CHAPTER 19

3241 Words
CHAPTER 19 PUMASOK ako sa loob ng night club nang mai-abot na sa ‘kin ni Ashley ang client card mula sa Secret Help Hotline org namin. Napa-buntonghininga ako habang may bakas ng kaba na sinisipat ang buong kapaligiran ng ground floor. Hindi kasi dapat ako papayagan nila Mama at Tatay na lumabas pa ng bahay namin ngayon at pumasok ng trabaho na ‘to sa night club dahil nga sa nerbyos pa rin mula sa nangyari kagabi pero nagmatigas ako. Sayang naman ang pay na aabsentan ko para sa gabi na ‘to, bukod kasi sa sahod ko ro’n kay Madame A ay may malalaking tip pa ang mga client sa ‘kin palagi. Isa pa, parang mas natatakot nga akong mag-stay sa bahay namin ngayong gabi. Pakiramdam ko may mangyayaring masama kapag naulit na naman ang pagpasok ng mga hindi kilalang lalaki na ‘yon sa ‘min at masaktuhang naroon ako sa bahay. Naiiling na nagtungo na lang ako sa bar counter nang hilahin ako ro’n ni Ashley para umorder ng isang glass ng martini. “Ibig mong sabihin ay may mga naghahanap sa ‘yo kagabi na armadong mga lalaki?” Ulit ni Ashley sa kwento ko sa kaniya mula pa kanina, gulat ang rumerehistro sa kaniyang mukha. Paulit-ulit talaga iyan kahit naka-ilang kwento na ‘ko kapag hindi siya makapaniwala. “E ‘di sakto lang pala na isinama ka ni Kaijin sa bachelor’s pad niya?!” “Sshh!” Gigil na kinurot ko ang tagiliran niya. “Sinabi ng manahimik ka?” Ingay-ingay nito. Paranoid na napalingon-lingon ako sa paligid kung may nakarinig sa kaniya, marami ng tao dahil hatinggabi na pero abala pa rin naman sila sa kaniya-kaniyang pag-uusap. Ayoko namang kumalat na nagtatrabaho ako kay Kai ngayon, paniguradong aalamin nila kung pa’no ‘yon nangyari. Ano naman ang sasabihin kong dahilan? Ah kasi po hinoldap siya ng kapatid ko kaya heto at ako ang pinagbibintangan at pinagbabayad ng iPhone niyang hanggang ngayon hindi pa rin niya nahahanap. Ayoko nga! Sa ganda kong ‘to, mas mabuti ng hindi nila ‘yon malaman at isipin na lang na type na type ako ni Kaijin kaya makikita nila kaming madalas magkasama rito at sa ibang lugar. “Aray ko ha! Ba’t nangungurot ka! Ang lakas-lakas ng tugtugan dito ngayon sino namang makakarinig sa bulungan natin, takot na takot naman ‘to!” Irap niya. “Basta itikom mo ‘yang bibig mo.” Ani ko sa kaniya. “Pero mabalik nga tayo! Ang sinasabi ko lang naman, mabuti wala ka sa bahay ninyo kagabi kung hindi ay baka abducted ka na or tuluyan ka ng kinidnap para kuhanin ang mga laman-loob mo, or mas malala baka hinalay ka na, sexy ka pa naman!” “Talaga? Sexy ako?” Nakangising bulong ko matapos siya lingunin. Inirapan ulit ako ng gaga. Nilamon na talaga ‘ko ng mini insecurities ko kakalait sa ‘kin ng unggoy na Kai na ‘yon tuwing magkasama kami, hindi na tuloy ako makapaniwala kapag may pumupuri sa katawan at hitsura ko! “Magpasalamat ka ro’n kay Valencia, ipakilala mo na rin ako baka naghahanap pa siya ng isa pang assistant.” Aniya saka nagtaas-baba ang mga kilay na ngumisi sa ‘kin. “Kahit bed warmer pa na walang sahod! Basta siya na may matipunong katawan at gwapong mukha! Ay, super payag ako! I volunteer!” Ngiting-wagi na ani niya habang nakataas ang parehong mga kamay. Napasimangot na nginiwian ko si Ashley. “Manahimik ka nga.” “Bakit? Hindi mo ba ‘yon type?” “Hindi. Over my dead body!” “Hindi mo type o ayaw mo lang akong umeksena kasi type mo?” Pang-aasar niya pa. “Hay nako, kahit magsama pa kayo.” Mabilis na tanggi ko, sa sobrang bilis ay muntikan pang mautal. “Galit na galit ako ro’n, sis! Pogi lang ‘yon at hot pero malakas manlait ‘yon!” “Baka sa ‘yo lang naman gano’n kasi childhood friends kayo. Kapag ako ang nakita no’n, naku! Rawr!” Nagbibiro niyang sabi saka humalakhak. Tinitigan ko siya nang masama.   “Joke! Pero naalala ko rin ‘yong huling target customer mo no’ng nakaraan, ‘yung ex-convict? Hindi ba muntikan ka na rin mapahamak doon dahil may dala ring baril kung hindi lang dumating si Kaijin Valencia at hinarang kayo?” Natigilan ako agad nang matapos siya sa sinabi. “Hmm, masyado yatang nagiging savior sa ‘yo ‘yong Valencia na ‘yon.” Nakita kong malisyosa siyang ngumisi sa ‘kin saka inilapit ang ulo sa mukha ko at nang-aasar na kumanta. “Tadhana na nga kaya?” Gigil na hinila ko ang ilang hibla ng buhok niya. “Sintunado ka, ‘wag mo ‘kong kinakantahan ng ganiyan.” Natatawang nang-asar lang siya patungkol sa ‘kin at kay Kai na hindi ko na pinakinggan at binasa na lang ang nakalagay sa ibinigay nito kaninang client card. Naroon ang description ng hitsura at personalities noong target customer ko ngayong gabi kaya hindi nagsasayang ng oras na nagpaalam na ako kay Ashley para gawin ang mga dapat kong gawin, kasunod ko ang nakatago lang sa gilid-gilid na tagakuha ng video. Nang lumalim ang gabi at lumalim din ang pag-uusap namin nitong kasama ko sa table na mayamang target customer ay nag-umpisa akong magpakita ng motibo sa kaniya sa pisikal na paraan. Napapagod na ‘kong magpa-cute at magpa-sexy sa usapan naming puro patungkol sa mga reklamo niya sa gobyerno, iba rin yata trip nitong lalaking ‘to ngayong gabi. “Do you want to go somewhere? Baka gusto mong mag-hotel...” Flirty na tanong ko sa kaniya saka inabot ang hita niya at hinaplos nang bahagya. Mukha siyang nasa 30s gano’n, may itsura naman pero iyon nga, ang reklamo ng fiancee niya sa kaniya ay cold ito at mahilig sa mga night clubs kasama ang mga kaibigan. Baka raw interesado pa sa ibang babae at hindi sa kaniya kahit nangako naman na papakasalan siya kaya gusto niyang malaman kung faithful sa kaniya, kaya lumapit sa Secret Help Hotline org namin. Anyway, problema na nila ‘to, gagawin ko lang ang trabaho ko. “Somewhere?” Natatawang ulit nito saka walang paawat na iniikot ang braso sa ‘king beywang. Bahagya akong nagulat. “Bakit hindi na lang dito? Hmm?” Nakagat ko ang ibabang labi ko, nagpipigil na sumimangot at magmaldita habang nagpepeke pa rin ng ngiti, dito talaga? Cheap ah. “Sige, ikaw ang bahala.” Malumanay at sinadyang seductive ang tono na ani ko sa kaniya. Kahit naman dito pa kami mag-make out ay walang problema, ang mahalaga ay makakuha ng video evidence ang katrabaho ko at tapos na ang work ko sa gabing ‘to. Kahit labag na labag sa loob ay inilapit ko ang sarili ko sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit diring-diri ako sa mga babaerong uri ng lalaki. Mabuti sana kung single. Nag-umpisa siyang iparoo’t-parito ang haplos sa ‘king beywang at amuyin ang aking leeg habang inilalapit din ang sarili sa ‘kin. Naalala ko tuloy si Kaijin at ang unang gabi na nagkausap kami, ‘yon naman ay single pero babaero pa rin, gano’n din nakakainis din. Pareho kaming lasing no’ng gabing ‘yon at sakto pang madilim ang paligid, hindi rin nakatulong ang malabo kong mga mata na walang suot na may gradong contact lenses no’ng mga oras na ‘yon kaya marahil hindi talaga namin napansin ang isa’t-isa. Pero siya, tinititigan niya naman ang mukha ko no’ng mga oras na ‘yon. Engot lang talaga siguro ang unggoy na ‘yon at hindi ako nakilala, kung sa bagay ay lagpas limang taon din kaming hindi nagkita. Pero kung may girlfriend siya ngayon... sa tingin ko maiinis din ako. Hindi naman sa ayaw kong may girlfriend siya pero... wala, feeling ko lang maiinis ako? Kasi dapat huwag nilang patulan ‘yon, masama ang ugali no’n, ako ang nakakaalam ng tunay niyang budhi! ‘Yon lang naman ang rason. Oo, tama ‘yon lang. Kaya huwag nilang patulan at jowain. Idinukdok ng lalaki ang kaniyang mukha sa ‘king leeg kaya nangingiwing tinignan ko ang katrabaho kong nagvi-video sa ‘min ngayon. “Is it really okay to kiss you here?” Ani niya habang nangingiting hinahalikan ang leeg ko pataas sa ‘king pisngi. Patanong-tanong pa, siyempre hindi okay! Kaunting minuto lang naman ang hihintayin ko para i-cut na ang video, pwede ko na siyang itulak kapag okay na saka iwan dito. “Okay lang, wala namang problema...“ hindi ako kumilos at hinayaan lang siya sa ginagawa niyang paghawak at paghalik sa balat ko. Habang tumatagal ay nararamdaman kong mas dumidiin ang hawak niya sa ‘kin, nanggigigil dulot na rin siguro ng alak na kanina pa iniinom kaya naman mahinang bumuga ako ng hangin. Sumenyas ako sa katrabaho ko ‘di kalayuan sa ‘min. I mouthed matagal pa ba ang pagvivideo mo? Pwede ko na bang itulak ‘tong lalaking ‘to? Pero imbis na sa sagot noong katrabaho ko na nakaupo sa table malayo sa ‘min ang pagpokusan ko ay hindi sinasadyang napadpad ang aking paningin sa pares din ng mga matang nakatingin nang matalas sa ‘kin. Halos masamid ako nang makitang si Kaijin ang lalaking ‘yon na nagtatapon ng malamig na malamig na tingin sa kung nasaan ako ngayon! Ha! Anong ginagawa niya rito?! Kung sa bagay ay palagi raw siya rito! Naramdaman kong na-conscious ako ng sobra at nailang nang husto! Nag-iwas agad ako ng tingin at bumaling na lang sa lalaking katabi ko ngayon, sakto pang lumayo rin siya nang bahagya sa ‘kin para hawakan ang aking mga pisngi. “Ang kinis-kinis mo naman, nakakagigil ka! Sana ganito ang lahat ng mga babaeng nati-table ko gabi-gabi pero hindi. Swerte ko naman ngayon.” Ngiting-ngiti na aniya saka inatake na naman ang aking leeg na parang manyak. Hindi ko alam kung bakit biglang abot-abot ang pag-iingay ng dibdib ko ngayong nakikita ko si Kaijin na hindi man lang kumukurap at nag-aalis ng masamang tingin sa ‘kin. Nakatukod ang mga siko nito sa magkabilang hita habang nakahawak ang isang kamay sa baso na may lamang alak. Pakiramdam ko ay lalong hindi ako nakomportable dahil kay Kai! “U-Uhm, excuse me, pwede bang mag-iba tayo ng place?” Kamot-ulong pigil ko sa katabi kong lalaki pero hindi niya ako pinakinggan at sa halip ay umangat lang ang kamay nito sa ‘king dibdib at ang sunod na ginawa ay hinalikan ako sa labi! Namilog ang aking mga mata. Hala gago, kadiri! Wala ‘yon sa script ko tonight! Itinulak ko agad siya palayo kaya kahit nagtataka ay nagtuloy ito sa paghalik sa ‘king leeg, umaatras na ako ng upo ngunit tuluyan na yatang umakyat ang alak sa utak ng isang ‘to at wala ng pakialam. “T-Teka, sandali, time freeze! Lasing ka na ba? Uwi ka na kaya sa inyo?” Awat ko. Nakita ko kung pa’no lalong dumilim ang tingin ni Kaijin sa ‘kin nang malingon ulit ako sa mga mata niyang tila minamagnet ang atensyon ko. Nag-unat ito ng leeg at mula sa kinaroroonan nito ay inilapag ang baso na hawak sa mesa saka dire-diretsong tumayo. Nakita kong tinawag pa siya ng mga katabing lalaki, nagtataka rin siguro kung sa’n ito pupunta pero hindi niya tinapunan ng pansin. Wait, papunta siya sa gawi ko! Natataranta at hindi alam ang gagawin na lumingon na lang ako sa katrabaho kong kumukuha ng video, saktong sumenyas din ito na okay na at pwede ko ng alisan ang manyak na lalaking ‘to kaya dali-daling kinuha ko na ang sling bag ko at tumayo ngunit hinatak niya ako sa beywang pabalik! “E-Excuse me, sandali, huwag mo na ‘kong hawakan... may pupuntahan pa pala ako.” Pigil ko sa lalaking nakahawak sa katawan ko pero hindi siya nakinig at sa halip ay lalong mas inihawak ang kamay sa ‘king mga dibdib at sa ‘king panga. “Bitiwan mo ‘ko, ano ba-“ Bigla na lang siyang nawala sa tabi ko, may humatak sa kaniya at nagulat na lang ako nang sumubsob na ito sa sahig! Hawak-hawak ang namumulang pisngi at panga na nag-angat siya ng tingin sa kung sino. Sumalubong sa ‘kin ang galit nitong mga mata. “Kai...” Mahigpit na hinatak ni Kai ang palapulsuhan ko kaya naman padarag na napatayo ako mula sa kinauupuan. Ang lahat ng atensyon ng mga tao ngayon ay nasa amin na dahil sa nagwawalang lalaki na mukhang sinuntok niya sa mukha! Inaawat ito ng mga tauhan ni Kaijin kaya naman hindi siya makalapit kahit anong gawin niya. “Stop the music.” He mouthed to someone, ‘yong DJ ng night club ang sinenyasan niya nang makita nitong nakatingin sa kaniya at sa gawi namin. Sinubukan kong bawiin ang palapulsuhan ko pero mas hinigpitan niya pa rin ang pagkakahawak. “Hoy, bitiwan mo ‘ko isa ka pa. Ang dami ng nakatingin...” nakangiwing bulong ko sa kaniya habang iniyuyuko ang ulo. “That’s just exactly what I want right now, Eicine, I will need their attentions few seconds from now.” Umismid siya sa ‘kin ngunit nanatili ang mga matang matatalim ang tingin. “Anong ibig mong sabihin... anong gagawin mo?” Kinakabahang asik ko sa kaniya. Tumigil ang malakas na tugtugan sa buong night club at ang natira na lang ay ang bulungan ng mga tao sa paligid namin na nasa amin pa rin ang atensyon, unti-unti ring natahimik iyon nang humarap sa kanila si Kaijin. “See this woman beside me? This is Eicine Montes...” Malakas na aniya habang ang itinuturo ng daliri ay ako. Nahihiya sa lahat ng atensyon na namilog ang mga mata ko at pasimpleng kinurot nang mariin ang braso niya! Anong ginagawa ng unggoy na ‘to! “Kaijin!” Saway ko. “Starting this night, I don’t want to see anyone of you or your acquaintances talking with this woman, kahit lumapit o dumikit lang! Or else I’ll point this to your head.” Saad niya habang unti-unting itinataas nang bahagya ang hawak na baril, nagsinghapan ang mga babae sa paligid habang namamanghang ngumisi ang mga lalaki sa night club! Hindi makapaniwalang tinignan ko si Kaijin, kanina pa laglag ang panga ko pero mas lalo pa nang marinig ang sunod nitong sinabi sa lahat! May tumawang lalaki mula sa kinauupuan niya kanina kaya napunta roon ang atensyon ng lahat. “Come on, Kai, tell us the reason. Is she your new f**k buddy?” Nakangising asik ng lalaking mukhang kaedad niya lang doon, halatang nag-eenjoy sa nangyayari. Umangat ang sulok ng labi ni Kaijin nang marinig iyon. “Well, she’s off-limits. She’s mine alone and I don’t share,” baritono ang boses na dagdag niya pa bilang anunsyo kaya namimilog ang mga matang nilingon ko muli siya. “I hope you all keep this announcement in mind. My gun’s always loaded and I’m no kidding about this.” “Alright! You all know Kaijin Valencia, sumunod kayo kung ayaw niyong sumabog ang mga ulo niyo!” Anunsyo ng isa sa mga kasama niya kanina sa couch, nakangisi at halatang natutuwa sa nangyayari. Sumipol ang ibang lalaki. At base sa ekspresyon ng mga naroon ay takot sila kay Kaijin, maimpluwensya siya rito kaya paniguradong wala na talagang lalapit sa ‘kin sa mga susunod na gabi! Sira na talaga ang ulo ng unggoy na ‘to! “Nababaliw ka na.” Nakangiwing bulong ko sa kaniya, inirapan lang ako nito at nilingon ‘yong lalaking target customer ko kanina kaya kahit lasing ay takot ‘yon na umatras palayo. NAKAHINGA lang ako nang maluwag nang hilahin na ako ni Kaijin palabas ng night club na iyon. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin pero ang alam ko lang ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga pinagsasabi niya kanina! “Hindi naman kita mapapaalis sa trabaho mo kaya ‘yong mga lalaking ‘yon na lang ang pag-aadjustin ko. So right now you’re left with no other choice but to resign from that shitty job.” Basag niya sa katahimikan. Gigil na nakagat ko ang ibabang labi ko nang ma-realize na tama ang sinabi niya, kung ang target customer ko ay mapadpad sa kahit ano sa tatlong night club na nakahilera sa lugar na ‘to, sigurado akong hindi na ‘ko e-entertainin o kakausapin ng mga iyon. Nagulat ako nang hawakan niya ako sa magkabilang balikat saka pinagmasdan ang kabuuan ng aking mukha. “Tsk, tsk.” Palatak niya saka naiiling na pinunasan nang mariin ang labi at leeg ko, napako ang tingin ko sa mga mata nitong lumambot na lang bigla habang nakapokus sa ‘king labi. Muli ay nagtatambol na naman ang aking dibdib sa hindi... maipaliwanag na rason. Nabalik lang ako sa realidad nang bigla nitong pitikin ang noo ko! “Aray! Gago ka talaga palagi!” Singhal ko habang hawak-hawak ang noo. “You see, you don’t have to work as a decoy to someone’s fiance. Work as my full time assistant instead.” Dugtong niya saka pumameywang sa harapan ko na parang gigil na gigil sa sinisermonan. “Pumapayag ka na hinahawakan ang katawan mo at hinahalikan gabi-gabi ng kung sinu-sino?!” Pinanliitan ko siya ng mga mata. “Bakit mo ba pinapakialamanan ang trabaho ko, concern ka ba sa ‘kin? Daig mo pa mga magulang ko! Type mo ba ‘ko ha?!” Pinagkukrus ang mga braso na singhal ko sa kaniya. “Pa-she’s mine, she’s mine ka pang nalalaman kanina! Kaunti na lang ay iisipin kong possessive feeling jowa ka lang kaya mo pinapakialamanan ang trabaho ko!” Naglikot ang kaniyang tingin at sarkastikong tumawa. “I... I don’t like you. Gusto ko lang na pilitin kang mag-full time assistant ko, marami akong ipapatrabaho sa ‘yo, ‘yun lang ang rason ko.” Mabilis niyang tugon na nagpadiretso ng linya ng aking labi. “Baka nga mas mag-alala pa ‘ko ro’n sa mga customer mo.” Tangging-tanggi, sa ganda kong ‘to?! Exotic beauty siguro ang mga type niya. E ‘di go! Doon siya sa mga babaeng mukhang exotic! “Excuse me pero bet nila ‘ko, gandang-ganda sila sa ‘kin. ‘Di kagaya mo, juding ka kasi!” Irap ko saka nagmartsa na palayo sa kaniya. Uuwi na lang ako, ang mahalaga nakakuha na ng video ko at no’ng target customer ko, ‘yong katrabaho ko bago umeksena ‘tong unggoy na ‘to. “Tss. They’re just drunk. Wait til they get sober.” Aniya habang naglalakad sa likuran ko. Sa sobrang gigil ay nilingon ko siya na may matalim na tingin at sinipa nang malakas sa tuhod! Napahiyaw siya sa sakit at napayuko para abutin ‘yon saka nag-angat ng masamang tingin sa ‘kin. Naalala ko na naman na maaaring maapektuhan ng ginawa niya ang trabaho ko kaya nangingiwi sa inis na sinipa ko pa ang isa niya pang tuhod! “Tangina! Sipa ka nang sipa, kabayo ka ba?!” Angal niya, hinihilot ang masasakit na mga tuhod. Ha! Deserve niya ‘yan! Kung makalait akala mo siya ang the most perfect man in the world. “Good bye sa ‘yo! Magkita na lang tayo bukas!” Nagsusungit na inirapan ko ito at tumalikod na para umalis ng lugar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD