"Lynneth, hindi ba si Christian iyon?" Nguso ng aking ate Charence na ikinalingon ko.
"Sino iyong kasama? New gf? Napaka-fuckboy naman po talaga ng Ex natin." Natatawang biro ng pinsan kong si Jubileen.
Si Ate Charence ay ang sinundan ko sa aming magkakapatid. Apat kami, tatlong sunod-sunod na babae at ang bunso namin ay lalaki na si Lance. Si Ate Charence at Ate Queenie ay parehong nasa bakasyon from their military training. Pero si Ate Cha lang ang totoong umuwi at ang panganay kong kapatid ay naglalamyerda kung saan.
Si Jubi naman ay ang ate ni Zee. Nag-iisang babae sa magkakapatid ngunit pangalawang anak siya.
"I thought nagtino na iyan si Christian." Nakangusong sabi ng ate ko. Ang mga mata niya ay nag aanalisa sa paligid at mukhang pinag-aaralan bawat kilos ng dalawang tao di kalayuan sa aming table.
"Magtitino? Once a fuckboy will always be a fuckboy. Kung ito ngang si Elle ay-"
Tiningnan ko si Jubi ng masama kaya natigil siya sa pagsasalita ng mga walang kwentang bagay.
Kunot ang noong pinanood ko naman si Ex at ang kasama niyang babae. Bagong mukha iyon. I've never seen her with him before. Nakangiting tila nagkukwento ang babae habang nakangisi lang si Ex na tila inienjoy ang ano mang istorya ang inilalahad ng babaeng iyon.
Nag-iwas ako ng mata nang nagtaas ng kamay si Ex at iniipit sa likod ng tainga ng babae ang takas na buhok nito. Damn, what an eye sore.
Nakita ko ang pagtaas ng kilay ng aking ate sa akin ngunit hindi ko siya pinansin. Bahala na siya sa gusto niyang isipin.
"What, Lynneth. You'll just look at them? Akala ko ay may kasunduan kayo?" Naghahamon na sabi ng ate ko.
"Kasunduan namin na umiwas siya sa mga babaeng may habol na attachments. Yung katulad kay Bree na may suicide tendencies para hindi nakakagulo sa banda. O umiwas siya sa... flings. Kung hindi siya seryoso, wag niyang pasukin. Maybe... he's serious about her."
Muli siyang napalingon sa may banda ni Ex at ng kasama nito. Binisita niya ang kabuuan ng babae. His typical type. Maputi, mahahaba ang legs, at sobrang ganda. She's wearing a tight fitting red sleeveless dress na kakulay ng lipstick nito. Kulot ang hanggang balikat na buhok at naka-itim na strappy sandals.
"Or maybe, she's not into attachments. Itsura pa lang mukha nang fun time ang hanap e." Sabad ni Jubi.
"Ang judgemental mo." Sabi ko at hinarap ang aking pagkain. Bigla ay parang pumait ang lasa niyon.
"Why, you prefer him getting serious about that girl than just having a non-string relationshit?" Nang-uusisa na tanong ng aking ate.
"Of course." Tanging sabi ko na nakatingin parin sa pagkain. Of course... I don't?
Hindi ko nakita ang ekspresyon ng aking ate kaya nagulat ako nang magtaas siya ng kamay.
"Hey, Christian! Long time no see."
Halos mapapikit ako nang maramdaman ko ang kanyang presensya sa aking likod. He's knuckles gently touched my back when he put his hands at the back of my chair.
"Ate Cha, nakauwi ka na pala? What is this? Girls bonding? Magseselos si Zee pag nalaman at hindi siya invited." Natatawa niyang sabi. I can imagine his smirk when he said that.
His voice is so loud in my ears. Gaano ba siya kalapit sa akin? And where's Miss Hottie of the day?
"Anong gusto mong palabasin? Na girl si Zee?" Nanlalaki ang mata ni Jubi ngunit nangingiti rin.
"Not from me."
"Saan napunta iyong kasama mo?" Kaswal na sabi kong hindi parin siya nililingon. I even sipped my drink, trying to look casual. Kahit pa nangingiti ang ate kong nakatingin sa akin. Damn her animal instincts.
I felt him stiffened. Sa tingin ko ay akala niya, hindi namin nakita.
"Oh, that? Uh... I don't know. I was actually not with her, nakita ko siya and then dumating na iyong hinihintay niya so..."
Pinigilan ko ang mapapikit nang maramdaman ko ang kayang daliri sa aking batok. He loves touching my hair there. It's slightly ticklish.
"Hindi talaga kayo magkasama pero nasa iisang table kayo dito? Ameyzeng." Sarkastikong sabi ni Jubi.
"I don't lie, Jubileen." Swabe niyang sabi at humila ng isang bangko na inilagay niya sa tabi ng sa akin.
Naupo siya doon at ipinatong ang braso sa sandalan ng aking upuan. Idinantay niya ang siko sa aming mesa at ipinatong sa palad and kanyang baba tapos at tumingin sa akin. Nagkunwari akong hindi iyon napansin at sige lang ako sa pagkain kahit hindi ko na nalalasahan iyon.
Dapat ay sanay na ako sa ganyang mga titig niya. Dapat ay hindi na ako napapaso o naiilang pag tinitingnan niya ako gamit ang mga matang iyan. Dapat ay kaya ko na siyang tingnan sa mga mata nang walang nararamdaman. Dapat. Dapat ngunit hindi nangyayari.
"You didn't tell me you're going out." Mahinang sabi niya na alam kong patungkol sa akin.
"Biglaan." I said then sipped my drink oh so casually.
"Hindi ko alam kailangan pala magpaalam sa iyo ni Elle?" Sarkastiko ulit si Jubi.
Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang pagnguso niya sa aking pinsan.
"I just asked her earlier kung may pupuntahan siya kasi magpapasama ako. She said she's busy with homeworks." Ramdam ko ang pinipigilan niyang pagkairita.
"So kaya nagpasama ka sa iba?"
"No. I went here alone."
Tiningnan ko si Jubi ng seryosong tingin kaya hindi na siya nagsalita matapos akong irapan. Ang ate ko naman ay patuloy ang nakakalokong ngisi sa akin.
I believe him when he said he went here alone at nakita niya lang ang babaeng iyon dito. Yes it's true that he doesn't lie. Kahit gaano kasakit, sinasabi niya ang katotohanan. I know that. I perfectly know that.
Nagdesisyon si ate Cha at Jubi na dumalaw sa ancestral home at iniwan ako kay Ex dahil pareho naman kaming sa studio ang punta.
We're in a band. Me, Ex, my cousin Zee, crazy Yu and Ei. The Lost and Found. Not a known band but we perform at some high-end bar and restaurants. Tho we are under a management, nandoon parin kami sa mga small gigs lang.
We started as a school band. Kaya ang fan base namin ay iyong sa aming University. More on fangirls ng apat na lalaki na wala pa man kami sa banda ay naglipana na ang tagahanga.
Tahimik kami sa biyahe. Hindi rin naman ako kinausap ni Ex kahit na tumitingin siya sa akin habang nagda-drive.
Pagkarating namin sa building ay bubuksan ko na sana ang pinto ng sasakyan ng pigilan niya ang aking braso.
Nagtataka ko siyang tiningnan.
Nagbuga siya ng hininga.
"I went alone, okay? I was never with Charlotte. Nagkasalubong lang kami at nagkayayaan. She was meeting a friend." Paliwanag niya na hindi ko naman hinihingi.
"Okay." Tumango ako at mabilis nang lumabas ng kanyang sasakyan.
"Elle."
Mabilis siyang nakahabol sa akin at hinawakan ang aking braso para itigil sa paglalakad.
"Hmm?" Tumingin ako sa malulungkot niyang mga mata at halos bumigay ang mga tuhod ko.
"I'm telling the truth." He sincerely said.
"I know."
Tumalikod ako ngunit muli niya akong pinigilan.
"What Ex? What do you really want from me? I know. I believe you, I know you won't lie." Pagpapaintindi ko sa kanya.
Muli ay bumuntong-hininga siya at tumingin sa aking mga mata. Alam na alam niyang kahinaan ko iyang mga matang iyan. Alam na alam niya kung paano gamitin sa akin ang ganyang mga bagay. Alam na alam niyang pagdating sa kanya, lagi akong talo.
"I guess, I just want you to ask me this time. I want you to ask me why... when, where, how, everything. Instead of just believing some facts. Elle," mariin siyang pumikit at binitawan ang aking braso. "I just... want you to ask me this time." Tila nahihirapan na sabi niya at hindi ko alam kung bakit parang nahihirapan din akong huminga.
These past few days, after his birthday, matapos namin na magkaayos, he promised he won't date any other girl again unless he's serious. So far, I haven't seen him flirting until today. And we've been good. Better, even. Too good na halos makalimutan ko ulit ang boundaries ko. Too good, its too much. Kaya ngayong makita ko ulit siya na may kasamang iba, katawanan na iba... ang sakit sakit. Sa kaunting panahon na akin lang ulit lahat ng ngiti niya, nakalimutan ko nang hindi ko nga pala iyon pag aari. Ang bilis ko makalimot sa mga bagay na dapat ay importante.
"Wala namang mababago pag magtatanong pa ako. Ganoon na rin naman ang mga nangyari."
"Then why are you being so silent? Come on, Elle. Ask me. Tell me what's going on inside your head. I really want to know what you're thinking." His eyes are so gentle and I fought the urge to do just what he said. To tell him what I feel. What I want! To ask him everything!
"Who's Charlotte?" Halos manginig ang aking boses sa tanong na kusang lumabas sa aking bibig.
"She's a blockmate."
"When and where did you see her at the mall?"
"We bumped into each other inside a stall. She was buying a gift for her friend and I was just looking inside."
"Why did you ended up inside the restau?"
"I was actually going there alone and she happened to asked me where am I headed and offered to tag along while waiting for her friend." Malungkot siyang ngumiti. "What I'd give to hear you asking me those questions nineteen months ago."
Sandali akong natigilan at nagulat sa huling sinabi niya.
"Okay. I believe you. Can we go now?" I swear I tried so hard to keep my voice from shaking.
"No. You haven't tell me why you're being so silent, Elle."
Pumiksi ang aking mga mata sa inis.
"I asked you what, who, when and where, why and how! Ano pa bang gusto mong marinig?" Mariin kong tanong. I am so tired of playing these games with him!
Tinalikuran ko siya, and this time, hindi niya ako pinigilan.
"I want to hear you say you're jealous. That's why you're so silent."
Napatigil ako sa paghakbang nang marinig and malungkot at tila nagdaramdam niyang boses. Tila piniga ang aking puso ngunit nilabanan ko ang lahat kahit pa pagod na pagod na kami ng aking puso sa itanggi ang isang bagay na pareho na naming alam.
"I want you to tell me to stop dating other girls. I want you to tell me that you don't want me with other girls, Elle." He whispered in a pain filled voice I almost looked back.
But I continue to walk away. Dahil ayaw ko nang mahulog muli sa bitag na muli niyang inilalatag sa aking harapan.
Muli ay tahimik kami sa elevator. Pagpasok namin sa sa aming studio ay sinundan kami ng nagtatakang tingin nina Yu.
Dumiretso ako sa maliit na pantry sa harap ng coffee maker. I need to be caffeinated.
Naririnig ko ang halo-halong mga kanta na ipini-play nila sa kanya-kanyang mga instrumento. Lumipas ang sandali ay hindi ako lumabas sa pantry. Kung pwede lang malasing sa kape ay baka kanina pa ako lasing.
Ex should stop. Ilang araw na siyang ganyan. Showing different signs and acting like... acting just like before. Dapat ay alam niyang hindi na pupwede iyan.
Saktong lumabas ako ng pantry ay papalabas sina Yu at Zee para bumili ng pagkain. Ei is inside his own world composing his songs.
Nagtama ang tingin namin ni Ex kasabay ng pag strum niya ng aking acoustic guitar na may initials ko sa gilid.
"We've been wasting this time, trying to play it safe, and trying to cover up what our hearts want to say," pag-awit niya sa unang mga linya ng kanta at halos mapapikit ako sa lamig ng kanyang boses.
Sandali siyang tumingin sa gitara habang kinakapa ang tamang chords at muling ibinalik sa akin ang pokus ng malalalim niyang mga mata.
"We've been hiding these words, we don't have to anymore, 'cause we're standing still, tell me what we're waiting for,"
Unti-unti ay pumasok sa aking isip ang bawat salita na kanyang inaawit. Ang lamig at emosyon sa kanyang boses ay halos magpaluha sa akin. Napako ako sa aking kinatatayuan at ang lahat ng atensyon ko ay nasa kanya at sa mga salitang sinasambit niya.
"If you're in, I'm in. If you're down, I'm down. Do you want this too? 'Cause I need it now. If you say the word, I'll erase your doubts, I can show you, I can show you..."
He's eyes held so much emotions and so serious. I felt all the walls I built crumble down my feet. I felt my defenses weakened. Lagi na lang ganito. At natatakot akong laging siya lang ang kahinaan ko.
"That we don't have to be careful, 'cause my cards are on the table. If you're in, I'm in. If you're down, I'm down. Let's do this, let's do this... right now."