( N/C)BENEDICT POVS****
Ako si Benedict "d**k" ang tawag sakin, 24 anyos, moreno na matangkad, halos ako na ang pinaka kuya sa aming baryo, isang guro guruan sa mga batang hindi nakapagaral at isang mangingisda.
Halos lahat ng mga kababaihang teengager ay nagkakagusto sakin, kahit ilang mga bakla ay nagkakagusto rin pero wala akong interes sa kanila dahil nakatuon ang atensyon ko sa mga batang tinuturuan ko at pangigisda dahil doon palang masaya na ako at kuntento na ako.
Ngunit isang gabi habang nagaayos ako ng bangka magisa may namataan ako sa pangpang.. yung una hindi ko pa ito mawari hanggang sa lapitan ko ito.. natakot pa ako ng una dahil akala ko tsokoy dahil sa sunog ang ulo nito at sa balikat nitong sunog na akala moy kaliskis. ngunit ng iharap ko ito mula sa pagkakadapa. ay isang tao.. akala ko ay patay na ito.. hinawakan ko ang kamay nito para suriin agad ko syang hinila dahil may pulso pa ito at humihinga pa ito. namumutla na ito at ang mga lapnos nito ay namumuti na gawa ng matagal sigurong nakababad sa dagat. kaya agad ko syang binuhat at dinala sa aming bahay, wala akong pinaghingian ng tulong dahil naiisip ko baka itoy pinahirapan o baka may gustong pumatay sa taong ito.
"Apo sino yan?" takot na tanong ni Lola.
"Hindi ko rin po alam Nay-- nakita ko lang din sa pangpang habang nagaayos ako ng lambat!"
"Tulungan natin kawawa naman--" wika ni Nanay at hinanda na nito ang mga halamang gamot nito.
"O, apo!!! ipaginit mo ako ng tubig at kumuha ka ng malinis na damit," suyo pa ni lola kaya agad akong kumilos para malunasan na ito.
Kilala si Nanay (Lola) bilang manggagamot sa aming baryo gamit ang sariling gawang langis na mula sa mga halaman si Nanay din ang pinaka matanda sa lugar namin kaya maraming alam ito sa pagagamot.
"Nay' sana po wag muna itong makalabas sa iilan ah, saka muna nanatin ipagalam kapag umayos na sya at---- hanggat maari dito muna sya kawawa kasi e," pakiusap ko.
"Apo!! nasa taong ito parin ang desisyon lalo nat pag nagkamalay na ito--- uuwi at uuwi parin ito sa pamilya nya." sagot ni nanay.
Nanahimik nalang ako at tinulungan ko si Nanay na maglanggas ng mga lapnos nito at magpahid ng mga langis sa iba pang mga sugat nito.
Nalaman ko din na lalaki pala sya akala ko babae dahil sa kutis nito na maputi at katawang babae...
Pero diko nalang pinansin kung ano mang nakita ko ng hubaran sya ni nanay para palitan ng damit ang importante ay matulungan namin sya at mapagaling para ako na mismo ang magbabalik sa kanila.
...
Lumipas ang mga ilang araw wala parin itong malay kaya pinapatakan nalang ito ni nanay ng mga halamang gamot para magkaroon ng lakas.
Habang nasa labas ako sinalubong ako ng mga bata.
"Kuya, anong oras po kayo magtuturo sa amin, ilang araw na po kasi kayong wala e!" wika ng isa.
"Buisy ang kuya nyo e, lalo nat kailangan din kumayod, hayaan nyo sa susunod tuturuan ko na kayo ulit!" sagot ko. at agad din akong nagpaalam sa kanila dahil kailangan ng kasama ni nanay.
Alam kong hindi sapat ang mga halamang gamot kaya bumili ako ng mga gagamitin sa mga sugat nito.
Nang makauwi na ako, sinalubong ako ni Nanay na tuwang tuwa dahil nagkamalay na ito.
"Nagising na sya dali tignan mo!" wika ni nanay na sobrang saya dahil may napagaling nananaman sya.
Ngunit paglapit ko ay nakadilat lang ito at hindi umiimik.
"Kamusta kana, maayos naba ang pakiramdam mo?" tanong ko at ewan ko bakit ako nakaramdam ng kaba.
ngunit umikot lang ang tingin nito sa bubungan.
"Natanong ko rin yan, pero hindi sya sumasagot---- hayaan mo bigyan natin ng oras baka may iniisip pa," biro ni nanay. kaya na upo ako sa gilid nito kung saan sya nakahiga at pinagmamasdan ko lang sya hanggang sa mapatingin ito sakin kaya napangiti nalamang ako.
"Wag ka magalala, hindi kami masamang tao, nasa bahay ka namin kaya safe ka dito," wika ko.
"Nasan ako---- sino kayo? at sino ako?" wika nito na kinagulat namin ni Nanay.
"Hindi mo kilala sarili mo?-- hindi rin namin alam kung sino ka e" nagtataka kong tanong.
at uminda ito ng sakit ng pilitin at subukang bumangon.
"Arggghhhh--- " sigaw nito.
"Magpahinga ka muna--- di pa sapat yung lakas mo para bumangon," wika kong nakaalalay sa kanya. at bigla itong umiyak.
"Bakit ang blangko ng isip ko--- sino ako?" umiiyak na wika nito
Hinila ako ni nanay at sinabi baka nawala ang alaala nito gawa ng pagkakaksidente nito at maari rin daw nagkaroon ng problema sa isip at utak nito kaya labis kaming nangamba.
Kaya tinawag muna namin syang Ganda para kumalma sya at hindi muna magisip at para nadin daw hindi sya mastressed kakaisip.
"Ganda, ---- " kinakabahan kong biglang tawag sa kanya agad naman syang nanahimik at tumingin sakin.
Kaya lumapit ako sa kanya at tinawag na syang ganda para ipaliwanag ang mga nangyari.
"Tinawag mo akong ganda? pangalan ko ba yun?" anya.
"Ahmm O-oo, sa totoo nyan may amnesia ka ata kaya wala kang naaalala sa nakaraan mo!" nauutal kong sabi.
"Pero bakit? ano bang nangyari sakin, paano nangyari yun?" anya.
"Diko din alam-- nakita nalang kita sa pangpang walang malay!" sagot ko.
"Wala kaba talagang naaalala?" tanong ko pa.
Ngunit umiling lang ito na tila wala ngang naaalala sa mga nangyari sa kanya.
"Ano tong mga nakatapal sakin?" tanong nito.
"Ah mga gamot yan, para bumilis maghilom yang mga lapnos mo."
at ang dami nya pang tanong sasarili nya na diko rin masagot dahil hindi ko alam lahat ng nangyari sa kanya.
Nakatitig lang ako sa kanya habang sinusubuan sya ni Nanay ng pagkain, naging mahinahon naman ito.
Mukha naman syang mabuting tao dahil sa inaasal nito kaya maraming nabuong tanong sa aking isipan, ano nga bang nangyari sa kanya? sino sya? at taga san sya?.
Lumipas ang mga ilang araw unti unti naring naghihilom sa kanya ang lahat na parang walang nangyari pero bakas sa mukha nito ang lungkot, minsan ay tulala at may oras na umiiyak sa di alam na dahilan.
"Nakakalakad kana, may masakit pa ba sayo?" tanong ko sa kanya habang sya nakatitig lang sa salamin.
"Oo meron pa-- ito... " sagot nito sabay dampi sa dibdib nito.
"Hindi ko nga alan kung bakit e--pero ramdam ko yung bigat, pinipilit kong isipin kung ano bumabagabag sakin pero wala sumasagi sa isipan ko--- diko nga alam kung sino ba talaga ako e, kung may pamilya bang naghahanap sakin o dikaya baka sa dagat talaga ako nagmula.. " dagdag pa nito.
"Huwag mo muna pwersahin yang isip mo at baka lalong mas mapasama sayo yan'" sagot ko.
"Mamaya pala, aalis pala ako---- baka may gusto ka para mabilhan kita?'' wika ko pa.
"W-wala-'" anya. aalis na sana ako nang bigla nya akong tawagin sa pangalan ko.
"D-d**k---- salamat sa inyo, siguro kung hindi mo ako nakita siguro wala na ako" anya.
"Wala yun--- " sagot ko napakamot ulo sa tuwa dahil nagpasalamat sya sa tulong namin.
Wala si Nanay ng oras na yun dahil may hinilot sa kabilang baryo kaya naiwan si Ganda magisa kaya minadali ko nalang na tapusin ang pagaayos ng bangka at pagkatapos nun pumunta ako ng bayan para bilhan si Ganda ng mga damit at bandana sa kanyang ulo para kung sakaling lalabas sya ay magagamit nya ito. bumili rin ako ng prutas at gamot nito para mas bumilis maghilom at hindi sya uminda ng sakit.
Agad na akong bumalik dahil maggabi na at baka nagugutom na sya,...
"Ganda!!! may binili ako para sayo----" wika ko pero bakit wala ito? agad akong nagalala at agad kong nilibot ang bahay mula sa mga kwarto hanggang sa banyo pero wala talaga ito hanggagng lumabas ako ng bahay.
Hanggang may natanaw akong liwanag sa pang pang gamit ang gasera, kaya agad akong tumakbo palapit dito--- si ganda nga ito...
"Pinagalala mo ako---- kala ko iniwan mo na kami!" wika ko. at tumabi ako sa pagkakaupo nito sa buhangin.
"Lalim ata ng iniisip mo a, may naaalala kanaba?" tanong ko sabay tingin din kung saan sya nakatanaw.
"Wala nga e, blangko parin ni katiting na alaala ng nakaraan wala sumasagi sa isip ko, kaya nakatingin nalang ako sa mga bituin," anya.
"Ahmm--- nabilang mo ba, may nakita ka na bang shooting star?" iniba ko ang usapan para ngumiti naman sya at para hindi muna magisip ng kung ano ano...
"Bilang-- hindi ko binilang, kailangan bang bilangin?" sagot nitong may maliit na ngiti.
"Oo kailangan kasi sa pagbibilang ng mga bituin, mawawala lahat ng problema mo- kasi makakapag focus ka sa pagbibilang at baka nga araw arawin mo na e" wika ko pang goodvibes..
Hinawakan ko ang kamay nya at sabay nagbilang sa mga bituin kita ko sa kanya ang saya habang ginagawa namin iyun at dun ako nakaramdam ng pagtibok ng puso na bihira ko lang maramdaman sa isang tao kaya napatigil ako sa pagbilang habang hawak parin ang kanyang kamay na nakaturo sa kalangitan.
"Uy bakit ka huminto---- " wika nito hanggang sa nagkatitigan kaming dalawa at doon tumigil ng sandali ang mundo ko ng tuluyan na ngang mahulog ang loob ko sa kanya.
Napaka amo ng mukha nya na sinabayan pa ng pagngiti na lalo pang nagpakabog ng aking dibdib.
"Uy d**k na pano ka?" anya sabay ng maraming pagtapik sa akin.
Agad akong nahimasmasan at biglang iwas ng tingin at inaya nalang sya na umuwi na.. medyo nahiya ako sa parteng iyun..
"Tara na, magluluto pa ako ng makakain natin," wika ko habang nakatitig parin sa kanya.
"Eh labing isa palang ang nabibilang natin, okey na ba yun?" anya.
"Oo ayos na yun, dahil sa labing isang bituin nayun may naramdaman akong iba..." wika ko.
Alam kong naguguluhan sya sa sinabi ko pero inalalayan ko na sya para tumayo hawak parin ang kamay nya sabay naming nilisan ang pangpang at kamiy umuwi na..
DICK POVS'
Pagkauwi namin agad ko binigay sa kanya ang mga pinamili ko para sa kanya kita ko sa kanya ang saya..
"Ito binilhan kita ng mga damit mo, konti lang kasi damit ko e para magsalo pa tayo dun Hihihi--- kaya binilhan nalang kita, pasensya kana ayan lang kinayanan ko.." wika ko.
"Dimo kailangang mag pasensya-- salamat dito, tara tulungan na kita magluto para pagdating ni Nanay sabay sabay na tayo kumain," anya.
"Ay ito pa pala'( sabay abot sa kanya ng bandana)-- kung gusto mo lumabas, magagamit mo to," wika ko.
"Para saan yan?" anya tila di nya alam ang bandana.
"Ahmm ano ba to???--- ah scarf ba, para narin hindi mairita yung sugat mo sa ulo at balikat kaya lagi mo tong suotin," paliwanag ko. sa totoo nyan binili ko yun just in case na lalabas sya ay hindi sya pandirihan o tuksuhin.
Muli syang nagpasalamat at nagtulong na kami sa paghahanda ng aming makakain.
"O, mag gulay ka lang muna a bawal kapa sa malalansa--- tignan mo nalang maluto yung kanin, susunduin ko muna si Nanay, naka kolong naman ako kaya mabilis lang iyun," paalam ko.
"Magiingat ka a!" anya at nabigla ako ng bigla nya akong yakapin, halos para akong nanigas sa kinakatayuan ko, hindi ako nakapagsalita ..
"O, sige na baka hinihintay ka na ni nanay," anya. kaya lumakad na ako palabas na dala parin ang yakap ni Ganda. para akong siraulo habang nagmamaneho ng kolong, ang laki ng ngiti ko at kilig na kilig...
Nasundo ko na si Nanay sa kabilang baryo kaya habang pauwi na kami bumili muna kami ng kape ni Nanay at bumili narin ako ng Softdrinks namin ni Ganda para masarap ang gabihan namin pagkatapos namin bumili sinalubong ako ni Joshua isa sa mga kabataan sa amin at sinabi nito na nasusunog ang bahay namin kaya hindi ko na sya tinanong pa at agad kami ni nanay umuwi dahil mas inisip ko si Ganda baka may nangyari na sa kanya. Pagkauwi na pagkauwi namin agad akong bumaba para tignan pero na apula na ang sunog sa tulong at pagbabayanihan ng mga kabaryo namin. yung bahagi lang pala ng lutuan ang nasunog dahil napabayaan ang sinaing agad kong pinasok ang bahay at kitang kita ko sa mukha ni Ganda ang takot habang nakatakip ang mga kamay nito sa magkabilaang tenga nito na mukhang gulong gulo at umiiyak na tila sa sunog nagmula lahat ng mapait na nangyari sa kanya.
Kaya agad ko syang nilapitan at agad nya rin akong sinunggaban ng yakap ng sobrang higpit.. takot na takot ito at nanginginig pa.
"Wag kana matakot', andito na ako!" wika ko pero ayaw nya parin bumitaw sa pagkakayakap sakin mas lalong humihigpit ang yakap nito at patuloy parin sa pagiyak.
Kaya sinenyasan ko si nanay na paalisin na ang mga tao sa labas at mukha rin namang hindi nila nakita si Ganda dahil nakatago ito sa sulok.
Kaya inalalayan ko muna sya para maupo habang yakap parin ako dahil ayaw talaga nito bumitaw, kaya pinapakalma ko sya at kinakausap ng masinsinan.
"Wag kana matakot, naapula na at wala kang kasalanan..ako na bahala--- aayusin ko nalang yan." wika ko habang niyayapos ang likod nito para mapakalma.. kaya sinenyasan ko ulit si nanay na kuhaan ng tubig na maiinom si Ganda..
at Unti unti na nga syang bumibitaw sa pagkakayakap sa akin.
"Anong nangyayari sayo ha?"mahinahon kong tanong sa kanya.
"Hindi ko din alam--- may narinig nalang ako ng isang pagsabog di ko alam kung saan nagmula, nakarinig din ako ng ingay halos lahat humihingi ng tulong na gumugulo sa isip ko ngayon at yung apoy... "takot na sagot nito.
"Wala yun, wag mo na isipin--- wag kana umiyak,.. di na ako aalis sa tabi mo!" wika ko.
Agad naman syang kumalma at humingi ng tawad dahil napabayaan nya ang sinaing..kaya nagluto nalang ako ng panibago..
Baka yung narinig ni Ganda na pagsabog ay ang gasera mukang uminit at sumabog at yung mga taong naririnig nito ma humihingi ng tulong ay yung mga nagapula ng apoy.
Naisip ko din baka dun nagktrauma si Ganda, maaring may sumabog at may isang malaking sunog at hindi lang sya ang andun kundi marami sila kaya rin siguro may sunog ang katawan nito.