Chapter 10-Danger

1004 Words
[Orion Hale De Castro] Tumunog ang phone ko na naging dahilan para ma-distract si Tita Cha sa mga sinasabi niya. Ang kaninang malakas na kabog ng dibdib ko ay unti-unting bumalik sa normal nang makita kong tumatawag si Farrah. Tumayo ako at nag-excuse sa kanila para sagutin ko ang tawag ni Farrah. Lumabas ako ng bahay. "Hello, Farrah. Bakit?" tanong ko nang sagutin ang tawag. Una kong narinig ang umiiyak na boses niya. "O-Orion... tulungan mo 'ko..." Binundol ng kaba ang dibdib ko sa sinabi niya. "B-Bakit? Anong nangyari?" Lumakas lalo ang pag-iyak niya. "S-Sinasaktan ako ng boyfriend ko. N-Nandito siya sa apartment natin... tulungan mo 'ko please..." "U-Uh...sandali." Nataranta kaagad ako. "M-Magtago ka muna, okay? Papunta na 'ko riyan. Hihingi ako ng tulong!" "B-Bilisan mo, please. G-Gusto niya akong—" Narinig ko ang malakas niyang sigaw at ang pagbagsak ng isang bagay. "F-Farrah! Anong nangyari?! Hello!" Namatay na ang tawag kaya mas lalong dinaga ang dibdib ko. Patakbo akong bumalik sa loob at kinausap si Hunter. "Hunter! Kailangan ko nang umuwi! Kailangan ni Farrah ng tulong!" tarantang sabi ko. Napatayo kaagad si Hunter. "Bakit?" "Sinasaktan siya ng boyfriend niya. Kailangan ko nang—" "Sasamahan kita." "Hindi. Kaya ko na 'yon!" "Huwag ka ngang mayabang! Babae ka pa rin. Iba ang lakas ng lalake sa babae. Saka malay mo may baril 'yon!" Tumingin siya kay Tita Cha at Reese. "Maraming salamat. Mauuna na muna kami." Kumuha siya ng pera sa wallet niya at nilapag sa mesa. "Reese, salamat! Tita Cha!" paalam ko. Sumakay kaagad kami ng tricycle. Habang nasa loob ay nanginginig ang buong katawan ko dahil sa kaba. Kung ano-anong senaryo na ang pumasok sa isip ko. Namatay ang tawag kanina habang kausap niya ako. Baka kung ano nang nangyari kay Farrah. Mabuti na lang at mabilis magpaandar ang tricycle driver kaya nakarating kami kaagad. Kinatok ko nang malakas at ilang ulit ang pinto. "Farrah! Nandito na 'ko! Buksan mo 'to!" sigaw ko. Naririnig ko ang malakas na iyak ni Farrah. "Tabi." Hinawi ako ni Hunter at nanlaki ang mga mata ko nang umatras siya nang ilang hakbang at sinugod ang pinto pasipa. Hindi iyon nabuksan sa unang subok pero sa pangalawa ay bumukas din. Kaagad akong pumasok sa loob at dumiretso sa kwarto namin ni Farrah. Doon ko nakita na nakapatong ang isang lalakeng sa kaniya habang nakatutok ang hawak nitong kutsilyo sa leeg niya. "Hoy!" sigaw ko. Napalingon sa akin ang lalake, salubong ang mga kilay. Umalis siya sa pagkakapatong kay Farrah at bumaba ng kama. "Sino kayo?!" maangas na tanong niya. Nagkuyom ang mga kamao ko at sinugod siya—pero napatigil ako nang maunahan ako ni Hunter at binigyan siya ng isang solidong high kick sa mukha. Natumba ang lalake sa kama pero kaagad ding nakabawi. Tumayo siya at ipinilig ang ulo, nahilo yata sa ginawa ni Hunter. Tinutok niya kay Hunter ang hawak na kutsilyo kaya hindi ito makalapit. Nang iwasiwas niya ang kutsilyo kay Hunter ay yumuko kaagad ito at mabilis namang akong lumapit at hinuli ang braso niya. Pinalipad ko ang kamao ko sa mukha niya at tinuhod ang sikmura niya. Hindi pa ako nakuntento at sinipa ko ang paa niya, dahilan para mawalan siya ng balanse at mapahiga sa sahig. Inagaw ko ang kutsilyo mula sa kamay niya at itinutok iyon sa kaniyang mukha. Nilagay ko rin ang tuhod ko sa may leeg niya para hindi siya makagalaw. "Anak ka ng besugo. Bakit ka naman ganyan, dude? Magbagong-buhay ka na, okay?" gigil na asik ko sa kaniya. Hindi naman siya makasagot dahil hanggang ngayon ay namimilipit pa rin siya sa sakit. "Tama na 'yan," awat ni Hunter at hinawakan ang likod ng damit ko para ilayo ako sa lalake. "Ano ba!" angil ko sa kaniya pero sinamaan niya lang ako ng tingin. Akala ko ay tutulungan niyang makatayo ang lalakeng r****t pero lumuhod siya sa harap ng lalake at sinuntok ito sa mukha, dahilan para mawalan ng malay ang lalake. "Magtatawag ako ng pulis," seryosong sabi ni Hunter sabay tingin sa likod ko. "'Yang kaibigan mo ang asikasuhin mo." Nanlaki ang mga mata ko at napalingon kay Farrah. Nakasuksok siya sa sulok ng kama at takot na takot. May mga pasa siya sa mukha at dumudugo ang gilid ng labi. My gosh! Nakalimutan ko siya! Nag-dive ako sa kama at niyakap siya nang mahigpit. "Shh. Tahan na. Hindi ka na niya sasaktan." Hinagod ko ang likod niya dahil ramdam na ramdam ko ang panginginig ng kaniyang katawan. Naiiyak na tuloy ako. "H-Hindi ko alam na may boyfriend kang gano'n. Kung alam ko lang, sinabihan na kita na layuan ang lalakeng 'yon. Ano, matagal niya na bang ginagawa sa'yo 'yon?" "N-Ngayon lang. Kasi..nakipag-break ako sa kaniya kanina. Matagal ko naman nang gustong gawin 'yon kasi sobrang controlling niya. Hindi ko na kinaya. Hindi ko naman alam na pupuntahan niya ako rito at sasaktan. Orion, takot na takot ako kanina..." Hinaplos ko ang buhok niya at pinunasan ang mga luha sa kaniyang pisngi. "Huwag ka nang matakot. Wala na siya." "T-Thank you. Dininig ng Dios ang panalangin ko kanina." Ngumiti siya sa kabila ng pagluha. "Hiniling ko sa Dios kanina na sana ay may dumating na tulong para sa'kin. Hindi niya ako binigo. Pinadala nila kayo at iniligtas ako. Sobrang lakas ko kay Lord." Napakurap ako at napaisip nang malalim sa sinabi niya. "M-Malaki talaga ang tiwala at pananampalataya mo sa Dios...kaya hindi ka niya pinabayaan." Tumango siya at pinalawak ang ngiti sa mga labi. "Sa kaniya ako kumapit habang nasa peligro ang buhay ko kanina. Umawang ang bibig ko habang nakatitig sa mukha ni Farrah. Si Farrah...malapit siya sa Dios. Malaki ang tiwala at pananampalataya niya sa panginoon. Sa isang iglap ay umalingawngaw sa utak ko ang sinabi ni Tita Cha kanina. Kailangan ni Hunter na lumapit sa isang taong malaki ang pananampalataya sa Dios. Ngayong nakatingin ako kay Farrah ay mukhang alam ko na ang solusyon sa problema namin. Si Farrah...si Farrah ang magliligtas kay Hunter, siya lang at wala nang iba pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD