"What happened, Ate?" Ang tumakbong si Joaquin ang dumalo sa'kin. Inunahan pa si Finn.
"That b***h," I said, glaring at Scarlet.
"Your cheek's bleeding," Nilabas niya ang panyo at ipinahid sa pisngi ko. Masamang binalingan si Scarlet.
Pumunta kami sa guidance office. I said thanks to Finn. Nagpasuyo na rin ako sa kanya na sabihin kila Ivy na 'wag na kong hintayin at may nangyaring ganito.
"What the f**k is your problem, Medina?!" Sigaw ni Joaquin nang makaupo kami sa visitor's area ng guidance.
Napaismid ito at tinignan ako ng masama.
"Your cousin looks-like-innocent is the one who attack me first!" Napaawang ang labi ko. Binaligtad pa talaga ko? Binalingan ako ni Joaquin, kumibit balikat na lang ako.
Tamad nang iexplain ang side ko. Napagod akong makipagsabunutan! My gosh, please give me a break!
"What's happening here?" Dire diretsong naglakad ang Mama ni Andres palapit sa'min. Naupo siya sa swivel chair at hinarap kami. Nagulat pa nang malamang kaming dalawa ni Scarlet ang nandito!
What the hell?! Bakit si Tita Mariam ang councilor ng guidance office?! Nakakahiya! Paniguradong isusumbong niya pa ko kay Mama.
"Scarlet? Kelsey? What's happening here?" Napatingin si Scarlet sa'kin na gulat na gulat.
"You know her Tita?" Hindi siya pinansin nito at may tinipa sa computer na nasa harapan niya.
"Of course dear," Tita Mariam I mean Mrs. Montemayor sighed and glanced at her. Napayuko ako. Hiyang hiyang. Nanatili siyang nakatuon sa harapan ng computer niya. Saglit na katahimikan ang namagitan dito sa loob bago ko ulit narinig ang boses niya. "Care to explain why you suddenly attacked her first?"
Nagtaas ako ng tingin pero kay Scarlet siya nagtatanong.
"I'm not!"
"I'm watching the cctv footage," Ipinakita pa niya ang screen ng monitor.
"She...She insulted me! Th-That's why," Mrs. Montemayor sighed again. She glanced at me.
"I'm sorry, Kelsey. But can you tell me why she's mad at you?" Nanlilisik na sumulyap sa'kin si Scarlet. Napabuntong hininga rin tuloy ako.
"She's jealous, I think. But I understand. We do something weird or worst actions for love," I glanced at Andres' mother. "I just hope Mrs. Montemayor this is not gonna happen again,"
Of course! Gulat na gulat ang Mama ni Andres! My gosh. Ang demanding ko naman sa bandang 'yun!
"Love? Scarlet," Napabaling na naman siya rito. Napasulyap na lang ulit ako sa bruhildang umiiyak na ngayon. Iyakin naman.
Lakas mang hamon ng away tapos ngayon na naguidance iiyak iyak? Baliw ata 'to eh.
"Gumagawa siya ng kwento!" Humihikbi pa siya. I sighed. Naramdaman ko ang paghagod ng palad ni Joaquin sa likod ko.
"I'm so sorry, Kelsey. Does your Mom already know about this?" Umiling ako sa kanya at napakagat sa labi.
"Can you please not to tell her? This is the first time po I got in the trouble. She'll might be disappointed," Naiimagine ko pa lang ang reaction ni Mama kapag nalaman 'to. Jusko!
"What? Ate, hindi pwede! Pa'no pag naulit? Or worst sa labas pa ng school," Pagprotesta agad nitong pinsan ko.
"Don't worry. I'm pretty sure this is not gonna happen again,"
"But what if? Who knows what she can do," Pag pupumilit pa niya.
"I'm not a freaking frat man!" Sinamaan ng tingin ni Scarlet si Joaquin. Joaquin just shrugged and glanced at Tita Mariam.
After we dismissed she said I'll should comeback here tomorrow. Naiwan si Scarlet sa office niya. I know for sure that she'll talk to her. Or if not, kapag hindi pa rin naayos 'to bukas. I think I should tell this to my Mom.
Bahala na kung anong masasabi niya or worst anong gagawin niya kay Scarlet! I mean kaya lang naman ayaw kong sabihin kay Mama kasi baka kausapin niya ang parents ni Scarlet at nakakahiya 'yun!
Malalaman niya pa kung anong meron sa'min ni Andres. Oh gosh, bawal akong mag boyfriend pero sadyang sutil ako at lumalandi pa rin.
"Anong sasabihin mo kay Tita kapag nakita 'yang sugat sa pisngi mo? Halatang halata kayang kalmot, Ate!" Pagmamaktol ni Joaquin habang bumababa kami ng hagdan.
Magsasalita pa lang ako nang mahagip ako ng tingin nila Ivy na nasa labas ng building at halatang hinihintay ako. Agad silang tumakbo papunta sa'kin.
"Anong nangyari? Sinabi sa'kin ni Finn sinugod ka raw ni Scarlet! Aba ang malditang 'yun. Kapag nakita ko lang talaga ang babaeng 'yun, makakalbo ko siya nang todong todo!" Tuloy tuloy na sabi niya at tinitigan ang sugat sa pisngi ko.
"I'm ok---"
"Sinugatan ka pa talaga! Ang kapal naman ng mukha niya. Nasa'n na ba ang babaeng 'yun at igaganti kita, Eisz! Hindi pwede 'yan!" Tumingin siya sa likod ko at parang hinahanap si Scarlet. Nakapamewang pa siya.
"Hoy Ivy. Kumalma ka! Ang puso mo!" Natawa ako nang binatukan siya ni Mela. Natawa rin si Ivy. "Dinaig mo pa ang Mama ni Eisz ah,"
"Pero seryoso, okay ka lang ba? May masakit ba sa'yo?" I smiled at them.
"Okay lang ako at walang masakit," Natatawang sabi ko. Tumango tango siya at inis na pumadyak.
"Bakit kasi hindi ka nagpasama sa'min? Edi sana napagtulungan natin sila! Aba kahit lima pa sila o sampo, kayang kaya kitang ipagtanggol!"
"Uhm excuse me," Naiilang na singit ni Joaquin at tumingin sa'kin. "I have a class. I'll go now, Ate. Sabay tayong umuwi ah," Tumango ako sa kanya at tinulak na siya palayo.
"Anong nangyari sa Guidance? Hindi pwedeng ientertain 'yang ginawa niya," Si Mela.
Nagsimula na rin kaming maglakad papunta sa kung saan.
"I don't know. Kailangan daw munang mag usap ni Scarlet at ni Mrs. Montemayor," Nagkatinginan silang dalawa at natawa.
"Ang formal mo naman teh! Para namang hindi niyo sila family friend," Kumibit balikat ako.
Who knows. Malay ko ba kung sino ang close niya? Ang Mama ko o ang parents ng babaeng 'yun.
"Ano kayang mangyayari bukas? For sure pinapapunta ang parents niyong dalawa," Pinagpag ni Ivy ang palda niya bago sumalampak sa damuhan. Nandito na kami ngayon sa field.
"Actually not. I asked a favor not to tell to my Mom," Sumalampak din ako sa tabi niya. Gulat na lumingon si Mela sa'kin.
"Hindi pwede 'yun ah! Kapag may naguidance kailangan kausapin ang parents!"
"Like you said. They are a family friend," They are just shrugged and stared at the clouds.
Pagkauwi sa bahay dumiretso ako agad sa kwarto ko. Mabuti na lang wala sila Mama sa living room. Kung hindi isusumbong talaga ako ng Joaquin na 'yun.
Tinitigan ko sa salamin ang tatlong guhit na sugat na nasa kanang pisngi ko. Para siyang kalmot ng pusa. What the hell? May lahi bang pusa ang babaeng 'yun? I can't believe, friends sila ni Andres. Sobrang opposite sila ng ugali.
Speaking of Andres. I looked at my phone and saw his messages.
Andres:
I am missing you so bad :(
Andres:
What are you doing?
Andres:
It's already lunch there. Eatwell!
Andres:
Why are you not replying? I'm going to sleep. Where's my goodnight?
Hindi ko man lang siya nareplyan. Natutulog na siguro siya. Almost 3 hours ago pa 'tong last chat niya.
Me:
I'm sorry. Something happened. I'm so preoccupied. Goodnight. Sleepwell.
Tinitigan ko ang chat ko. Sasabihin ko ba sa kanya ang nangyari ngayon? I sighed. Tinignan ko muli ang sarili ko sa salamin. Paano ko kaya matatago 'to kila Mama?
Nawala rin ang pag iisip ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. What the hell? Bakit siya tumatawag? Kala ko ba tulog na siya?
I took a deep breath and answer his video call.
"Hey. What happened? What's bothering you?"
Tinitigan ko siya habang ang cellphone ko ay nasa table lang. Nakikita niya lang ang kisame nitong kwarto ko.
"Kala ko matutulog ka na?" I asked. Hindi pinansin ang mga tanong niya.
"Can't sleep. Can I see you?" Nilagyan ko ng filter ang camera at tinapat na sa mukha ko. It's a frog filter. Tumawa si Andres. Ngayon lang kasi ako nag filter habang nag vivideo call kami.
"So what's bothering you?" He bite his lower lip. Nakahiga na siya at medyo madilim na.
"Wala lang. Kung ano ano lang," I said and smiled. Inayos niya ang unan na nasa ulo niya at tinitigan ako.
Ramdam ko ang hapdi at kirot ng sugat habang ngumingiti kaya napalitan 'yun ng ngiwi.
"Wait a minute," Binaba ko ulit ang cellphone sa table para tignan ang sarili sa salamin.
Hindi kaya mamaga ang pisngi ko bukas niyan? Sisimangot na nga lang ako ngayon.
"Why, baby?" Andres asked. Sasagot na sana ako ng marinig ang pagtawag sa kanya ng kung sino.
"I heard what happened. Si Eisz ba 'yan?" Narinig ko ang kalabog ng pinto at ang boses ni Lyle.
"Yeah. Why?"
"Hoy Eisz! Anong nangyaring bardagulan kanina ha?" What the? How did he know? Ang layo layo niya na pero ang dami niyang alam!
"Anong bardagulan?"
"Sabi sa'kin ni Ivy inaway ka ni Scarlet eh. Nasugatan ka pa nga raw at naguidance pa kayo! Sayang wala ako, hindi ko napanood!" Napangiwi ako sa pinagsasabi nito ni Lyle! Bullshit talaga siya. Kalalaki niyang tao pero sobrang daldal!
"What? Eisz? Is that true?" Napakamot tuloy ako sa ulo bago tinapat ang camera sa sarili ko.
"Ah oo. Wala 'yun," I don't know how to say. May balak naman akong sabihin sa kanya pero hindi ngayon. Pero wala na. Inunahan na ko.
"I already told you, bro. Posible talagang awayin ni Scarlet 'yan si Eisz eh," Nakatitig lang si Andres sa screen. "Uy Eisz, hindi ko friend 'yan si Scarlet. Labas ako diyan!" Umirap ako at hindi na lang nagsalita. Narinig ko pa ang pag bye niya at kalabog ulit ng pinto.
Ang galing naman talaga! Siya pa talaga ang nagsabi kay Andres. And what? What did he say? Kachat niya si Ivy? Akala ko ba aso't pusa ang dalawang 'yun. Bakit chatmate na sila ngayon?
Bukas na bukas talaga iintrigahin ko 'yan si Ivy!
"Nasa'n ang sugat mo?" He suddenly asked. Wala na si Lyle dahil hindi ko na naririnig ang bunganga niya. Hay salamat.
I removed the filter.
"Oh god," Hindi na ulit siya nahiga at nanatili na lang nakaupo. I sighed.
"It's nothing. I'm okay," I tried to smile at him. Nanatili lang siyang nakatitig sa'kin.
"What happened?" I sighed again and told him what happened. Hindi ko na sinabi na dahil sa kanya. Of course! I know he already know it. "I'm sorry. I wasn't there," Tumawa ako.
"It's really okay, Andres. Don't mind it. It's a girl thing. Cat fighting, you know," Natawa ako sa sinabi. Because my whole life this is the first time, I experienced this. And of course, because of only guy!
I took a deep breath. Parang dati lang 'nung jhs pinagtatawanan ko ang mga gano'n. Ang bilis ng karma at naranasan ko na.
"It's dinner time here. You should sleep. May game pa kayo bukas 'di ba?" Hinintay ko siyang sumagot pero hindi dumating. Ang nakikita ko na lang ay ang kisame ng kwarto niya.
"Andres? Are you still there? I think you're already asleep. Goodnight," Papatayin ko na sana ang tawag nang biglang gumalaw 'yun at tumapat ulit sa kanya.
"Wait me there," Siya na ang nagpatay ng tawag. Naguluhan pa ko sa sinabi niya.
Anong wait me there na pinagsasabi niya? Pupunta ba siya rito? Eh halos magkabilang dulo kami ng mundo! Pero sabagay hihintayin ko naman talaga siyang umuwi. Alangan naman ako ang pumunta 'don.
Bumaba na lang ako agad sa kusina para makakain na. Mauuna na lang ako kumain para hindi makita nila Mama ang sugat sa pisngi ko.
Sana nga lang gumaling siya agad.
Kinabukasan nagising ako dahil sa sakit ng ulo. Ang hapdi pa ng sugat ko ni hindi ako makangiti! Oh hell. Ngayon ko lang naramdaman ang sakit ng sabunot sa'kin ng babaeng 'yun.
Sinubukan kong tumayo pero nahihilo ako kaya humiga na lang ako ulit. Tinignan ko ang orasan dapat kumakain na ko ngayon para makapasok na sa school!
"Ate Kelsey," I heard Princess. Kumatok muna siya bago ko narinig nagbukas ang pinto. "Let's eat na ate. Gising!" Kaaga aga energetic na siya agad. Hay sana all.
Nagtalukbong ako ng kumot at hinarang sa pisngi.
"Hindi ako papasok. I think I have a fever," Napapaos kong sabi. Natawa siya habang pumupunta sa tabi ko.
"Weh? Tinatamad ka lang eh," She touch my forehead and gasp. "Hala! Totoo nga!" I laughed at her reaction.
"Sabihin ko kila Mama," Pipigilan ko pa sana siya nang dali dali na siyang tumakbo paalis.
Wala pang isang minuto nang si Joaquin naman ang pumasok sa kwarto.
"Why are you sick?" Agad niyang kinapa ang noo ko. "Oh hell! I told you. Susumbong na kita kay Tita,"
"Subukan mo sasapakin kita," Tumawa siya.
"Sabunutan nga, nilagnat ka. Sasapakin mo pa ko," I glared at him. Natatawa siyang tumingin sa pintuan nang dumating sila Mama.
"Why are you suddenly sick?" Agad na bungad ni Mama at siya naman ang kumapa sa noo ko.
"Kasi Tita,"
"Joaquin!" Binato ko siya ng unan na agad niyang iniwasan.
"What?" Nagsalit ang tingin ni Mama sa'ming dalawa, nagtatakha. Pumasok na rin sa kwarto si Tita at Princess na may dala dalang nebulizer.
"Pagod siya sa school Tita," Swabeng palusot ni Joaquin. "Maybe that's why she's sick," Kumibit balikat siya at tumawa. I rolled my eyes at him.
Tinignan ko na si Mama na inabot ang nebulizer kay Princess.
"Ma, hindi naman ako hinihika,"
"Hindi ka ba hinika kagabi? Kaya ka siguro nilalagnat ngayon," Umiling ako. "Hay nako Kelsey Eisz,"
"Hindi ako papasok Ma ah," I said. Princess made a sad face while looking at me.
"Ayoko ring pumasok. Aalagaan ko si Ate!" She pouted while staring at me.
"Hindi pwede! Kumain ka na sa baba," Asar ni Joaquin. "Ako ang hindi papasok!"
"Kayong dalawa, kumain na nga kayo 'doon at nang makapag ayos kayo at hindi malate," Sabat ni Tita kaya tinawanan ko silang dalawa at binelatan.
Natulog na lang ako ulit nang iwan nila ko. Dadalhan na lang daw ako ng pagkain mamaya. Nagising ako ulit ng 10 am. Kinuha ko ang cellphone ko para ichat si Mama na bigyan na ko ng pagkain.
I saw some messages from other people and Ivy. I clicked her message.
Ivy:
Bakit ka absent???? Okay ka lang? Nalaman ba ng parents mo?
Naalala ko ang nangyari sa guidance kahapon. s**t! Kakausapin pala ko dapat ulit ni Tita Mariam about sa nangyari. Nag reply ako kay Ivy.
Pagkatapos ay nag scroll na lang sa social media accounts ko habang hinihintay ang almusal.
"Humigop ka ng sabaw Kelsey Eisz at nang mawala agad ang lagnat mo," Bumangon ako at naupo. Lumapit siya at hinipo ang noo ko.
"Mainit ka pa rin. Bilisan mo kumain para mapunasan kita," Hinagod niya ang likod ko.
"Tita kaya ko na po. Masakit lang po ang ulo ko pero kaya ko naman pong mag hilamos mag isa pagkatapos kumain," Ngumiti ako. Kumunot ang noo niya habang tinititigan ako.
"Jusmiyo Kelsey. 'Wag matigas ang ulo," Natatawa akong tumayo para kumain. "At bakit may sugat ang pisngi mo?"
Napatigil ako sa paghakbang at napakagat sa labi.
Patay.
"Nakalmot po," Simpleng sagot ko at naupo na agad ako para kumain.
Mabuti na lang hindi na siya nag tanong pa at nagbilin na lang na maghilamos ako pagkatapos.
Nagpunas na rin ako agad. Malaking tulong din 'yun at gumaan ang pakiramdam ko. Nakatulog pa tuloy ako ulit. Nagising na lang ako dahil sa tumutunog na cellphone ko.
Nanlaki ang mata ko nang malamang si Andres 'yun! What the hell? Bakit siya tumatawag? Alam niya namang school hours ko dapat ngayon ah! Palagi talagang unexpected ang pinag gagawa niya.
"Hey," Napakunot ang noo ko. Kakatapos lang ata ng training nila? He sounds so tired.
"Hi,"
"What are you feeling? Are you okay?" Kumunot ang noo ko at hindi nakasagot. "Joaquin told me you're sick,"
Seriously? Type rin ata ni Joaquin itong si Andres ah! Close na close sila! Naiimagine ko pa lang na pinagsama si Lyle at itong pinsan ko. Mababaliw na ko! Napakadaldal nila!
"I'm okay. Medyo masakit lang ang ulo ko, siguro bukas mawawala na rin 'to,"
I heard his sighed. Napangiti tuloy ako.
"Ikaw? Are you okay? You sounds so tired. Rest ka muna,"
"Yeah, maybe later or tomorrow," Siguro may game pa sila mamaya.
"Okay. Goodluck sa game niyo. Fighting!" Tumawa siya.
"I gotta go. See you baby," Napakunot ang noo ko. See you raw? Ang tagal pa kaya. Napasimangot ako lalo nang pinatay niya ang tawag at hindi na hinintay ang sagot ko.
Luh? O.A much Eisz? Sobrang miss na miss ko na siya.
Medyo masakit pa ang ulo ko pero nabobore na ko rito sa kwarto kaya naisipan ko na lang bumaba at magpapak ng kung ano ano sa kusina.
Gusto ko ng ice cream!
Inubos ko ang buong araw na kumakain ng ice cream sa garden habang nanonood ng kdrama sa laptop.
Ganun ako naabutan nila Joaquin pagkauwi na ngingisi ngisi na naman habang nakatayo sa harapan ko. Nakauniform pa siya.
Hininto ko tuloy ang pinapanood ko para samaan siya ng tingin.
"Napakatsismoso mo talaga 'no. Sinabi mo pa kay Andres. Desisyon yarn?" Nanlaki ang mata niya. May gana pang magulat sa sinabi ko.
"Fyi ate nagtanong siya sa'kin kasi tinanong siya ng mga classmate niyo bakit ka raw absent. Sinagot ko lang naman siya. Ako pa mali?" He smirked. I rolled my eyes.
"Oo ikaw ang mali!" Pagdidiin ko. Humalakhak siya.
"Sorry, my false." Hindi ko na napigilan at natawa na rin ako. "Bakit kasi hindi mo siya ina update? Hindi ba uso sa inyo 'yun? Pa'no kayo mag wowork niyan?" Kinamot niya ang kilay niya at umakto pang namomroblema. "Gusto mo ba iseminar pa kita?"
"Siraulo!"
"Ate Kelsey!" Matinis ang boses ni Princess habang tumatakbo palapit sa'min. "Magaling ka na?"
"Oo," I smiled at her. Napatingin naman siya sa kuya niya.
"Bihis ka na kuya. Maawa ka sa germs ng katawan mo. Sobrang dami na," Napanganga si Joaquin habang nagtawanan kami.
"What the? Saan mo nalalaman 'yan ah? Sumbong kita kay Mommy kung ano ano natutunan mo sa school,"
Napatingin sa'kin si Princess at kumibit balikat.
"Sumbungero!" Sabay naming sabi at nagtawanan.