CHAPTER 16

2903 Words
CHAPTER 16 “’YUN na ‘yon?” “Anong ‘yun na ‘yon?” Humikab ako dulot ng matinding antok saka siya nilingon pagkababa mula sa sasakyan nito. Kakarating lang namin dito sa Taguig kung saan matatagpuan ang mataas na gusali na kinalalagyan ng bachelor’s pad nito. At in fairness, ang ganda ng paligid kahit lobby pa lang ng building ang nasisilip ko. Halatang mga mayayaman lang nakaka-afford. “Tinatanong ko kung ‘yon na ba ‘yong sinasabi mong trabaho ko bilang assistant mo. Parang wala naman akong ginawa ro’n.” “Ano bang gusto mo, ikaw ang pagbuhatin ko ng mga box ng mga baril?” Inirapan niya ‘ko matapos pindutin ang remote control ng kotse at nauna nang maglakad papasok sa lobby ng building. Inis na pinanood ko ang likuran niya habang pinagkukrus ang mga braso sa dibdib. “Tignan mo ‘tong aroganteng lalaki na ‘to, tinatanong lang ng maayos, e.” Nilingon niya ako at seryosong tinitigan. “Susunod ka ba o riyan ka na lang matutulog buong magdamag?” Taas-noo at nagmamalditang naglakad ako palapit sa kaniya saka sinundan ito papasok sa loob. Halos mabali ang leeg ko kalilingon sa mga nadaraanan namin papuntang magarang elevator. Ang paligid ay sobrang lawak at sobrang ganda, maliwanag na maliwanag sa dami ng chandelier at mga disenyong puro salamin na wall. “Ang ganda dito, magkano monthly mo rito?” Curious na bulong ko sa kaniya habang pinipindot nito ang button sa elevator, 20th floor ang pinindot niya pero hanggang floor 35 pa ang buong building. Ang taas! Bumuntonghininga siya at nilingon ako na parang bwisit na bwisit na. “Kapag ganitong oras huwag ka nang matanong, Eicine. Hindi ka ba nauubusan ng energy?” “Monthly lang ang tinatanong ko.” “There’s no monthly fees, I already paid my pad in full.” Bagot niyang sagot. “Wooow! Sa ganda nito finully paid mo na agad? Ang yaman... magkano naman? Siguro million? One million o two?” “5 million.” Nakaawang ang bibig na iniurong ko na ang leeg ko para harapin siya saka lalong pinagtatanong, “Totoo? Bakit hindi ka na lang bumili ng bahay na malaki, ‘yung lupa gano’n!” Umaandar na naman ang pagka-tsismosa ko, nakakamangha talaga ang mga mapera! “I prefer this kind of place.” Tumikhim siya at lumabas ng elevator nang makarating kami sa 20th floor. May mahabang hallway at puro ‘yon hilera ng mga pintuang kulay puti, ang wallpaper ay mga kulay na royal blue at gold lining. May mga furniture design pa sa gilid, ‘yong mga gold na vases. Pwede kaya ibulsa ‘to? Magkano kaya ‘pag sinanla ko ‘to? Patakbong sumunod ako kay Kai nang marinig ang mahinang system sound doon sa pintuan niya, kaka-unlock niya lang gamit ang passcode. “Ang... laki! Mag-isa ka lang dito nakatira?!” Bulalas ko habang naglalakad hanggang sa pinaka-gitna ng bachelor’s pad niya. Hindi na sana ako magugulat pa dahil expected namang ganito ang dadatnan ko, hello mayaman siya, e! Pero ang ganda talaga ng hitsura ng pad niya! Pinaghalo ang kulay na gray, light brown at white bilang tema sa wallpaper, tiled floor at mga furniture magmula roon sa parte ng salas, sa mini bar na puno ng mga naka-design na shot glasses hanggang kitchen and dining area! Namilog pa ang mga mata ko sa nakitang mahabang aquarium, may malalaking ahas sa loob! Diretso ang linya ng labi na umatras ako mula roon. Ang kaliwang banda naman ay literal na full sized window, transparent glass ang mga iyon kaya tanaw na tanaw ngayong gabi ang city lights at mga bintanang may mga nakabukas pang ilaw mula sa mga kalapit na matataas din na building dito sa Taguig. “Hubarin mo na ang heels mo. Try to wear my slippers o kung gusto mong lamigin magpaa ka na lang magdamag.” Aniya habang naka-slippers na ngayon na pambahay at dumidiretso sa kitchen area. “And yes, mag-isa lang ako rito nakatira.” Naghubad ako ng heels sa bandang pintuan at nilagay sa shoe rack niya roon. Nakita kong may isa pang slippers doon na pink at may design na bunny. Napaangat ang kilay ko. “Bet mo ang pink?” Bakla? Kaya sobrang sungit? Sinasabi ko na nga ba. “That’s not mine.” Ang kaninang nakataas kong kilay ay mas lalo pang napaangat. “Sa girlfriend mo?” Pagkalingon ko sa kaniya ay naabutan ko siyang mahinang natawa habang umiinom ng tubig mula sa baso. “I’m single.” “Ah okay, fling, marami ka sigurong babae. Typical playboy na mayaman tapos pupunta lang ng mga night club kapag malamig ang gabi.” Tuluy-tuloy at walang prenong sinabi ko habang lumalapit sa kaniya sa dining area. Again, ang ganda ng furnitures, nasanay ako sa dining table namin na gawa sa platic at puro ngatngat pa ng aso namin ang paa ng mesa. Bakit kaya si Kaijin ang ginawang anak-mayaman ni Lord? ‘Di hamak na mas mabait naman ako sa kaniya? Narinig ko siyang tumawa at umismid. “Obviously that’s a normal need of a man like me, Eicine. Kita mo naman, ‘yong mga lalaki sa trabaho mong... walang kwenta. Nag-resign ka na ba do’n? Alam ba ‘yon ng mga magulang mo? Men were kissing you like a mad dog, don’t you have respect left for yourself?” Hindi makapaniwala at nakangiwing nag-angat ako ng tingin sa kaniya. “Sus! Akala mo naman ‘to makapagsalita! Ikaw nga diyan makahalik no’ng gabing nagkita tayo ulit, akala mo sabik na sabik sa s*x! Gandang-ganda ka siguro sa ‘kin.” Tinuro ko ang mukha niya. “Umamin ka!” Nagsalubong ang mga kilay niya na hinawi ang daliri ko. “Hindi lang kita nakilala, lasing na ‘ko no’n plus your makeup that night was too thick, you look like... bakla.” Insulto niya sa ‘kin kaya hindi makapaniwalang napaawang ang bibig ko habang kumukurap ang mga mata. “Isa pa ulit, kung nakilala ko agad na ikaw ‘yon, baka pinasok pa kita sa banyo at ikinulong.” “Ha! Kita mo na? Manyak ka talaga! Tapos ano, doon mo ‘ko-” “S-Siyempre hindi ako kasama sa loob! Nando’n ako sa labas habang kinukulong ka sa loob!” Malakas ang boses na depensa niya. “Gigil na gigil ah, defensive na defensive! Aminin mo na lang na nag-glow up ako, gumanda at sumexy ako ngayon! See?” Umikot ako sa harapan niya at mayabang na tinrace ang hubog at kurba ng katawan ko, mabuti fitted pa ‘tong dress na sinuot ko ngayong gabi, saka nang-aasar pang bahagyang yumuko ako sa harapan niya para ipakita ang cleavage. “Ang dating tinatawag mong uhugin at pangit, tignan mo at maglaway ka!” Hindi siya nakapagsalita, napatitig lang sa ‘kin at sa katawan ko saka nag-iiwas ng tingin na umiling. “Wala namang nagbago, hindi pa rin maganda.” Bagot niyang sabi saka itinuro ang refrigerator. “Magluto ka na lang diyan kung magutom ka, maliligo lang ako.” Saka siya tumalikod at dumiretso doon sa nakasarang pinto na kulay brown, ‘yon yata ang kwarto niya. Naaasar na sinamaan ko ito ng tingin kahit nakatalikod na. “Kabwisit kahit kailan, sa kaniya talaga galing ‘yong insecurities ko na hindi ako maganda, e. Buong childhood hanggang teenage life ko ba naman, halos araw-araw akong sinasabihang hindi maganda! Palibhasa alam niyang pogi siya, masama naman ang ugali.” Mahinang pagdaldal ko saka nakasimangot na binuksan ang refrigerator. Nawala yata ang bad vibes sa buong katauhan ko nang makitang punung-puno ang laman ng ref niya! Mula sa mga raw meat, mga naka-tupperware na pagkain, snacks, soda, chocolates at beer! Aba! Hindi ko alam kung saan ko kinuha ang lakas ng loob pero wala ng pakialam na naka-ilang minuto ako sa dining area kakakain, may rice pa ‘kong nakita kaya kahit na bitbit ang plato at kutsara ay naglakad ako palapit sa malaking bintana ng pad niya, sayang-saya ako sa view ng city lights! Sayang lang at wala sa ‘kin ang cellphone ko! Mag-selfie sana ako rito, minsan lang naman ako makakapunta sa ganito kayaman na lugar. “Hoy, Kaijin! Akin na nga ‘yang cellphone ko pala!” Sigaw ko matapos kumain at mahugasan ang plato sa kitchen area ng pad niya. Dire-diretsong pumasok ako sa pinasukan niya kaninang kwarto at agad na nangiti nang makita ang phone kong nakalapag sa ibabaw ng coffee table malapit sa malaking bintana ng silid. Pinuntahan ko agad iyon at masayang kinuha pero agad ding nawala sa harap ko nang may kamay na kumuha. Iritableng lumingon ako sa likuran ko dahil panigurado namang ang nakakainis na si Kai lang ‘yan at nang gawin ko ‘yon ay agad din akong nagsisi! Nasa harapan ko ang topless na Kaijin Valencia! Mula sa mukha ay hindi mapigilang bumaba ang tingin ko sa kaniyang katawan. Kumikintab-kintab pa ang kaunting tubig na naiwan sa pang-itaas nitong katawan habang puting tuwalya lang ang nakatapis sa bandang ibaba nito. Napapalunok na nag-angat ulit ako ng tingin sa kaniya. Parang tumigil ang mundo sa paligid ko dahil sa sobrang lapit namin sa isa’t-isa, amoy na amoy ko ang shower gel na ginamit ni Kai pero... sandali! Hindi na naman ako makagalaw nang maayos! “What did I say? No phone until dawn while you’re with me, right?” Baritono ang boses na aniya saka lalo pang inilapit ang mukha sa ‘kin, hindi pa rin umiimik na inatras ko ang aking ulo palayo sa kaniya. “You can now change your clothes inside the comfort room if you want.” Ipinatong niya ang mga damit na hawak sa ulo ko at umalis habang nakapameywang. Kaya siguro hindi ako nakagalaw dahil na-starstruck ako sa kumpleto niyang abs?! Dali-daling pumasok ako sa loob ng banyo, nahihiya sa pagkatulala ko sa kaniya kanina. Kaya ko naman siyang bwisitin, eh. Sa totoo lang iritang-irita nga ‘ko riyan kay Kaijin! Hindi ko lang maunawaan kung bakit hindi ako bigla makakilos nang maayos kapag nakikita kong sobrang lapit na namin sa isa’t-isa. Next time, itutulak ko na talaga siya! Nagbihis ako ng ibinigay niyang medyo malaki sa ‘king white shirt at black shorts na hanggang tuhod ko, panglalaki. Saka ako nakasimangot na lumabas ng banyo. Naabutan ko itong naghahanda ng maliit na single foam sa tabi ng malaki niyang kama kaya lumapit ako at pinanood siya. “Diyan ka ba matutulog? Sa height mo panigurado aabutin ang mga paa mo riyan. Pero in fairness naman sa ‘yo, thoughtful mo naman nang slight, alam mo pwede ka namang tumabi sa kama dahil malaki naman-“ “What are you talking about. Diyan ako sa kama, ikaw ang dito sa foam.” Tumayo siya matapos ayusin ang bedsheet noong foam saka hinagisan ako ng mga unan at kumot. “Good night.” Nang-aasar ang ngisi na nahiga ito sa komportable niyang kama. Naiwan akong nakasimangot. Ang laki ng kama niya, kahit ilang gulong ako riyan hindi pa rin kami magkakadikit! “Hindi man lang mag-share.” Bulong ko saka nahiga na roon sa foam. Pinatay niya ang ilaw sa buong silid at tanging ilaw na lang ng lampshade sa bedside table ang naiwan. Ilang minuto ang lumipas. Naisipan kong magkwento nang may maalalang memorya noong pareho palang kaming teenager. “Naalala mo ba noong nag-brownout sa bahay ninyo, hindi gumana ‘yung generator kaya buong gabi kang nakakapit kay Sir Kael.” Natatawang umpisa ko. “Hanggang sa naihi ka na sa kama! Imagine, 12 years old ka na no’n, Kai?” Tawang-tawa ako pagkatapos. “That’s normal. Ikaw nga nagkaroon ng red stain sa palda noong highschool.” Bawi niya. Naiinis na ngumuso ako. “Oo! Tapos anong ginawa mo? Hindi mo man lang ako tinulungan, nakitawa ka pa sa mga alagad mo. Mabuting dumating si Kendric noong time na ‘yon, parang prince charming talaga sa paningin ko ‘yong kakambal mo na ‘yon.” Tuluy-tuloy na sabi ko. Natahimik siya. “Kumusta na ba ‘yon?” Basag ko pa rin sa katahimikan. “Okay lang.” Tumango ako kahit hindi niya nakikita. “Nakakatuwa ‘yon, palagi kaming magkasundo dati. Ikaw kasi masungit ka palagi. Super close namin, kahit yata burger na isusubo niya na ibibigay pa sa ‘kin.” Natatawang kwento ko. Kabaliktaran ni Kaijin ang kakambal niya na ‘yon, super caring at gentleman sa ‘kin! “Kaya talagang naging crush ko siya buong highschool!” Nadulas na banggit ko. “Really?” Naubo ako nang peke. “Kaya pala dikit ka nang dikit. I knew it.” “Ano naman, dati naman na ‘yon.” Bawi ko. “Hindi lang crush, first love ko rin ‘yon. Single pa ba ‘yon?” “Why?” “Kapag single pa, pipila ako sa mga gusto siyang mapangasawa.” Biro ko saka humalakhak. “Matulog ka na lang, hindi ‘yon magkakagusto sa ‘yo.” “Hoy! Excuse me, sweet siya sa ‘kin noong 18th birthday ko! ‘Di ba binigyan ako ng debut party nila Ma’am Zarina? Sweet siya sa ‘kin no’n!” Mayabang na sabi ko. “Ikaw nga puro sama ng loob lang binigay sa ‘kin that day.” “I was extra kind to you that day, I gave you sampaguita.” “Pinitas mo nga lang ‘yon do’n sa tanim ng kapitbahay!” “At least I gave you a flower!” “Halatang pinagtitripan mo lang ako, si Ken nga ay binilhan talaga ako ng bouquet.” “Tss.” Dinig kong tugon niya saka hindi na nagsalita kahit anong pagdadaldal ko ng kung anu-ano. Pagkalipas ng ilang minuto, ilang gulong na rin yata ang ginawa ko sa maliit na foam na ‘to pero hindi pa rin dinadalaw ng antok. Kanina naman ay panay na ang hikab ko sa kotse. Namamahay yata ako. Tulog na kaya si Kai? Malakas na tumikhim ako. “Hoy. Bakit pala ayaw mong ibigay pa ang phone ko.” Hindi ako nakatanggap ng sagot pero narinig kong gumalaw ito sa kama. “Baka nag-text na ang boyfriend ko.” Dugtong ko. “May boyfriend ka?” Mabilis niyang tanong. Mahinang natawa ako. “Wala kang boyfriend. I did my background check.” Bawi niya. Natatawang bumaling ako ng higa paharap sa kama niya. “Malay mo secret relationship kaya hindi nalaman ng investigator mo?” Ani ko. “Akin na ang phone ko, hindi sanay matulog ‘yon nang walang good night kiss ko.” Ilang segundong hindi siya umimik. Magsasalita na sana ulit ako nang makita ko ang ulo nito na dumungaw mula sa kama. Bungad na bungad ang nakakunot niyang noo. “Bakit ka naman niya isisikreto? That’s red flag, you should not entertain men that aren’t proud of their girlfriend.” “Bakit? Ayaw niya lang akong maagaw ng iba. Kaya ayun, single pa rin ang pakilala namin sa lahat. Kaya ‘yung cellphone ko akin na...” Kunwaring seryoso na sagot ko. Nakita kong lalong nangunot ang noo niya kaya tumalikod na ako, nagpipigil ng tawa. Nagulat ako nang hawakan nito ang balikat ko saka ako hinila paharap ulit sa kaniya! “Baka kaya ayaw niyang ipaalam na boyfriend mo siya ay para makakuha pa siya ng ibang babae, ayaw niyang ipaalam na hindi na talaga siya single. I’m telling you he will eventually cheat on you, break up with whoever that-“ Napabunghalit na ako ng tawa. Ilang segundo rin bago ako natigil, promise nakakatawa ang hitsura ng seryosong-seryoso na si Kaijin! Mukha siyang instant love guru na concern! “Laban na laban ka naman magsermon, joke lang! Akin na kasi ang phone ko!” Natatawang dugtong ko. “How I wish may jowa nga ako, gusto ko na rin magkaro’n ng first kiss, ano! Hindi counted siyempre ‘yung mga lalaking natrabaho ko. First kiss sa ilalim ng malaking buwan, parang ganiyan!” Turo ko sa napansing malaking bintana ng kwarto niya. Full sized window na gawa sa transparent glass! Ang ganda-ganda! Kitang-kita ang buwan sa labas! Umirap ito at akmang lalayo na sa gilid ng kama nang hawakan ko nang mahigpit ang braso niya. Pinilipit ko pa sa sobrang inis. Malakas siyang napasigaw. “Ibibigay mo o babaliin ko ‘tong braso mo?” “Bitiwan mo ‘ko.” “Sagot.” “Isa, Eicine.” “Babaliin ko na lang, wala ka namang mga tauhan dito.” Natatawang pinilipit ko ang braso niya. Nagulat ako nang biglang nagpakahulog siya mula sa kama kaya nadaganan ako! “Hoy, hayop ka ang bigat mo!” Tili ko! Nakadagan siya sa ‘kin at seryoso, ang bigat! Natigil lang ako nang iharap niya ang kaniyang mukha sa ‘kin. At kung kanina ay hindi ako makakilos, ngayon ay nahigit ko na ang paghinga! “Nababaliw ka na ba, umalis ka... diyan.” Nagawa kong sabihin saka itutulak na sana siya nang hawakan nito ang magkabilang palapulsuhan ko at hindi pinakawalan. Nanlaki ang mga mata ko! “Kapag siguro hinalikan kita ngayon, hindi ka na magiging madaldal magdamag.” “Kapag hinalikan mo ‘ko, susuntukin kita sa mukha...” Nakita kong umangat ang sulok ng kaniyang labi. “It’s fine, suntukan mo na lang ako mamaya...”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD