Chapter 12

2499 Words
"Bakit ba ako nalasing kagabi? Anong nangyari d'yan at nagkabati lang hindi na naman mapaghiwalay." Iritado ang mukha ni Yu at napaikot na lang ako ng mata sa paulit-ulit niyang litanya. Namula naman agad ang pisngi ng kalapit ko at ngumuso kay Yu. "Nagseselos ka naman ba Yuhan? Magalit ka din kasi ulit kay Elle." Humalakhak pa si Zee. "I wasn't mad at her." Tanggi kong nakangisi. "You are!" Pilit ni Elle at pinandilatan pa ako ng mata. "I'm not." Sabi ko at naglagay pa ng shrimp na tapos ko nang balatan sa plato niya. Mabilis niya iyong kinuha ng tinidor at sinubo. "You won't even talk to me." Sabi niya habang ngumunguya at masama ang tingin sa akin kunwari. "I was trying to calm myself. I was worried as fuck." Ngumuso ulit siya at naglagay pa ng shrimp sa plato ko para balatan ko at ibigay sa kanya. She's really used to be treated like a princess, this girl. Well, she is anyway. "That's it! I'm out of here." Kunwang tatayo si Yu pero pinigilan ni Ei at masungit na sinenyas ang halos di pa napapangalahati ng plato ni Yu. Yu rolled his eyes and continue giving dagger looks at everyone. Pikon lang siya dahil nalasing kagabi. "Yung totoo, Yu? You really like Elle?" Kunot noo ni Zee. "Of course, I like Elle!" Sabi ni Yu na sinimulan ulit ngumuya. "I like you too, Yu." Irap ni Elle. He's always been vocal about liking Elle pero alam namin lahat ang totoo. Sinasabi niya lang iyon lagi just to piss me off. Minsan gusto kong magalit dahil baliw siya. But maybe he really likes Elle. Just not the way I like her and he knows it. Besides, he's gonna find her own Elle but I'm not going to find one. I already have mine, anyway. Matapos kumain ay pumunta kami sa Fortune Island. Kumontrata kami ng bangka na mag-aantay doon. Madalas kasi binabalikan lang ang naghire pero ayaw ni Elle, gusto niya ay mag-aantay doon. Nakasabit sa leeg ko ang camera at nakasunod lang iyon kay Elle. Naka maikling shorts ulit siya na puti at itim na bikini top na pinatungan ng parang lambat na white top. Hindi ko siya hinihiwalayan dahil panay ang pansin sa kanya ng mga lalaki kahit pa marami namang ibang babaeng naka-swimsuit. She's smiling at the camera at panay ang pose. I'm smiling like a fool. I missed being her photographer. Dumaan sa tabi niya si Ei at hinila niya para magpicture. Wala naman nagawa si Ei kundi ang ngumiti at sundin ang gustong pose ni Elle. Mula naman sa paghahanap ng babae ay tumakbo si Yu at Zee para makisali sa picture. Naiiling na lang ako. Ako na naman ang wala sa litrato. Later I'll steal a selfie with her. Just the two of us alone. Ayaw kong kasali ang mga ugok na ito. Ang bilis lang din ulit napagod ni Elle at ginustong bumalik. There's nothing much to to do here anyway. Sadya lang mas puti at pino ang buhangin. Wala ring cottages, stores at kaonti lang ang masisilungan. At mas maraming babaeng naka-bikini na totoong dinayo nina Yu at Zee. Pero siyempre pag gusto na ni Elle umalis ay wala na silang magagawa. Inabot ko kay Elle ang dala kong tubig at tumabi sa upuan niya sa bangka. Inaantay na lang namin si Ei na mag-isang naglagalag. We texted him na babalik na. Habang naghihintay ay lumapit sa grupo namin ang apat na babae. Panay sila naka swimsuits kaya napasipol sina Yu at Zee. "Hi!" Malapad ang ngisi ng babaeng nasa unahan. "Hello!" Ganting ngisi ni Zee. "I'm Georgia! Tapos ay ito naman si Jinny, May at Apple. Nakakahiya pero gusto sana namin mag-ask ng favor." Sabi ng babaeng mukhang hindi naman talaga nahihiya. Napansin ko ang pagnguso ni Elle at nakatingin sa akin. Binaling ko sa kanya ang tingin ko at hindi na ulit sumulyap. Like hell, I know what she's thinking. I was curious to what they are about to say but not interested. Hell f*****g no! Nginisihan ko siya at inakbayan. Bahagya naman siyang humilig sa akin sa gulat ko. Nakatingin na siya ngayon sa mga babae. Baby, you're much more beautiful than them. "Iyon kasing nai-hire namin na boat, ang usapan ay dapat nandito na sila by one o'clock but it's already passed two and they're not here parin." Malungkot ang boses ng babaeng hindi ko naman malingon. I was just staring at Elle's expression. Nakanguso parin siya at kunot ang noo. She's so goddamn adorable. "We have no place to stay and it's too hot in here. We also left our money and things in our cabin. Akala kasi namin ay saglit lang kami dito." Sabi ng isa pang boses. "And we've waiting here for long-" "You wanna hitchhike?" Pagtatapos ni Elle sa paligoy-ligoy nila. I chuckled softly. She's in a mood, eh? Napilitan akong tumingin para makita ang reaksyon ng mga babae. The one standing in front on two piece red bikini is looking at me. Napataas ako ng kilay. "Yeah. Kinda like that." Sabi niyang sa akin parin nakatingin. "I think I saw you on our same resort. Your group were looking at us in the restau." Sabi ni Elle na nagpabaling ng tingin ng babae sa kanya. Hinigpitan ko ang pagkabig sa kanya sa akin. I'm never seen this side of her in years! Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o matakot. Maging sina Zee at Yu ay nagpipigil ng ngisi. Nakalobo ang mga pisngi ni Yu para hindi matawa. Patay siya kay Elle pag tumawa siya. "Oh, yes! I, uhh, remember your group." Ngumuso si Elle at bumaling sa akin. Buti na lang sa kanya na ulit ako nakatingin. Inirapan niya ako pero mas sumiksik sa akin. Matagal niyang tinitigan lang ang mga babae doon na nakabilad sa araw. Sumulyap ako at nakitang halos humingi na ng saklolo kina Yu at Zee ang mata ng mga babae. The girl in red bikinis is still looking at me. But the decision resides on the queen. "Fine. There are vacant seats anyway." I saw how their faces light up. "Come aboard, ladies." Pasikat ni Zee na parang hindi niya binalewala ang pakiusap ng mata ng mga babae kanina. Pasikat siya pero hindi rin naman kayang kalabanin si Elle. Hula ko ay malungkot lang siyang kakaway kung hindi pumayag ang pinsan niya. Inalalayan nina Yu at Zee ang mga babae. Nasa bandang gitna ang upuan namin ni Elle at pinanood namin silang nagkalat sa bangka. Kausap na agad ni Yu at Zee ang dalawa sa mga babae. "Are we still waiting for someone?" Napalingon ako sa gilid namin at nakita doon ang babaeng naka pulang bikini. She's still looking at me, tho. Hindi ako sumagot at tumingin kay Elle. Nakatingin ulit siya sa'kin at bumaling sa babae. "We're waiting for our friend." "Oh, I remember lima nga pala kayo. Wala iyong... matangkad na medyo snob?" Ngumisi si Elle ng medyo sarcastic. I know what she's thinking. "You really observed your surroundings, I see." "Uhm, it's just that... they look kinda familiar." Medyo nahihiyang sabi ng babae. Dumating si Ei at kumunot ang noo sa nadatnan. Hindi naman siya nagsalita at dumiretso na lang sa unahan namin na bakante. Umaandar na ang bangka nang bumulong sa akin si Elle. "I'm thirsty." She blinked in a cute way. "I'll get you water." Napilitan akong tanggalin ang akbay ko para ikuha siya ng tubig. "I, uhm, thirsty too. Can I have some water please?" "Sure." Tumango ako sa babae sa gilid namin nang hindi siya tinitingnan. Nasa likod ng bangka ang supplies namin kaya nagtungo ako doon. "I knew it! Sabi na familiar kayo, e. Napanood na namin kayo sa isang bar!" Rinig kong hagikgik ng babaeng katabi ni Yu. "Yeah, I guess that's us." "And he's your lead vocalist." Turo sa akin ng babae pagharap ko bitbit ang dalawang bote ng tubig. Ngumiti ako bilang pag sang-ayon. "Georgia has a crush on him! Diba I remember you said you find him hot, George?" Baling ng babae sa babaeng nasa gilid namin ni Elle. "Uhm," nag-iwas lang ito ng tingin sa akin at bumaling sa kaibigan na pinanlakihan ng mata. Inabot ko sa babae ang tubig at hindi parin tumitingin sa akin na tinanggap niya iyon. She should've avoided looking at me like from the start. Nang naupo ako sa tabi ni Elle ay masama ang tingin niya sa akin. I shrugged like asking, what did I do? She just rolled her eyes at me. This crazy, beautiful girl. I smirked and uncapped the bottle. Inabot ko iyon sa kanya at hindi tumitingin sa akin na tinanggap niya iyon. I bit my lower lip and slide my arms back on her shoulder. Nagbunyi ako nang hindi siya umangal doon. "Aren't you cold?" I whispered. "It's too hot to feel cold." Masungit na sabi niya matapos uminom ng tubig. "But you're wearing a swimsuit undearneath this net thing. And it's... wet." Napangiwi ako. It was good I'm whispering. Kung hindi ay kakaibang ngisi ang matatamo ko sa kina Yu at Zee. She looked at me. A bit irritated. "Why don't you ask the other girls? They're more underdressed compared to me." "Well, I obviously cared about how you feel. Not any other girl." Nag-iwas lang siya ng tingin at ngumuso. I am so tempted to kiss those lips. If only I am allowed. If only I can allow myself. It wasn't long when we arrived at our resort.   "Which is your villa, anyway?" Ang laki ng ngisi ni Yu sa babaeng naka-stripe white and black na two-piece bikini. "You can visit us there, if you want." Napailing na lang ako. Lumingon ako at nagtakang wala na si Elle sa tabi ko. I saw her walking towards her villa. The one I rented for her, hindi iyong sa aming lahat. Papunta na ako sa kanya nang humarang sa daan ko ang babaeng naka-pulang bikini. Kinunotan ko siya ng noo. "Uhm, I'm sorry pala kanina sa... uh, sinabi ni May-" "It's okay." I walked passed her but she grabbed my arm. I automatically pulled away after facing her. What is this girl's problem? Ngayon ay may gana siyang magmukhang nahihiya. "I uhm, think your girlfriend doesn't like me. Is she your girlfriend?" I chuckled sarcastically. Some girls really have the nerve. She's pretty and hot, yes, but she's making herself cheap right now. Elle isn't my girlfriend but I'm all over her! Ni ayaw ko siyang lubayan ng tingin. Dapat ay hindi na nagtatanong ang babaeng ito. "No, she isn't my girlfriend." Kuminang ang mata niya at lumawak ang ngiti sa akin. "That's my future wife out there. See ya around!" I almost laughed when her face fell. Tumakbo na agad ako kay Elle. Patay ako kung makita niyang nakipag-usap pa 'ko sa babaeng iyon. After dinner ay natuloy ang pagpunta namin sa pangarap na bar ni Yu at Zee. Sa gulat ko ay inimbitahan pala ng dalawa ang mga babae kanina. This Georgia girl can't look at me now. Good for her. Sinigurado kong kay Elle lang ako didikit at titingin dahil kanina pa siya wala sa mood. I don't know how to feel about this. I feel ecstatic and afraid at the same time. I think she's jealous and it's killing me! I've never seen her jealous. When she thought I cheated on her back then, she just shrugged it off. The last time I let her down, she even congratulated me. I thought it was nothing. That everything doesn't affect her at all. Then one day she run away. I was so stupid. I realized I must have been hurting her all this time and she just isn't showing it. When she run away, everything went down on me. I know I'm a f*****g prick for trying to make her jealous everytime, trying to get any reaction from her. I never want to make the same mistake again. I want her to realize that the only girl I can really see is her. Dapat matagal ko nang ipinakita sa kanya iyon imbes na magpakita kasama ang ibang mga babae at tingnan kung magseselos siya. I saw her trying to get a glass of JD at mabilis kong binawi iyon. "Ex!" She whined and glared at me. "You're not drinking. Kahit magalit ka sa akin." She rolled her eyes at me then looked at our guests. Tumingin ako at nakitang medyo may tama na ang mga babae nina Yu at Zee. Halos nakapulupot ang mga iyon sa kanila. Kulang na nga lang kumandong kay Yu iyong isa. Kung mas gago lang ako ay hinayaan ko na siyang uminom para maging ganyan na siya sa akin. At dahil malalasing din si Zee, doon ako matutulog sa villa ni Elle. Pero hindi naman ako ganoon kawalang-hiya at lalong hindi ko naman magagawa iyon kay Elle. "Can you perform for me? Pretty please?" Pakiusap ng isang babae ni Yu. Umangat ang tingin ko sa bandang nagpeperform. They're good. Just not our kind of music. At dahil sa pagpapa-impress ni Yu, napilitan si Ei na kausapin ang banda. They give way to us. Kahit hindi pa ako pumapayag dahil ayaw kong maiwan dito mag-isa si Elle ay napailing na lang ako at umakyat sa stage. Nasa may bandang unahan naman ang table namin kaya kita ko kung may lalapit sa kanya. Si Yu ang humawak ng microphone at kumanta dahil siya naman itong nagpapa-impress. Siguro dapat din akong kumanta para magpa-impress kay Elle? After a song, I was about to get down the mini-stage when Zee refuse to get down. Hinawakan niya ang mic at ngumisi ng demonyong ngisi. "Can you guys excuse us for another song?" Sumigaw ang lahat ng pagsang-ayon. "Now, I would like my pretty cousin to get up here and perform with us. Would you like that, guys?" The crows shouted they're "yes" at nakita kong naiiling si Elle ngunit umakyat din ng entablado. I was smiling but it quickly fade away when Zee offered her the drumsticks instead of the microphone. Parang tumigil ang mundo ko habang pinapanood ang pag-aalangan niyang kunin iyon. Nakatatak sa utak ko kung paano niya pinangakong hindi muling tutugtog ng drums hanggang hindi pa siya natatapos sa akin. Hindi, hindi kami matatapos kahit kailan! Wala man akong karapatan pero sa akin ay ganoon iyon! Pakiramdam ko, nakasalalay sa desisyon niya ngayon ang buong buhay ko. Ni hindi ako makatingin kay Zee ng masama dahil ayaw kong alisin ang tingin kay Elle. Kung paanong nakakunot ang noo niyang nakatingin sa pinsan. I can even picture the questions in her head. No. She won't pick that up. I don't know what game her fucker of a cousin wants to play but I know she won't pick that up! I know it's much to ask that she isn't over me yet but hell yeah, I'm f*****g hoping! But then she picked it up. f**k.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD