's okay. I'm used to it. She's like Lyle," He whispered too while laughing. Napakalayo ng pwesto nila ate sa'min pagkasakay sa space shuttle. Sinadya nilang dalawa ni Lyle kasi wala raw kaming respeto sa mga single. Hay nako. "Okay lang ba sa'yo 'to?" I asked Andres while we're waiting. I hold his hand. He looked pale. Oh my gosh! Nakalimutan kong itanong kung okay lang ba sa kanya 'to bago kami nagpunta rito! "Hindi pa naman nagsisimula. Baba na tayo," I was about to call the man checking our safety when he squeezed my hand. "It's okay, Eisz. I can manage," I stared at him worriedly. He smiled. Tumunog na ang bell hudyat na magsisimula na. Nanatili akong nakatitig lang. Hindi siya okay dito. Bakit ba pumayag siya?! He closed his eyes tightly when the ride became fast. Oh gosh, this man. I'm going to cry because of him. Why he is like this? Buong ride ay pigil na pigil akong umiyak. I was just staring at him the whole ride. And he's really not used to this. Sobrang delikado dahil kung paano may phobia siya sa mga ganito. He looked really pale when we went out the shuttle. Nag stop muna kami sa isang stall para hintayin sila Lyle. "Wait a minute," I said. Hindi niya ata narinig dahil hawak niya ang noo niya habang nakayuko. Mabilisin akong bumili ng tubig sa stall. Sinuklay niya paitaas ang buhok niya at nagkasalubong kami nang tingin. "Are you okay?" Inabot ko ang tubig. He said thanks and drunk it. "Yeah. I'm sorry. It's just my first time," Gulat akong napatitig sa kanya kalauna'y natawa. What the hell! "Sure ka diyan? Oh baka may phobia ka ah? Uwi na lang tayo. Tama na isang ride," "No, no. It's just really my first time," I nodded. "Do you have a fear in heights?" I asked making sure. Umiling naman siya. Tumango ako at ngumiti. He did the same. Biglang tumunog ang cellphone ko kaya naputol ang titigan namin. Tumatawag si ate? Oo nga pala! Nasaan na sila?! "Hey where are you, guys?" "Nagugutom daw si Lyle, Eisz! Kakain muna kami. Babye!" Magsasalita pa lang ako pero pinatay niya na agad. "Gutom daw si Lyle kaya kakain sila," I glanced at Andres. "Gutom ka rin ba?" "No," He reached again for my hand. "Let's go for another ride," Nauna na siyang maglakad habang hatak hatak ako. "Ayaw ko na baka mamutla ka na naman," Natawa siya. "Let's ride that boat," He said pointing out the anchor's away. Umiling ako pero hinatak niya pa rin ako! "Ang kulit mo ah," Natatawa siyang umakbay sa'kin. "This is your favorite place so I'm planning to make it my favorite place too," I felt him kissing my head. Napakagat na naman ako sa lower lip ko. Nagpipigil akong tumili, okay?! After we rode the anchor's away. Sa ferris wheel naman kami. It's really a good timing because it's already sunset. "Oh my gosh! Look! It's so beautiful," I pointed out the sunset even though he's looking at it too. When we reach the top and the ferris wheel suddenly stop. "I'll take you a picture," Andres said. I smiled in his cellphone's camera. Kinuha ko rin ang cellphone niya para siya naman ang picturan ko. After that we did a selfies with the sunset. "Grabe ang ganda. First time kong makakita ng sunset sa ferris wheel!" Nang mapalingon ako ulit sa kanya ay nakatitig lang siya sa'kin. "Tignan mo 'yung sunset. 'Wag ako!" I said laughing. He smiled and hold my hands. Magkaharapang nakaupo kasi kami sa isa't isa. "Bakit?" I asked nervously. Nakakakaba naman kasi ang titig niya. "I love you..." He smiled and kissed my right hand. "So much," He whispered but I heard it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD