Halos inabot ng 3 oras ang conference at sa loob ng 3 oras na ‘yon ay tila hindi ako nakapag-concentrate. Mabuti na lang at more on pakikinig lang din ang ginawa namin. Babasahin ko na lang ang binigay sa amin brochure kung saan nakalagay ang details ng topic sa conference na ’yon. Ang importanteng part din kasi dito ay ang pakikisalamuha sa mga potential investors. Ilang sandali matapos ang huling speaker na nagsalita ay may ilang nakausap si Sir Tristan na businessman sa table namin. Nahihirapan akong mag-concentrate dahil nasa kabilang table lang sina Warren. Mabuti na lang at busy si Tristan sa kausap nitong isang businessman na kakilala pa ni Sir Thomas. Naging kampante na lang ako nang palihim kong sinilip kung nakaalis na sina Warren at mabuti na lang ay mukhang hindi na ako n

