CHAPTER 17

2347 Words
CHAPTER 17 NABATO ako sa kinahihigaan ko nang makitang unti-unti na niyang inilalapit sa ‘kin ang kaniyang mukha! Kahit yata malamig ang buong kwarto at nakatodo kanina pa ang aircon niya ay nagawa ko pa ring pagpawisan! “Kai... jin...” protesta ko saka ipinikit na lang nang mariin ang mga mata nang makitang balak niya talagang halikan ako. ‘Yung dibdib ko... napakalakas ng pagtatambol, sana hindi niya naririnig! Maya-maya lang ay nakarinig ako ng mahinang pagpipigil nito ng tawa. Mabilis na nagmulat ako ng mga mata. “Do you really think I’d kiss you?” Natatawang aniya saka iniurong paatras ang leeg para titigan ang kabuuan ng aking mukha hanggang sa ‘king labi na matagal niyang tinitigan bago nag-iwas at nag-angat ng tingin pabalik sa ‘king mga mata. “Hindi ka pasok sa standards ko sa mga babae, hard pass, matulog ka na.” Marahan niyang tinapik ng dalawang beses ang pisngi ko bago umakyat ng kama niya. Naiwanan akong tulala! Gusto ko sanang magwala dahil ang yabang niya at ininsulto pa ‘ko sa standards niya, parang may pakialam naman ako?! Wala akong pakialam! Hindi ko na nagawa pang magsalita at agad na nagtalukbong na lang ng kumot! Hinawakan ko ang dibdib kong maingay na maingay kanina at halos ayaw pa rin kumalma... walang hiyang, Kaijin Valencia! KINABUKASAN, halos sabog-sabog ang hitsura na bumangon ako at pumasok sa banyo. Nagsipilyo at naghilamos gamit ang mga nakalkal kong extra toothbrush at skin care ni Kaijin sa mini cabinet niya sa sink. “Kaya pala makinis ang unggoy, walang bahid ng kahit isang pimple.” Bulong ko sa sarili habang pinagmamasdan ang mga facial wash at iba’t-ibang moisturizer, may mga pang-peel pa nga na charcoal at aloe vera?! Natigilan ako sa pagpupunas ng mini towel sa ‘king mukha nang maalala na naman ang nangyari kagabi. Literal na tumigil ako sa ginagawa ko at ngumiwi. Nakakahiya. Pumikit-pikit pa ‘ko... hintay na hintay sa kiss?! “Eicine?” “Ano!” Gulat na sigaw ko bilang tugon nang makarinig ng sunud-sunod na katok sa pinto. “Breakfast is ready. Naiihi na rin ako, umalis ka na riyan.” “Okay, palabas na.” Nakalabing nagtungo na ‘ko sa pintuan at akmang aabutin na sana ang door knob nang may mapansing nakasabit sa bandang itaas ng pinto. Dahan-dahan akong nag-angat doon ng tingin. “Tagal naman!” Dinig kong dugtong ni Kaijin na hindi ko na naimik. Hindi ko pinansin si Kai at sinipat lang ang kulay pink na telang nakasabit sa likod ng pinto, hindi ko sana papansinin ‘tong tela na ‘to kung ‘di lang may design na bright na bright in color na Disney princess! Sinipat ko at halos malaglag ang panga nang makitang... “Brief?” Hindi makapaniwalang napakurap-kurap ako. Teka. Kulay pink na brief na may design sa harap at pwetan na Disney princess Jasmine ng Aladdin at Snow White. Napabunghalit ako ng tawa nang hindi ko na mapigilan. Mabilis na binuksan ko ang pinto at bumungad ang nagsusungit na mukha ni Kaijin, hindi mapakali at pasulyap-sulyap sa loob ng CR kahit na hindi pa naman nakakapasok doon. “What’s funny?” Halatang kinakabahan na tanong niya. “Patawad sa katagalan pero pwede na po kayo magbanyo, Princess Jasmine...” nang-aasar na yumuko pa ako at iminuwestra ang pinto bago sumabog sa halakhak na naglakad palabas ng kwarto niya. Nakakaloka! Akala mo kung sinong cold, arrogant at cool tapos pink na Disney princess ang underwear?! Talo pa ang sunflower kong panty ah. Natatawang naghanda ako ng mga plato at naglagay ng rice sa plate ko habang hindi pa rin matahimik sa pagtawa. Hindi ko talaga inexpect. “Sinasabi ko na nga ba may dugong berde ka! You like pink, huh?” Paulit-ulit na huli ko sa kaniya nang makalabas na ito ng banyo at silid saka tahimik at nagdadabog na tumabi sa ‘kin sa harap ng hapag. “Regalo ‘yon ni Mommy, wala lang akong choice kahapon at hindi ako nakapagpa-laundry kaya ko nasuot. Hindi ko talaga ‘yon sinusuot noon pa.” Seryosong-seryoso niyang paliwanag habang nagsasandok ng hotdog at bacon sa plato. Napabunghalit na naman ako ng pagtawa. Muntik ko pa ngang maibuga ang iniinom na kape. “Biruin mo ‘yon, ang cool tignan ng isang Kaijin Valencia kagabi sa casino at doon sa business-business mo ng mga armas tapos ang underwear...” malakas na tumawa ako habang hawak ang sikmura. Hindi ko na talaga kaya... maiiyak na ako kakatawa. Ang gwapo niya kagabi, promise na promise! Sobrang bango at sobrang gwapo niya sa suot na black formal suit, malinis na manly hairstyle at matatalim na tingin, makalaglag panty! Iyon talaga ang tingin ko sa kaniya buong magdamag, pero siyempre hindi ko na sinabi sa kaniya, mahirap na at baka lalong yumabang! Pero ang underwear pala na suot... “Stop it or I’ll tell Mom na tawang-tawa ka sa regalo niya. Ibinurda pa naman niya ang pangalan ko doon.” Kamot-ulong yumuko ito kaya kitang-kita na tuloy ngayon ang pulang-pula niyang mga tainga. Marahil sa hiya! Tumigil na ako kakatawa nang banggitin niya si Ma’am Zarina. Ang bait at ang sweet pa naman no’n, maiintindihan kong pinilit niyang gawan ng personalized brief ‘tong anak niyang suplado. Ginawa ko ang best ko para ‘di na talaga matawa. “Gustung-gusto talaga ni Ma’am Zarina na magkaanak ng babae, ano?” Pag-iiba ko na lang ng usapan. Kilala ko kasi ‘tong abnormal na ‘to, baka OA na isumbong pa ako kay Ma’am Zarina na pinagtatawanan ko ang gift sa kaniya kahit ang totoo siya lang naman ‘tong iniinis ko kaya ayaw kong matigil kakatawa. “Gusto niya pero wala ng balak mag-anak ‘yon.” Napatango-tango ako. Naalala kong tuwang-tuwa sa ‘kin ‘yon si Ma’am Za noong inampon nila ako, halos hindi ako lubayan at araw-araw akong binibihisan ng magagandang gown kahit walang espesyal na okasyon. Gano’n siya kasabik sa babaeng anak, ‘yon nga lang ay siya rin ayaw ng ma-experience ‘yung pain sa panganganak. Malalaki raw kasi ang ulo nitong kambal na sila Kai at Ken kaya sobrang sakit! Kung ako rin ayokong manganak. Tamang romansa na lang siguro kapag may asawa na ‘ko, never niya ‘kong mapipilit na magbuntis! “Gusto mong bumisita sa bahay? Baka namimiss ka na nila Mom.” Biglang saad ni Kai na kinaangat ko ng tingin. “Talaga? Sabi sa ‘yo?” Sabik na tanong ko habang ibinababa ang hawak na mga kubyertos. “Kaso nakakahiya...” bawi ko. Naalala ko ‘yong huli naming pagkikita. Nakakahiyang pangyayari. Napakabait lang talaga nila Sir Kael at hindi ako pinagtutulak palabas ng bahay nila noon. Sinundo kasi ako ng totoo kong pamilya, at siyempre bilang may pamilyang wild na wild ang mga ugali... manghang-mangha sila sa ganda ng mala-mansyon na bahay nila Sir Kael. Nauwi nga sa ilang panghihingi ng nakita nilang design sa bahay ang araw na ‘yon, pinagbigyan na lang nila Ma’am Zarina kahit halatang hindi na sila komportable. “Uy! Napakaganda naman nito, gold oh! Erros tignan mo nga, totoo kaya ‘to?” Dinig kong tanong noong nagpakilala sa ‘king Kuya ko raw. Nakatingin sila ngayon sa katabing table ng malaking couch kung sa’n sila nakaupo. Ang table na ‘yon ay puno ng maliliit na collectibles ni Daddy Kael. Puro hugis ship ‘yon o detalyado sa wangis na barko at kulay ginto. “Hala, oo nga! Tangina ang ganda naman nito!” Bulalas noong isa saka walang paa-paalam na kinuha ang isa roon, nasagi ang isa saka nagdamay-damay na ng tumbahan ang iba pang katabing collections ni Daddy Kael. Napangiwi na lang si Tito Kael habang kamot-ulong nakatingin sa kanila. “Naku! Pasensya na po, ayusin na lang namin ‘to-“ “Hindi, okay lang, okay lang.” Ani Daddy Kael saka nakangiting lumapit doon at siya ang nag-ayos. Tinulungan siya ni Kendric habang kami naman ni Mommy Zarina ay nakaupo. Naroon sila no’n para pormal na kuhanin ako matapos nilang mahanap sila Ma’am Zarina, kahit kasi mahal na mahal na ako ng parents nila Kai at Ken ay hindi pa rin sila tumigil sa paghahanap ng parents ko, palagi nilang sinasabi sa ‘kin na alam nila ang pakiramdam na maging masaya sa pagkakaroon ng mga anak at panigurado raw na masakit kung mawawala ang isa sa mga ‘yon. O kung isa lang ako na anak ay baka mas masakit pa sa side ng parents ko. Hindi ko naman masyadong naexpect na siyam pala kaming binuo ng mga magulang kong masisipag sa romansa. “Bago kami umalis, alam mo nagpapasalamat ako sa pag-aalaga mo rito sa nawala kong anak.” Dinig kong sambit ng totoo kong nanay kay Tita Zarina. Nasa b****a na kami ng gate ng bahay at nagpipigil na ako ng luha dahil aalis na ako rito. Isa pa, hindi ako pinapansin ni Kai at Ken! Hindi na bago kay Kai, pero si Ken ay paniguradong masama ang loob na kailangan kong umalis. “Mahirap lang kasi ang buhay namin sa amin, pwede bang...” “Ano ho iyon? Sige ho magsabi lang kayo, pero magbibigay po talaga ako ng groceries package, mga damit po at pampa-aral ni Eicine kasi mahal din po namin ang batang iyan at-“ “Hindi iyon.” Mabait ang ekspresyon na kinuha noong totoo kong nanay ang kamay ni Tita Zarina at itinuro ang singsing nitong gold. “Ito na lang sana... mukhang malaki ang value. Sige na, mayaman ka naman, marami ka na sigurong ganito, eh?” Mula noon ay hiyang-hiya na ako sa kanila. Ma’am at Sir na rin ang tawag ko. Nakakahiya si Mama talaga! Kaloka! “Maybe next week, silver anniversary nila Dad. Sumama ka.” Excited na ngumiti ako. “Miss ko na sila. At si Kendric!” Bulalas ko nang maalala ito. Kumusta na kaya talaga ‘yon? Halos hindi ako imikin no’n no’ng paalis na ako sa bahay nila at sasama na sa totoo kong mga magulang. Nag-aangat ng kilay na sinulyapan ako ni Kai kaya nginitian ko siya lalo, umirap lang siya na parang bwisit na bwisit sa ‘kin. BUMUSINA si Kaijin nang sa wakas ay makarating na kami sa harapan ng bahay namin. Suot ko na ulit ang mga damit na suot-suot ko noong sumama ako sa kaniya, simpleng blouse at light blue pants. “Bye-bye, Princess Jasmine.” Paalam ko, nang-aasar. Hindi niya pinansin at sa halip ay inabot sa ‘kin ang phone ko. Muntik ko pang makalimutan, iritable tuloy na hinatak ko ‘yon mula sa kaniya. “Magkita ulit tayo bukas, marami kang tatapusin na paperworks at background check patungkol sa susunod na client ko.” “Mayor ulit? Tirador ng mga mayor,” nang-aasar na saad ko. Tumikhim ito at binuksan ang maliit na storage compartment ng kotse sa harapan ko saka kinuha ang maliit na envelope roon, ibinigay niya ‘yon sa ‘kin kaya hindi siguradong tinanggap ko at binuksan para silipin ang loob. Ilang picture na may pangalan noong babae. “Gretta... Naire. Sino naman ‘to? Gretta Naire?” Tanong ko. “Our next client.” “Huh? ‘Di ba... ito ‘yong itinanong mo doon kay Mr. Marapulo kagabi?” Tanong ko nang maalala na nagtanong nga siya ng impormasyon patungkol sa babaeng ‘to. “Yup.” “Mukhang hindi naman siya bumibili ng mga baril, aalukin mo pa lang ba siya?” Dagdag ko pa. Sa uri ng tanong niya kasi kay Marapulo kagabi parang hindi pa naman sila nagkikita nitong Gretta Naire. Kliyente ‘to pero hindi naman nagsabing bibili ng baril at mga armas sa kaniya. Target pa lang niya? “Akala ko ba hinahabol ka ng mga kliyente dahil advanced ang mga firearm na binebenta mo? Ikaw pala nanghahabol ng mga kliyente e, baka naman namimilit ka ha, masama ‘yan, teh!” Nagkamot ito ng noo, naiirita na yata sa sunud-sunod kong pagdaldal at pagtatanong. “Again, to tell you a clue, I do business with these clients for a very special reason, Eicine.” Kinuha niya ang envelope sa kamay ko at inilabas doon ang maliit na papel, iniharap niya ‘yon sa ‘kin at nakita ko ang mahabang listahan ng mga pangalan. “I’m not after the money.” Bahagya siyang natawa at umismid. “Marami na ‘ko no’n. I’m after the crucial information that only these people could tell me.” Napaawang ang bibig ko. Naguguluhan pa rin. “Information?” “You’ll do your background check about these target clients tomorrow. Labas na, baka may sasabihin pa sa ‘yo ang pamilya mo.” Makahulugan siyang ngumiti bago nag-alis ng tingin. Nakangusong kinuha ko na lang ang listahan saka itinago sa bulsa at dire-diretsong lumabas ng kotse. Pagkababa mula sa sasakyan ay agad naman akong nagulat nang mapansin ang dami ng nagkukumpulang mga tao sa loob ng bahay namin. Tanaw na agad kahit nandito pa lang ako sa labas ng gate. “Ayan na si Ate Eicine!” Turo sa ‘kin ni Elmo nang malingunan ako mula sa kinatatayuan nitong maliit na kahoy na hagdan sa harap ng bahay namin. “Ma! Si Ate Eicine nandito na!” Dali-daling naglingunan ang mga tao sa ‘kin at nagkaniya-kaniya ng bulungan. Parang kanina pa nila ako hinihintay... “Bakit?” Kinakabahang tanong ko sa mga tsismosang kapitbahay namin. “Anong mayro’n?” Si Mama at Tatay ang agaw-pansin na humawi sa kumpulan ng mga kapitbahay namin na ‘yon at nakita kong mangiyak-ngiyak pang lakad-takbong lumapit sa ‘kin si Mama. “Anak! Diyos ko!” Paiyak na bungad niya sa ‘kin. “Oh! Bakit, Ma?! Anong nangyayari?!” Kinakabahang tanong ko. Hindi sinasadyang napalingon ako sa gawi ni Kaijin at nakita itong nakatitig sa ‘min bago nag-iwas ng tingin at nagbaba ng bintana ng sasakyan saka umalis ng lugar. “Mabuti na lang at wala ka kagabi! Nakakatakot ang mga nangyari!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD