Chapter 45 Lover Affair Ang salitang pag-ibig para kay Tred ay walang kasaysayan dahil aanhin mo ang pag-ibig? Nakakabusog ba ’yon? Anong mabuting dala nito sa isang tao o bampira na katulad niya? Nagpapalipat-lipat siya sa iba’t-ibang babae pero hindi pa siya nakakaramdam ng pagmamahal maliban na lang kay Hailey. Isang katulong sa mansyon ng mga Walker. Hindi niya alam kung bakit parang magnet si Hailey na siyang naghihila sa kanya. Maganda ito pero hindi lang iyon ang nakita niya rito. Kahit kailan ay hindi niya naisip na makakaramdam siya ng pagmamahal at kahit kailan ay hindi niya rin naisip magseryoso pero ngayon, wala na siyang nagawa kundi ang hayaan ang sarili niyang mahulog. “Pagkain mo,” masungit na sabi ni Hailey at pabagsak na inilagay ang tray sa may lamesa. Sila lang dalaw

