CHAPTER 18

2993 Words
CHAPTER 18 NAGMAMADALING pumasok ako sa loob ng bahay namin para tignan ang tinutukoy nila Tatay at Mama. “Anong... nangyari.” Naibulalas ko na lang nang mahina. Ang hitsura ng buong bahay naming hindi kalakihan ay sobrang gulo, tumba-tumba at halos magkalat sa sahig ang lahat ng gamit namin na dati naman ay maayos na nakadikit sa mga pader at nakapatong sa mga maliliit na tukador. Hinampas ako ni Mama sa braso at mangiyak-ngiyak pa rin ang ekspresyon ng mukha. “May mga lalaki ditong dumating! Mga armado, diyos ko mahabagin! Hindi namin alam kung paanong nakalusot sila riyan sa gate ng Sitio natin nang hindi napapansin ng mga asset nitong tatay mo! Ang bilis ng pangyayari!” Nanginginig at halos mautal na saad ni Mama. May mga tao kasi si Tatay rito sa lugar namin na nakatoka sa pagbabantay doon pa lang sa bungad ng Sitio namin, kaya maraming nakatambay na lalaki roon, kung titignan mo parang mga wala lang magawa na tambay sa gilid pero ang totoo ay sila talaga ang taga-signal kila Tatay kung sakaling may bago sa paningin na sasakyan o mga tao ang papasok sa Sitio. Baka sakaling mga pulis na magsasagawa ng drug raid ng Sitio. ‘Yon ang teknik nila Tatay kaya hanggang ngayon ay halos walang mahuli ang mga pulis sa lugar na ‘to, lalo na ‘tong negosyo nila. “Ang bilis ng pangyayari! Nagulat na lang kami na pumapasok sila rito, mga alas dose ng madaling araw! Una nilang ginapos itong mga kapatid mo, hindi na nga namin nagawang kumuha ng baril o dos por dos! Marami talaga sila, halos iipit kami sa pader huwag lang makakilos! Itong mga kapatid mo, tinulak-tulak pa sa sahig!” Mangiyak-ngiyak na sumbong ni Mama. “Hindi mo kaya kaaway ‘yon, Erros?!” Biglang pagsingit ni Tatay na kanina pa tahimik na nakikinig sa gilid namin. Lumingon si Erros sa ‘min saka agad na sumimangot at umiling. “’Yung mga kaaway ko naman diyan mga pipitsugin lang. E ‘yung mga lalaki kagabi hindi niyo ba nakita ‘yung mga dalang baril? Puro matataas na kalibre!” Lumapit sila Kuya Eric sa ‘min nang makitang narito na ako. “Pwede nating isipin na mga pulis ‘yon. Kaso kahit mga pulis sa gobyerno hindi naman nabibigyan ng ganoon kagagandang mga baril. Ang lalaki, e!” Aniya pa. “Bakit daw po ba pumasok dito?” Salubong ang mga kilay na tanong ko sa kanilang lahat. “Wala namang nasaktan? Nabaril? Naospital?” Sinipat ko ang mga kapatid kong maliliit at nang mabilang na kumpleto pa naman ay kahit papaano nakahinga ako nang maluwag. “Hindi nga namin alam, wala namang ibang sinasabi habang nagkakagulo na kami. Nagpapanic kami. Pero sila tuloy lang sa paghahalughog ng buong bahay.” Sagot pa ni Mama. “Akala namin pulis pero kahit nakita na nila ‘yong mga nagkalat na gramo ng mga ipinagbabawal na gamot diyan sa bodega natin, wala! Wala naman silang naging pakialam! Tuloy lang sila sa paghahanap!” Hindi pulis? “Ang nakakagulat pa ro’n, kilala ka!” Pagsingit ni Erros saka itinuro ako. Lalong tumindi ang pagsasalubong ng aking mga kilay. “Ako?!” “Oo! Eicine, Eicine gano’n. Nasa’n ka raw.” Ani Mama. “Lumabas ka raw, ilabas ka raw namin at huwag itago. Isasama ka raw nila, kailangan ka raw isama kung ayaw naming may masaktan gano’n ang sinasabi! Diyos ko nanlalamig na naman ang mga kamay ko maaalala ko lang ‘yon!” Bulalas ni Mama. “Alam mo bang tinutukan pa ng baril ang kapatid mong si Elmo! Nanginig talaga ako sa takot, tinawagan ka namin nang patago pero hindi ka naman sumasagot, hihimatayin ako halos sa nerbyos hindi ko kaya alalahanin kahit ngayon!” Aniya saka naiiling na pumasok sa loob ng bahay nang marinig ang pag-iyak ng bunso kong kapatid doon. Pinanood namin siya nila Tatay na paalisin ang mga tsismosang kapitbahay na nakikinig sa usapan namin. Puro bulungan ang naririnig ko mula sa kanila habang nililisan ang munti naming bahay, mukhang ang lahat ay nabulabog at natakot nang husto. May kung anong sinabi sila Kuya Eric kay Tatay kaya napunta ang atensyon ko kay Elmo na bigla akong kinalabit. “Alam mo, Ate, hindi naman ako marunong magdasal pero kagabi napatawag talaga ako sa Kaniya!” Turo niya sa langit. “Tapos pagkatapos ko magdasal, biglang may mga dumating na lalaki pa ulit. Mukhang hindi sila kasama ng mga naunang grupo ng mga lalaki na nanggulo sa bahay kasi may sinabi sila do’n sa mga iyon at nagkatutukan ng baril kaya umatras ‘yung mga nanggulo.” “Talaga?” Hindi ko na yata mabilang kung ilang beses ako nagulat magmula pa kanina. “Pero bakit ako hinahanap... hindi kaya isa sa mga lalaking fiance iyan ng mga client ko...” mahina na lang na tanong ko, sa sarili ko na lang. Gusto kong matakot at magtaka. Sino ang mga iyon. Nameywang si Tatay at hinarap ako. “Ikaw ba, wala ka bang nakabanggang illegal na grupo o organisasyon?” Prangka at seryosong-seryoso na asik niya sa ‘kin. “Hindi basta-basta ang mga taong ‘yon, mukhang galing ‘yon sa malakihang grupo.” “Oo nga, Ate. Palagi ka ring wala rito, e.” Segunda ni Elmo na tinanguan din ni Erros. “Sa ‘ming lahat, ikaw ‘yung mas nakakasalamuha ng iba’t-ibang tao dahil kamo sa night club ka nagtatrabaho sa gabi. E ‘di ba mas maraming parokyano at iba’t-ibang porenjer do’n!” “Wala naman! Kapag alam kong delikadong tao hindi ko naman nilalapitan...” iling ko saka natigilan sandali nang maalala... ang sinabi ni Ashley noong nakaraang nagkausap kami. “Mayaman ‘yon!” Bulalas ni Ashley na ang tinutukoy ay ang bago kong boss sa trabaho. Si Kaijin Valencia. “Pero bukod doon, usap-usapan dito sa bar na delikadong tao siya. Hindi mo alam? Walang proof ang tsismis na ‘to pero ang sabi nila... leader siya ng sikretong organisasyon.” Hindi ako naniwala sa kaniya noong mga oras na ‘yon dahil ang alam ko lang ay nagbebenta si Kai ng mga ilegal na armas, nakikipagnegosasyon lang siya sa mga kliyenteng mayayaman at nasa katinuan pa naman kapag kinakausap ko... ‘yon lang. Wala namang organisasyon akong nakita ro’n. Si Kai at ang mga tauhan niya lang. “Kung wala kang matandaan na kahit sinong kahina-hinala...” umpisa ulit ni Tatay saka tinignan ako sa mga mata nang seryoso. “kailangan mong kausapin ‘yang Kaijin Valencia na ‘yan. Baka may ideya siya sa nangyari.” Makahulugang sambit sa akin ni Tatay bago nagpasyang pumasok sa loob ng bahay namin. Naiwan akong nakatulala at nag-isip isip. Imposible. Hindi ko maisip nang mabuti kung paanong magkakaroon ng ideya si Kai rito. Maaaring nagkakamali lang ng hinala sila Tatay at Kuya. MATAPOS tulungan sila Mama, Tatay at ang mga kapatid ko sa pag-aayos ng aming bahay ay saglit akong natulog at nagpahinga ng ilang oras, pinilit ko lang dahil may duty pa ako sa trabaho kahit noong una ay halos hindi ako pagpahingahin ng pag-aalala sa mga misteryosong lalaking nag-trespass sa bahay namin kagabi at ako pa ang hinahanap. “Good afternoon!” Bungad ng mga katrabaho kong naabutan ko sa lobby nang magtungo na ako sa gusali ng pinagtatrabahuhan kong Secret Help Hotline organization. Isinara ko ang transparent door ng gusali habang pasulyap-sulyap sa labas. Wirdo kasing parang may mga sumusunod sa ‘kin na hindi ko kilalang mga lalaki sa buong oras na nag-commute ako papunta sa lugar na ‘to. Naiwala ko lang sila no’ng kinakabahang binilisan ko ang paglalakad, sakto pang gitgitan ang mga pasahero sa pagsakay ng bus kanina kaya hindi ko alam kung nasa’n na ang mga iyon. Feeling ko nga hoholdapin ako. Pero nakasunod lang kasi, hindi naman ako nilalapitan. Baka stalker. Naiintindihan ko naman na baka may nabighani ang beauty ko nang hindi ko namamalayan at sinusundan na ‘ko kahit sa’n magpunta pero ang creepy. Anyway. Sila Henry ang nabungaran ko sa frontdesk ng gusali kasama sila Barron at ang iba pa nilang mga kasama sa iisang department. Hindi ko sila nakakasama ng trabaho sa mga night club dahil mga babae ang nakatoka roon kaya ang trabaho lang nila ay either taga-edit o taga-kuha ng video sa mga mangyayaring trabaho namin sa night club, ‘yong video na ‘yon ay isisend namin sa mga babaeng kliyente bilang ebidensya sa kung ano ang action na gagawin ng mga fiance nila sa setup na mangyayari. Kaya madalas ay nandito lang talaga sila. Nakakasama ko lang kapag ganitong umaga, may meeting o may mga mahahalagang okasyon ang organization na ‘to at kailangan magtipon ng lahat. “Walang good sa afternoon ko.” Dire-diretsong lumapit ako sa front desk at inagaw ang hawak ni Barron na ballpen para pumirma sa logbook. “Sinong nagbayad diyan ng mga gangster para takutin ako kagabi, ha? Umamin na agad!” Pabirong bulyaw ko sa kanilang lima na naroon. Pero si Barron at Henry lang talaga ang ka-close ko. “Gangster?” Nagtatakang tanong ni Henry. “Bakit, anong nangyari sa ‘yo kagabi? Absent ka nga sa trabaho kagabi!” Tumango si Barron at itinukod ang kaliwang braso sa frontdesk saka humarap sa ‘kin. “Oo nga, hindi tuloy kumpleto ang araw ko.” Biro niya. Inirapan ko silang dalawa. “Gano’n talaga masanay na kayong hindi ako araw-araw nakikita simula ngayon. Ikaw, masanay ka nang hindi nakukumpleto ng ganda ko ang araw mo simula ngayon.” Duro ko pa kay Barron. Tumawa si Henry. “Balita namin kay Kuya Darius ay nakasalubong mo ‘yung Valencia noong nakaraang gabi ah? Balita do’n?” Pag-usisa niya. Napaisip ako saglit at natigilan nang banggitin niya si Kai. Hindi ko kasi bet ipaalam kahit kanino na alila ako ni Kaijin ngayon dahil sa kalokohan ni Erros. Kay Ashley ko lang sinabi dahil kahit pa’no ay mapagkakatiwalaan naman ang gaga na ‘yon. Then, si Kuya Darius naman na tinutukoy niya ay ‘yong camera man ko sa night club. Tagakuha ng video mula sa gilid habang ineentertain ko ang target customer of the night. “Nagandahan lang sa ‘kin ‘yon kaya ako hinarang no’ng gabi na ‘yon. Alam niyo naman ang beauty ko, rare na rare. Itong si Barron nga inlove na inlove sa ‘kin eh.” Pabirong tinapik ko ang pisngi ni Barron bago natatawang tumalikod na sa kanila. Naglakad ako patungo sa gawi ng hagdan, tutungo na sa opisina ng president nitong Secret Help Hotline organization, kailangan kong utuin siya para makuha ang advance salary ko, ang daming nasira na gamit sa bahay, kailangan daw nila Tatay ng pambili ng materyales sa hardware. Nang makarating sa harapan ng opisina ni Madame A na president namin dito ay napahinto ako, naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko nang sunud-sunod. Kinuha ko iyon mula sa bulsa ng suot kong maong shorts. Awtomatikong umangat ang kilay ko nang bumungad ang pangalan ni Kaijin. May ilang messages at missed calls. Sandali, sinave niya ang number niya rito? Master Kaijin sent you a message (2). MASTER KAIJIN? Ha? Wow ha? “Ang kapal ng mukha ng unggoy na ‘yon para pakialamanan ang phone ko...” gigil na ngumuso ako. Ang dami ko pa namang pa-cute na selfie rito, bwisit talaga ‘yon. Mariin kong tinouch ang screen at binuksan ang messages niya. From: Master Kaijin Where exactly are you right now? Answer my call. From: Master Kaijin Are you safe? Reply if you’re still breathing and alive Nangunot ang noo ko. Ano raw? Iba na naman yata ang trip ng unggoy na ‘to ngayon. Nagtipa ako ng reply. To: Master Kaijin Nasisiraan ka na naman ba ng ulo? Siyempre buhay pa ako, bakit ako mamamatay masama akong damo. To: Master Kaijin Ikaw dahil ubod ka ng bait sana kunin ka na ni Lord. Wala pang ilang minuto nang mag-ring na ang phone ko. Tumatawag na ang unggoy. “Oh, bakit ba?” Kunwa’y bagot na bungad ko sa kaniya pagkasagot ko ng tawag. “Miss mo agad ako kakahiwalay lang natin kanina.” Natahimik siya ng ilang saglit saka nagsalita. Seryoso at hindi pinapatulan ang biro ko. “Where are you? Who’s with you right now?” Nagsalubong ang mga kilay ko. “Bakit mo ba tinatanong, hoy baka nakakalimutan mong 12 hours lang ang maximum time ng usapan nating pagtatrabaho ko sa ‘y-“ “From now on you’ll update me about your whereabouts, mga lakad mo sa kung saan-saan at mga taong kikitain mo.” Natigilan ako ng ilang segundo habang nakangiwi. “Hala feeling jowa ka na, teh, ligawan mo muna ‘ko kung type mo ‘ko hindi ‘yung ganiyan tap-“ “Just send me the details that I'm asking from you or else patitirahin na kita sa pad ko at 24 hours na kitang pag-stayin dito sa workplace ko. I’m sure you won't like the latter idea.” “E ano ba kasing dahilan!” Ilang segundo siyang nanahimik. Parang napapaisip pa yata ng sasabihin kaya ookrayin ko na naman sana na baka crush niya lang ako nang mauna na siyang magsalita ulit. “I’m just thinking about the safety of whoever becomes my assistant. Hindi biro ang mga kliyente na nakakasalamuha ko, nakikita rin nila ang hitsura niyo kaya baka-“ “So in short nag-aalala ka sa ‘kin? Naks!” Pang-aasar ko na naman saka ngumisi at tinukso siya ng kung anu-ano hanggang sa binaba na nito ang tawag. Natatawa-tawa na itinago ko na lang ang phone ko sa ‘king bulsa. Naiintindihan ko naman ang point niya, gusto ko lang talaga siyang asarin. Ibig sabihin may natitira pang kabutihan sa kaibuturan ni Kaijin, mabuti naman kung gano’n, akala ko puro ka-arogantehan lang ang dumadaloy sa mga ugat at dugo niya. “Good afternoon po, Madame A.” Bungad ko sa president ng org namin na ‘to pagkasigaw niya na pwede kong buksan ang pinto ng opisina niya at pumasok sa loob. “Nabasa niyo po ba ang text message ko kanina? ‘Yun po kasi ang ipinunta ko ngayon...” medyo nahihiyang saad ko. Sinulyapan ako nito at seryosong-seryoso na iniabot ang baso sa gilid. Nagulat ako nang kuhanin niya ro’n ang pustiso niyang nakababad sa tubig saka sinuot. “Ah babale ka na ng sahod, tama ba?” Aniya. Tumango ako at nahihiyang lumapit sa mesa niya na may maraming gulu-gulong libro at mga folder. “Baka lang po maisipan niyong payagan ako, outstanding employee niyo naman ako ng three months, binibigyan pa ho kita ng turon no’ng mga nakaraan lang. Tsaka ‘yung kutsinta na may yema, nagustuhan mo ba iyon, Madame?” Nakangiting tanong ko, inuuto siya. Agad namang lumiwanag ang kaniyang mukha. Mahilig kasi ‘yan sa pagkain kaya no’ng nalaman ko ‘yon panay na ang suhol ko sa kaniya ng gano’n para lang payagan niya ‘ko sa mga bale at absent ko. “Ay oo! Sarap no’n, ah!” “Oo, Madame, bigyan pa kita? Order ka na lang sa ‘kin, wampipti lang isang bilao na!” Nawala ang ngiti ng matandang dalaga. “Akala ko libre ulit?” Kita mo ‘to napaka-kuripot. Umiling siya at winasiwas ang kamay. “’Di bale na lang, gastos lang ‘yan. Oh heto ‘yung advance salary mo.” Mula sa maliit na tukador ay kumuha siya ng puting sobre saka padabog pang inilapag sa ibabaw ng mesa. Ngiting-wagi na lumapit ako sa kaniya saka aabutin na sana iyon nang paluin niya ang kamay ko, napasimangot na nag-angat ako ng tingin sa kaniya. “May Christmas Party tayo sa darating na Sabado, ibabawas ko na rito ang ambag mo, bawal ang hindi sasama.” Walang paawat na binuksan niya ‘yong sobre saka bumawas ng 1k at 5 hundred! “Ang laki naman ng ambagan! E ‘yung matitira iaambag ko rin sa bulsa ng nanay at tatay ko pag-uwi!” Nakangusong angal ko habang naka-extend pa rin ang braso, inaabot ang binawasang sahod ko. “Gano’n talaga! Sa VIP room ng La Satina Bar ‘yon, mamahalin kaya bawal ang dalawangdaan lang na ambag!” Palengkera ang tono na aniya. “Isa pa, hindi lang basta Christmas Party iyon.” “Ano pa ho?” Wala ng gana na sagot ko. E, kasi kalahati ng sahod ko ay napupunta na kila Mama tapos nabawasan pa ng wanpayb. Titipirin ko pa ng isang buwan iyan eh! Malapit na pa naman ang pasko! Kapag wala akong choice mambuburaot na lang ako kay Kaijin sa pasko, tutal mayaman naman ‘yon. “May mga darating na foreigner sa VIP floor na ‘yon! Mayayaman! Inimbitahan ko dahil may porsyento ako, naghahanap ng mga babae, e.” Taas-baba ang mga kilay na pagbabalita niya saka ngumisi. “Kapag natipuhan ka, pwede ka ng ayain magpakasal! E ‘di yayaman ka na! O kaya one night stand tapos bibigyan ka datung!” Bahagyang napangiwi ako. Tsismis na iyan nila Ashley sa ‘kin noon pa, na kapag may mga party raw taun-taon silang binubugaw ni Madame A sa mga mayayaman na lalaki, foreigner man o hindi basta kung sino ang papayag sa offer niya na indirect benta ng mga babae sa org na ‘to, kasi malaki rin ang porsyento niya. E ayoko naman magpatusok sa mga ‘di ko kilala?! Kahit kilala ko pa, ayoko magpatusok! “Ay, Madame A, pass po ako riyan. Ayoko ng foreigner kahit mayaman pa iyan.” “Kahit malaki ang talong?!” “Kahit malaki ang talong, Madame A! Ayaw!” Tanggi ko saka padarag na kinuha na ang sobre. “Makiki-party lang po ako pero out ako sa mga foreigner na iyan ha.” Pagkalabas ng silid ay naisipan kong magsabi na agad kay Kai patungkol doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD