CHAPTER 13

2658 Words
CHAPTER 13 “ARAY!” Napasigaw na daing ko nang matapilok sa suot-suot na mataas na heels. Hindi ko alam kung ilang inches ‘to pero ang masasabi ko lang ay napakataas nito! Kung si Kai man ang pumili ng susuotin kong heels na ‘to ngayon o isa sa mga tauhan niya nag-iinit na kaagad ang dugo ko. Agad na nilingon ako ni Kai nang mag-echo ang daing ko kanina rito sa buong Parking Lot ng building na pagmamay-ari niya. Kanina niya pa yata ako hinihintay rito pero sinadya ko talagang tagalan dahil deserve niyang mainis, para quits kami, naiinis din ako sa mga pinasusuot niya sa ‘kin para mamayang gabi! “Ano ba ‘tong pupuntahan natin ha, akala ko bentahan ng illegal na armas? Bakit parang pupunta ‘ko ng pageant, Miss Universe gano’n.” Sarkastikong pagtatalak ko sa kaniya habang naglalakad palapit. “Kung barilan at action ang mangyayari mamaya e ‘di dapat naka-leather jacket man lang ako na black, ‘yung mga outfitan ni Cardo Dalisay!” Sunud-sunod na talak ko sa kaniya. Nakita kong hindi agad nakaimik si Kai at sa halip ay napako ang tingin mula sa ‘king mukha pababa sa ‘king katawan. Gamit ang daliri ay dinuro-duro ko ito habang nanggigigil ang ekspresyon. “Hoy! Ikaw, nagtitimpi lang ako kanina pa pero gusto kitang kurutin ng nail cutter! Wala akong pakialam kung barilin mo pa ‘ko, ang hirap suotin nitong dress na ‘to at nasa likod pa ang zipper!” Tuluy-tuloy na pagdadaldal ko saka hinampas pa ng hawak na maliit na bag ang braso nito nang tuluyan akong makalapit sa tabi niya. Doon yata siya natauhan at agad na kinunutan ako ng noo. “Hindi bagay sa ‘yo.” “Ano?! Kapal naman ng mukha mo?” Nag-iiwas ito ng tingin na tumikhim. “’Di bagay sa ‘yo, bakit ganiyan ka-fitted ang dress na iyan. Bakit din napakababa ng tela sa dibdib...” napadiretsong linya ang kaniyang bibig saka kamot-ulong binalingan ang mga tauhan. “Sinong namili ng damit na ‘to? ‘Di ba sinabihan ko kayong mahabang dress, bakit may punit sa hita!” Seryosong itinuro niya ang suot ko. Napaawang tuloy ang bibig ko. “Hoy, anong punit! Style iyan! Slit ang tawag diyan!” Feeling ko mao-offend ako. Pangit ba talaga?! Gandang-ganda pa naman ako sa sarili ko sa salamin dahil ang sexy tignan ng body-hugging na burgundy long gown na ‘to, may pa-glitters glitters pa sa beywang at dibdib na halatang mamahalin. Medyo mababa nga ang tela sa bandang dibdib pero ayos lang naman sa tingin ko dahil may ipinagmamalaki naman akong malulusog na dibdib diyan! May mataas na slit din sa bandang kanan na hita pero ayos lang din dahil makinis at maputi naman ang legs ko, ano?! “Casino ang pupuntahan natin pero mas okay kung tshirt na lang ang suotin mo. Mukha ka namang gusgusin.” Hindi ko na napigilan at tumingkayad na ako para abutin ang tainga nito para pingutin nang sobrang diin! Napasigaw agad siya sa sakit, of course ang haba kaya ng kuko ko! Ang mga tauhan naman niya ay natatarantang lumingon sa kaniya, magsisilapitan na sana at bubunot ng baril nang itaas nang bahagya ni Kai ang kamay sa gawi nila para pigilan ang mga ito. Ngumisi lang ako sa mga iyon at nagpokus sa iritasyon ko kay Kaijin. “Aray, tangina! Bitiwan mo nga ‘ko, Eicine!” Aniya pa rin habang bahagyang nakayuko na ang ulo at mahigpit na pinipigilan ang kamay ko. “Pangit na pangit ka talaga sa ‘kin, ano, akala mo naman sobrang gwapo mo.” Balik ko sa kaniya. Gwapo naman siya pero bakit ko aaminin? “’Yang bibig mo walang development. Mula pagkabata natin wala na ‘kong narinig na maganda riyan kapag patungkol sa ‘kin ang usapan. Perfect ka ba?!” I swear mukha siyang perfect pero again bakit ko aaminin sa kaniya?! Masamang titig ang ipinukol niya sa ‘kin saka agad na lumayo mula sa ‘kin nang tigilan ko ang earlobe niya. Matalim na matalim ang tingin habang hinihimas ang tainga na namumula na ngayon. Deserve na deserve! Nilingon niya ang mga tauhan niya saka parang nahihiya na mariing ipinikit ang mga mata at ibinukas iyon, halatang nagtitimpi ng pasensya. “Alright, huwag ka ng magbihis ng tshirt.” Aniya saka malakas na inilapag ang clipboard na hawak sa hood ng kotse, takot na yatang ilapit ang tainga niya sa ‘kin. “Kunin mo iyan at basahin mo nang malaman mo ang mga mangyayari mamaya sa transaksyon.” Kinuha ko iyon at binuklat ang mga papel na nakapaloob. “Mr. Marapulo.” Basa ko sa nakasulat sa papel. “10 thousand pieces of rifle?!” Hindi makapaniwalang nilingon ko si Kai. Doon ko lang nilingon ang mga tauhan niyang isa-isang binubuksan ang maraming bilang ng mga kahon sa paligid at ipinakikita sa ‘min ni Kai ang laman bago isinasara muli at inaakyat na sa malaking truck na nakaparada rito sa Parking Lot ng gusali na pagmamay-ari niya. Mga baril nga. Nakakakilabot pa rin kahit na maghapon na kaming nagbaril-baril ni Kaijin kanina sa roof deck ng building niya na ‘to! “Ano namang gagawin ng Marapulo na ‘to sa sampung libong piraso ng ganoong baril?” Hindi pa rin makapaniwalang asik ko. “Pwede mong mabasa riyan kung ano.” Sinulyapan niya lang ang papel na naka-ipit sa hawak kong clipboard saka seryosong sinipat muli ang ibang mga armas. Curious na binasa ko ang iba pang impormasyon na nakasulat sa papel. Narito ang background check ng Mr. Marapulo na iyon, ang customer na makaka-transaksyon daw namin mamayang pasado alas onse ng gabi sa basement ng isang malaking casino sa Maynila. Nakakaloka. “Mr. Marapulo, mayor of Cebu, has 18 owned lands in different locations in Luzon and Mindanao, 3 helicopter, 5 yacht, 2 casino branches, 4 hotel and resorts in Visayas...” halos masamid ako nang mapansing mahaba pa ang listahan ng pag-aari nitong binabasa kong background ng Mr. Marapulo na ‘to. “Ang dami naman, shuta? Bakit may listahan ka ng mga pag-aari niya?” Mahinang sambit ko habang tini-trace ng daliri ang haba ng listahan. “Hindi ako tumatanggap ng customer na walang pambayad. Hindi rin ako nagpapa-utang.” Tugon ni Kai na matamang pinanonood ang mga tauhan nito ‘di kalayuan sa ‘min habang mabilisan nilang chini-check ang mga magazine ng baril mula sa kahon. “Kaya may background investigation muna ‘kong ipinagagawa bago sila tanggapin bilang ka-transaksyon ko, gusto kong malaman kung ano ang pwedeng habulin sa kanila kapag hindi sila sumunod sa napag-usapan. Sa opisina mo rito sa building ay may gano’ng website na naka-save sa computer na ipapagamit ko sa ‘yo, ikaw ang tatrabaho ng gano’n background investigation magmula ngayon.” Napatango-tango ako sa narinig. Sa totoo lang ay nakaramdam ako ng excitement, gusto ko biglang malaman kung sinu-sino pa ang bigating mga taong bumibili sa business na ‘to ni Kai, gusto ko ‘yong kagulat-gulat factor. Gaya na lang nitong Marapulo na ‘to, mayor pa! Mayor ng Cebu! Sinong mag-aakala na sa likod ng pangiti-ngiti niya sa tv noon at pasayaw-sayaw niya sa kanta ni Willie noong kampanya ay magsho-shopping pala siya ng illegal na armas kapag mayor na. “In fairness ang dami niyang ari-arian kahit mukha siyang gusgusin sa tv kapag may interview?” Malisyosang saad ko pa habang pinagmamasdan ang litrato at hitsura ng mga pag-aari nito sa mga papel na hawak ko. “Monthly income 500 thousand pesos...” dagdag na basa ko pa saka namilog ang mga mata ko. “Gano’n ba talaga kalaki ang sahod ng mga mayor sa Pinas, ha?” “Gano’n kung kurakot ka.” Seryosong sagot ni Kai saka hinubad ang gloves na suot matapos sipatin ang mga bala ng rifle na ready na i-deliver sa Mr. Marapulo na ‘to mamaya. “Wala naman talaga siyang pera noong nangangampanya pa lang, yumaman lang iyan noong naging mayor na. Iniluklok ng mga tao sa pwesto para nakawin ang mga tax nila.” Naiiling na aniya. Napakrus ako ng kamay sa ‘king dibdib. “Naghihirap kaming mga nasa laylayan ng lipunan tapos sa kanila lang pala napupunta ang tax namin. Mga salbahe...” “That’s what you all get for believing that all aspiring politician who came from an impoverished family would be an effective poverty buster of this nation and won’t be a thief someday. Maling-mali.” “Talaga? Iyon din ang stand ko. Kapag mahirap si mayor, alam niya ang pakiramdam ng kahirapan, baka maging mabait at mapagbigay siya sa ‘ming mga mahihirap din.” Nakalabi na komento ko with hand gestures pa. Umiling si Kai at sumandal sa hood ng kotse nito na nakaparada sa ‘ming likuran. “Mayaman ka man o mahirap, kapag nakatikim ka ng malaking pera aatakihin ka ng pagiging ganid. Iyon ang sigurado ako.” Ilang segundo akong hindi nakaimik. Napapaisip. Hindi tungkol sa ganid, pera o politician na bianggit niya. Napapaisip ako na may lalabas pa palang salitang may kwenta mula sa bibig ng lalaki na ‘to. “Boss, na-check na po ang lahat.” Ani noong isa sa mga tauhan niyang lumapit sa ‘ming harapan. “Naiakyat na rin po ang lahat sa truck. Location na lang po ang hinihintay.” Tumango si Kai at pinaglaruan sa palad ang susi ng kaniyang mamahaling sasakyan. “Diretso tayo sa basement ground ng Grand Indigo Casino, 9:30 PM sharp.” Aniya rito. “Bring three groups of our men with us, mga silencer na baril at tear gas.” “Copy, Boss.” Mabilis na tugon no’n kay Kai saka umalis sa ‘ming harapan. “Gusto mo bang magsuot ng bullet-proof vest?” Nilingon niya ako at ang... dibdib ko. Nailang tuloy ako bigla. “Para naman matakpan din ‘yang pinagmamalaki mong...” Umiling ako. “Mabigat iyon ‘di ba? Tsaka babagay ba ‘yon dito sa outfit ko?!” “Okay lang magshirt ka na lang kung-“ Umiling ako. “Casino tapos naka-shirt? First time ko nga lang makakapunta ro’n tapos ‘di pa ‘ko naka-OOTD. Ihaharang na lang kita kung sakaling barilin ako.” Humalukipkip ito at hindi natutuwang nagtaas lang ng noo sa ‘kin. “Para magkita na kayo ni Lord, ayaw mo?” Natatawang dugtong ko pa. “Kaso baka bigla kang sitahin no’n sabihin sa ‘yo Pst boy, boy, doon ka ‘di ka pwede rito!” Humalakhak ako sa sariling biro habang lalong nagseryoso naman siya. “Just always stay beside me, huwag na huwag kang hihiwalay kung hindi ko sinasabi.” Aniya lang. “May barilan ba mamaya?” Inosenteng tanong ko sa kaniya. “Huwag mong sabihing papatayin mo ‘yung mayor? Totoo bang pumapatay ka ng mga mayor?” Nakasinghap na pangungulit ko pa. Inirapan ako nito at nang siguro mabwisit na ay umalis na rin bigla sa tabi ko para umikot sa sasakyan at magtungo sa pintuan ng driver’s seat. Nakasimangot na nilingon ko ‘to. “Akala mo kung sinong showbiz ‘to kung makaiwas, sasagot lang ng oo o hindi, e.” Halos mapatalon ako sa gulat nang bigla niyang pinatunog ang maingay na busina ng kotse niya sa ‘king harapan matapos buhayin ang makina. Iritableng naglakad ako patungo sa shotgun seat at isinara ang pinto no’n nang makapasok. Bumyahe kami at inabot yata ng lagpas trenta minuto dahil medyo traffic, mabuti na lang nagpatugtog ako ng Blackpink sa bluetooth speaker ng kotse niya. Hindi niya nagustuhan pero at least hindi ako nabagot. Maganda ang parehong suot namin ni Kai kaya naman hindi ako nakaramdam ng hiya nang makita kung gaano ka-elegante naman ang mga tao sa loob ng casino, may mga suot din kaming mask na kalahati ng aming mukha ang natatakpan, lalo na ang mga mata. Nagkalat ang mga tauhan ni Kai sa paligid kung sa’n hindi halatang kasama namin sila kaya namangha ulit ako. Ang organized nila kumilos, sanay na sanay. May lumapit na waiter sa ‘min at may bitbit na tray ng alak kaya kumuha kami ng tig-isang baso ni Kai. Kinuha nito ang isa kong kamay at ikinawit sa kaniyang braso. “Ang liit naman ng baso na ‘to.” Komento ko bigla habang tinititigan ang kinuha naming baso na may alak mula ro’n sa waiter. Napansin kong nilingon ako ni Kai. “Glasses of liquor are deliberately made smaller in size, sinadya, so that gamblers won’t drink a lot and end up stop betting and leaving the table for the bathroom.” Natatawang naipilig ko ang ulo ko. Talaga? Ang talino naman ng nakaisip no’n. Naglakad-lakad kami saglit sa paligid at pinanood ang nakamamangha at makukulay na slot machines, marami ring table kung saan nagsusugal ng iba’t-ibang laro ng baraha ang mga tao kasama ang mga chips. “Hindi pa ba tayo pupunta ng Basement?” Tanong ko. “Not yet. Madalas ay late dumarating ang Marapulo na iyon, sasayangin niya lang ang oras natin do’n kahihintay.” “Anong oras na ba?” Nagpalinga-linga ako sa paligid para maghanap ng orasan. “Walang orasan.” “Casinos won’t really place any clock or windows inside their premise.” “Huh? Bakit?” “Strategy nila ‘yon para hindi mapansin ng mga nagsusugal na kinakain na rito ang oras nila, pati ang mga pera nila.” Seryosong sagot ni Kai na ikinaawang ng bibig ko. Gano’n ba. Nakatingin ito ngayon sa malaking table na nasa harapan namin kung saan marami ring tao na naglalaro. Blackjack table ang nakalagay. “Kapag nanalo ka riyan ay malaki ang makukuha mo.” Ani Kai. “Talaga? Pati sa ibang slot machine? Hindi ba natatakot malugi ang casino.” Biro ko. Umiling si Kai. “Casinos don’t mind you winning at all. They also don’t mind how much you bet. It is the time you spent at the tables or the slot machines and the frequency you play that they very much care about.” Magsasalita sana ako nang biglang may marinig kaming sumigaw. “Ahhh!” Sigaw ng kung sino kaya nagugulat na napunta roon ang tingin ko. ‘Yung lalaki na naka-executive suit sa harap ng blackjack table ay biglang parang nawala sa sarili at mahigpit na hinahawakan ang dibdib. “Parang hindi siya makahinga!” Tarantang ani ko. Nagulat ako nang maglayuan ang mga tao ngunit ‘yung lalaking namamahala sa tray ng mga pera at chips ay biglang idinapa ang dibdib sa mismong tray na iyon, tila hinaharangan ang mga laman ng tray. Katabi niya lang ‘yong inaatake yata sa puso, inuna niya pang atupagin ang pera? “Hindi ba iyan tutulungan?” Nagpa-panic na tanong ko kay Kai. Naglapitan ang mga security saka inalis doon ‘yong lalaki. “Hindi tinutulungan ang mga gano’n.” Dinig kong ani ni Kai. “Madalas ay drama na lang iyan ng mga narito para mawala sa focus ang mga dealer, ‘yong mga namamahala sa pera at chips, saka may mga dudukot do’n at itatakbo palayo.” Tugon niya saka ako hinila palayo sa parteng iyon. Oh okay. Namamangha sa mga nalalaman na tumango-tango na lang ako. Nang maramdaman kong nagri-ring ang aking cellphone ay inilabas ko ito mula sa ‘king bitbit na designer bag. Nakita kong tumatawag si Erros, si Kuya Eric, sila Elmo at ang iba ko pang mga kapatid na may cellphone at naka-ilang missed calls na rin. Nangunot ang noo ko at agad na nagtaka, sasagutin ko na sana iyon nang biglang mawala sa kamay ko ang phone. Hinatak ni Kai! “Kai-“ “No using of phone until dawn when you’re with me.” Seryoso niyang saad at sumakay kami ng elevator. Nagtatakang nagsalubong ang aking kilay. Bakit kaya sabay-sabay silang tumatawag?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD