Chapter 46 Surprise Attack Dalawang itim na sasakyan at limang daang Turned Vampire, mga bampirang pinag-eksperimentohan, ang kasalukuyang patungo sa mansyon ng mga Walker. Lulan ng nangungunang sasakyan ay ang limang Human Weapon at si Blade Lockhart na tuluyan nang nagbago samantalang ang nasa pangalawa naman ay sina Cinna at Yuan. Sa kanilang likudan ay ang limang daang Turned Vampire na mabilis na tumatakbo at sinasabayan ang dalawang sasakyan. “Sigurado ka ba rito sa plano mo, Dad?” nakangising tanong ni Yuan habang pinupunasan ang matalim niyang espada. “Balak mo nang ipakita ang mga dadalhin mo sa dadating na isa na namang Great War sa isang araw?” Ngumisi pabalik si Cinna. “Mas mabuti ngang makita na nila kung gaano tayo kalakas ngayon. At hindi ba sinabi mo na rin na wala ngay

