Avajell Marasigan “I’ll drive you home. I’ll drive you home. I’ll drive you home.” Parang sirang plaka na umuulit ‘yon sa utak ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na may concern si Sir Tristan sa akin. Naawa siguro sa nakitang itsura ko at buong araw akong pagod. Wala na si Sir Tristan sa paningin ko at nang sinabi niya ‘yon ay tumalikod na siya at malamang na maghihintay ‘yon sa lobby nitong building sa ground floor. Pero naging kakaiba ang t***k ng puso ko kahit nakaalis na siya. At sa kauna-unahang pagkakataon… mas kinabahan ako hindi dahil sa inis niya. Pero ayoko ng i-point out sa sarili ko kung ano ‘yon. Nagligpit na lang ako ng gamit ko Pinatay ko ang laptop, sinilid sa mga bag ang mga documents na na-print ko na. Mabilisan lang ang ginawa ko dahil ayokong maghintay ng matagal si

