Kabanata 14

3131 Words
It's really true when they said, Time flies when you are having fun. Sa sobrang saya ko sa mga nagdaang araw, hindi ko namamalayang bumibilis ang oras. It's another day again in school. Ingay ng mga students ang bumalot sa buong gymnasium nang makapasok kami sa entrance. May 30 minutes pa before the game pero sobrang dami ng tao. Today is the start of the season for the sports. And now, we're going to watch the basketball to support Andres and Lyle. Naupo kami sa side ng ISI malapit sa harapan. Sa kabilang side ay sa opponent. Napatingin ako sa mga bleachers na malapit lang sa'min. Nagkatinginan kami ni Andres marahil kanina pa ko pinapanood. Nakatayo at nakapamewang. He gestured his hands to me. Pinapababa ako para makapunta sa kanya. Tumayo ako at sinunod din siya. "Wala man lang goodluck?" He asked when I reach him. I frowned. "Kagabi pa kaya ko nag goodluck sa'yo," He laughed and hold my right hand. "Today's different," I made a face. Napatingin ako sa mga team mates niya na pinapanood kami kaya medyo nahiya ako. Nang nawala ang atensiyon nila sa'min dahil tinawag sila ng coach ay napatingin ulit ako kay Andres. "Tawag ka na roon," I said. He sway my right hand. Bumitiw ako para yakapin siya. Gosh magbabasketball siya pero why is he smell so good?! Tignan natin mamaya kung mabango pa siya. "Goodluck," I said smiling after the hug. He smiled and pinched my cheeks. "This is for you," Nagulat ako at umiling. "Hala! 'Wag! Baka matalo. This is for the school," I said laughing. He laughed too. Bumalik na rin ako kila Ivy na may namamalisyosong tingin. "Nasa court na, may bebe time pa rin?" Si Ivy na ready na mang asar. Tumawa si Mela Rose. "Vy, kapag inggit, pikit na lang," Basag ni Mela. Napatingin agad sa kanya si Ivy. "Wow, Lyle ikaw ba 'yan?" "Uy, Lyle agad nasa isip mo ah," Sila Wendy na nakikinig pala sa'min. Umirap si Ivy at tumingin na lang sa'kin. This past few days, umiinit ang ulo ni Ivy kay Wendy. She's starting to hate her. Halata raw kasing plastic? I don't know how she said that. Nagpaliwanag pa siya sa'kin ng mga scenarios na nagpapakita ng ganun si Wendy. I advice her not to be so rude or make it obvious that she's hating her. Just go with the flow. And if she's getting pissed, just ignore it. Para namang walang away, 'diba? I don't really know if it's a good advice. Hindi ko rin kasi alam ang dapat gawin sa mga ganoon. I mean I'm not a warfreak but I know how to defend myself when it is already too much. Nagsimula ang first quarter. Nangunguna na agad ang ISI. Totoo nga siguro ang sinabi ni Ivy kanina na kapag mga ganitong simula ng season ay sobrang boring dahil siguradong mangunguna ang school namin. Sa finals daw talaga ang totoong laban at challenging para sa team ng school. Nang hawak na ni Andres ang bola ay bigla akong pinagpawisan. Dapat ko ba siyang icheer? Nakakahiya! "Whoa! Go Andres! Patumbahin mo 'yan si Lyle," Nakatayo pa si Ivy habang sumisigaw. "Ay, kakampi pala 'yan!" Tumawa ako at napailing. Kulit talaga. "Kapag ikaw talaga nagkagusto kay Lyle. Tatawanan kita nang bongga," Sabi ko nang makaupo siya. Tinignan niya ko nang nandidiri. "Ew! Never 'no. Magkaiba kami ng level. Hindi niya ko maaabot!" Tumawa lang ako. Hindi naniniwala. Sinamaan niya ko ng tingin. "Icheer mo na nga lang 'yang jowa mo! Maging supportive ka naman," "Sorry ka, hindi pa kami," "Wow, hindi pa ba sa galawan niyo huh? Sagutin mo na! Wala rin namang pinagkaiba pinaggagawa niyo ngayon," Tumingin ako ulit sa court at napatitig kay Andres na nakikipag usap sa coach nila. Nang magsimula ulit ang game ay naiwan siya sa benches. Lumingon siya bigla sa'kin na ikinagulat ko. Nakatayo pa rin siya at nagpupunas ng pawis. Napangiti siya marahil sa pagkagulat ko. He waved at me. I waved too. Nakangiti siyang tumalikod at umupo na para manood. "Grabe, hindi ako sanay na lumalandi si Andres hanggang court," Napatingin ako kay Mela. "Ako rin teh! Dati super serious siya na parang manununtok na kapag naglalaro. Ngayon tignan mo! Pa wave wave pa. Aldub yarn? Kalyeserye ba 'to?" "Gaga, court serye! Wala tayo sa kalye," Ivy made a face before glancing at me. "Isa ngang pabebe wave diyan Eisz," Nagtawanan kaming tatlo. Nang mag second quarter ay pumasok na rin ulit si Andres. Nang mag free throw ay siniko ako ni Ivy. "Icheer mo na 'yan si Andres. Hanggang 2nd or 3rd quarter lang naglalaro 'yan kapag simula ng season. Natatambakan kasi agad nila," Huminga ako nang malalim. Ang daming tao, my gosh. Pero as if naman hindi ko pa nagawa 'to dati. Sisiw na lang 'to! "Whoa! Go ISI!" "Go Andres!" I shouted really loud. Natawa ako agad ng biglang lumingon ang ibang mga kaklase namin na narito. Lumingon si Andres halatang nagulat. I smiled at him and raised my fist. I mouthed "fighting." He dribble the ball and took a deep breath. Nang pumasok ang bola ay naghiyawan ang mga kaklase namin at mga taga ISI. "Shuta, nakakakilig naman 'yun Eisz!" Hinampas ako ni Ivy at paimpit na tumili. "Whoa! Baka Andreisz 'yan!" Sigaw pa ni Ivy. Tawang tawa si Mela Rose. "Andreisz ampota," sabi niya at inabot si Ivy para hampasin. Hiyang hiya ako sa kanilang dalawa. Nasa gitna pa naman nila ko! Gumagawa sila ng eksena! Pati sa side ng opponent ay may mga nakatingin sa'min. Nang mag third quarter ay nasa benches na lang si Andres. Wala na sa game ang atensyon dahil nakatingala na siya sa'min habang natatawa. "Ang bobo mo Lyle! Number 07! Palaging sablay," Umupo na lang ako habang hiyang hiya kay Ivy. Dapat ata sa kabilang side kami dahil kanina niya pa binabash si Lyle. Kanina pa rin lumilingon sa'min si Lyle at sinasamaan ng tingin si Ivy. "Boo!" Sigaw niya nang mag three points si Lyle. Napaawang ang labi ko nang mashoot 'yun! Tumingin sa kanya si Lyle at kumindat. Tumawa ng malakas si Mela Rose at hinampas ng malakas si Ivy. "Nakakakilig din kayo!" Sigaw ni Mela at akmang sasabunutan si Ivy nang umiwas ito at umirap sa kanya. "Ew! Hindi ko siya type!" Naupo na ito at hindi na ulit nag cheer. Natamaan ata siya masyado sa pagkindat ni Lyle. After the game we decided to eat in gate 2. Wala sila Andres dahil kinausap pa sila ng coach nila tungkol sa magiging strategy next game. Kanina pa nagdadaldalan si Mela at Shantal. Sumama siya sa'min kasi gusto niya raw kumain. I glanced at Ivy. Nakaupo kami sa malapit na gazeboo at katapat ko siya. Tinusok tusok niya ang fishball at parang may malalim na iniisip. "Huy, okay ka lang?" I poked her finger. She looked at me. "Oo naman! Napagod lang ako sa kakasigaw kanina," Tumawa siya ng pilit at winagayway pa ang kamay. Tumango ako pero nakatitig pa rin sa kanya. Umiwas siya ng tingin at sinubo ang fishball. Something's bothering her? I guess... After din namin kumain ay nagkanya kanya na rin kaming uwi. I rode a tricycle. Mukhang mapapatagal pa ata sila Andres kaya I texted him that I'll go home na. He didn't reply though. Nagpapractice ata sila. Grabe naman. They are all exhausted with the game. Wala man lang rest time? Pagkauwi ay same routine. I ate with the fam and did my homeworks. Nag videocall kami ni Andres but he looked so tired kaya nang makatulog siya ay hindi na ko nagulat. I stared at him and smiled. I took him a picture. "Goodnight, baby. I love you," I whispered. Sana ay marinig niya sa panaginip niya. The last few days it's really a boring days. Wala kasi sila Andres. I kinda miss him. Sobrang busy nila sa basketball. Last time they flew in California to compete. One week daw sila do'n. 5 days from now pa ang uwi nila. Sobrang hassle pa ng time rito at roon kaya minsan lang kami makapag videocall. "Lunch na tayo," Sumunod ako kay Ivy. She's using her cellphone while walking. Tinignan ko rin ang cellphone ko para sabihin kay Andres na lunch na rito. Dumaan muna kami sa milktea-han para kay Ivy. Sobrang hilig nito sa milktea eh, milktea na nga ata ang dumadaloy sa katawan niya hindi na dugo. "Oh si Ronnie!" She exclaimed. Dali dali siyang pumasok sa milktea shop. "Uy hello classmates! Musta?" He laughed. Natawa ako at hinampas siya. Ngumiti ako kay Finn na palagi niya na lang kasama. Magkadikit ata ang puso nilang dalawa, hindi mapaghiwalay eh. "Musta?" Finn asked. Tumingin ako sa kanya kaya nagkatinginan kami. "Okay lang," I smiled. "Hoy anong okay okay? Hindi! Stress na stress na kami sa research!" Singit ni Ivy pagkatapos mag order. "Lunch niyo milktea?" Tanong ni Ronnie. "Hindi ah. Si Ivy lang may kaya 'non" Nagtawanan kami habang umiirap siya. "Mag lunch kami sa caf. Kayo?" Si Mela. Nagkatinginan si Ronnie at Finn at tumango rin kalaunan. Kaya pagkarating ng order nilang tatlo ay sabay sabay kaming nagpunta sa cafeteria. While we're eating my phone vibrated. I looked at it. Andres: Eatwell, baby. Are you with Ivy and Mela? Me: Yes with Ronnie and Finn, also. Nakasalubong namin sa milktea shop kaya naaya ni Ivy. Sleep ka na diyan. Goodnightyyy <3 "Nakakaasar na si Wendy. Hindi na ko natutuwa sa kanya baka masabunutan ko na lang siya bigla habang gumagawa kami ng research paper!" Simula nang naglalakad kami ay hindi na maawat rants nito ni Ivy kay Wendy. Jusko. "Ganun talaga ugali 'non. Masyadong bossy," Sambit ni Ronnie. Tumango si Finn bilang pagsang ayon. "Mabuti na lang smooth sa'min nila Mela. Chill lang," Magkagroup sila ni Mela Rose at si Ronnie ang leader. "Grabe! Sana all lang mga 'te!" "Gayahin mo na lang kasi si Eisz. Chill lang palagi," Natatawang sabi ni Finn. Tumingin ako sa kanya at umirap. "Malamang sa malamang, chill lang talaga 'yan kasi kagroup namin si Andres! Kahit stress sa research atleast may bebe time," Nagtawanan sila. Sumimangot ako at pinagpatuloy ang pagkain. I really miss him. Ang clingy ko na ata. "Wala ka bang machichismis man lang sa section mo, Finn?" "Hindi ako interesado," Umiling siya. "Ang boring naman ng buhay mo!" "Marites dapat tayo dito!" The whole lunch was fun. Napagsama ang madaldal na si Ronnie at Ivy! Wala ng klase si Finn after lunch kaya naki sit in siya sa'min sa last class. Bumaba kami sa gymnasium at mag zuzumba ata o ano. Ah! I don't know how to dance. I mean sakto lang pero hindi ako magaling sa gano'n. "Ayaw mo pang umuwi ah. Mapapasayaw ka tuloy," Rinig kong sabi ni Ronnie kay Finn. Lumapit ako sa kanila. "Kawawa ka naman kasi, wala kang kasabay," "Ulol," Siyang paglapit ko ay pagdating din ng teacher. Tumakbo palapit sa'min si Ivy na hatak hatak si Mela Rose. "Pustahan tayo groupings 'yan," Daldal agad ni Ivy. Pumwesto na kami sa gitna nang makitang nasa harapan na ang p.e teacher. "Group yourselves into six," Napangisi si Ivy at sumulyap sa'min. May pinanood siyang zumba dance at may 30 minutes kami para practice-in 'yun. "Sabi ko sa inyo, groupings eh! Tayo na magkagroup," "Malamang gaga 'to! Alangan naman mag zumba ka mag isa mo," Basag ni Mela Rose kaya nagtawanan kaming apat. Ivy made a face and rolled her eyes at Mela. "Lima lang tayo, guys. Kulang isa," I said out of nowhere. "Ako! Sali niyo ko!" Nilingon namin si Shantal na sumigaw at tumakbo papunta sa'min. We practiced the zumba. Literal na nalaglag ang panga ko sa sobrang gulat kasi ang galing pala sumayaw ni Ivy! What the hell! Her voice is also smooth. Sobrang lamig, sobrang ganda! "Masyado ka namang favorite ni Lord! Ang talented!" I said to her while we're watching the other group. "Kung may favorite man si Lord dito. Ikaw 'yun gaga ka!" Handa ng makipagtalo. "Pahumble ka pa diyan," I laughed at her and poked her waist. Umiwas siya ng natatawa. Kikilitiin na rin sana ako kung hindi lang tinawag ang group namin. Pumunta kami sa gitna. Kinatyawan nila ang group namin dahil may outsider. Mukhang kakilala rin naman nila si Finn dahil tumatawa siya at nakikiasar din sa ibang classmates naming lalaki. "Tanaydana, makarine," Nagtawanan silang lahat sa sinabi ni Finn. I glanced at Ivy with a questioning look. "Tangina raw nakakahiya," She said quickly when she saw my face. I laughed. Sanay na sanay na siya sa'kin ah! Nag zumba na kami. Nakakahiya nga dahil ang iba ay vinivideohan pa kami! What the hell! They are all laughing at Finn when I looked at him. Natawa rin ako. Hindi nga siya marunong sumayaw! Akala ko nag jojoke lang siya kaninang nagpapractice kami. "Post namin sa f*******:," Pinagmumura sila ni Finn at nagkatyawan na. "Online sikat ka 'non pre!" Hanggang uwian ay hindi natapos ang pang aasar nila. Hindi naman ako nakauwi agad kasi nag meeting pa kami sa research. Sobrang drain na drain ako pagkauwi sa bahay na halos nakatulog ako agad pagkatapos magbihis. I woke up with my cellphone ringing. Sobrang dilim na kaya sumakit pa ang mata ko pagkabukas ng cellphone. Andres' calling. Hell! "Hello?" "Why is it so dark?" Iniwan ko ang cellphone sa kama at daling tumayo at hinagilap ang switch. "I'm sorry. I just woke up!" I shouted while fixing my hair in front of the vanity table. "Anong oras ka nakauwi? You forgot to text me after your lunch," I heard. May bahid pa ng tampo? Kinuha ko ang phone at hinarap na sa'kin. "I'm sorry. I thought tulog ka na eh," Ngumuso siya sa screen. I smiled. "Almost 5 na ata ako nakauwi? Nakatulog ako agad. Nag meeting pa kasi sa research," "Hmmm okay. Kain ka muna," "Ikaw? Kumain ka na ba? Good morning, anyway. Goodluck sa game later!" "I'm about to eat," He showed his food and his team mates. "Thank you baby," Napakagat ako sa labi ko. Pere keseng timang. "Sige na. Kakain muna ako. Eatwell sa inyo!" The next day is another busy day in school. Sobrang busy pero tamad na tamad ako. "Guys! May seminar daw mamayang 10," Announced ni Ronnie after ng first class. Hindi ko alam kung matutuwa ba ko o tatamarin lalo sa sinabi niya. Before the seminar nagkaroon pa kami ng activity. I was assigned to pass it to the faculty after. "Save niyo kami ng seat!" Si Ivy habang kinokolekta ang mga papel. "Ako na lang save mo. Magkatabi lang naman faculty building at theater," Sabi ko sa kanya. She looked at up me wide eyes. "Pinapauna mo na ko? No way! Baby kita!" Nagtawanan ang ibang classmates namin na nakikinig. "Maraming tao roon! I'm sure maaawkward-an ka kapag maglalakad ka sa harapan nila," She explained. Umupo na sa desk ko. "Sa labas lang ako ng faculty! At baka masabihan na naman tayo na sobrang bigat ba ng mga papel at dalawa pa tayong naghahatid," She made a face. In the end they waited me at the front of the theater building na katabi lang ng faculty. I knocked at the door before entering. Nilibot ko ng tingin ang paligid at namataan si Finn na kausap ang entrepreneur prof namin. Prof din ata nila. Napatingin sila sa'kin. Nagulat pa siya nang makita ako. I smiled at him and he also did. "Excuse po, nasa'n po si Ms. Misiera?" Napatingin sa'kin ang teacher ata ng mga high school na nagsasalin ng tubig sa dispenser. "Nasa grade 10 ata. May klase siya ro'n eh. Puntahan mo na lang at ibigay 'yan baka matabunan pa ng junior high papers," Sinara niya ang tumbler at tumingin sa entreprenur prof. "Nasa'ng section ba siya, sir?" She asked. Nag excuse si Finn at balak na atang lumabas. "Nasa A ata. Check mo na lang hija," I nodded and smiled. "Thank you po, Maam, Sir." I excused myself and walked out the room. Nagulat ako kay Finn na nakasandal sa pader. "Nakakagulat ka naman!" I exclaimed. Tumawa siya at itinuro ang mahabang pasilyo. "Samahan na kita," He smiled. Gusto ko sanang magpasama kila Ivy pero sige na nga. Nandiyan na siya eh! "Section A pinsan mong junior high 'di ba?" Tanong niya habang lumalabas kami sa back door ng faculty. Tumango ako. Sa likod kasi nito ay ang building na ng junior high. Masyadong maraming pasikot sikot sa campus na 'to. Kung hindi mo alam ang mga short cuts matatagalan ka pa makapunta sa ibang building. Nang nasa tapat na ng room ay sumilip muna ako sa pintuan. Nakakahiya! Papasok pa ba ako? Gosh, malamang Eisz! Ang dapat mo lang sabihin ay excuse po, eto na ang mga papel na pinapapasa. Narinig ko ang tawa ni Finn kaya napatingin ako sa kanya. "Kinakabahan ka ata. Gusto mo bang ako na lang ang magpasa or tayong dalawa?" Nagulat ako sa pagiging generous niya. Gan'to ba talaga 'to? Ang bait naman niya masyado! "Okay lang ba? Ikaw na lang? Nahihiya kasi ako eh. Wait na lang kita rito. Goodluck!" I grinned at him. He laughed and knocked at the door. Sumilip ako sa corridor at tinignan ang tanawin. Nang maramdaman ko ang ingay ng mga estudyanteng paakyat. Napaharap ako sa kanila at napatigil sila nang makita ako. "Oh?" Sabay sabay silang nag singhapan. Kumunot ang noo ko. Nahawi ang apat na babae at tumambad si Scarlet na nakataas ang kilay. "Ang lakas pa ng loob mong tumapak sa building na 'to," Napataas din ang kilay ko. "Bakit? Sa'yo ba 'to?" Hindi ko napigilang sabihin. Sarcastic siyang natawa. "C'mere," Pumasok siya sa cr na nasa gilid ng hagdan. Natawa siya nang makitang hindi ako sumunod sa kanya. "Duwag much?" I smiled. Lumapit ako pero hindi pumasok. Alam ko ang gagawin niya at hindi ako tanga. "You want a cat fight? How childish. Poor you," I looked at her head to toe. Nanlisik ang mata niya at agad hinablot ang buhok ko! What the f**k! Masyado naman siyang isip bata at dito pa siya nakipag away sa hallway! Hindi niya ba alam na may cctv dito? Ang tanga naman. I grabbed her hair with my two hands. Mas mahaba ang buhok niya kesa sa'kin. "Eisz!" Rinig kong sigaw ng kung sino. Si Finn ata. Naramdaman ko na mas humapdi ang anit ko dahil may sumasabunot sa'kin sa likod. Talaga naman, pinagtulungan pa ko. "b***h! Hindi lang pala si Andres ang nilalandi mo," Mas hinigpitan ko ang sabunot sa kanya. "What's happening here?!" Sigaw ni Ms. Misiera ang nagpatigil sa'min. Binitawan ko ang buhok niya at ganun din siya sa'kin pero ipinadaan pa ang mga kuko sa pisngi ko. Naramdaman ko ang hapdi roon. "Go to the guidance office now!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD