INAKALA NI AIYANA na lulubayan na siya ni Aiden pagkatapos nilang linisin ang bahay ni Eleanor. Itinaboy na niya ang dating nobyo pagkatapos niyang magpasalamat. Mabilis siyang sumakay sa pick-up at pinasibad iyon palayo pero kaagad niyang nalaman na hindi niya basta-basta maipapagpag si Aiden. Sinundan siya nito hanggang sa susunod niyang trabaho. “Hindi ba halata na hindi na kita gustong makasama o makausap?” ang naiinis na sabi ni Aiyana pagkaparada nito sa kanyang tabi. Nginitian siya ni Aiden. Kamuntikan nang mapasinghap si Aiyana dahil sa ngiting iyon. “Obvious na obvious. Sana ay halatang-halata rin na gustong-gusto kitang makasama at makausap.” “Bakit mo ito ginagawa, Aiden?” Totoong ipinagtataka niya ang ginagawa nito sa kasalukuyan. Hindi niya gustong isipin ang posibilidad. A

