008

2001 Words
Kabanata 8 K I M “Hay naku, huwag mo na ngang isipin ang lalaking ‘yon! May Tom ka na, di ba? Magpakasaya na lang tayo. Samantalahin natin itong mga libreng alak!” aniya sabay halakhak. Nang marinig siya ng mga kasamahan namin ay nagtawanan ang mga ito pero sumang-ayon din naman sa sinabi niya. “Oo nga, minsan lang ito! Lubusin na natin at paniguradong magiging busy nanaman tayo,” ani Mae, isa sa mga kasamahan naming adik din sa alak. Pare-pareho lang kami dito na mahilig uminom kaya nagkakasundo kaming lahat. Puro single kasi kami sa team kaya ganoon talaga. ‘Yong iba sa amin hindi naman mahilig uminom noong una. Nahawa lang. Parang ako. Nahawa lang ako dito kay Jade. “Nasaan na ‘yong lalaking pumuporma sa’yo, Kim? Isama mo ulit ‘yon sa susunod na labas natin para libre ulit ang alak.” Umirap ako sa kasamahan kong nagsabi no’n. “Tse! Ang laki-laki ng sinasahod niyo tapos mga buraot kayo. Parang may binubuhay na pamilya, ah?” Nagtawanan sila. "Walang binubuhay na pamilya, sinusuportahang jowa meron," anang isa naming kasamahan. Tumawa ako at napailing. Kumuha ulit ako ng alak at ininom iyon. Nang luminga ako sa paligid ay agad kong nahanap ang mokong. Nagtaas ako ng kilay. Nakakapanibagong wala siyang kasamang babae. Mag-isa itong umiinom sa bar counter at mukhang may malalim na iniisip. Ngumuso ako. Malamang iniisip nanaman niya si Kristine. I sighed. Ganoon ba kalalim ang pagmamahal niya kay Kristine at nagkakaganito siya? Kung sabagay, si Kristine lang naman ang sineryoso niyang babae tapos iniwan pa siya. Masakit nga siguro iyon. Kung kailan niya napiling magseryoso 'tsaka naman siya iniwan. Hindi ko tuloy mapigilang isipin... Paano kaya kung naging maayos ang trato ko sa kanya? Paano kung hindi ko siya sinungitan? May pag-asa kayang magustuhan niya din ako? Pinilig ko sa ibang direksyon ang ulo ko. Bakit ko ba naiisip ang mga ito? Kaya hindi ako makalimot, eh. Palagi akong may ganitong iniisip kahit na hindi naman na dapat ako nag-iisip ng ganito. Kahit anong gawin ko hindi na mababago ang mga nangyari na. Kalokohan na lang kung iisipin ko pa 'yon. "Ang gwapo naman n'yan," rinig kong bulong-bulong ng mga kasamahan ko. Bumaling ako sa kanila. "Alin d'yan?" agad na tanong ni Jade, nakarinig lang ng gwapo. Napangisi lang ako habang naiiling. "Ayan, o!" sabay turo ni Mae sa direksyon ng kinaroroonan ni Ethan. Napaawang ang bibig ko nang mapagtanto kung sino ang pinag-uusapan nila. "Iyong nakaitim ba?" tanong ni Jade na ang tinutukoy ay si Ethan. Kilala lamang niya si Ethan sa mga kwento ko pero hindi niya pa ito kailanman nakita ng personal, kaya wala siyang kaide-ideya na ang lalaking tinitignan niya ngayon ay ang lalaking madalas kong ikwento sa kanya. Pumikit ako ng mariin at napabuntong hininga. Hindi na ako nakisali sa pagtingin nila kay Ethan. Kitang-kita ko ang pagliliwanag ng mga mata ng kaibigan ko habang pinagmamasdan si Ethan. Matalim ko siyang tinignan at inirapan. Hindi niya iyon napansin dahil titig na titig siya kay Ethan. "Oh, s**t! Ang sarap!" bulalas niya na nagpatindi pa lalo ng iritasyon ko sa kanya. "Lapitan natin!" Nanlaki ang mga mata ko at agad na hinawakan ang braso ng kaibigan ko para pigilan siya sa binabalak niya. "We're not cheap, Jade," mariing sabi ko. Natigilan siya at agad din namang sumang-ayon sa sinabi ko. "Oo nga pala. Hindi dapat tayo ang lalapit sa lalaki, ang lalaki dapat ang lumapit sa atin," aniya sabay hila pababa sa neckline ng suot ko. "What the fvck are you doing?" sigaw ko nang makitang lumitaw ang cleavage ko dahil sa ginawa niya. "Paano naman kasi lalapit sa atin 'yan kung wala tayong gagawin?" dahilan niya. Ang gagang ito! "Gaga! Huwag mo nga akong idamay sa kalokohan mo," iritadong sabi ko. "Ang laki-laki ng hinaharap mo tapos itinatago mo lang? Huwag kang madamot, Kim. Show some skin, girl!" Inirapan ko siya. Loka-loka talaga ito. “Tumigil ka nga, Jade!” “O, ayan na! Tumingin na dito!” tili ng isang kasamahan ko. Nang bumaling ako kay Ethan ay nakatingin na nga talaga siya sa pwesto namin. I mean… sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay at inirapan pero ngumisi lamang ang loko. Nagtilian naman ang mga kasama ko na akala mo naman kinukurot ang mga singit. “Oh my god, Kim! Tumingin siya dito tapos ngumiti. Tignan mo lalapit na ‘yan dito maya-maya,” humahagikgik na sabi ni Jade. Iniwas ko ang tingin ko kay Ethan at kumuha na lang ulit ng maiinom. Ayaw ko nang makisali pa sa pagpapatansya nila kay Ethan dahil simula high school pa lang ay pinapantasya ko na ang isang ‘yon. “s**t! Ang gwapo talaga!” “Kim, anong tingin mo? Gwapo, di ba?” ani Kris, ang pinakabata sa aming team. Hindi siya sumasama noon sa amin sa mga gimik pero natuto na din kalaunan. Napangisi akong tumingin kay Ethan. Gwapo nga. Abnormal naman. “Gwapo pero hindi ko type,” natatawang sabi ko. Pati ako natatawa na din sa sariling sinasabi. Hindi type? Pero noon mo pa gusto? Napailing ako. “Huwag niyo na pansinin ‘yan, may Tom na kasi.” “Oo nga pala. Gwapo din ‘yon kaso parang medyo seryoso.” “Ano naman? Mas okay nga ang mga lalaking seryoso,” ani Issa. “Lapitan na kaya natin,” si Mae, nagiging desperada na. “Tumigil ka nga Mae! Hindi nga natin alam baka mamaya may girlfriend pala ‘yan,” sabi ko, matalim ang tingin sa kanya. “Kaya nga, Mae. Hintayin mo lalapit din ‘yan. Kanina pa nakatingin dito, o!” ani Jade sa tabi ko. Tinignan ko ulit si Ethan. Inubos niya ang alak na nasa harapan niya bago tumayo. Nagtilian nanaman ang mga kasamahan ko. Natatawa na lang ako sa kanila. Bawat kilos na lang ba ni Ethan ay kikiligin sila? Kung sabagay, hindi ko sila masisisi. Ganyan din naman ako… Dinadaan ko lang sa pagsusungit para hindi mahalatang kinikilig ako. Kunwari namumula ako sa galit pero ang totoo…. “Ayan na! Lumalapit na!” Bago pa man ako makapag-isip ng maayos ay nakalapit na sa pwesto namin si Ethan. May ngising naglalaro sa mga labi nito nang makalapit sa pwesto namin. Napasapo na lang ako sa sintido ko at napapikit. Ang sarap magmura. Bakit kailangan niya pang lumapit? Papansin ba siya? “Hi, pogi!” narinig ko ang nakakairitang boses ni Jade. Dumilat ako at agad na nagtama ang tingin namin si Ethan. Tinignan ko siya ng masama para malaman niyang hindi siya welcome sa table namin pero ang gago mas lalo pang ngumisi. “Hi!” nakangiting sambit ni Ethan habang nakatingin sa akin. Umalingawngaw ang tili ng mga mahaharot kong kasamahan. Napatingin na tuloy sa amin ang ibang mga naroon. Nakita ko pang pati ang grupo ni Ms. Dana ay napalingon sa amin. Nakakahiya! Nag-Hi lang si Ethan para na silang niroromansa kung makatili. “Hi, handsome! I’m Kris, anong pangalan mo?” nag-abot na ang malantod na si Kris ng kanyang kamay. Sinamaan ko siya ng tingin pero inirapan lang ako ng loka. Kinagat ko ang ibabang labi ko. Bago pa makapagpakilala si Ethan ay tumayo na ako para makaiwas. “CR lang ako,” paalam ko kay Jade, hindi ko na hinintay ang magiging sagot niya at dumiretso na ako. Hindi pa man ako nakakalayo ay may humigit na ng kamay ko. Sisigawan ko na sana iyon dahil akala ko si Ethan nanaman pero natigil ako nang makitang si Caleb lang pala. “Kim, kumusta?” nakangiting bati ni Philip. He’s Edward and William’s brother. Si Edward ang napangasawa ng kaibigan kong si Louise. Si William naman ang napangasawa ng pinsan kong si Mutya. Nakilala ko si Philip noon sa Dark Rose. Bar iyon ng mom niya. Nakaharutan ko na ‘to noon, eh. Pero ngayon ang alam ko may asawa’t anak na siya. Halos magkasunod lang silang ikinasal ng kapatid niyang si Edward. Anong ginagawa ng isang ito dito? Kakilala niya rin si Ms. Dana. “O, Phil! Ikaw pala ‘yan!” niyakap ko siya sandali. “Magkakilala din kayo ni Ms. Dana?” nakangiting tanong ko. “Uh, yep! Sinong kasama mo?” Itinuro ko ang mga maiingay kong kaibigan. Agad kong naabutan ang malamig na tingin na ipinukol sa akin ni Ethan. Hindi ko siya pinansin at muling binalingan si Philip. “Mga kasamahan ko. Ikaw? Kasama mo wife mo? Balita ko kinasal ka na din, ah?” Tumawa siya at tumango. “Oo, hindi ka pumunta sa kasal ko.” “Hindi mo naman ako inimbitahan. Buti pa sa kasal ng dalawa mong kapatid nakapunta ako.” “Tara, ipapakilala kita sa wife ko,” aniya. Agad naman akong sumama sa kanya. Mas mabuti nang sumama sa isang ito kaysa manatili ako sa table na iyon gayong naroon din si Ethan. Paniguradong nakapagpakilala na siya at siguradong alam na din ni Jade ang dahilan kung bakit ako biglang umalis doon. Sinama nga ako ni Philip sa lamesa nilang mag-asawa. Nagulat ako nang makitang naroon din ang pinsan kong si Mutya. Kasama niya ang asawa niya. Agad siyang tumayo sa kinauupuan niya para yumakap sa akin. “I miss you, Ate Kim,” aniyang nakalabi pa. Tumawa ako. “I miss you too,” malambing na sabi ko. Tinanguan ko lang ang asawa niyang ngumiti sa akin. Noon, naalala ko, ayaw na ayaw ko dito kay William. Ewan ko. Sigurado dahil alam kong kilalang playboy ang isang ito tapos ang aga pa niyang nabuntis ang pinsan ko. Pero mukhang masaya naman sa kanya ang pinsan ko ngayon. Ipinakilala ako ni Philip sa asawa niyang si Terry. Maganda ito at mukhang mahinhin. Napag-alaman kong naging assistant pala ito noon ni Sander. Kakaiba ‘yong ganda niya. Sobrang simple lang pero kapag tititigan mong mabuti mapapanganga ka na lang sa ganda, tapos mabait pa. “Where’s Edward and Louise?” tanong ko dahil sila na lang ang kulang sa lamesang ito. “Hindi makakarating. Busy yata ang mag-asawa,” ani Mutya. Ilang sandali pa akong nagtagal sa lamesa nila bago ako nagpaalam na. Wala naman na siguro ang Ethan na iyon sa lamesa namin. “Ihatid mo siya sa lamesa nila, Phil,” anang asawa ni Philip. “Hindi na. Kaya ko na ito,” tanggi ko pero nakatayo na si Philip sa kinauupuan niya kaya hindi na ako nakatanggi pa. Sabay-sabay na nagsipaglingunan sa amin ang mga kasamahan ko nang bumalik ako doon na kasama si Philip. Sa kasamaang palad naroon pa din si Ethan. Nagpaalam na agad si Philip at umalis na din. Naupo ako sa tabi ni Mae dahil nakaupo na ngayon si Ethan sa upuan ko kanina. Tinignan ko siya ng masama. Ano pang ginagawa niya dito? “Huy, di ba iyon ‘yong ka-fling mo noon? Ang gwapo din no’n, ah! Bagay din kayong dalawa,” ani Jade nang tuluyang makaalis si Philip. Inirapan ko siya. Lahat na lang ng lalaki tinutulak niya sa akin. “He's a married man,” may diing sabi ni Ethan. Napangisi ako. “I know, Ethan,” malamig kong sabi. Namilog ang bibig ni Jade na nasa tabi niya. Nanlalaki ang mga mata nitong tumingin sa akin. Akala ko ba nagpakilala na ang isang ito sa kanila? Bakit tila nagulat pa siya? Hindi niya ba agad na-realize? Kung sabagay, marami namang may pangalang Ethan sa mundo. “Oh my god!” malakas na bulalas ng kaibigan ko habang pabalik-balik ang tingin sa amin ni Ethan. “Magkakilala kayo, Kim?” ani Mae sa tabi ko na gulat na gulat din. “Sa kasamaang palad, oo, magkakilala kami ng taong ‘to,” sabi ko sabay tingin ng masama kay Ethan na nagawa pang ngumisi sa akin. Nagmura si Jade bago humalakhak ng malakas. I sighed. Damn it! May pagbabangang tinignan ko ang kaibigan ko. Subukan niya lang talagang ipahiya ako sa lalaking ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD