Kabanata 52 K I M "Anong sabi mo? Ikakasal ka na?" hindi makapaniwalang bulalas ni Jade nang sabihin ko sa kanya ang tungkol sa pagbubuntis ko at sa pag-alok sa akin ng kasal ni Ethan. Nakasapo ang kanyang palad sa kanyang bibig na para bang gulat na gulat siya at hindi makapaniwala sa sinasabi ko. Nagbaba ako ng tingin. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. Naiilang ako na ganito ang pinag-uusapan namin. "Paano? Kayo na ba? Kaya ba siya ganoon kung makareak noong nasa bar tayo kasi may relasyon na kayo? At paano mo nagawang ilihim sa akin ito, ah?" Napairap ako sa napakadami niyang tanong. Sabi ko na ganito na talaga ang inaasahan kong magiging reaksyon niya. S'yempre magtatanong siya at paniguradong magtatampo dahil hindi ako nagkwento sa kanya. Paano pa sila sina Yakira, mas la

