009

1884 Words
Kabanata 9 K I M "Magkwento ka naman, Kim! Paano kayo nagkakilala?" ani Mae na kanina pa ako niyuyugyog para lang magkwento. Sinamaan ko siya ng tingin. "Oo nga naman, Kim! Magkwento ka naman kung paano mo nakilala itong si Ethan." Ngumisi si Jade na parang tuwang-tuwa pa siya sa nangyayaring ito sa akin. Inirapan ko siya. Kaibigan ko ba talaga ang babaeng ito? Bakit parang gusto na pa akong ilaglag? "Tumigil nga kayo. Bakit ko naman gugustuhing magkwento tungkol sa lalaking 'yan?" naiiritang sabi ko sabay tingin ng masama kay Ethan. Wala siyang reaksyon. Nakatingin lang siya sa akin ng seryoso. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Hindi ko gusto ang titig niyang ganito. Masyadong seryoso. Mas gusto ko pang ginagantihan niya ako ng masamang tingin. Hindi iyong ganito na wala manlang akong mahagilap na emosyon sa kanyang mukha. "Hala, bakit galit? Ex-boyfriend mo siguro itong si Ethan?" ani Tessa. Umirap ako. Hindi ko na alam kung pang-ilang irap ko na iyon ngayong gabi. Sumasakit ang ulo ko sa mga ito. "Oo nga. Mag-ex kayo, ano?" gatong pa ni Kris. Parepareho ko silang tinignan ng masama. Pinagkakaisahan na ako ng mga loka. "Tumigil nga kayo! Anong ex? Hindi ko ex 'yan!" "Eh, ano lang?" "Wala!" "Bakit galit na galit ka kung ganoon? Sinusungitan mo si Ethan kahit wala naman siyang ginagawa sa'yo," ani Kris. Umiling ako at hindi na sinubukang makipagtalo sa kanila. Bahala kayo riyan! Isipin niyo na kung anong gusto niyong isipin. Wala na akong pakialam pa. Mukhang wala rin namang pakialam si Ethan. Bakit pa kasi siya pumunta-punta dito? Nagpapansin siya sa mga kasamahan ko? Malandi talaga. Nakakita lang ng mga babaeng nagagwapuhan sa kanya ay lumapit na agad. Napakalandi! Wala talagang pinapalampas. Kahit sino na lang. Sabay-sabay kaming napalingon sa stage nang may sumigaw ng body shot doon. Naghiyawan ang lahat dahil doon. Ang mga tao ay paulit-ulit na sumisigaw ng body shot. Napangisi ako at agad na tumayo sa kinauupuan ko. Napabaling sa akin ang mga kasamahan ko. "Oh, saan ka pupunta?" ani Mae na hinigit pa talaga ang braso ko para pigilan. Akala yata mag w-walk-out ako dahil sa pang-aasar nila sa akin pero ang totoo gusto ko lang sumali sa palaro sa stage. Kung palaro nga bang maituturing iyon. Ewan ko. Mukhang masaya naman kaya susubukan kong sumali. Kinuha ko ang isang alak na nasa lamesa namin at diniretso iyon. "Sasali ako," matapang na sabi ko pagkatapos. Nalaglag ang panga ni Jade sa sinabi ko para bang hindi siya makapaniwala na sasali ako sa kalokohang iyon. Nang lingunin ko si Ethan ay nasaksihan ko ang pagdilim ng kanyang mga mata. Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya. "Ano? Seryoso ka? Lasing ka ba?" Kumunot ang noo ko kay Jade. "Hindi ako lasing. Gusto ko lang subukan. Mukhang masaya," sabi ko, tuluyan na silang iniwan para lumapit sa stage. Mas lalong lumakas ang hiyawan nang umakyat ako doon. Nahaluan pa iyon ng malakas na palakpakan. Ako kasi ang kauna-unahang participant sa kalokohang iyon. "Go, Kim!" Natawa ako nang may mag-cheer sa akin mula sa audience. Hindi ko alam kung sino iyon pero baka isa sa mga kasamahan ko sa trabaho o kung sinumang nakakakilala sa akin dito. Binaliwala ko iyon. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at nandito ako. Basta gusto ko lang magpakasaya ngayong gabi. Ayokong isipin ang Ethan na iyon. Kung gusto niyang makipaglandian sa mga kasamahan ko ay bahala siya sa buhay niya. Wala na dapat akong pakialam pa doon. Dapat nagpapakasaya lang ako dito at hindi na siya pinoproblema pa. Ilang taon na din akong ganito sa kanya dapat matigil na ito. "Ito na po ang ating first participant! Oh, di ba? Ang tapang! Dapat ganyan! Bawal ang KJ! Anong pangalan mo miss?" salubong sa akin ng baklang pasimuno ng kalokohang ito. "Kim," nakangiting sagot ko. "Everyone, palakpakan naman natin si Ms. Kim," anang bakla. Mas lalong lumakas ang palakpakan. "Ang ganda nitong si Ms. Kim. Ang swerte naman ng mga lalaki natin d'yan!" Tumawa ako at nakisabay sa palakpak nila. Kinakabahan ako pero hindi ko mapigilang ma-excite. Ito ang unang beses na gagawin ko 'tong kalokohang 'to pero mukhang masaya naman siyang gawin. Hindi ko nga lang mapigilang kabahan. "Higa ka na dito," utos ng bakla pagkatapos nang matapos ang palakpakan. Nahiga naman agad ako sa long table na nasa stage. "O, boys. Paunahan na lang umakyat sa stage kung sino ang— ay!" Hindi na natapos ng bakla ang sinasabi niya dahil may nakaakyat na agad ng stage. Hindi ko makita ng maayos ang mukha ng lalaki dahil sa nakakasilaw na ilaw na talagang itinapat sa akin. Sinadya nila 'yon para makita talaga ng manunuod ang mangyayaring body shot. Mas lalo akong kinabahan. "Wow! Ang gwapo naman nito. Hindi lang pala ang lalaki ang swerte dito, ang swerte mo din, girl. Palit nga tayo at ako na d'yan," biro ng bakla. Natawa ako pero hindi ko pa din maiwasang kabahan. Bahagyang bumilis ang t***k ng puso ko pero hindi ko naisip na umatras. Palapit ng palapit ang lalaki sa pwesto namin at habang papalapit siya ay mas lalong bumibilis ang t***k ng puso ko. Unti-unti na ring nagiging klaro ang kanyang mukha sa paningin ko. Halos mapabangon ako sa gulat nang mapagtantong si Ethan ang lalaking iyon. Holly fvck! Gusto kong sumigaw at magmura. Anong ginagawa niya? Nababaliw na ba siya? Bakit siya umakyat dito? Ano, gusto niya lang ba akong asarin? “Ethan! Ethan! Ethan!” sigaw ng crowd. Sikat talaga ang lalaking ito. “O, ano girls? Inggit kayo, ano?” panunuya ng bakla sa mga babaeng isinisigaw ang panghihinayang nila. Kung sila sana ang umakyat dito ay baka sila ang magagawan ng body shot ni Ethan. Napakagat ako sa ibabang labi. Bahala na. Laro lang naman ito, Kim. Kung magpapaapekto ka, ikaw ang talo. “Simulan na natin! Mukhang naiinip na si sir,” anang bakla nang makita ang tinatamad na ekspresyon ni Ethan. Sa itsura niya mukhang napilitan lang siya. Bakit pa kasi siya umakyat dito kung ayaw naman pala niyang gawin ito? Gusto niya lang bang mang-asar? Inabutan na si Ethan ng shot glass, nilagyan naman ng asin ang bandang dibdib ko at panghuli, inilagay nila ang lemon sa bibig ko. Kinabahan ako ng husto ng pumwesto na si Ethan malapit sa akin, handang-handa na siya. Habang ako dito ay mauubusan na yata ng hininga sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Parang gusto ko ng umatras na lang pero ayokong mapahiya. Isa pa, hindi na din ako makakilos sa sobrang kaba dito. Dinungaw ako ni Ethan mula sa kinatatayuan niya. Matalim ang tingin niya sa akin. Gusto ko din siyang tignan ng masama pero masyado akong kabado para gawin iyon kaya nag-iwas na lang ako ng tingin sa kanya. Kung galit pala siya at ayaw niyang gawin ito, bakit pa siya nandito? Parang ewan din ang isang ito. Kung makatingin siya ng masama parang pinilit ko siyang umakyat dito, kahit hindi naman. Napuno uli ng hiyawan nang walang patumpik-tumpik na nilagok ni Ethan ang alak na nasa shot glass. Napapikit na lang ako ng yumuko siya para dilaan ang asin sa itaas ng dibdib ko. Gusto kong magmura ng maramdaman ko ang pagsayad ng dila niya sa balat ko. Muntik pa akong mapa-ungol sa kiliting dulot ng ginawa niya. What the hell, Kim! Sobrang init ng pakiramdam ko at tingin ko sobrang pula na ng mukha ko. Dahan-dahan akong dumilat at halos mapamura nang maabutang sobrang lapit na ng mukha niya sa akin. Umawang ang labi ko sa gulat kaya nahulog ang lemon doon, saktong paglapat ng labi niya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko. Sa sobrang lakas ng t***k ng puso ko ay parang nabingi na ako. Hindi ko na marinig ang mga taong nasa paligid namin. Ang tanging naririnig ko na lang sa mga oras na iyon ay ang malakas na t***k ng puso ko. Akala ko bibitiw agad siya sa halik dahil aksidente lang naman… yata iyon at hindi naman niya… yata sinadya na mahalikan ako, kaya laking gulat ko nang tumagal ang halik niya at mas lumalim pa iyon. Holly s**t! Anong ginagawa mo, Ethan? Tumaas ang kamay ko sa dibdib niya para itulak siya pero bago ko pa magawa iyon ay nakabitaw na siya. Hinihingal siya nang makaangat. Kinuha niya ang mga kamay ko para iupo ako. Sobrang lakas ng hiyawan ng mga tao pero para silang naglaho sa mundo ko at tanging kaming dalawa lang ni Ethan ang natira doon. Hinawakan niya ang baywang ko para iangat ako pababa ng long table. Napahawak ako sa braso niya nang kamuntik pa akong bumagsak dahil sa panginginig ng tuhod ko. “You’re drunk,” aniya sa mariin ngunit malumanay na paraan. Tinignan ko siya pero agad din akong nag-iwas ng tingin nang maisip ko ang ginawa niya. He kissed me! Hindi aksidenteng lumapat lamang ang aming mga labi. Hinalikan niya talaga ako. Naramdaman ko iyon! Uminit ang pisngi ko. “Palakpakan naman natin sila!” Isang malakas na palakpakan at hiyawan galing sa audience ang nagpabalik sa akin sa wisyo. Agad akong lumayo kay Ethan. What the! Mabilis akong bumaba ng stage at hindi na siya hinintay pa. Nadaanan ko ang lamesa nina Philip pero hindi ko na nakuhang ngumiti pa sa kanila sa sobrang kahihiyan. Dumiretso na ako palabas ng bar. Nakapagdesisyon akong huwag nang bumalik sa lamesa namin dahil paniguradong tutuksuhin lang ako ng mga kasamahan ko doon lalo na si Jade. Diretso at mabilis ang lakad ko patungo sa sasakyan ko. Bubuksan ko na dapat ang sasakyan ko nang biglang may humawak sa siko ko. Hindi ko na kailangang hulaan kung sino iyon. Sa amoy pa lang niya ay alam na alam ko na agad. “What do you want, Ethan!” pasigaw kong baling sa kanya. Kita kong bahagya siyang nagulat sa sigaw ko. “You’re drunk. Ihahatid na kita sa condo mo,” aniya. Agad kong binawi ang siko ko sa kanya. “Hindi ako lasing! Kaya kong magmaneho. Leave me alone!” “Why are you mad?” Hindi nakatakas sa akin ang iritasyon sa boses niya. Hindi makapaniwalang tinignan ko siya. Seriously? Tinatanong niya pa talaga kung bakit ako galit? Eh, halatang-halata namang gusto niya lang akong asarin doon kaya siya umakyat sa stage at kaya niya ginawa iyon. “Dahil ba sa body shot? Hindi ba ikaw ang may ideyang sumali sa kalokohang iyon?” “Kaya nga! Eh, bakit sumali ka din? Gusto mo akong asarin, ano? Gusto mo kong inisin kaya ka nandoon! At bakit mo ako hinalikan? Sino ang gagong nagbigay sa’yo ng karapatang halikan ako? Ang kapal ng mukha mo, Ethan! Akala mo yata lahat ng babae nasasabik na halikan ka, pwes ibahin mo ako sa kanila! Hindi ako nasasabik sa halik mo! Ni ayaw ko ngang nakikita ka! Naiirita ako! Kumukulo ang dugo ko! Kaya pwede ba? Tigilan mo ako sa kalandian mo! Hindi mo ako madadala sa ganyan!” Mabilis na binuksan ko ang sasakyan ko at pumasok na doon. Bahagya siyang tumabi ng paandarin ko ang sasakyan ko. Hindi ko na siya nilingon pa at diretsong tinahak ang daan paalis sa lugar na iyon. “s**t!” mura ko nang may tumulong luha mula sa mga mata ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD