GABRIELLE POVS
Isang buwan na din ang nakalipas mula ng mawala si Summer, bakas parin sa akin ang lungkot at pangungulila at tinuon ko nalang ang sarili ko sa pag phophotograph dahil ayun nalang ang naging libangan ko mula nung nawala sya, bumalik ako sa hilig ko dala narin ng lungkot at ito na lang ang depressed reliever ko.
Mula noong nawala si Summer hindi narin nagkaroon ng interes buksan ang puso ko sa iba dahil pinangako ko sa sarili ko na kahit wala na sya.. sya ang una't huling pagibig ko.
siguro nga hiram lang talaga yung oras na magkasama kami at buong puso kong pinagpapasalamat ang oras na yun dahil nakilala ko sya at naging masaya ako..
sa mga nakasama ni Summer tanging si Mika lang pala ang naka survived, pero di sya makausap dala narin siguro ng trauma sa kanya. kaya alam ko sya lang ang makakasagot lahat ng tanong.
Hindi na talaga rin nagparamdam at nagpakita pa ang pamilya ni Summer tuluyan na ni tita nilisan ang mansion at pinaubaya muna sa mga kasambahay at tuluyan na nga nitong iniwan ang bansa upang manirahan na sa amerika dala narin ng emosyon at labis na kalungkutan sa pagkawala ng nagiisa nyang anak na si Summer.
Nagawi ako sa aming palengke para mag photoshoot ng kung ano ano marami kasing bata doon at magaganda ang angulo, hilig ko kasi kuhaan ang mga bata, napaka ganda ng mga ngiti at natural lang agad din akong umuwi dala narin ng pagod kakalakad.
Nasa kwarto na ako ng oras na yun ng makalikot ko ang Gallery 7yrs ago, ang dami pala naming picture ni Summer together at mga Junior high palang kami noon, nakakatawa lang na ang cucute pa namin at ang liit ko pa dati.
Mula sa mga Foundation day, Party, fieldtrip at Junior's night halos kaming dalawa lang parati ang magkasama at hindi kami naghihiwalay. kaya nakakamis lang na hindi na mangyayari yun, sana bumalik yung panahong to yung walang problema at puro saya lang...
Habang nagdrdrama ako si Ely ang ingay sya kasi taga edit ko at katulong para ipromote ang gagawin naming photo studio si Caleb kasi hindi hilig dito kaya hindi maasahan.
"Kuya Look!! san ka nag shoot nito?"
"Why? diyan sa palengke--- ano meron?" nagtataka ko.
"Si Summer ba tong nakuhaan mo--- medyo malayo pero parang sya."
Bigla kong tinignan at zinoom ko, parang sya nga, pero malabong sya dahil wala na sya..
"Puro ka kalokohan-- baka kamukha lang, iedit mo na yang iba at iprint mo na." wika ko pero parang nagkaroon ako ng interes na puntahan kung saan ko nakuhaan iyun.
"Hindi mo ba naiisip yung naiisip ko?" anya na puro kalokohan.
"Hindi-" sagot ko.
Agad naman nyang na print ang mga picture at tinabi ko yung picture na may mukha ni Summer para puntahan.
Kaya hindi na ako nagpaalam ayuko rin kasing idamay si Ely sa kahibangan ko.
Nasa Kotse na ako dala ang larawan nagulat nalang ako ng may biglang nagsalita sa likuran ko.
"San ka pupunta kuya? sa palengke no!" wika nito sabay tawa na akala mo demonyo.
"Hindi no--- a-ehh bibili lang ako ng meryenda natin," palusot ko.
"We... bakit dala mo yung picture?" nakangisi nitong sabi.
"Edi titignan--- masaya kana ba?" napipikon kong sagot.
sinama ko na si Ely masyado kasing makulit at ayaw mag papigil. nang makarating na kami sa Palengke di ko alam kung saan ko banda iyun nakuhaanan kaya nagtanong tanong ako baka kilala nila iyun.
At agad naman nilang nakilala iyun.
"Ah ayan--- ang reyna ng talipapa... andun banda sa mga nagiisda.. andun lang yun pag may narinig kayong maingay sya na yun." sagot ng babaeng nagtitinda ng itlog na pinagtanungan namin.
"Salamat po."
Kaya agad naming tinungo ang isdaan at may ingay nga kaming naririnig.
"Tilapia.. !!!!! - b-bangussss!!" alok nitong akala moy may kaaway.
kaya pumunta kami sa harap nito at kinilatis..
Kutis ?
hugis ng mukha ?
mata ?
Bibig ?
Buhok ?
ilong ?
boses ?
"Hindi si Summer yan tol!! dehado sa ilong - matangos kay summer e, sa buhok shiny, sa kanya mukang malagkit at yung boses parang matapang!" wika ko sabay tawa.
"Oo nga e ang galing magkaliskis ng isda at maghasang--- " bulong naman ni Ely sabay marahang tawa kaming dalawa.
Nagulat nalang kami ng sumigaw ito at hindi lang kami ang nagulat pati ang iba..
"Ay tumalon ang isda-- buhay pa kayo a?" anya sabay pinagpupukpok nya sa ulo ang mga tilapia di namin napansin na tumalon pala sa harap namin yung isang tilapia.
at nagkatinginan kaming dalawa at nagpasuyo na kunin ang isda sa harap namin pero hindi namin nagawang kunin.
"Ang arte-!!" galit na wika nito sabay pumunta sa harap naming dalawa at kinuha ang isda.. imbes na bumalik na ito sa pwesto ay tinignan pa kaming dalawa ni Ely.
"Infairness matangkad kayo--" anya sabay lapit pa samin at sinukat ang taas nya samin gamit ang tilapia di na kami nakaimik ni Ely.
"O ikaw hanggang dibdib lang ako--- ang tangkad mo naman" wika nya sakin na may pagkkwela.
Lumapit din ito kay Ely at sinukat na hanggang balikat lang sya ni ely.. natawa lang kami ginawa nyang ruler ang Tilapia at napaka kwela nya..
"ilang kilo ba sa inyo? bangus ba? o tilapia? mura lang yan!" anya na masyadong maligalig.
"H-hindi. hindi kami bibili!" wika ni Ely.
"Ay sayang nabalot ko na agad--" anya at may kinuha syang nakabalot na isda di nya ata alam na malansa ang isda at bara bara nyang inabot samin ito.
"360 peson yan 2kilo--- kunin nyo
na plsss para makauwi na ako," anya na parang may pagkasaltik sa ulo.
Wala na akong nagawa binayaran ko nalang kesa kulitin pa kami amoy isda narin ang mga damit namin sa kakadikit ng hawak nitong tilapia.
"Ay ang bait-- kasi kung di nyo kukunin yan ahmmm ▪ kita nyo yung mga hamog na yun (sabay turo sa mga nakatambay) isang sipulan ko lang sa mga yun alam na nila gagawin nila."
"Pwede na ba kaming umalis, kanina pa kami naririndi sa bunganga mo e." sagot ni Ely.
Aamba sana sya ng pagsipol pero agad ko itong pinigilan at baka i pa goodjob pa kami nito.
"Okey na aalis na kami!"wika ko.
"Aalis na kayo agad? saddd, Btw Im Rain (sabay abot ng kamay para makipagkilala) ngayon ko lang kayo nakita dito-- first time nyo?" anya.
Hindi kami nakipag shake hands dahil malansa ang kamay nya may dugo dugo pa ng isda at kaliskis.
"Oo ngayon lang-- kadalasan sa supermarket kami namimili" sagot ni Ely.
"Magkapatid kayo-- hala ang cute nyo, pwedeng makiselfie baka kasi artista kayo diko lang alam?" anya.
"bakla!!! ang dami mo ng costumer puro ka paglalandi diyan" sigaw ng isang babae.
"Ay sandali lang a-- wag muna kayo umalis papapicture pako sa inyo!" anya sabay balik sa pwesto nito.
Nagaya na si Ely para tumakbo pero akoy napahinto ng makita kong batukan sya ng dalawang beses at mukhang sinesermunan ito.
Nagkatinginan parin kaming dalawa kahit malayo na kami at kita ko ang pag ngiti nitong pilit na kahit na inuulan na ito ng galit.
Hinila na ako ni Ely para makalayo na bitbit ang isang plastik ng isda.
Nang makasakay na kami doon na ako nakaramdam ng awa sa taong yun. sa bibo nyang kilos ay ganun pala ang trato sa kanya.. kaya siguro napakaingay nya at masyadong pabibo dahil doon lang sya nagiging masaya...
si Ely muna ang pinagmaneho dahil sa kagustuhan nya rin.
"Nakita mo ba yung ginawa sa kanya ng babaè?" tanong ko.
"Hindi- wag mong sabihin na affected ka!" anya.
"Bakit hindi-- bilang kapwa tao nakakaawa kaya, binatok batukan sya tapos nakita kong aambahan sya ng sampal sa harap ng maraming tao▪▪▪ kung ako yung nasa kalagayan nya syempre mahihiya ako..." wika ko.
"We... ayun lang ba?--- ay pano kung nabuhay talaga si Summer pero sa katawan nya.. kaya nasungkit nya agad yung loob mo--- tapos ma fafall ka sa kanya yieeee!"biro nito.
"Loko--- Ikaw sa kakanood mo ng mga fiction series, kung ano ano ng pumapasok sa isip mo," wika ko.
"posible naman diba!" nakangisi nitong sagot.
Nagulat nalang ako ng biglang pumreno at bumusina ng malakas si Ely..may bigla kasing sumulpot sa harap at napansing kong ang taong iyun ay yung si Rain yung nasa palengke at tila nagmamadali ito.
"F/**^ck!!!! " reaksyon ni Ely na kinabahan.
"Look tol--- diba sya yun?" wika ko.
"Sino?''
"W-wait---mauna kana Tol- " agad akong bumaba sa kotse para sundan ito.
Naabutan ko syang nakaupo at umiiyak--- diko alam bakit ako nahiya para iabot ang panyo ko. kaya humihinga muna ako ng malalim at inabot na ang panyo.
"Panyo ohh----" bigla akong tumalikod dahil bigla syang lumingon.
bigla nyang kinuha yung panyo at biglang suminga na kinatawa ko.. na kahit may problema sya nakuha nya paring mag patawa..
"Ikaw pala yan kuya tangkad-- salamat sa panyo ah" anya.
"yung panyo ko para sa luha lang hindi para sa sipon--" biro ko.
"tumutulo din kasi e---- dika ba tatabi o a tatayo kalang diyan---- upo kana dali sayo ko nalang ikwekwento" anya kung makasalita akala mo kilalang kilala nanamin ang isat isa.
''Close na ba tayo?" nakangisi kong tanong.
"Ay nako.. walang close close--- mas maganda panga magkwento sa hindi ka close e kasi mas handa silang makinig, kaysa sa kaibigan o ka close na di mo alam kung nakikinig ba talaga o pagtatawanan pagkatapos"
"ah ganun ba? ano bang kwento yan? sige makikinig ako----" sagot ko.
"Wait iiyak lang ako---"anya at umiyak na nga ito na parang bata ramdam ko na sobrang bigat ng problema nya na ginagawan nya lang ng katatawanan.
Hanggang nagkwento na sya... nakwento nya na tiyahin nya yung babae na nagalit sa kanya at nakwento nya rin na ulila na sya sa mga magulang kaya pinipilit nya nalang maging masaya sa pagpapasaya ng customer matakpan lang ang durog nyang nararamdaman.
Kaya pala sya tumatakbo palayo dahil pinalayas na sya.
"Bakit sakin mo kinekwento yan?" tanong ko.
"Kasi komportable akong sabihin sayo!" anya na tuloy tuloy parin ang pagluha nya.
Nakakaawa yung buhay nya, ulilang lubos at pinagtabuyan pa ng kaisa isang kamag anak nito.
Kita ko sa mukha nya si Summer halos parehas sila ng expression ng mukha kapag umiiyak.
GAB POV'S
Mukhang okey naman na sya, napangiti at napatawa ko naman na sya kaya nagpaalam na ako with a smile.
"Ow sya, mauuna na ako a!" wika ko sabay tapik sa kanya.
Nakakailang hakbang palang ako palayo sa kanya ng bigla nya akong tawagin.
"Tangkad!!!" sigaw nito.
Kaya agad naman akong huminto at lumingon, tumatakbong palapit ito sakin.
"Bakit?---"
"A-ehhh...pwedeng sa inyo nalang ako, kahit isang linggo lang-- kahit ako nalahat sa mga gawaing bahay, luto, linis kahit ano' plsssss!" anya.
"Ayuko kasi sa lansangan e!" dagdag pa nito na may nangingilid na luha sa mga mata nito.
Hindi ko alam kung ano isasagot ko, hindi ko naman kasi sya kilala ng lubos, hindi ko rin alam kung paano sabihin na "ayaw." "hindi pwede." in a good way..
Pero kita ko sa mata nya yung sincerity at pinaramdam nya naman sakin na mabuti syang tao.
Pero......
"Hindi kasi pwede e---- ahmm yung dad ko napaka sungit' pulis kasi e yung mom ka naman sobrang sungit, kaya pasensya kana a--- hindi talaga pwede!" pagkukunyari ko.
"ganun ba, --" malungkot nyang tugon.
Kaya nagpaalam na ako muli at pinagingat nalang sya.
Sumakay nalang ako ng jeep dahil pinauna ko na nga si Ely, naaawa ako sa kalagayan nya pero hindi talaga pwede dahil narin na hindi kami sanay na may ibang tao sa bahay lalo nat hindi namin kamag anak.
Nang makauwi na ako sa bahay ilolock ko na sana ang gate ng magulat ako ng may biglang pumigil dito..
"Dali na kasi--- isang linggo lang talaga maghahanap naman ako ng trabaho e at hindi ako magiging pabigat,"anya ng di ko inaakalang sumunod pala ito sakin.
"Bakit ka sumunod --- bawal nga e, baka magising parents ko' yare ako dun," wika ko.
"Plssss ohh --- dika ba naawa sa kwento ko?dika ba makokonsensya once na may nangyari sakin,, plsss pagbigyan mo na ako"
"Hindi--- magpakumbaba ka nalang sa tita mo para makauwi kana." wika ko sabay sinaraduhan sya ng gate.
Sinaraduhan ko sya pero di ako naalis dahil naririnig ko syang umiiyak. maya maya ay wala na akong iyak na naririnig at sumilip ako ng kaunti ngunit wala na ito.. siguro sinunod nya ang sinabi ko na magpakumbaba nalang sya sa tiyahin nya.
Nakahinga na ako ng maayos.
Kinabukasan.... pagbaba ko ng hagdan tila ang ingay sa kusina, tawanan at kwentuhan.. at tila isang pamilyar na boses ang aking narinig..
"Rain??" minadali ko ang pagbaba patungo sa kusina. di ako nagkamali at si rain nga ang kasalo nila.
"Gising ka na pala tangkad--- hindi nyo niluto yung isda kagabi kaya dinaing ko na," wika nito sabay ngiti.
"paano?" nakakunot kong tanong sa mga kapatid ko.
"Paano? simple lang mababait ang mga kapatid mo--" sabat nito kahit hindi naman sya tinatanong.
"Kuya nakakaawa kasi--- nakita ko na nakahiga sa labas ng gate eh bisita mo daw sya kaya ayun pinatuloy namin," sagot ni Ely.
"Unang kita ko sa kanya kala ko si Summer--- " wika naman ni Caleb.
"Dont talk about Summer'-- " wika ko.
"sino si Summer?" tanong ni Rain.
"kakasabi ko lang-- O sige, papayag na ako na mag stay ka dito pero.. may rules and regulation dito sa bahay lalo na sayo.. malinaw?'" wika ko.
"Oo promise susundin ko tapos ako na bahala sa lahat ng gawaing bahay!" anya.
"Akala ko ba bisita bakit may pag stay?" nagtatakang tanong ni Caleb.
"Kuya nyo na bahalang magpaliwanag sa inyo!" anya na kumikindat kindat pa.
pumayag na ako na pag stayin si Rain sa bahay kapalit nun ang pagseserbisyo samin at may mga rules ako na pinatanda sa kanya.
"Una sa lahat ayuko ng dugyot sa bahay, ayuko rin ng malikot ang kamay, ayuko rin ng papasok sya sa aming mga kwarto, ayuko ng maraming tanong, ayun lang." wika ko.
"E san pala ako matutulog?" anya.
"Tatlo lang ang kwarto sa bahay nato at tagiisa kaming magkakapatid, walang available na ibang kwarto kaya dito ka sa sala matutulog,"
"Noted sir!" anya na tuwang tuwa.
"sa paglilinis naman madali lang hindi naman kami makalat--- ang iisipin mo nalang yung lulutuin mo araw araw at paglalaba linggo linggo." wika ko.
"Edi hindi lang ako isang linggo dito kasi lingo linggo e-- wala ng bawian yan sir ahh!" anyang maligalig.
"Ngayong linggo-- malinaw?" wika ko.
Muli akong umakyat ng kwarto, sumakit ulo kay rain...