Chapter 44 Treacherous “I knew you would come,” nakangising sabi ni Cinna habang nakatingin sa pinto ng kanyang opisina kung saan nakatayo si Law at nasandal sa amba nito. Naglakad siya patungo sa lamesa ni Cinna at umupo sa upuan sa harapan nito. “Really?” nakangising sabi nito. “I don’t know who you are but nagkusa akong magpunta rito na para bang alam na alam ko ang lugar na ‘to. Mind explaining it to me?” Pinaglaruan niya ang fountain pen na nakapatong sa ibabaw ng lamesa ni Cinna habang hinihintay ang sagot nito. “This place is where you belong, Law. I know you’re finally aware that you’re one of us. Our kind made you, so you need to fight for us,” paliwanag niya. Binali ni Law ang fountain pen gamit ang kanyang kamay at umagos ang ink sa carpeted floor ng opisina ni Cinna. “Hind

