Chapter 48 One Last Time What’s the point of living if you can’t have a normal life? What’s the use of having so much power if you’re always in danger? Why did she become a vampire? Why, of all the people, it has to be her? These are the questions that are running through Savannah’s head while staring into space. Ang daming nangyayari sa kanya na hindi niya inaasahang mararanasan niya. Life is indeed unpredictable. Oo, alam na niyang kahit kailan ay hindi magiging normal ang buhay niya. Alam na niyang hindi magiging madali ang lahat para sa kanya. Pero napagtanto niyang mas mahirap ang pinagdadaanan niya ngayon kaysa sa inaakala niya. Napabuntong-hinga na lang siya. Hindi na niya mabilang kung ilang beses siyang humuhugot ng hininga at marahas itong ibinubuga. Mariin niyang ipinikit ang

