Kabanata 54 K I M "Tama siya. Pakakasalan lang ako ni Ethan dahil nabuntis niya ako," amin ko. Hindi ko na alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para sabihin iyon. Pero iyon naman talaga ang totoo kaya bakit ko pa iyon itatanggi? Dapat lang na malaman nila ang totoo. Tapos na ang mga araw ng pagtatago sa kanila. Kailangan ko na silang harapin ngayon. "Noong nalaman naming buntis ako, inalok niya akong magpakasal. Sinubukan kong tumanggi dahil alam ko namang pakakasalan niya lang ako dahil sa dinadala ko. At ayoko ng ganoon. I swear, hindi iyon ang gusto ko para sa sarili ko. Oo, mahal ko siya at magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko hinangad na makasal sa kanya. Pero hindi talaga ito 'yong gusto ko, eh. Ayaw kong itali siya sa akin dahil lang nabuntis niya ako. Ayaw k

