Chapter 16-Meet Farrah

1195 Words
[Hunter James Acosta] "Bakit mo ba kasi ako hinahabol kanina?" inis na tanong ko habang papalabas na kami ng ospital na pinagdalhan namin kay Orion. Kumapit si Orion sa braso ko at hinayaan ko na lang dahil mukhang nanghihina pa siya. Tinahi ang sugat sa noo niya at sinagot ng Trivia ang pagpapa-ospital sa kaniya. Kanina ay kasama ko si Reese pero umuwi na siya nang magising na si Orion. "May sasabihin lang sana ako sa 'yo kanina pero nauntog naman ako," natatawang sagot niya. "Natatawa ka pa sa katangahan mo." Umirap ako. Hindi ko makalimutan ang naramdaman kong kaba kanina nang makita kong duguan ang noo niya. Parang nawalan ng kulay ang mukha ko. "Ihahatid mo 'ko pauwi?" tanong niya. Hindi siya pumatol sa pang-iinis ko dahil marahil sa masama talaga ang pakiramdam niya. "Sino pa bang maghahatid sa 'yo? Ako lang naman ang kasama mo," masungit na sagot ko. Narinig ko ang mahinang pagbulong niya pero hindi ko naintindihan. "Anong sabi mo?" Tumingin siya sa 'kin nang nakangiti. Parang hindi ako sanay na may benda ang noo niya. "Wala. Thank you at ihahatid mo 'ko." Bigla yatang bumait 'to? Parang nito lang ay sinusungitan niya ako. Siguro may balak 'to. Sumakay kami ng tricycle papunta sa apartment niya. Nakatulog pa siya sa balikat ko pero ginising ko siya nang makarating na kami. "Hawak ka sa kamay ko," utos ko nang bumaba ako ng tricycle. Nilagay niya naman sa kamay ko ang kamay niya at tinulungan ko siyang makababa. Binayaran ko ang tricycle driver at saka ko inalalayan si Orion papunta sa pinto ng apartment nila. Kinatok ko ang pinto at kaagad namang bumukas at bumungad ang mukha ni Farrah. Dalawang beses ko pa lang siya nakita pero tandang-tanda ko ang pangalan niya. Paanong hindi? Siya lang naman ang dahilan kung bakit kami nagtalo si Orion. Higit sa lahat, siya raw ang makakapagligtas sa akin sa kamatayan. "Oh, anong nangyari sa 'yo?" tanong niya nang makita si Orion. Tumikhim ako para ako na ang sumagot. "Nauntog siya sa glass sliding door sa Trivia. Okay na siya. Kailangan niya lang magpahinga." Ngumiti sa akin si Farrah. "Salamat, ha? Tuloy ka muna sa loob." Mabilis akong umiling. "Hindi na—" Natigil ako sa pagsasalita dahil hinawakan ni Orion nang mariin ang braso ko. Nang tingnan ko siya ay puno ng pakiusap ang mga mata niya. "D-Dito ka lang muna. Huwag ka munang umalis. Please?" pakiusap niya. Hindi ko inasahan na madadala ako ng pakiusap niya. Parang may hipnotismo ang mga mata niya habang nakatitig ako roon. Bumuntong-hininga ako at tumango bilang pagpayag. Nginitian niya ako at bumakas ang tuwa sa mga mata niya. Umiwas kaagad ako ng tingin. "Huwag mo 'kong ngitian. Tara na." Pagpasok sa loob ay hinayaan kong ipasok ni Farrah si Orion sa loob ng kwarto at naghintay lang ako sa sala. Nag-offer pa siya ng kape pero tumanggi ako. Labing-limang minuto akong naghintay kaya tinawagan ko si Ate Tess at sinabing mali-late ako ng uwi. Maya-maya ay lumabas na ng kwarto si Farrah. Tumayo kaagad ako. "Kamusta siya?" "Tulog na. Ang sabi ko nga kumain muna siya pero ayaw niya." "Dapat pinilit mo. Parang hindi 'yon kumakain nang maayos tuwing tanghali. Hindi ko naman kasi nakikita." "Kaunti lang kasi kumain 'yon," natatawang sagot niya. "Iniingatan niya kasi na huwag tumaba." Kinamot ko na lang ang kilay ko at hindi na lang nagsalita. Parang ang awkward ng paligid kapag siya lang ang kasama ko. "Uuwi ka na ba?" nakangiting untag niya. Halatang gusto niya pang makipag-usap kaya kahit gusto ko nang umuwi ay hindi ko masabi. "Nabanggit kasi sa 'kin ni Orion na gusto mo raw akong makausap at makilala." Kumunot ang noo ko. "Sinabi ni Orion?" Tumango siya. "Oo. Sinabi niya kahapon. Sabi niya, interesado ka raw sa 'kin." Kailan ko sinabi 'yon? Siraulo 'to si Orion. Sabi na nga ba at may balak siya. Ibig sabihin, sinadya niyang magpauntog sa pinto kanina? Gano'n na ba siya ka-desperada na paglapitin kami ni Farrah? Matagal akong natulala at narinig ko na lang ang mahinang pagtawag ni Farrah sa akin. "Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya. Kumurap ako nang tatlong beses at ipinilig ang ulo. "O-Oo. Tama ka. Sinabi ko nga 'yon kay Orion." Hindi ko naman pwedeng itanggi dahil mapapahiya siya...pati si Orion. Baka mag-away pa sila. Saka ko na lang kokomprontahin si Orion. Kumislap ang tuwa sa mga mata ni Farrah. Kung assuming lang ako, baka isipin kong may gusto siya sa 'kin...pero hindi ako gano'n. "Alam mo kasi...parang noong nakaraang gabi lang ay nagdasal ako. Ang sabi ko, sana bigyan niya ako ng lalakeng hindi ako sasaktan. Tapos kinabukasan, sinabi sa 'kin ni Orion ang tungkol sa 'yo. At ngayon, heto ka." Napatitig ako sa mukha niya. Inalala ko ang sinabi ni Orion na nakita niya ang future naming dalawa ni Farrah. Ikakasal daw kami. Ibig sabihin, darating ang araw na...magugustuhan ko siya at aayaing magpakasal. Pero bakit ganito? Wala akong maramdaman sa kaniya. Siguro, ang nakitang future ni Orion ay nangyari dahil mas pinili kong mabuhay at matali kay Farrah...kaysa piliin ang taong gusto ko talaga. At ang taong 'yon ay si Orion. "Hindi ka talaga magsasalita?" natatawang tanong ni Farrah. "Nahihiya ka ba?" Tumawa ako nang mahina. Pakiramdam ko ay pilit lang 'yon. "M-Medyo." Kahit hindi naman. "Huwag kang mahiya. Mabait naman ako, eh. Saktong-sakto, birthday ko next week. Iti-treat ako ng manager namin sa isang pool club. Mag-invite daw ako kaya isasama ko rin si Orion. Punta ka?" "Uh…" Kinamot ko ang ulo ko. "Hindi ako sigurado. May trabaho ako, eh." "After work! Paraan mo na rin 'yon para mag-relax!" Tsk. Paano ba ako makakatanggi rito? Mukhang wala akong takas. Bwesit na Orion. Kinamot ko ulit ang ulo ko bago dahan-dahang tumango. Hindi ako mahilig sa mga party pero mukhang mapapasubo ako dahil kay Orion. Kapag tumanggi ako, baka hindi lang niya iuntog ang sarili niya para lang paglapitin kami ni Farrah. Ayokong saktan niya ang sarili niya para lang sa 'kin. "Pupunta ka?" nakangiting untag ni Farrah. Tumango ako at ngumiti. "Oo." "Thank you! Uhm...pwede ko bang kunin ang number mo? Kung okay lang," nahihiyang tanong niya. Seryoso? Siya talaga ang magfi-first move? Type yata talaga ako nito. Binigay ko pa rin ang number ko sa kaniya. Nang matapos ay biglang may tumawag sa kaniya kaya nagpaalam muna siya na sasagutin iyon. Lumabas pa siya ng bahay kaya naiwan ako sa sala. Bumuga ako ng hangin at napatingin sa kwarto kung saan dinala ni Farrah si Orion. Tingin ko ay iyon ang kwarto nilang dalawa dahil nag-iisa lang naman 'yon. Tumingin ako sa labas ng bintana at nakita ko si Farrah na may kausap pa rin sa phone. Tumingin ako pabalik sa pinto ng kwarto at dahan-dahang naglakad papunta roon. Gusto ko lang silipin si Orion kung natutulog na ba siya. Pinihit ko ang seradura ng pinto at dahan-dahang tinulak. Nanlaki ang mga mata ko nang may marinig akong kalabog sa loob. Nilakihan ko ang awang ng pinto at nakita ko si Orion na nakaupo sa sahig, nakangiwi habang hawak ang sariling ilong. "A-Anong ginagawa mo diyan?!" pabulong na asik ko sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD