Chapter 49 Can’t Stop the Demon “What’s wrong with you, Yuan? You seemed preoccupied. That’s not you,” ani Cinna. Napansin niya kasing palagi lang nakatulala si Yuan at parang may malalim na iniisip. Kasalukuyan silang nasa isang meeting kasama ng iba pang mga Vampire Hunter pero mukhang hindi ito nakikinig. Palaging alerto si Yuan at hindi siya kailanman nadi-distract ng kahit anong bagay. Sa lahat ng Vampire Hunter, masasabi ni Cinna na si Yuan ang pinakamatalino at pinakamagaling sa lahat ng bagay pero ngayon ay mukhang nagdududa na siya roon. ’Agad namang umayos ang upo si Yuan. Kinuha niya ang isang basong may lamang tubig at saglit na uminom. Iniiling niya ang kanyang ulo at huminga ng malalim. Ano bang nangyayari sa kanya? Bakit ba niya naiisip si Irrah? Dapat nga matuwa pa siya

