Chapter 14-Trouble

1254 Words
[Orion Hale De Castro] "Bumili ka ng mga make-up mo?" tanong ni Farrah pagpasok ng kwarto namin. "Ah, hindi. Mga stock ko 'to para sa isang linggo. Mas mahalaga ang pagkain ko kaysa sa mga make-up," nakangiting sagot ko. Ilang linggo na ang lumipas magmula nang i-harrass siya ng manliligaw niya at masasabi kong okay na siya ngayon. Hindi na siya umiiyak gabi-gabi at masaya ako para sa kaniya. Sa totoo lang ay hinintay ko lang naman na maging okay siya. Dahil ang balak ko, paglalapitin ko sila ni Hunter. Oo, hindi pa rin ako sumusuko sa kaniya. Kahit ayaw niya, gusto ko pa rin siyang tulungan na makaligtas sa kamatayan niya. Dahil hindi mangyayari ang nakita kong future nila ni Farrah kung hindi siya liligawan ni Hunter. Wala nang isang buwan at palapit nang palapit ang kaarawan niya. Bawat araw na wala akong nagagawa para kay Hunter ay parang hindi ako makahinga sa takot. "Wow, naglinis ka?" tanong ni Farrah habang nililibot ang paningin sa paligid ng kwarto. "Oo. Nanibago ka ba?" "No." Tumawa siya. "Actually, napapansin ko na sumisipag ka dito sa bahay. Ikaw na rin ang nagluluto ng hapunan natin." Napangiti ako sa sinabi niya. Sinikap ko kasi na baguhin ang sarili ko sa mga nakalipas na araw. Para naman sa sarili ko 'yon, eh. Hindi habangbuhay ay may gagawa ng mga bagay-bagay para sa akin. Kaya ngayong day-off ko ay pumunta ako ng palengke at bumili ng mga stocks. Pag-uwi ko ay naglinis ako ng buong apartment namin. "Farrah...may itatanong lang sana ako sa'yo..." maingat na tanong ko. Ayokong biglain siya. "Ano 'yon?" nakangiting tanong niya. Hindi ko maiwasang humanga sa kaniya dahil halatang-halata na isa siyang taong may mabuting puso mula sa salita at mga kilos. Tumikhim ako bago nagsalita ulit. "Ready ka na bang maging open ulit? I mean, ayaw mo bang sumubok na kumilala ng ibang lalake para naman..." Hindi ko naituloy ang sinasabi ko dahil bigla siyang tumawa. "Bakit? May irereto ka ba sa 'kin?" Ngumiti ako nang alanganin. "M-Meron sana, eh. Okay lang ba?" "Alam mo... kahit nangyari sa 'kin 'yon, nagpapasalamat pa rin ako kasi nakalaya ako sa isang lalakeng manipulative at controlling. Matagal ko na siyang gustong i-basted pero hindi ko kaagad nagawa. Kaya ngayong malaya na ako, willing akong kumilala ng ibang tao. Hindi mo naman siguro ako bibigyan ng lalakeng sasaktan din ako katulad ng lalakeng. 'yon?" Dinilaan ko ang pang-ibaba kong labi. Gusto kong sabihin na nakita ko ang future nilang dalawa ni Hunter. Magpapakasal sila at hindi sila ikakasal kung hindi sila magiging sigurado sa isa't isa. "S-Siguradong magiging masaya ka sa kaniya, Farrah," sagot ko. "So, kailan mo siya ipapakilala sa akin?" "Ang totoo ay nakilala mo na siya." Kumunot ang noo niya pero nakangiti pa rin. "Sino?" "Si Hunter." Nabura nang kaunti ang ngiti niya pero bumalik din kaagad iyon. *** Kinabukasan ay pumasok na ako sa Take a Sip. Kabado pa ako dahil makikita ko na naman si Hunter. Dalawang araw din kaming hindi nagkita at walang araw na hindi kami nagpaparinigan sa isa't isa. Pagdating ko sa Take a Sip ay naroon na si Hunter. Busy siya sa pagmo-mop ng sahig kaya hindi niya kaagad ako napansin. Tumikhim ako at napatingin naman kaagad siya sa 'kin. Kumunot ang noo ko dahil bakas sa mga mata niya ang gulat nang makita ako. Naging mailap ang mga mata niya at kaagad tumalikod sa akin, nilagay sa spin mop bucket ang hawak na mop. Hindi ko na lang siya pinansin at naglagay na ako ng hairnet at visor sa buhok. Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa hindi na ako makatiis. "Tahimik mo ngayon?" tanong ko habang nakasandig sa may counter. Busy siya sa pag-mop ng sahig kahit malinis naman na. "Paki mo?" masungit na sagot niya. "Tabi." Dinikit niya ang ulo ng mop sa may paanan ko. Nakasimangot na umalis ako sa pwesto ko. "Hindi ka naman dating ganyan." "Huwag mo nga akong kausapin." "Pwede ko bang dalawin si Mama mamaya? Miss ko na siya, eh." Tumingin siya sa 'kin, nakakunot ang noo. "Mama? Mama talaga? Huwag ka ngang feeling close diyan." "Gusto kong tawagin siyang mama, eh. Paki mo?" Napailing na lang siya at hindi na ulit ako pinansin. Feeling ko talaga ay umiiwas siya sa akin dahil kahit pinaparinggan ko siya ay hindi siya sumasagot o lumalaban. "Oy, Orion! Na-miss kita, ah!" Napapadaan si Calvin habang may tulak-tulak siyang mga cart. Itinabi niya ang mga 'yon at sumandig sa may preparation area kung saan ako nagpupunas. Hinawakan niya ang visor ko at tinapik 'yon nang mahina. "Kamusta day-off mo kahapon?" Ngumiti ako. "Okay lang. Naglinis ako, nagluto at namalengke." "Weh? Marunong ka na?" pang-aasar niya. "Anong akala mo sa 'kin?" Ngumuso ako. "Siempre nagsipag akong matuto." "Weh? Pakita mo nga sa 'kin," nakangising hamon niya. "Invite mo 'ko sa apartment mo tapos lutuan mo 'ko." Tinaas-baba niya ang mga kilay. "Ano ka? Siniswerte?" "Sus! Sabihin mo hindi ka lang marunong magluto! Niyayabangan mo lang ako!" "Neknek mo!" Pabiro ko siyang inirapan. "Hoy, Orion," tawag ni Hunter. Nilingon ko naman siya at tinaasan ng kilay. "Mag-mop ka nga sa labas. May itim na mantsa. Nasa perimeter pa yata 'yong mga janitor. Baka makita 'yan ni Manager." "Yes, boss," sarkastikong sagot ko. Kinuha ko ang mop sa gilid pati ang yellow sign na may nakasulat na 'Caution: Cleaning in progress'. Nilalagay 'yon kapag nagmo-mop ng basa para alam ng mga taong dumadaan na madulas ang sahig. Pagkalabas ko ay nilagay ko sa gilid ang yellow sign at nagsimulang alisin ang itim na mantsa sa gilid ng food kiosk namin. "Ano, Orion? Kailan ako pwedeng pumunta sa apartment mo?" pangungulit ni Calvin. "Hindi pwede. Hindi lang ako ang nakatira doon," sagot ko habang patuloy sa pagpupunas ng sahig. "Hi po! Good morning!" bati ko sa mag-nanay na dumaan. Nginitian lang nila ako. "Paano kung ikaw lang ang nakatira? Payag kang pumunta ako ro'n?" Binigyan ako ng nakakalokong ngisi ni Calvin. Sumimangot ako. "Tumigil ka nga. Tabi!" Pinunasan ko ang sahig na tinatapakan niya. Umikot ako sa kabilang side ng food kiosk namin at sunod naman nang sunod si Calvin. "Gusto ko lang naman matikman ang luto mo, eh." "Hindi nga pwede. May balak ka yata, eh." "Hindi ako gano'n! Punta ako ro'n...as a friend." Humagalpak siya ng tawa. "Ang landi mo. Bumalik ka na nga sa trabaho mo," inis na sabi ko. "Nagsasayang ka lang ng—" Nanlaki ang mga mata ko nang dumaan ang isang matandang lalake sa gilid ko. "L-Lolo, basa riyan!" Pero huli na ang pagsigaw ko dahil nawalan na siya ng balanse at napaupo sa sahig. Binitawan ko kaagad ang mop na hawak ko at dinaluhan ang matanda. "Naku, pasensya na po, Lolo! Okay lang po ba kayo?!" "'Yan kasi! Naglalandian kayo habang nasa trabaho!" Napatingin ako sa lady guard na nasa entrance. Hindi siya si Desiderio, bago 'ata siya dahil ngayon ko lang siya nakita. Nakatingin siya nang masama sa akin at kay Calvin. Nang tumingin ako sa kausap niya ay napairap na lang ako. Epal ka, Grace. "Lo, okay lang kayo?" tanong ni Calvin sa matanda nang makatayo na ito. "Ayos lang ako. Pasensya na, hindi ko nakita na basa ang sahig," malumanay na sagot ng matanda. "Sige at ako'y nagmamadali." Naglakad na ulit siya paalis. "Pasensya na po kayo ulit!" habol ko. Nagi-guilty ako kasi iika-ika siyang maglakad. Tiningnan ko si Hunter na ngayon ay nakatingin lang din sa akin. Seryoso lang ang mukha niya pero maya-maya ay napailing na lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD