GABRIELLE' ANXIETY

1813 Words
Lumipas ang ilang oras wala parin si Summer mula sa mga dumadating na rescuer wala din ang ibang mga kaibigan nito. dagsa narin ang mga tao. "Summer plssss asan kana, pinagaalala mo ko!" usal ko Hanggang umabot na ng dilim at patuloy parin akong umaasa na maliligtas si Summer mula sa bangungot na iyun. Pahikbi hikbi nalang ako na tulala dahil ubos na ang mga luha ko.. ayuko tignan yung mga bangkay na inaahon nila dahil alam ko sa puso ko buhay ang mahal ko. Halos wala na daw buhay na.. dumami pa ang mga tao at marami naring media sa lugar habang akoy nakatulala lang na nakatingin sa dagat. "Ang daya mo.. kung kailan onting araw nalang malelegal na tayo saka..."diko na natuloy at naging emosyonal na ako muli.. "Kuya---" dinig kong may tumawag sakin. si Ely at Caleb.. pero diko sila pinansin. "Nabalitaan namin yung nangyari---sabi na nga andito ka kuya e... asan si ate Summer??" wika ng mga ito. "Wala na ata--- iniwan nya na ako, iniwan nya na tayo!" mahina kong boses na nawawalan na ng pagasa. Bigla silang nawala sa tabi ko diko al saan sila pupunta.. baka hahanapin nila mula sa mga nakatakip na bangkay.. ......... "Kuya!!!- tara" sigaw ni Caleb habang tumatakbo palapit sakin. "Nakita nanamin si Ate Summer" hinihingal na wika ni Ely. "Saan?" napatayo ako at nabuhayan ng loob at sumama sa kanila.. at sa hindi inaasahan dinala nila ako sa isang nakatakip na bangkay.. "Ano yan? anong gagawin ko diyan? hindi si Summer yan!!!" galit kong sabi. Nagulat ako ng biglang tanggalin ni Ely ang takip.. isang sunog na bangkay. Nanlumo ako sa nakita ko. "Diba si Summer yan kuya?--- tignan mo yung kwintas kuya, diba ayan yung binigay mo?" wika ni Caleb. Nanginginig ako at ayuko maniwala na sya ang sunog na bangkay na iyun, oo bigay ko nga ang kwintas na iyun para akong sinakluban, nanlambot ako at awang awa ako sa sinapit nya.. hanggang s unti unti na akong naniwala na sya nga iyun dahil may kapiraso pang damit ang hindi nasunog at damit nya nga iyun.. "Sum-------" wika ko habang umiiyak at diko mapigilang mapayakap kahit ganun ang kalagayan nito. "Summer---- bakit???" sigaw ko... Pinapakalma na ako ng mga kapatid ko pero diko talaga kaya na makita syang ganun.. "Summ-- " bulong ko... hanggang pinalayo muna kami ng mga pulis.. at hinarangan na ito.. Diko na alam ang gagawin ko lumong lumo na ako.. diko din alam kung alam na ng pamilya nya ang nangyari wala rin akong numero nila para tawagan sila kaya pinauwi ko muna si Ely at Caleb at inutusan para sabihin sa pamilya nya ang nangyari. agad nama nila akong sinunod. Nasa malayo lang ako na nakatanaw sa nakahigang bangkay ni Summer at inaalala lahat ng masasayang magkasama kaming dalawa... "Ang daya mo-- iniwan mo ako agad, paano na ako wala nang kasama si Bunchyy mo...." nanghihina kong sabi sabay ang pagragasa ng mga luha ko. "Sabi mo uuwi kadin agad---- bakit wala ng buhay? ang daya mo--- sabi ko sasama ako e... " wika ko pa. Hanggang sa dinala na ng mga rescue ang mga bangkay at nagpakilala akong Boyfriend ng isa sa mga ito at dinala na sa malapit na Funeraria kaya. Kaya kinausap ko muna kung maari hintayin ang pamilya muna nito kung ibuburol si Summer ng ganun o icrecremate. Napakasakit makita na yung taong mahal mo ay nasa morgue at kitang kita ko ang sunog na katawan nito sobrang sakit sa loob di ko maigined na mangyayari sa kanya. Maya maya ay tumawag na sakin si Caleb at kakarating lang nila sa bahay nila Summer pero sabi ng Guard umalis na daw si Tita dahil nakarating na ang balita sa kanila at pinahingi ko ang number ni Tita sa guard na agad namang binigay sa kanila at pinasa sakin at binabaan ko na sila at agad ko namang tinawagan si tita para sabihin kung nasan kami... Agad naman nitong sinagot at halos wala akong maintindihan pinairal agad ang galit halos wala na akong maisagot hindi ko rin nasabi kung asan kami kaya iti-next ko nalang ang info kung nasan kami. Pagdating alas 10 dumating na sila, isang malakas na iyak mula sa isang ina ang bumungad sa loob ng Funeraria. sumunod parin ang mga kapatid ko na sinabihan ko rin kung nasan kami. Huminto ito sa tapat ko at nagulat nalang ako ng bigla akong sinampal ng napakalakas na halos yumanig sa utak ko. na ayukong makita ng mga kapatid ko yun dahil never nagawa ng magulang namin yun samin kaya kita ko sa mata ng mga kapatid ko ang dismaya at awa.. pero hinayaan ko nalang kaya napahinga nalang ako ng malalim... Nagulat nalang ako ng magsalita si Tita na kinagulantang ng lahat. "Hindi ko yan anak!!! Hindi yan si Summer---- " mangiyak ngiyak na sigaw nito. "Sya po si Summer--- ayan pong kwintas na suot nya ay bigay ko po sa kanya," sabat ko pero akoy dinuro at sinigawan. "Shut up!!!!! Im not talking to you!!" sigaw nito. "Wala sa kwintas na yan yung dugong na nanalatay saming dalawa--- No!!! hindi yan si Summer!!" ewan ko ba kung totoo yung nararamdaman ni tita o hindi nya lang talaga matanggap na wala na si Summer para syang baliw, pinipigilan nalang sya ng mga kasama nya... miski ako ayuko rin naman maniwala na hindi sya yun pero sapat nasakin ang bakas at kwintas na sya nga iyun. lahat kami nagiiyakan nasa morgue at unti unti ng tinatanggap ni tita pero akoy pinaalis nya at pinagtabuyan. "Ayoko makita pagmumukha mo--- umalis ka sa harap ko diko kailanga presensya mo!" duro nito sakin at biglang rumesbak si Caleb. "Walang galang na ho, sumosobra na po yata kayo sa kuya ko-- sa tingin nyo po ba kasalanan ng kuya ko?" sagot nito. "Tama na Caleb----"wika ko. "Oo nga aksidente ang nangyare at wala si kuya sa pangyayari, kaya wag nyo maduro duro kuya ko-- dahil kahit kailan hindi nagawa ng magulang namin sa kanya yung ginawa nyo!!" sabat naman ni Ely. "Wala akong pake--- magsilayas kayo!" galit na sigaw ni tita. "Tita-- hindi ko po kayang iwan si Summer kahit wala na sya, kaya nakikiusap ako, kahit hanggang sa ilibing sya sana andun ako," pagmamakaawa ko. "Kahit ilang sampal tatanggapin ko, hayaan nyo po ako na makapiling sya sa labi nya," dagdag ko pa. hanggang sa hindi na ito umimik at pinagsabihan nalang kami ng kasama nila na umalis nalang at baka mas lalong magalit pa ito at tumaas ang dugo.. Kaya agad naman akong sumunod at inaya ang mga kapatid ko na lumabas na. "Umuwi na kayo Ely at Caleb---- dalhin mo na yung sasakyan ko tagisa kayo dito lang muna ako!" pakiusap ko sa kanila dahil gusto kong magisa. "pero...." wika nila. "Wag ng mag pero pero... gusto kong mapagisa... makinig kayo kay Kuya, uuwi ako pag okey na.. " wika ko sa kanila. "Hindi ka namin iiwan dito kuya!!" "Kailan ka magiging okey bago makauwi? araw? linggo? buwan o taon? kuya sa kalagayan mo mahirap maging okey--- kaya sabay sabay tayo uuwi kuya!" umiiyak na wika ni Ely. "Plsss makinig kay kuya-- makinig kayo sakin, bukas na bukas uuwi rin ako!" wika ko. Nakinig din naman agad sila sakin at akoy bumalik sa port, gusto kong sariwain lahat ng magisa. Iyak lang ako ng iyak sabay ng malalakas na hangin mula sa dagat ramdam ko ang yakap ni Summer. "Wala--madaya ka, late ka na nga nagpaalam, tapos hindi ka pa nagsabi na hindi kana babalik, paano na ako?" wika kong magisa. "kaya pala ayaw mo ako isama kasi iiwan mo na pala ako...." GAB POVS . Bumili ako ng beer at sa tabi ako ng dagat nagpakalasing, ang bilis ng mga pangyayari parang kahapon lang kausap ko pa sya at kasama ngayon ay wala na sya at hindi na babalik pa.. Paulit ulit kong bigkas ang pangalang summer sabay ang pagpatak ng mga luha ko. Lantang lanta at tila wala ako sa sarili at nabuo ang galit sa mundo.. na bakit sya pa? ang daming tanong na hindi ko alam kung sino ang sasagot at ang alam ko lang ay galit ako.. Nagising nalang ako sa pagkatao ko na nagsisigawan ang mga tao dahil nakalusong na ako sa dagat.. may nagahon sakin. "Sir magpapakamatay ba kayo,?" wika nito. balisang balisa ako diko alam kung paano ako nakapunta sa dagat at buti nalang may nakakita sakin dahil kung hindi baka wala narin ako.. inisip ko, paano nga kung nangyari yun? paano na yung mga kapatid ko na naghihintay sakin.. magpapalamon nalang ba ako sa lungkot? Naisip ko rin na kung magpapakamatay ako magkikita ba kami ni Summer? Hindi!!! kaya inayos ko yung sarili ko dahil alam kong hindi natutuwa si Summer sa inaasal ko ngayon. paliwanag na ang kalangitan dumagsa ang ilang kaanak ng mga namatayan at lahat nagalay ng kandila, bulaklak at dasal at may media parin na tatalakay sa mga nangyari. tinawagan ko na si Caleb para magpasundo, Im not totally Okey at hindi talaga ako magiging maayos habang andun ako sa lugar nayun. "Sunduin nyo na ako!" wika ko agad ko ring binaba ang linya, dahil muli ko nanamang naalala si Summer. Wala pang isang oras ay napuntahan na nila ako at nagtataka ako bakit ang bilis nila.. ayun pala ay nag book sila ng hotel sa tagaytay at hindi sila umuwi para daw mapuntahan nila ako agad. "Kuya, basang basa ka anong nangyari sayo--- lasing karin ba?" tanong ni Ely. pero ang tanging sagot ko lamang nun ay "Tara na uwi na tayo!" Agad nila akong inalalayan pasakay sa kotse, hanggang pinagmaneho ako ni Caleb sa kotse ko at si Ely naman ang nagdrive mag isa sa kotse nila. Pagkasakay palamang ng kotse ay agad ko ng naramdaman ang pagod kaya agad na akong nakatulog... Miski sa panaginip hindi ko nakita o nagpakita manlang si Summer sakin. Ginising nalang nila ako ng makarating na kami sa bahay. "Kuya---" wika ni Caleb. "Wag muna---" pagpigil ni Ely kay Caleb na mukhang may sasabihin. "Sige ano yun?" sagot ko. Ngunit kapwa silang hindi umiimik kaya pinilit ko sila hanggang magsalita na ang dalawa. Pinaka cremate na pala sya at nakauwi na sila at balita ko dadalhin ito sa probinsya nila ngayong araw at hindi na ibuburol sa kanila. sa sinabi nilang iyun walang paligoy ligoy ay agad akong pumunta sa bahay nila.. pero wala na akong inabutan.. sobrang panglulumo nanaman ang dinanas ko dahil hindi nila ako binigyan ng pagkakataon na makita ang abo kahit sa huling sandali. ayun na siguro ang huli... at wala na akong magagawa pa, pinagdamot din nila kung saan ito dinala pero lahat ay tikom. kaya umuwi nalang ako at nagkulong sa kwarto.. naghalo na ang depression at anxiety para na akong baliw halos hindi na ako kumakain, iyak ng iyak sa labis na pangungulila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD