I MISS YOU SUMMER

1817 Words
d**k POVS Malaya ng nakakalabas si Ganda mula ng bilhan ko sya ng bandana wala narin akong maiisip na masama at pwede ko na syang maiwan ang sigla nya na at kita sa kanyang mga ngiti at tawa na tila walang problemang dinadala. minsan sumama na sya sakin kung saan saan, nakabalik narin ako sa pagtuturo katuwang sya na agad naman syang tinanggap ng mga bata at minsan sumasama kay nanay tuwing may gagamutin at habang nasa laot ako. Masasabi kong nagkaroon na ng kulay ang mundo ko, oras oras akong masaya, nawawala yung pagod ko tuwing sya yung sasalubong sakin na akala moy magkasintahan kami. Tuwing gabi ang pinaka bonding namin yung tipong kami lang, nakaupo sa dalampasigan at dating gawi magbibilang ng mga bituin. "Dick... feeling ko wala talaga akong amnesia, kasi parang napakatagal nanating magkasama, laging masaya at walang lungkot..kaya kung may amnesia man talaga ako-- sana hindi na bumalik yung nakaraan ko. kasi masaya na ako kasama ka, kasama kayo ni Nanay.." anya. "Sinasabi mo lang yan kasi nga wala kang maalala--- eh baka nga mas masaya yung nakaraan mo e hindi mo lang maalala." sagot ko. "Kaya sana wag nalang---" anya. "Sana nga--- kasi napamahal na ko sayo, namin ni Nanay, napamahal ka narin sa mga bata." wika ko. "Pag dumating yung araw nayun--- yung naaalala ko na lahat, maŕk my word di ako aalis dito at sa inyo ni Nanay." anya "Promise?" wika ko. "Oo, promise!" anya sa sobrang saya ko nayakap ko sya ng mahigpit at hindi pa ako na kontento ay hinila ko sya para maligo sa dagat kahit malamig at madilim na. "Ayuko d**k--- malamig kaya!" ayaw pa nito ng una pero lumusong din. Inalalayan ko sya at habang palalim ng palalim doon lalong humihigpit ang yakap nito. "Umahon na tayo, nilalamig na ako at ang layo nanatin sa pang pang oh," anya. "Hindi nga malamig--ang init kaya ng yakap mo," wika ko. "Syempre naihi ako--- mainit ba?" anya sabay tawa ng malakas. "Kadiri ka... Di okey lang, maalat naman yung dagat e," Yumakap pa ito ng mahigpit at halata sa kanya ang ginaw sa panginginig. "nilalamig na talaga ako!" mahina nitong boses. "I-ilove you'---"bulong ko dito. nagkatitigan na kaming dalawa dahil naunawaan nito ang sinabi ko. Halos huminto ang mundo naming dalawa na halos di na kami nakaramdam ng lamig at unti unting nagdidikit ang aming mga labi. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko na una kong naramdaman sa buong buhay ko at sa kapwa lalaki ko pa pero diko alam bakit ako tuluyang nahulog na sa kanya. Magkadikit lang ang aming mga labi at di ko alam ang gagawin hanggang dumantay na sya sa balikat ko at hinigpitan ang yakap... . . . Hanggang sa ginising nya ako nakatulog pala kami sa pangpang at dahil sa hilik ko nagising sya kaya ginising nya narin ako. "Ang sarap pala matulog dito, malamig at tahimik at ikaw ang sarap ng tulog mo ang lakas ng hilik mo" anya na tawa ng tawa. '"Hindi ba tayo naligo sa dagat?" tanong ko mukhang panaginip lang ata yung halik namin. "Hindi-- bakit maliligo ang dilim--kanina habang nagbibilang tayo nakatulog ka sa buhangin kaya nakigaya ako-- dala narin siguro nang pagod maghapon kaya tayo inantok." anya. Panaginip nga lang talaga ang lahat na sana hindi nalang ako nagising. Pero susubukan kong ayain syang maligo sa dagat gaya ng panaginip ko hihilain ko sya at pero mission failed dahil pagkahila ko sa kanya nadulas ako kaya ako lang yung nabasa at sya ay tumakbo pauwi sa bahay. Ang gara.. ngayon naniniwala na ako na ang panaginip ay kabaliktaran lamang... Kaya sumunod na lamang ako sabay ang pagkamot sa ulo. Pagkauwi ko agad akong nagpalit ng damit habang syay nakadungaw lang sa bintana. kaya tumabi ako sa kanya at nakidungaw narin. "Ang lalim ata ng iniisip mo a'--" wika ko. "Oo-- diko alam!! feeling ko ang dami paring kulang sa pagkatao ko." anya. "tulad ng?" "Diko nga alam--" anya sabay ngiti. "Sorry Hahaha-- Ahm paano kung bumalik na yung alaala mo?" wika ko. "Wag nalang siguro-- " anya. "Bakit naman?" "Kasi masaya na ako na kasama kayo ni Nanay-- pero kung mababalik man, siguro kahit yung pagkatao ko nalang, kung sino ako o kahit yung pamilya ko nalang, the rest wala na!" anya. "Iiwan mo ba kami ni Nanay oras na mangyari yun?" tanong ko. "Bakit mo naman natanong yan?" anya. "kasi ayun yung kinakatakot ko--napamahal kana kasi sakin, napamahal kana samin ni Nanay." wika ko. "At kung mangyari nga talaga yun, hinding hindi ko kayo iiwan" anya. "Yown---- " sabay biglang akbay sa kanya. di sya umiwas at hinayaan nya lang ako. Marami kaming napausapan at puro tawanan hanggang dinapuan na kami ng antok. sa papag sya natutulog samantalang ako nasa mahabang upuan na kahoy, katabi nya si Nanay. Mahimbing na ang tulog nya at ako naman ay kahit antok na ang diwa ko gising na gising.. pumasok sya sa isip ko. Paano nga kung isang araw, makaalala na sya, ganun parin ba ang magiging trato nya? maaalala nya ang nakaraan pero paano kung di nya kami makilala sa kasalukuyan-- paano kung iwan nya kami, paano na ako na nahulog ng tuluyan sa kanya, paano na ako na nasanay ng kasama sya? Ang daming paano na kinakatakot ko balang araw, kinakatakot na mawala sya sa tabi ko-- sa amin. GABRIELLE POVS Bigla ko nanamang naalala si Summer sana kasama ko sya ngayon at sana may kausap ako ngayon pero wala na.. "Mis na mis na kita Summer! namis ko yung laging tinatawag mo sakin na bunchy," usal ko. napapangiti nalang ako at iniimagined ko nalang na kayakap ko sya gamit ang unan. Nakakainis lang na wala sya sa panaginip ko, everynight lagi kong pinagdarasal na kahit doon nalang.. pero wala talaga. Habang inaalala ko si Summer biglang may kumatok sa pinto. nakamot ulo ako ng marinig ko ang boses ni Rain. "Tangkad!" tawag nito na sinabayan ng malalakas na katok. Kaya agad akong lumapit sa pinto ngunit hindi ko ito pinagbuksan. "Ano ba yun?-- anong kailangan mo?" wika ko. "Hindi ako makatulog-- hindi mo ba ako pagbubuksan ng pinto?" anya. "Eh anong gagawin ko! malawak ang sala pwede kang magpagulong gulong diyan." sagot ko. "Hindi kaba naaawa sakin? Malungkot kaya pag magisa." anya. "Inaantok na ako, magpatulog ka Rain! matanda kana! wag mag isip bata." wika ko. na medyo naiinis. Babalik na sana ako sa higaan ko ng magulat ako ng bigla nyang kinalabog ng malakas yung pinto. tila nakakabastos yung ginawa nya. kaya agad ko syang nilabas pero wala na sya at pagkakita ko nakahiga na sya sa sofa at humihilik na.. "Alam kong nagtutulugtulugan ka lang diyan, oyy!" pangigising ko dito. pero di sya gumigising. "Taragis na yan!!! papansin." wika ko. naawa ako sa position nya sa sofa na halos matupi sya sa walo, wala ring kumot at unan. Mabait naman sya kaso nasobrahan sa pagiging isip bata at pagiging papansin pero kahit ganun.. siguro nga may rason sya para asalin ang mga iyun. Naiisip ko na baka hindi sya ganto noon at baka huli ng maranasan nyang maging bata dahil nabatak agad sya sa trabaho at higit sa lahat mukhang nagkulang sya sa atensyon ng pamilya kaya sa iba nya ito hinahanap. Inantok na nga ako ng lubusan kaya bumalik na ako sa kwarto ko para matulog. Kinabukasan, maaga akong nagising para mabilhan sya ng gamit, masusuot, hygienes at mahihigaan para di sya nahihirapang mamaluktot sa sofa, kapalit narin ito sa pagiging responsable at pagseserbisyo nito sa amin. Labis ang tuwa nito ng matanggap nya na lahat ng binigay ko. halos wala syang masabi pero kita ko sa mga mata nya at kita ko rin ang patagong pagluha nito na ramdam kong na "ngayon lang siguro sya nabilhan sa buong buhay nya." "Salamat!" ang tanging nabigkas nya habang hawak ang bigay kong unan. "Basta, magpakabait ka lang at be responsible," Sinunod nya naman ang mga sinabi ko. nagdaan ang mga araw nakikita ko naman na nagiging matino plus kita ko rin na nagmatured na sya kaya i feel comfortable na sa kanya ganun din ang mga kapatid ko sa kanya. Onetime sa pagiging komportable ko sa kanya ay napapasok ko na sya sa kwarto ko to help me, dahil buisy sila Ely at Caleb sa kanilang mga school works kaya si Rain muna yung naging asst. ko sa mga gagawin for filming. Tinuruan ko sya sa mga bagay bagay na dapat gawin. "Ganto pala dito sa kwarto mo no, nakakamangha." anya habang nililibot ang tingin sa buong kwarto. "Oo," sagot ko habang seryosong naglilinis ng lens ng mga camera. "Sino sya? sya ba yung Summer na nabanggit nila dati?" anya. kaya agad akong tumingin kung saan nakaharap ito sa frame ni Summer. "Oo, at kagaya mo rin sya." sagot ko. "Seryoso! Ang cute naman, edi ito yung Jowa mo? pero asan sya?" wika nito. Pero hindi ko sya sinagot dahil nalungko muli ako. "Wag kana diyan, linisin mo nalang yung mga kalat..." wika ko nalang. Hindi na sya nangulit magtanong dahil alam nya na yung ugali ko alam kong marami pa syang tanong sakin. "Alam mo kung ako si Summer, iisipin kong ako na yung pinaka swerteng tao dahil may Gabrielle ako!" bigla nyang sabi habang syay nagliligpit. Diko nalang sya pinansin at nagfocus ako sa pagaayos ng camera ko. pero napangiti ako sa sinabi nya. Kala ko nanahimik na sya' hindi pala. "Bakit kasi kayo naghiwalay, ayan tuloy mag isa ka malungkot" anya sabay upo sa harap ko. Napatitig ako sa kanya at sinagot na. "Hindi kami naghiwalay, She's gone, She's dead!" malungkot kong tugon. "Ganun ba, sorry akala ko iniwan ka lang nya." anya na nabigla sa sinabi ko tungkol kay Summer. "Parang ganun na din." sagot ko. "Siguro kung nabubuhay pa sya, sigurado ako na masaya kayo, kasi ramdam ko na mahal na mahal mo talaga sya e." anya. "Sobra.. pero kailangang tanggapin na wala na sya." "Kung di mo mamasamain, ano kinamatay nya?" tanong pa nito. "Namatay sya sa sunog." sagot ko at biglang rumagasa ang mga luha ko. "Ang masakit pa dun, wala man lang akong nagawa at hindi nila ako pinapunta sa mga araw na burol nya."" "Ako yung lalaking lalaki pero parang ako yung mahina at duwag, hindi ko manlang napaglaban yung pagmamahal ko sa kanya sa tagpong iyun." dagdag ko pa. Halos dun ko ulit nalabas lahat ng emosyon ko, iba pala pag may ibang tao na makakausap mo na handang makinig sayo, halos lalabas talaga lahat. "Alam kong napakabuti mong tao at sure ako nakagabay lang sayo lagi si Summer at sure din ako na ayaw ka nyang makikitang nagkakaganyan at baka may perfect plan si God for you." wika nito. Tumango lang ako. "Mahihiga na ako a, labas na ako! mas kailangan mong magisa." dagdag pa nito. hinayaan ko na sya at tama rin sya mas kailangan kong magisa
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD