Chapter 18-True Love's Sacrifice

1000 Words
[Orion Hale De Castro] 'Yong moment na mapapasabi ka na lang na 'Saksakin mo na lang ako'? Why naman gano'n? Ako ang may gusto nito pero parang pinupunit ang dibdib ko sa sinabi ni Hunter? Kaya pa ba, self? Hindi pwede 'to. Hindi pwede na habang pinaglalapit ko si Hunter at Farrah sa isa't isa ay patago akong nasasaktan nang ganito. "Ano ba 'to..." Sinabunutan ko ang sarili kong buhok habang nakatingala ako sa mabituing kalangitan. Tahimik na ang gabi pero heto ako at nagdadrama sa gilid ng bintana ng kwarto namin ni Farrah. Hindi ako makatulog. Wala akong maramdaman na antok. "Ma...tama naman ang ginagawa ko, 'di ba?" tanong ko habang nakatitig ako sa tatlong bituin na tinatawag nilang 'Orion's belt'. Ang sabi ni Mama, mahilig daw siya sa mga bituin kaya pinangalan niya sa 'kin ang Orion—bagay na namana ko sa kaniya. Kapag nakatingin ako sa mga bituin, parang gumagaan ang pakiramdam ko lalo na't iniisip ko na isa sa mga 'yon si Mama at Papa. "Hindi ka makatulog?" "Ay lintik ka!" Gulat akong napatingin sa kama ni Farrah na ngayon ay nakahiga patagilid at nakatingin sa akin. Tumawa siya nang makita ang reaksyon ko. Umayos ako ng upo at sumandig sa headboard ng kama ko. "Hindi ka rin makatulog?" Tumawa siya na parang kinikilig at niyakap ang sariling unan. Patay na ang ilaw sa kwarto namin pero naaninag ko pa rin siya dahil sa tulong ng buwan na sumisilip sa bintana. "Hindi ako makatulog. Kinikilig kasi ako," sagot ni Farrah. Halatang kilig na kilig siya dahil panay ang yakap niya sa unan. "Kanino ka kinikilig?" curious na tanong ko. Ang unfair lang na kinikilig siya tapos ako problemado sa nararamdaman ko. "Kay Hunter." Humagikhik siya. "Nag-text kasi siya sa 'kin kanina. Tinatanong niya ako kung kailan ang exact date ng birthday party ko." "A-Ah, okay. Mabuti 'yan." Nalasahan ko ang pait sa dila ko nang sabihin ko 'yon. Nag-uusap na pala talaga sila ni Hunter. Mabuti naman at sinunod niya ako. Kung hindi ay baka kinaladkad ko na siya papunta kay Farrah. Hindi ko alam kung anong nagtulak sa kaniya na pumayag sa gusto ko, basta ang alam ko ay masaya ako sa naging desisyon niya. Teka, masaya nga ba talaga ako? Pakiramdam ko talaga, itong nararamdaman ko ay 'yong tinatawag ng iba na 'bittersweet' feeling. Masaya na masakit. Masaya kasi pwede siyang mabuhay sa naging desisyon niya. Masakit kasi kapalit n'on ay sa iba nakalaan ang puso niya. "Ang sweet niya nga, eh. Tinanong niya pa ako kung kumain na ako o kamusta ang araw ko," dagdag ni Farrah. Dios ko naman. Hindi na nga ako makatulog kakaisip kay Hunter tapos ganito pa? Gusto ko tuloy ngumawa at magpalamon na lang sa lupa. "Orion, may tanong ako." Dumapa si Farrah habang nakatingin sa akin. "Magkasama kasi kayo ni Hunter sa trabaho kaya curious ako kung anong klase siya kapag ibang tao ang kaharap niya." "Tinatanong mo ako kung mabait siya?" "Parang gano'n na rin." Tumawa siya. Niyakap ko ang tuhod ko at inalala kung paano ako tratuhin ni Hunter. "O-Okay naman siya." Sorry, Farrah. Kailangan kong magsinungaling para magustuhan mo siya. "Mabait at gentleman." Sinungaling. Tandang-tanda ko pa kung paano niya itulak ang mukha ko kapag inis na inis siya sa 'kin. "Tapos hindi niya kayang manigaw ng babae." Naku. Liar! Ilang beses niya na akong sinigawan kapag nagbwebwesit siya sa 'kin. Kapal ng mukha niya! "Hindi rin siya vocal sa nararamdaman niya kasi iniingatan niya ang feelings ng iba." I don't agree. Ipupusta ko ang atay at balun-balunan ko para patunayan na 'di totoo 'yan! Tandang-tanda ko pa kung paano niya sabihin sa 'kin na wala siyang balak na halikan ako kasi hindi niya ako type! Ha! Sa ganda kong 'to, hindi niya type?! Ang kapal ng mukha niya! "Wow. Hindi lang pala siya gwapo. Marami pa siyang ugali na gusto ko. Paniguradong magkakasundo kami," kinikilig na sabi ni Farrah. Itinago ko na lang ang pagngiwi ko. Kung hindi lang kailangan ni Hunter na mabuhay, hinding-hindi ko siya irereto kay Farrah. Dios ko, baka maging impiyerno ang buhay niya kapag nagkasama sila ni Hunter sa iisang bubong. Ipinilig ko ang ulo ko. Alam ko naman na kahit gano'n ang ugali ni Hunter ay hindi naman siya masamang tao. Oo, hindi siya gentleman pero alam kong hindi niya kayang manakit nang pisikal. Vocal siya sa nararamdaman niya pero hindi umaabot sa puntong made-depress 'yong taong pinagsabihan niya nang masama. Naninigaw siya ng mga tao pero kaya niya namang mag-sorry at tumanggap ng pagkakamali. Hindi ko alam kung paano magmahal si Hunter pero siguro naman, kapag nagustuhan niya si Farrah, hindi niya ito sasaktan o lolokohin. Hindi maganda ang ugali niya pero alam kong hindi siya manloloko. "Excited na akong makasama siya sa birthday ko. Mas makikilala ko siya ro'n. Invited ka pala, ha." "A-Ako? Invited?" Tinuro ko ang sarili ko. "Oo naman. Kaibigan kita, eh. Magdala ka rin ng iba mo pang kaibigan para mas masaya." "Kaibigan?" ulit ko, natatawa pa. "Wala naman akong ibang kaibigan bukod sa 'yo at sa mga katrabaho ko." "Wala ka bang naging kaibigan noon?" "Meron naman pero..." Napatigil ako nang maalala ang mga naging kaibigan ko noong college. Lahat sila...nawala kasabay ng pagtigil ko sa pag-aaral. Okay lang, hindi ko naman dinamdam 'yon dahil kahit saan naman ako magpunta ay may nagiging kaibigan naman ako. "Don't worry, kaibigan mo naman ako. Kahit hindi mo alam, gano'n na ang turing ko sa 'yo noong unang beses pa lang kita makita," sambit ni Farrah na ikinangiti ko. Ramdam ko kasi ang sinseridad sa boses niya. Sa katulad ni Farrah na sobrang bait, hindi imposibleng na mahulog ka, Hunter. Sana matutunan mo siyang mahalin dahil mas gusto kong makita kang hawak ng iba...kaysa ang mamatay ka. Ganito siguro talaga ang pagmamahal, kaya mong isakripisyo ang lahat kasi sobrang kang nasasaktan. Ganito ang tunay na pagmamahal na gusto kong maranasan mula kay Hunter, pero mukhang imposible na. Ayos lang, tanggap ko na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD