LUNA Duguang humandusay ang katawan ng isang lalaki dahil sa ginawa kong pagtapos sa kanya. Bumaba ako ng kusina dahil ikukuha ko sana ng tea si Forrest dahil alam kong mamaya pa siya matatapos sa kanyang trabaho nang makita ko ang duguang kasambahay na nakahandusay sa kusina. Paglinga ko ay may nakita akong anino ng lalaking mabilis na lumabas ng pintuan sa likuran. Humugod ako ng kitchen knife at walang pagdadalawang isip na sinundan ang lalaki. Saka ko pa lamang napansin na nagkalat na ang mga bangkay ng tauhan ni Senator na magbabantay sana sa amin. Lalo akong nagmadali na tunguhin ang dereksyon na tinumbok ng lalaking mabilis na nawala sa dilim. Nakalabas na siya ng gate kaya nagmadali ko siyang hinabol kahit terno pantulog lamang ang suot ko. Nakita ko siyang may bitbit na itim na

