15

3212 Words

NASA STEAK HOUSE na si Aiden pagdating doon ni Aiyana. Pinili niya ang lugar na iyon hindi lang dahil sa malapit sa gusali ng Cinderella. Isa sa mga paborito niya ang lugar dahil hindi gaanong fancy pero hindi rin maituturing na shabby. Maraming beses na siyang nakakain doon na kilala na siya ng may-ari at ng ilang staff. Gusto niya ng lugar na medyo kontralado niya. Isang lugar na safe siya. Kaagad na nagliwanag ang mukha ni Aiden nang makita siya. Ang ganda ng ngiti na gumuhit sa mga labi nito. Maaari niyang paulit-ulit sabihin sa kanyang sarili na para sa kanya ang pagpapaganda na iyon pero hindi rin niya maikakaila kahit na sa sarili niya na ikinatutuwa pa rin niya ang nakikitang admirasyon sa mga mata ni Aiden. Tumayo si Aiden at ipinaghila siya ng upuan. Nagpasalamat si Aiyana bago

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD