Chapter 11

3487 Words
"What the f**k?" Nakakunot ang noo ni Yu at nakataas ang gilid ng labi nang isa-boses ang laman ng utak ko. What the hardest f**k? Pinipigilan ko ang sumabog sa galit sa nakikita ko. Bakit? Dahil hindi naman ako pwedeng magalit at bigla na lang manapak ng lalaking katawanan ni Elle ng ganoon na lang. "Anong karapatan ng gagong 'yan na tingnan iyan si Elle na parang katuparan ng pangarap niya? Walang ganun tangina." Ngayon ko lang nakita si Yu na seryosong nagmumura. Kunot parin ang noo niya at matalim ang tingin. Tangina nga. Muli kong tinanaw si Elle na nakaupo sa sun lounger. Sa kabila ay ang singkit na lalaking schoolmate niya daw. They are laughing over something I don't ever want to hear. Probably moments or memories together. Nakakagago kasi wala sanang ganun kung hindi ako tanga. Alam kong kasalanan ko pero ang pakiramdam ko parang ninakaw sa akin iyong mga panahon na iyon. We could've been making memories, I should've been making her happy. I wasted those time, didn't I? Now someone else gained what I lost. Hell. "This is supposed to be our time. Kung ganito lang ay sana hindi na lang natin sinama si Elle dito sa Batangas kung alam ko lang na makikita natin iyang... hito na iyan." Yu sulked. I heard a chuckle from Zee. Naglalakad siya mula sa likod namin. "What's hito?" Nakangising tanong ni Zee. Tiningnan siya ng masama ni Yu. "Bobo ka talaga. Para hito lang. Edi mudfish!" Yu said, rolling his eyes. Tumango-tango naman ni Zee tila naliwanagan. Ei sighed. Kasama ito ni Zee na lumabas sa cottage. "It's actually catfish." He corrected. Kumunot ulit ang noo ni Yu at parang kokontra pa. "But the 'mud' part is more appropriate!" "Kung maka-bobo ka sa'king gago ka!" "Well, the mud or cat fish doesn't change it. You're still stupid." Yu said crankily. Zee looked amused. Well, who wouldn't? We seldom see a cranky Yuhan Xavier. "How are you holding up, by the way?" Tanong ni Zee na nakatingin sa akin. I smirked evilly. "Better than this guy." I pointed at Yu. Binigyan lang din niya ako ng matalim na tingin. "Why do I sense something on that face?" Ei asked, feigning innocence. "Something very, very bad." Dagdag ni Zee. "What are you planning?" Yu curiously looked at me. Na para bang kahit ano pang plano ko ay willing siyang sumama. I shrugged. "Nothing." They all gave me doubting looks. I chuckled. Really. I'm not planning anything... because every plan I make back fires at me. I'll just live by the moment. That's what made us together back then. Letting everything just fit into their rightful places itself. Because even after everything, even after I f****d up many times, I still believe that if everyone are puzzle pieces, she belongs right next to me. And yes, I'm a prick to believe that. Tiningnan ako ni Yu na parang sobrang dismayado siya sa kawalan ko ng plano. Tinandyakan niya ang mga pinong buhangin papunta sa direksyon ko bago determinadong humakbang palapit sa dalawang tao sa may dalampasigan. Naiiling na lang akong sumunod. Malaki ang ngiti ni Yu pagharap sa dalawa. Na parang hindi nangangati ang kamay niyang sakalin ang hito. Simpleng inakbayan ni Yu si Elle paharap sa isdang singkit bago nito binigyan ng masamang tingin iyon para hindi makita ni Elle. "Hello! Makakapag-usap pa sana kayo nitong si Elle ng matagal kaso gutom na 'ko e. Bye!" Halos matawa kami sa kawalanghiya ni Yu. "Oh, where do you plan on eating--" "Diyan lang. Pero kasi hindi ako nakakakain ng maayos pag may kasama kaming iba. Sige, paalam!" Ngiti ni Yu sabay hila kay Elle na nakaakbay pa din. "What was that?" Natatawang tanong ni Elle sa nakasimangot na si Yu. Hindi sumagot si Yu. Nakasimangot parin siyang naupo sa isang silya sa loob ng restau. Natatawang sinusuyo siya ni Elle pero tumatalikod lang siya. Tangina nitong bading na to. "Hey! You look like a jealous boyfriend!" Halakhak ni Elle na lalong nagpasimangot kay Yu. "At hindi ko alam na hindi ka nakakakain pag may kasamang iba?" Pang-aasar pa ni Elle. Halos sabay-sabay namin batuhin ng mga kung anong nahawakan namin si Yu nang umikot ang mata niya. "Tangina ang bading mo Yu umayos ka nga!" Halakhak ni Zee. "What do you want me to say then? Na umalis ka na ayaw kong kasabay ka namin dahil baka di kami makakain kasi maaawa kami sa mga relatives mong seafoods?" Nangingiti na din si Yu pero nung tumingin kay Elle ay umisnab ulit. Ngumuso naman si Elle na nakatingin kay Yu. "What? Are we talking about Ryu here? What seafood?" Kunot ang noo pero kumikislap ang mata niya. I always notice that naughty side she tries so hard to hide. She's always gonna be my Elle. No matter how much she change... no matter how much she thinks she've changed. "That cat-mud fish!" Alburuto ulit ni Yu na tumingin na kay Elle. "Now you're being rude. Ryu's a nice guy." "So what? This is supposed to be our time, Elle. He's been with you, what, for two years? Tapos hanggang dito na dapat ay oras namin nakikihati siya? He's a class A seafood for that!" "I can't believe you, Yu. You're actually jealous!" Halakhak ni Elle. "Of course! You wanna know whose more jealous to the point that he can't even talk now?" Bumaling sa'kin ang demonyong ngisi ni Yu at gusto ko siyang silaban ng buhay. Natigil sa pagtawa si Elle at naiilang na ngumiti habang kunot ang noo kay Yu. Yeah. Way to kill the mood. Give Yuhan Xavier a big f*****g applause for never failing to ruin a perfect time. Matapos kumain ay tumambay kami sa nirentahang villa. The sun is too hot. Nagreklamo nga si Elle na kaya nag-beach ay para mabilad sa araw pero sumunod din sa hila ni Yu. Kanya-kanyang dampot sila ng mga gitara na hindi maiwan. Umupo naman ako sa nag-iisang malaking kama doon. "What are we going to do here now? Wait 'till the sun come down?" "I feel so tired." Sabi ni Elle na dumiretso sa tabi ko dumapa sa kama. Natigilan ako at hindi siya magawang lingunin. Si Yu ay nanlalaki ang mata pero may bastos na ngisi. Nakangisi din si Zee pero may pagbabanta ang tingin. Si Ei ay walang pakialam basta kapit ang bass. Tiningnan ko masama ang dalawa. Mga gago. Shit. Ngayon lang ako naging aware sa suot niya at hindi iyon mabuti sa pakiramdam ko. She's wearing some lose midrif blouse na nahuhulog sa balikat ang mga manggas. Nakatali sa batok niya ang string ng white bikini top niya. Katambal iyon ng maikling denim shorts. Sa isip ko nay nai-imagine ko na ang puti rin na bikini bottom sa loob noon. Tangina. Hindi maganda ito. "Tapos ayaw mo pang sumama pabalik dito." Sabi ni Yu pero sa akin nakatingin at may sinisenyas na kung ano. "I don't know I feel so tired after seeing the bed." Hikab ni Elle. Gumalaw siya sa kama at hindi ako mapakali. Like it's our first time on one bed. We even used to sleep together! I mean sleep, really sleep. Bakit ba ako kinakabahan? "Ex?" "Yeah?" Sagot kong hindi lumilingon. "Can you wake me up when the sun goes down? I wanna swim later." Hindi ko na natiis at nilingon ko siya. Nakanguso siya at inaantok ang mata. "Bakit si Ex? Hindi ka ba namin pwede gisingin?" Tanong ni Zee. "You'll probably just let me sleep and miss all the fun!" "At sigurado kang gigising ka niyan si Ex e kung pwede nga baka kinulong ka na lang niyan dito sa loob." Palihim kong binigyan ng middle finger si Zee at maamong ngumisi kay Elle. "I'll wake you up." Antok siyang ngumisi pabalik. Napabuntong hininga ako nang maging pantay ang paghinga niya. Hindi ako kumportable sa kama pero ayaw ko naman umalis sa pagkakaupo dahil baka umupo pa dito si Yu. Kanina ko pa nga ito pinipigilan humiga din. Kapal ng mukha at parang gusto pang tumabi sa kay Elle. "Pag natunaw iyan! Ang manyak mo Ex." Hagikgik ni Yu. "f**k you." "Yuck! Di kita type ano!" Makakatikim talaga ng sapak sa'kin ang Yu na ito bago matapos ang bakasyon na ito. Mga alas singko ay bumaba na ng kaonti ang araw at hindi na masakit sa balat. Lahat sila ay ginising ko dahil lahat ay natulog. Binantayan ko lang si Elle kasi baka tabihan nila. Iisa lang ang kama. Pinoproblema ko ang mamayang gabi. Mag-hire na lang ako ng isa pang villa? "Sabi sa akin ni Mang Ebong kanina may maganda daw bar doon sa may kabilang resort. Marami daw chicks!" Sabi ni Zee. Nagpasya kaming pumunta doon mamaya. Nagyaya si Elle mag jetski kaya kahit na ayaw nila at gustong mang chicks sa paligid ay wala naman nagawa. "Don't go too far." Sabi ko habang inaayos ang safety gears niya. Nakasakay kami sa nai-hire na yate may kalayuan sa dalampasigan. "Why, aren't you going with me?" She pouted. She have a point. Kahit saan naman siya mapadpad ay susunod lang ako. "Be careful." Paalala ko pa nang sinimulan niyang buhayin ang makina noon. Ngumisi siya sa'kin pagkatapos sabay pagharurot ng jetski. Napamura ako. "Elle!" Sigaw ko. Kinawayan niya lang ako at lalo akong napamura sa pagbitaw niya sa manibela. Humalakhak lang ang tatlo sa likod ko kaya pati sila ay namura ko. "She can handle herself, Hennares. That's Elle Alcantara after all." Ngisi ni Zee. Hindi ko sila pinansin at pinasibad ang sarili kong jetski. Kumakalabog ang dibdib ko dahil halos sobrang lumiliit na ang Elle na nakikita ko sa layo niya sa amin. She's too fast! Sumusunod lang ako sa direksyon niya. Napakalawak ng dagat at baka may mangyaring pa sa kanyang masama habang malayo ako! Lumiko siya palibot sa isla at napamura ulit ako nang mawala siya sa paningin ko. I took the same turn at halos lumabas ang puso ko nang hindi ko siya nakita. I saw something not so far away and I almost jumped. "Damn it!" Lumapit ako doon at nakita ang isang lumulutang na jetski pero walang Elle. "Lynneth Carla!" Halos mapaos ako kakasigaw. We're in the middle of the sea and it's almost twilight! I jumped out of the water to search near her abandoned jetski. Malalim ang part na ito at halos wala akong makita! Nagpapanic na ang kalooban ko at hindi na ako makahinga. I'm too f*****g scared to think! No, I'm not gonna lose her this way! Malamig ang tubig pero ramdam ko ang init sa aking mata. Umahon ako saglit para kumuha ng hangin at lumubog ulit. I tried to swim down further pero di ko maabot ang seabed. Malalim talaga ang parteng ito! Walang tao sa paligid at sinusumpa ko si Zee sa sobrang tiwala sa pinsan niya! Ni hindi sila sumunod! Tangina! "Damn it! Elle!" Sigaw ko sa muling pag-ahon. Umalingawngaw sa paligid ang aking boses pero walang lumalabas na Elle. I was getting tired but my hopes are too much. She's just here! I was about to dive again when I saw something floating far away. Medyo malapit sa kabilang parte ng isla. Hindi na ako nag-isip at nilangoy ko iyon kahit pwede akong sumampa ulit sa jetski. Nabuhay ang buong pagkatao ko nang matanaw ang pamilyar na blouse. "Elle! f**k!" I saw her body floating! Agad ko itong hinablot at niyakap. I was dumbfounded when she shriek and protest from my strong hold. "Damn it! Are you all right? What happened, Elle? f**k! I told you to be careful!" Sa tingin ko ay dinig sa kabilang isla ang boses ko. "What? Huh? What happened?" Lito niyang tanong na nagpalito din sa akin. "You. Are you alright?" We were still floating while I hold on to her for dear life. Binaon ko ang mukha sa kanyang leeg para pakalmahin ang sarili ko. I am still damn panicking! "Yes. Why wouldn't I be?" Kunot noo ko siyang tiningnan. Unti-unting bumabangon ang galit sa akin. "Didn't your jetski stumbled? You were missing! I searched for you-" "What? Wait! My jetski stumbled? No! I stopped right there tapos ay nai-try ko languyin ang isla. And I did! I never thought I'd make it tho." Masaya pa niyang sabi at halos napanganga ako. f**k! I almost gone crazy for f*****g nothing. I chuckled sarcastically at binitiwan ko siya. "Why? You... taught I got drown?" This time nakitaan ko ng kaba ng tingin niya sa akin. I just looked hard at her and swim away towards our jetskis. Fuck it! I feel so mad! Halos mabaliw ako kanina! Hindi ko alam ang gagawin tapos nagagawa pa niyang ngumiti ng ganoon! "Hey! Ex! Wait up!" Kahit pa galit ako ay hinintay ko siyang makasampa sa kanyang jetski bago pinaandar ang akin. "Ex! Hey, c'mon!" Hindi ko siya pinansin kahit anong tawag niya sa akin. I love you so damn much, Elle, pero hindi ko mapigilan ang galit ko. Iniisip ko lang ang kanina ay halos mamatay ako sa takot. Natanaw ko ang yate at nandoon na ang tatlong ugok. Diretso akong pumanhik habang panay parin ang tawag ni Elle. Hindi ko pinansin ang ngisi ni Yu at dumiretso sa maliit na mesa doon na may alak. Nagsalin ako ng jacks at mabilis iyong tinungga. "Ex." Nilampasan ko si Elle papasok sa loob ng cabin para magbihis. "What happened?" Tanong ni Zee. Hindi rin ito pinansin ni Elle na sumunod lang sa akin. "Ex, I'm sorry." "I think you should get out." I said harshly and immediately regret my tone. Nakita ko ang gulat sa mata niya. I almost said sorry when I saw hurt crossed her eyes. "I'm going to get dressed so you should get out." Paglilinaw ko sa mababang boses. Kinagat niya ang pang-ibabang labi at nag-iwas ng mata. I noticed her cheeks getting red and I almost smiled. Pero inalala ko na galit ako. "Oh! I.. uhm, okay. I'm sorry, I'll just... get out, I guess." I still feel mad pero mas nangingibabaw ang relief ko na walang nangyaring masama. Pero pag naaalala ko ang pakiramdam ko kanina parang sinisindihan ang galit ko. Lalo na at paulit-ulit ang paghingi ni Elle ng tawad. "Ex, I'm sorry. Hindi ko naman alam na aakalain mong nalulunod ako. Sorry hindi ako nag-isip-" "Buti ay alam mo iyan!" Malakas ang boses ko kaya lumingon sa amin ang tatlo. Tumungo siya kaya napapikit ako. Tumalikod ako para pahupain ang galit ko. "Ex-" "Stop it, Elle." "Hindi ko naman alam na-" Galit ko siyang hinarap. "Hindi mo alam? You know I'm tailing you all along! Ano sa tingin mo ang iisipin ko pag nakita ang sasakyan mong nakalutang sa gitna ng dagat at wala ka? Iisipin ko bang nilangoy mo lang ang isla? Hindi! I was so scared! Pakiramdam ko mamamatay ako sa takot ko!" She bit her lower lip and looked away. "I'm sor-" "You're sorry? Hah!" Lumapit sa amin si Zee at humawak sa balikat ko na parang pinipigilan ako. "Bro, you're raising your voice-" Tinapik ko ang kamay niya sa balikat ko at tumalikod. Nakarating kami sa resort namin na hindi nag-uusap. Walang nagsasalita. They know I don't want to talk when I'm mad. Madilim na nang makarating kami. Dumiretso agad ako sa frontdesk ng resort para mag-hire ng isa pang villa para kay Elle. Pagdating ko sa villa namin ay nandoon silang lahat. "You okay now?" Tanong ni Ei. Tumango ako at napasulyap sa inosenteng mukha ni Elle. I hate her puppy eyes. Nawawala ang galit ko! Nag-iwas ako ng tingin at nagyayang mag-dinner. Tahimik parin kami doon at walang nagsasalita. Kahit si Yu ay tahimik lang. Alam niyang baka kami pa ang mag-away pag nagsalita pa siya. Actually I'm not that mad anymore. I'm just enjoying receiving Elle's pleading stares. Nababaliw na ako. "I'm not coming." Sabi ko nang mapag-usapan ang pagpunta sa bar sa kabilang resort. "What? Pero Ex-" ungot ni Yu. Tiningnan ko siya ng masama at ganoon din siya sa akin. "I'm staying, too." Mahinang sabi ni Elle na nakatingin sa akin na parang nanghihingi ng permiso. "Then I guess we'll all stay here." Bumuntong hininga si Zee at nanghihinang napaupo sa sahig. "What? But-" "You can still go if you want, Yuhan." Sabi ni Ei na ngumisi sa akin. Alam ko kung gaano niya kaayaw ang bars kung hindi naman kami tutugtog. "Fine! Let's just drink here!" Tinipon ni Yu ang mga alak sa mesa doon at nagpadeliver ng pulutan. Uminom ako ng kaonti pero di ako pwedeng malasing. Pansin ko din naman si Zee at Ei na nilalasing lang si Yu. "Kakainis naman kasi kayo mag-away ni Elle! Lahat damay! Hay naku!" Reklamo ng lasing na si Yu. Napatingin ako kay Elle na nakikikain lang ng pulutan. Nakatingin siya sa'kin at mabilis siyang nag-iwas ng mata. This maddening girl. "Hindi naman kami nag-away." Mahinahon kong sabi kahit pa hindi na kailangan. "Hindi daw. Ba't ka pa kasi pakipot. Nagso-sorry na nga, e. Gusto mo lang hinahabol-habol ka ni Elle! Gago ka talaga!" Dinuro pa nitong si Yu. Nginisihan ko na lang 'tong lasing na to. Hindi ako makaangal kasi medyo totoo. Pero galit talaga ako at ayaw ko lang na kung anong masabi. Tuluyan na bumigay si Yu at humilata sa kama. Nag-high five pa sina Zee at Ei nang mapatumba nila si Yu. Nililigpit ni Elle ang mesa nang lumapit ako sa kanya para iabot ang susi ng kabilang villa. Nagtatanong ang mata niya sa akin. "Spend the night at the villa next door." Natigil siya sa pagligpit ng mga kalat. Tumingin siya sa akin at kumibot ang labi. Nagtaka ako sa pamumula ng mata niya. "You're too mad at me that you don't want to see me?" She said in a hurt voice and I was left dumbfounded when she hurriedly left the room. "Shit." Mariin akong napapikit. "Uh-oh." Iling ni Zee. "That's not it!" Depensa ko sa sarili. "We know, Ex. We know your intentions but seems like Elle misunderstood that." Tumango-tango pa si Ei. Lasing din ata ito. Nagsasalita, e. "Damn that girl." "Puntahan mo na pero bumalik ka dito kung gusto mo pang buhay ka pa pagtungtong ng Maynila!" Sigaw ni Zee habang nagmamadali na ako sa pagpunta sa kabila. Huminga ako ng malalim at kumatok. "Elle." Walang sumagot pero alam kong nandito na siya dahil bukas na ang ilaw. "Elle, open the door." Ilang sandali pa akong naghintay bago kinuha ang spare key na nasa akin. Hindi siya lumingon sa pagkakadama sa kama kahit alam kong dinig niya ang pagbukas ng pinto. Tumigil ako sa paanan ng kama at bumuntong-hininga. "I'm not mad at you." Hindi parin siya gumalaw doon at napilitan akong mas lumapit. I sat a bit far from her. "Hey," I heard her sniff and I groaned. Damn it! She's f*****g crying! s**t! f**k! Minumura ko na ang sarili ko ngayon. I f*****g made her cry again. I know I'm an asshole but I'm trying so hard to change! Pero ganito parin. I wanna punch myself so hard right now. Lumapit pa ako at hinawi ang buhok niya para makita ang kanyang mukha. Iniwas niya iyon at ibinaon sa yakap na unan. "Elle, hey." Hindi na ako nakatiis at hinawakan ang baiwang niya para buhatin paupo. Suminghap siya at pumiglas pero di ko hinayaan. Wala siyang nagawa kundi ang itago ang sarili sa dibdib ko nang yakapin ko siya. Kinagat ko ang labi at di mapigilang magdiwang pa din kahit ganito kami. I get to hug her this tight. Nagsisikip ang dibdib ko sa saya kahit hindi dapat. Hinaplos ko ang buhok niyang magulo. "I'm sorry." Bulong ko. "Iisa ang kama at hindi ka pwedeng doon ka matulog, Elle. So I hired this villa. I'm not mad, okay?" Humikbi siya at lalong siniksik ang sarili sa akin. She's clutching my clothes too tight and I want her to stay this way. If only that's possible. "I'm.. s-sorry." She sniffed. Ngumiti ako nang magsalita na siya. Pilit kong inaangat ang ulo niya pero sinisiksik niya iyon sa dibdib ko. "Hush. It's okay. I should be saying sorry." "B-but... I realized I w-was... careless. Naisip ko paano kung... i-ikaw iyon baka..." she sniffed, "baka nabaliw ako." She looked up at me with her cute puffy eyes. Napangiti ako lalo at humigpit ang yakap sa kanya. She's letting me and I might not get this chance again. Why not take advantage of it. "Just don't do that again, ever. D'you understand?" Sabi ko sa matalim na tingin. Sunod-sunod ang tango niya. Dapat ay hindi ako natutuwa pero gago talaga ako at gusto ko ang yakap niya. Kung pwede ko lang dalasan na magalit sa kanya. "You scared me to death, Elle." "I'm so sorry." Sabi niya sa maliit na boses. "I'm sorry, too. For making you cry." I kissed her hair and lull her to sleep.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD