CHAPTER 14
"Ibigay mo muna sa 'kin iyang phone ko, ang daming missed calls ng pamilya ko." Habol ko kay Kai nang makalabas kami mula sa elevator.
Nagtungo kami ni Kai sa second floor ng casino at mas namangha ako dahil 'di hamak na mas maganda ang interior at ang kulay ng paligid maging ng mga gambling furnitures sa lugar na 'to kaysa roon sa ground floor.
Ibinalik ko lang ang pansin kay Kaijin nang maalala ang phone kong ayaw pa rin nito ibigay. Ang kulit kulit!
"Saglit lang, aalamin ko lang kung bakit. Nag-aalala ako baka-"
"Nasabi ko na." Putol niya sa sinasabi ko. "No using of cellular phone until dawn while you're working with me." Striktong ani nito at nagtungo na sa gitna ng mga tao sa lugar.
Napanguso ako at ipinilig na lang ang ulo. Baka wala lang, baka magpapabili lang ng pasalubong ang mga iyon o sabay-sabay na pinagtitripan ako.
Isa pa, marami naman sila roon. Magiging okay lang sila.
Sumunod na ako kay Kai nang mapansing may iilang lalaki na nakatingin at nakatitig sa akin, creepy. Tumigil lang kami ni Kai sa harap ng isang gambling table.
May nakalagay na Baccarat.
Noong una ay entertained na nanonood lang kami, may mahusay roon na lalaking hindi natatalo kahit sino pa ang maupo sa opponent seat. As in!
"Ang galing niya..." manghang komento ko.
Nakita kong umangat ang isang sulok ng labi ni Kai habang nakakrus ang mga braso sa dibdib at pinanonood ang tinutukoy ko.
"Magaling nga." Aniya pa. "Magaling mandaya." Dagdag nito saka hinila ako sa palapulsuhan at lumapit sa Baccarat table.
"I'll play."
Nakita kong agad na nagbulungan ang mga tao na nakapaligid sa Baccarat table, bukod kasi sa ‘kin ay marami ring nakapalibot dito para manood sa Baccarat table, at nag-usap usap nang tanguan at payagan ng dealer doon sa Baccarat table si Kaijin na maglaro. Ang halos lahat yata ng atensyon ay napunta sa kaniya at halu-halong reaksyon ang natanggap niya mula sa kanila. Nagtataka tuloy ako kung bakit. Palagi ba si Kaijin pati rito sa casino na ‘to at mukhang kilalang-kilala na siya ng mga tao?
Ganoon din sa night club kung saan kami pumipwesto ni Ashley para magtrabaho ah?
“He must be out of his mind, kung ako sa kaniya ay huwag na siyang mayabang at umalis na siya sa table na iyan. Nariyan na si Mr. Kaijin.” Naulinigan kong saad noong ginang sa bandang tabi ko. Pasimple akong lumingon sa kanila at nakitang may kausap itong lalaki na kagaya niya elegante rin ang suot na damit maging ang mga alahas na ginto sa mga kamay.
Mga mayayaman.
“Mayabang talaga iyan at matagal na niyang sinasabi na hindi uubra si Mr. Kaijin sa kaniya, masiyadong minamaliit iyong tao. Hayaan natin siya.” Tugon noong lalaki.
“Kung sa bagay, noon pa man ay gusto na niyang makaharap iyan sa mga laro rito sa casino. Kapag natalo iyang si Mr. Kaijin sa tabi niya at siya ay nananatiling nananalo ay mas kikilalanin siya rito na pinakamahusay.” Dagdag pa noong babae. Nanatili akong nanonood sa mga kilos ni Kai ngunit ang pandinig ay nakapako sa kanila.
“Oo, tama. Kumbaga kung ang titulo at pagiging sikat ni Mr. Kaijin Valencia sa mga ganiyang sugal na walang mintis niyang ipinapanalo ay mapupunta sa kaniya, mapapakain niya ang ego at pride niya. Bagay na gustung-gusto niyang nangyayari.” Ani pa nila na ang tinutukoy yata ay ‘yong lalaki na kanina pa nananalo sa table ng Baccarat. Mukhang kaibigan nila o kakilala dahil halata namang ‘di nagkakalayo ang kanilang mga edad.
Siguro mga nasa 40s.
Naipilig ko ang ulo ko at interesadong pinagkrus ang mga braso sa dibdib.
So sikat si Kai sa casino na ‘to dahil palagi siyang nananalo? At walang mintis iyon sa bawat laro o sugal na inuupuan niya?
Palagi siya rito? Bahagyang natatawa na itinagilid ko ang aking ulo. Sugalero pala ‘tong unggoy na ‘to, asarin ko nga ‘to mamaya.
“Hay. Alam ba ‘to nila Sir Kael at Ma’am Zarina?” Mahinang bulong ko sa sarili habang nakanguso at nakangiwing pinagmamasdan si Kai na nakikipag-usap sa tauhan niyang lumapit sa kaniya ngayon, nakita kong nag-abot ng maraming chips iyon sa kaniyang gawi, para siguro sa paglalaro niya roon. “Mukhang wala pa namang bisyo ‘yong mga magulang niya pero siya... tsk.” naiiling na bulong ko pa.
“Paniguradong mananalo naman iyan. Hindi naman siya normal lang na maglalaro kumpara kay Mr. Kaijin Valencia.” Narinig ko ang mahina nilang tawanan saka umalis doon at sabay na nagtungo sa ibang sugal ng casino.
Hindi normal na maglalaro? E ‘di tama ang sinabi ni Kai kanina na nandadaya lang ang lalaking iyon?
“Good evening, Mr. Valencia!” Biglang malakas na bati noong lalaki na naka-suit at red bowtie, siya ‘yong tinutukoy ni Kai na kanina pa nananalo sa Baccarat na ‘to pero nandadaya lang. Ngiting-ngiti ito ngayon habang nakatanaw sa prente at kalmadong nakaupo lang, kalayuan sa kinaroroonan niya, na si Kai. “Ngayon ka na lang yata nakadalaw dito sa paraiso natin?”
Prenteng tumango si Kai. “Hindi ako nagpupunta nitong mga nakaraan para hindi naman masira ang panalo at masasayang araw mo sa mga sugal na kagaya nito.”
Namilog ang mga mata ko at bahagyang natawa. “Ang yabang ah.” Mahinang bulalas ko.
Bahagyang nagtawanan ang mga tao habang mukhang napahiya nang kaunti iyong lalaking naka-red bowtie. Hindi komportableng ngumiti na lang ito.
“Tignan na lang natin, Mr. Valencia. Wanna bet kung sino sa ating dalawa ang mag-uuwi ng malaki mula sa Baccarat na ito?”
“Are you sure?”
“Huh?”
“Sigurado kang gusto mo ‘kong hamunin niyan?”
Muli ay umugong na naman ang bulungan, mahihinang bulalas at pagtawa ng mga tao sa paligid namin.
Ang husay talaga makipagsagutan at makipagbarahan ng unggoy na ‘to kahit kanino.
Nawala ang ngisi sa labi noong lalaking nakapulang bowtie at sa halip ay inumpisahan na lang ang pag-aayos ng mga chip sa harapan. May 14 seats para sa manlalaro at sa harapan nila nakapwesto ang dealer. May kung anu-anong nakalagay sa table, gaya ng kung saan mo yata ilalagay ang mga taya mo habang mayro’n din sa harapan ng dealer kung saan nakatabi rin ang lagayan niya ng chips at mahaba ngunit maliit na tunnel for cards.
Binalasa ng dealer ang mga baraha at nang ilalagay na sana sa mini tunnel ay lumapit naman sa kaniya iyong lalaking naka-bowtie.
“Pwede ko bang hawakan muna ang baraha na iyan ulit?” Aniya. “Hawak lang. Tignan niyo, wala namang kung ano rito sa kamay ko para paghinalaan ninyo, kahit nakapikit pa ‘ko basta mahawakan ko lang. E, kilala niyo naman ako rito... iisa kami ng puso ng mga baraha na iyan kaya kaya kong sabihin sa inyo na mananalo ako rito kapag nahawakan ko iyan bago maglaro. Ano?” Hamon niya sa dealer at sa mga tao.
Naaaliw na nag-react naman ang mga tao, pumapayag sa hamon niya na mananalo siya dahil nahawakan niya ang mga baraha. Walang nagawa ‘yong dealer kung hindi payagan siya.
“Hahawak sa baraha para manalo?” Nakangusong saad ko. “Go, Kai! Ako hawakan mo para manalo ka,” pabirong sabi ko na lang, mahina lang dahil ayoko namang marinig niya, habang abala ang lahat sa panonood ng ma-dramang paghahawak noong lalaki sa baraha, may panginig-nginig ng katawan effect pa nga.
Biglang lumingon si Kaijin dito sa ‘kin sa gilid niya, may multo ng ngisi sa labi na inangatan ako ng kilay, nahihiyang itinikom ko ang bibig ko. Ang talas naman ng pandinig nito. “Balato na lang kapag nanalo ka.” Palusot ko na lang habang pinandidilatan siya ng mga mata.
Nang mag-umpisa silang maglaro ay naging mabilis na lang ang pangyayari. Ang bilis... ganoon din ang mga chip ni Kaijin, paubos na! Hindi ko maunawaan kung paano nilalaro ‘tong Baccarat pero base sa nakikita kong ngiti noong lalaki ay nananalo siya habang padagdag nang padagdag ang chips niya mula sa ibinibigay ng dealer.
Si Kaijin naman ay last chips na lang!
“Naku, mukhang magaling itong kalaban mo. Tignan mo naman mukhang batak na batak sa ganitong laro, ikaw medyo pogi-pogi ka lang pero hindi mo iyan madadaan sa mga looks-looks ‘yang mga baraha. Sayang naman ‘yang tinaya mo sa chips-chips na ‘yan, sana binigay mo na lang sa ‘kin at nag-mcdo tayo!” Pabulong na sabi ko sa gilid habang nakakrus ang mga braso sa dibdib at habang nag-iingay ang mga tao sa kaniya-kaniyang kwentuhan tungkol sa laro nila.
Ito kasi nagyabang pa kanina, ayan tuloy.
Itlog naman pala.
“Minsan kasi papakabait ka, teh, para i-bless ka ni Lord ba. Salbahe ka kasi e, bawasan mo ‘yung pagsusungit mo, baka karma na iyan kasi hinulog mo ‘ko sa kotse mo noon. Mangumpisal tayo sa chapel, samahan kita? Ay teka, nakapasok ka na ba sa mga chapel-chapel? Baka masunog ka bigla ‘don?” Tumawa ako pero natigil din nang matalim ang tingin na lingunin ako nito.
Nagpeke ako ng ngiti saka nagtwo thumbs up. “Kaya mo ‘yan, go go go!”
“Shut up, woman.”
Nag-aalis ng ngiti na sinimangutan ko ito kahit hindi na nakatingin sa ‘kin.
Biglang tumikhim iyong lalaking naka-bowtie habang nakangiti. “Hay, nakakaawa naman si Mr. Valencia. Nangungulelat. Mukhang sa tagal ng hindi mo pagbisita rito naging kalawang ka na.” Umiiling na aniya. “Sige, tumayo ka na riyan at huwag mo ng itaya iyang natitira mong chips para naman hindi masyadong nakakahiya, ano? Sige na, Mr. Valencia, better luck next time.”
Nagbulungan ang mga tao.
Pero ang itlog na Kai hindi man lang nagpatinag. Bigla itong malakas na bumuntonghininga at mayabang pa rin na itinukod ang siko sa mesa habang nililingon ‘yong lalaki.
“You don’t understand, this is the most exciting part, Mr. Mega.” Umpisa niya, walang bakas ng kaba. “These are my last chips and I’ll win the moment I place my bet on this table. Hindi mo yata ako kilala o gano’n na kataas ang kumpyansa mo sa sarili?” Nakangising aniya.
Nagbulungan ang mga tao.
“Hinahamon kita.” Tumayo si Kaijin habang pinaglalaruan pa rin ang mga chips sa palad. Nakangiwing tinitigan ko siya, ang yabang pa rin talo na nga?! “Kapag sunud-sunod akong nanalo dahil sa mga chips na ‘to then... you’ll have to do a favor for me.”
Nanahimik ‘yong lalaki at nalukot ang noo.
“Mananalo ka pa ba, Mr. Valencia?” Humalakhak siya. “Sige payag na ‘ko para makatayo kana riyan.”
Bahagyang iniyuko ni Kai ang ulo saka tumango at ngumisi. Nanahimik kaming lahat nang itaya niya ‘yon sa mesa at bumunot ng mga baraha ‘yong dealer, isa-isang nilapag sa mesa at sinilip ng lahat.
At dahil hindi ko alam ang laro na iyan inabangan ko na lang ang reaksyon ng mga tao kung panalo o hindi. Suminghap sila! Naging sunud-sunod ang dagdag ulit ng chips ni Kai at sunud-sunod na panalo hanggang sa mag-tie silang dalawa noong lalaki.
Hindi makapaniwala ang lahat.
Paano niya ‘yon nagawa.
Sumipat ito ng relo at inilahad ang kamay sa gawi ko. Nagtatakang tinignan ko naman siya at hindi siguradong nilapag na lang sa kamay niya ang vicks inhaler na kanina ko pa hawak. Inirapan niya ‘ko, kinuha ang kamay ko saka hinawakan. “May pupuntahan pa pala kami. ‘Yong pabor naman na hamon ko sa ‘yo, I guess...” bahagya siyang nag-isip. “I’d want you to pull your sleeves up before we go.”
Namilog ang mga mata noong lalaking kausap niya saka nagpeke ng tawa. “Ano ba namang pabor ‘yan-“
“Make it fast, Mr. Mega, late na kami sa pupuntahan namin.” Ani Kai.
Nagtatakang nagkatinginan ang lahat. “Bakit gano’n ang favor mo?” Mahinang tanong ko sa kaniya, sabik sa tsismis.
Umiling ‘yong lalaki at namutla.
Nagsalita muli si Kai.
“He’s cheating the whole time he played in this table. The reason as to why he wanted to shuffle the cards right before we started playing earlier is because he has a mini camera under his sleeve, he has his team that will coach him patungkol sa pagkakasunud-sunod ng cards, communicating through that earpiece, iyang nakatago sa mahaba niyang buhok.” Ani Kaijin kaya nagsinghapan ang mga tao. Agad na sinenyasan ng dealer ‘yong mga security para lumapit. “Pero kahit ganoon, naipanalo ko pa rin ang sugal. No one can beat me, Mr. Mega, don’t ever mess with me again.”
Matapos iyon ay nakaismid na umalis si Kai sa gawi ng Baraccat table habang hila-hila ang aking kamay, napansin kong bawat gambling table na nadaanan namin ay may mga player na pinagkaguluhan din dahil na-reveal na nandadaya. At ang mga kalaro at bumuko sa kanila?
Mga tauhan ni Kaijin Valencia.
Isa-isang umalis ang mga ito sa kaniya-kaniyang gambling table at sumunod ng paglalakad sa likuran namin, ngayon ay nasa amin na tuloy ang atensyon ng bawat tao sa casino. Lahat sila ay may tinalo at nireveal na cheater doon!
“Mandaraya buster ka ba at ang mga tauhan mo?” Nagbibirong tanong ko sa kaniya habang bumababa kami sa Basement part ng casino.
“You can say that.”
Hindi makapaniwalang tinanguan ko siya.
Sumakay kami ng elevator kasama ang ilan sa mga tauhan niya at nang malapit na makababa iyon sa Basement ng casino ay napansin kong humigpit ang hawak niya sa ‘king palad. Nagbaba ako ro’n ng tingin.
“I’m a dangerous man, Eicine, and have lots of dangerous foes in my hell-like world.”
Bahagyang nakatulala na tumingin ako sa elevator door habang pinakikinggan ang sinasabi niya.
“Kaya wala kang iba pang dapat pagkatiwalaan dito, kahit anong mangyari, kundi ako lang.” Litanya niya saka nagbukas ang pinto ng elevator sa malaking basement ng casino.