Isang buwan nalang ang hinihintay ko bago magin legal kami sa magulang nya sobrang saya sa pakiramdam na matatapos na yung challenge na yun at wala rin akong narinig na nalabag ko na rules.
Napayakap ako sa galak kay Summer dahil onting araw nalang ay malelegal na ako kay tita.
"Dis iz it!!!! Excited na ako, na mayakap sa harap ni Tita at sa kanila," wika ko.
"I salute you Bunchyy, thankyou kasi nagtiyaga ka, doon palang napaka swerte ko na sayo, pinakita at pinaramdam mo sakin na mahalaga ako at mahal mo ako---- ganda ko kasi no..." anya sabay bungisngis, napahigpit nalang ang yakap ko sa kanya.
Hindi nya alam ako na yung pinaka swerteng tao dahi nakatagpo ako ng gaya nya, wala akong pinagsisihan na mahalin sya kahit iba sya at wala akong pagsisisi na nagmahal ako ng bestfriend dahil lahat Worth it hindi nya ako binibigyan ng dahilan para magsawa, hindi nya pinaparamdam sakin na gay sya and never nyang iniisip na "Bakla ako baka iwan morin ako someday" walang ganun at pinapahalagahan nya kung ano kami noon at ngayon.
ISANG ARAW nagpaalam sya sakin na mag out of town Puerto Galera, kasama ang mga kaibigan nya ng hindi ako kasama sa bonding nila Girls bonding daw iyun at NO BOYFRIEND ALLOWED dahil mga bitter daw ang mga ito. medyo nalungkot lang ako at inintindi nalang...
"Bunchy, my out of town pala kami, gusto sana kita isama kaso no boyfriend allowed"
"Kailan ba yan? sino sino kayo?" malungkot kong tanong.
"Kami kami lang nila Jiggy tapos yung iba naming girl na friend sila Mika---- bale bukas na kasi, nakabook na sila... wag kana sad Bunchy bunchyy!!" anya habang nakakandong sakin na naglalambing.
"Ngayon mo lang sinabi sakin---- wala naman akong magagawa e!" tugon ko.
"Smile kana Bunchyy, sa tingin mo ba mageenjoy ako na malungkot ka dito, 2days 1 night lang naman yun, lagi kitang itetxt, gusto mo ba masayang lahat ng effort mo once na malaman na magkasama tayo? effortless lang pag nangyari at baka paghiwalayin talaga tayo ni Mommy, after nito tayo naman ang aalis kahit saan.. kung gusto ko Out of the Country laban natin yun.... kaya wag na sad." anya.
"Pwedeng wag ka nalang sumama? kahit bayaran ko nalang yung binook nyo, hindi kasi ako magiging komportable lalo nat nasa malayo ka," pakiusap ko.
"Bunchy naman!!! Dont worry, marami naman kami---- ito naman namimis agad ako, basta magiingat ako..." anya.
Wala na talaga ako magawa kaya hinayaan ko nalang kaysa sya yung magtampo sakin na kinakatakot kung mangyari natapos ang usapan namin na naging emosyonal..
SUMMER POVS
Miski ako nalulungkot ng hindi kasama si Gab sa outing, diko lang pinapahalata sa kanya dahil ayuko magpaapekto sa lungkot nya, para syang bata na iiwan sa bahay na maluha luha ang mga mata, I comfort my bunchy nalang.
"Basta 24/7 tayong babad sa tawag hanggang sa pagtulog, kasi gusto ko marinig yung hilik mo e,"
"Oo naman Hindi pwedeng hindi, atlis kahit papano magkasama parin tayo." anya.
Nagpaalam nako sa kanya, ang pinaalam ko lang kasi kay Mommy ay may bibilhin na gagamitin sa outing at para nadin makapag prepare nako dahil maaga kaming aalis, gustohin ko man din na si Gab ang maghatid samin kaso yung driver namin ang maghahatid kaya narin ako pinayagan ni Mommy to make sure daw na wala si Gab sa outing kainissss!!
KINABUKASAN pagising ko imbes na mag prepare na ako mas inuna kong tawagan si Gab para ma update ko rin sya pero hindi sya sumasagot kaya napilitan nalang ako na magayos na sakto rin na tumawag nadin sila Mika sakin.
Kaya nagayos na ako at baka maabutan daw kami ng traffic dahil 10am ang book ticket namin kaya di ko na natawagan si Gab.
Nakaalis nako ng bahay dala ang kotse para ihatid kami sa Batangas port, tamang commute nalang kami after maihatid dahil gusto namin mafeel ang pagiging adventurer..
habang nasa edsa palang kami nagkakasiyahan na at biglang tumawag si Gab kaya i used earphone para magkaintindihan kami dahil sa ingay nila Jiggy.
"Yes Bunchhyyy-- dito palang kami sa edsa, kakagising mo lang no?"
"Yes Baby Girl, how did you know? ahmmm ingay nyo diyan!" anya na may paghikab pa.
"Amoy ko bunganga mo e, amoy baby Ayiiiieee-- Oo nga e dala narin ng pagiging excited nila,"
"Sana andiyan ako no,---" sambit nito.
"Yan ka nanaman, basta ramdamin mo nalang na kahit wala ako ay kasama parin kita---- " wika ko.
"sad din si Baby bunchy mo, wala ka kasi e!'' pilyong wika nito.
"Ang bad Grrr, your' so Baboy bunchhy!!" reaksyon ko ng sabihin nya yun, matawa tawa nalang ako, habang kausap sya.
"Jk lang hihihi'!"biro nito.
"Play my baby bunchyy nalang para di ka sad----" biro ko.
"Loko---- ahmm Okey, Laruin ko then imaginin kita, kasi sabi mo kanina diba para kahit papano magkasama parin tayo to play our baby." malibog na wika nito.
"NO!!! yuck... Bunchy I hate you--- you're so rude, I can't imagined Grrr!!" matawa tawa kong sabi.
Ewan ko ba sa kabilawan namin at sinenyasan ko sila ng wag munang maingay dahil may ipapagawa ako kay Gab. kaya tinanggal ko yung earphone at ni loudspeaker ko para marinig nila.
"Bunchy? is our baby bunchy awake yet?" matawa tawa kong tanong.
"Sinong baby bunchy?" pabulong na tanong ni Jiggy.
"Yes, and he was getting stiff." anyang pabulong, doon na nila nagets na kung sino si Baby bunchyy at sabay batok ang inabot ko kay Mika sa kalokohan. pero mahihinang tawanan lang kaming lahat.
''Bunchy, How to ungol?" tanong ko sabay tawanan pa lalo kami.
Bigla ko munang m-ute para sabihing
"O tama na, masyado na kayong natuwa, baka labasan kayo dyan," wika ko. at sabay nagearphone muli ako para ako lang makarinig ng ungol na iyun HAAHAHAHA
"Im just kidding you bunchy para di ma sad--- mag breakfast kana,sabihan ko nalang si ely at caleb na samahan ka,"
"Yes my girl. Ilove you!" anya.
Nagulat nalang ako ng magsalita si Jiggy ng malakas.
"Yuckk, very disgusting---- ano yan Summer, s*x on call? iwkk!" natatawang biro nito.
"attacking Inggetera again!" sagot ko.
"Bunchy sabi ni Jiggy nag sSOP daw tayo?" dagdag ko pa sabay tawa. tawa lang din si Gab..
"puro kayo kalokohan diyan--- by the way, hang ko muna tong phone bababa lang ako at kukuha ng makakain... be right back..." anya.
Ewan ko nakatingin pala sila sa akin tila nagaabang ng biyaya.
"Ang weweird ng mukha nyo----" wika ko.
" Daks ba si Papa Gab?" nakakalokong tanong ni Jiggy.
"Yuckk, Dont call him papa Gab!!! you such irritating ang panget ng tanong, sa tingin mo sasagutin ko yan?"
"Dapat!!" nagulat ako sa sabay sabay nilang sinagot ang dapat lang.
"Ano may pagnanasa kayo kay Gab?" tanong ko sabay tawa.
"That's right, you can too!" sagot ni Lindsay, sabay demonyong tawa
" i hate you all... Gab is mine"
Nanahimik na lahat buti nalang inantok na sila para daw may energy sila sa ferry kasi aacting daw sila ng Ala titanic. at akoy abala parin kausap si Gab.
" ito umidlip muna sila, gisingin ko nalang sila kapag nasa batangas na kami," wika ko.
"Asan naba kayo?"
"slex palang e,---- "
"Umidlip ka din kaya e baka ikaw naman ang walang energy mamaya, pupunta rin muna ako sa laundry shop e, tambak na." anya.
"sabagay, ----- sige na, ingat ka diyan Ilove you!" wika ko.
"Ikaw ang magingat diyan --- Hahah ilove you too My girl!" at umidlip narin ako....
SUMMER POVS
Naalimpungatan ako dahil sa ingay nila, gising na pala sila dahil nakarating napala kami sa Port ng batangas dun kasi kami sasakay ng Ferry papuntang Puerto, nakailang tawag na pala si Gab kaya minis-call ko sya para sabihin na asa port na kami.. pero hindi sya sumasagot dahil siguro baka... may ginagawa na ito.
kaya bumaba na kami ng kotse at nagpaalam na sa driver namin.. sinusubukan ko parin syang tawagan para iupdate ito na nakasakay na kami ng Ferry pero wala parin..
Mga isa o hanggang dalawang oras ang biyahe papunta dun, mas mabilis daw kung mag wawater taxi kami kaso mahal at 30 mins lang ang biyahe, afford naman namin ang presyo pero hindi naman kami nagmamadali at gusto rin namin ma feel ang biyahe...
pagsampa namin, nagsimula na ang mga harutan nila na tila ngayon lang nakasakay, selfie doon, selfie dito yung iba naman ay nagfifilm for documentary pero ako iniisip ko si Gabrielle' bigla ko syang naalala at namis--- "mas masaya siguro kung kasama kita bunchyyy" bulong ko sa hangin..
"Uy ang Killjoy mo! tara Groupieee.." wika sakin ni Mika..
"Namis ko lang si Gab, sana kasi pwede jowa e," sagot ko
"Edi kami naman wala--- wag kana mag lungkot lungkutan diyan, andito tayo para magsaya." anya.
"Summer! pahiram nga ako damit--- kaloka nabangga ako ng lalaki, natapon tuloy sakin yung kinakain nya." wika ni Jiggy habang palapit sa amin.
Wala ako sa mood at sinabi kong kunin nya nalang sa bag ko yung hihiramin nya dahil marami naman akong extra na damit,.
Ewan ko ! may mga baon naman sya bakit pa nanghiram, another scam from Jiggy, di kasi sya nagbabalik ng gamit.
Imbes na makisali ako sa kanila nag muni muni ako.. hanggang tumawag na si Gab...
"Sorry, may tinapos lang ako---kamusta?" anya.
"ito nakasakay na kami, nakakainis nga lang e ang lungkot-- wala kakasi e, sana hindi nalang ako sumama kung alam ko lang na ganto yung mararamdaman ko." wika ko.
Nang may mapansin ako habang kausap si Gab. nasa bandang side ko sya mga limang hakbang ang layo nito at pansin kong panay ang tingin nito sakin kaya hinayaan ko nalang dahil kausap ko si Gab..
"---- gusto mo sumunod ako? miski ako nalulungkot din pero nililibang ko nalang muna sarili ko dito sa bahay at iniisip ko na asa bahay ka lang ninyo," anya.
"Wag na---"" napahinto ako ng mailang ako dahil nakaharap na sa akin yung lalaki na medyo may pagkabadboy yung looks nya.
"Wait lang bunchyy----" binabaan ko muna si Gab para komprontahin yung lalaki.
"Yes?? Do i know you?" wika ko.
Umiling lang ito na may ka pobre at nakangiti lang ito na akala moy may balak.
"B*tch---#%(/*" bulong ko sabay tinaasan ito ng kilay.
Masasabi kong gwapo sya at almost perfect diko lang alam sa attitude. tinalikuran ko na sya para tawagang muli si Gab pero nagulat nalang ako ng may magsalita--- katabi ko na pala ito..
"Kanina pa kita napapansin--- kailangan mo ba ng makakausap?" marahang boses nito.
"No!!! ayuko---- " sagot ko sabay alis..
muli akong tumawag kay Gab para sabihin sa kanya tungkol sa lalaking yun.
"Bunchyy---- may lalaking tingin ng tingin sakin, hmmm kainis sarap sampalin!!" wika ko.
"Ano ginawa mo?--- ganda mo kasi e," biro nito.
"Dika nag woworried?"
"Hindi, kasi i know naman na hanggang dun lang yun sayo,"
"Oo naman nu-- naiilang lang ako!"
"hayaan mo nalang--"anya.
Nagtuloy tuloy pa ang usapan namin hanggang umabot sa kalandian Hanggang sa.... May isang malaking pagsabog ang naganap mula sa loob, halos mabingi ako sa lakas nagsimula narin ang takot ko dahil nasa loob sila Jiggy. lumalagablab narin ang apoy mula sa loob... naririnig ko nalang si Gab na nagtatanong kung ano ang pagsabog na iyun pero naging bingi ako dahil gusto ko hanapin kung asa an sila Jiggy.. nilakasan ko lang ang loob ko at sinalubong ang mga taong palabas mula sa loob ng ferry, ang lahat ay nagiiyakan na at ibay buhat buhat ang mga bata..
"Jiggy!!! Mika!!--- asan kayo?" umiiyak kong sigaw hanggang mabangga ako ng isa kaya nabitawan ko ang cellphone na hawak ko.. pero hinayaan ko nalang dahil focus ako sa paghahanap sa kanila...
"Wag mo na sila hanapin, lumalakas na ang apoy sa loob---" sigaw ng isa, at pinilit akong hilain palabas muli pero nagpumiglas ako at pumasok parin ako sa loob... maya maya may isang malakas muli na pagsabog na nalalong nagpatakot sa lahat... may sumalubong sakin na nasusunog na ang katawan at ilan ay natupok na dahil na trapped ang ibay angiiyakan, gusto ko silang tulungan.. pero paano yung mga kaibigan ko asan na sila.. patuloy lang ako sa pagiyak habang nararamdaman ang init ng paligid..
hanggang sa nakarating na ako sa pwesto namin, ang kapal na ng usok ngunit wala sila at palabas na sana ako mula sa kwartong iyon ngunit ang lakas na ng apoy, sobra na akong nagtakot hindi ko alam kung paano ako makakalabas o makakatakas sa sitwasyong iyun..
Pinipilit kong makahinga ng maayos di ko na alam ang gagawin ko-- tarantang taranta na ako..
"Bunchyyy ko---- sorry!!!!" paulit ulit kong sabi dahil nawawalan na ako ng pagaasa tila katapusan ko na ng oras na iyun, hanggang sa tuloy tuloy na pagsabog ang umalingawngaw na lalong nagpalala ng mga apoy..
Pinasok narin ang kwarto ng apoy at nagbagsakan na ang mga kisame.. hanggang sa nabagsakan na ako... napasigaw nalamang ako sa init na dumampi sa balikat ko at ramdam ko rin ang pagapoy narin ng buhok ko.
"GAB!!!!!!!!" sigaw ko hanggang sa nawalan na ako ng malay...
GAB POVS
Habang kausap ko si Summer, may isang malakas na pagsabog akong narinig at tinatanong ko sya kung ano yun ngunit hindi sya sumasagot. dun na ako natakot at kinabahan... tila may masamang nangyayari na di sya sumasagot pero naririnig ko ang mga tao na nagsisigawan at ibay nagiiyak halos nagpapanic ang mga ito.
"Summer!!!! sumagot ka, anongyayari diyan--" natatakot kong wika.. agad ako bumaba mula sa kwarto, hindi na ako nakapagayos para sumunod sa kanila... sobra na talaga akong kinakabahan at hindi maganda ang kutob ko..
Naiiyak na ko sa sobrang kaba at sumabay pa ang traffic.. sinusubukan kong tawagan ulit si Summer pero hindi ko na matawagan..
Hanggang sa nabalitaan ko na may nasusunog na sasakyang pandagat m patungo sa lugar kung saan papunta sila Summer.. at doon na ako naghagulgol ng sobra..
Mga Alas dos na ako nakarating ng Port ang daming tao halos kamag anak ng ibang pasahero na kapwa nagiiyakan sa pangyayari..
May mga na rescue pero wala si Summer, at may nagbalita na palubog na ang ferry at marami nang namatay at nasunog at ang ibay namatay na sa pagkalunod..