HAPPY SI POGI

1683 Words
d**k POVS Ang tagal na sa amin ni Ganda pero di nya parin mahanap ang nakaraan nya. Isang taon na ngunit ang pagkatao nya ay nakabaon parin sa nakaraan. Masaya dahil habang tumatagal mas lalo ko syang minahal ang duwag ko nga lang dahil diko maamin ang nararamdaman ko sa kanya at malungkot din syempre dahil may oras na akala ko okey sya pero hindi pala dahil may tanong parin na ang hirap sagutin. Niyaya ko sya na sumama sa Maynila para magsimba, ayun kasi ang taunan naming ginagawa ni nanay ang magsimba sa Quiapo. "Gusto mo ba sumama sa Maynila? magsisimba kasi kami ni Nanay, taon nang habit namin yun, para nadin marelax ka.." aya ko habang syay naglalaba. "Maynila, malayo ba yun?" anya. "Oo, pero hindi naman lalakarin e, sasakay naman!" pilosopo kong sagot. "Hindi naman ata kayo tatagal diba?- tiyaka baka pag sumama ako hanapin tayo ng mga bata dito." anya na nawili na sa pagtuturo sa mga bata. "Iniisip lang kita, sa susunod na linggo pa naman yun, baka magbago pa isip mo." "Sige baka magbago pa nga-- patulong nga ako, igiban mo yung mga timba sa balon at tulungan mo ako magbanlaw" utos nito. Kaya agad ko namang sinunod ang misis ko' este si Ganda. Nang naigib ko na lahat tinulungan ko na sya sa paglalaba, ayuko din kasi sya na mapagod. Nang matapos na kami sa paglalaba sya na ang nagasikaso sa kakainin namin ang sarap lang makita na may taong nagaasikaso sayo, yung taong aalalahanin ka sa lahat.. kaya sipag na sipag ako mangisda e dahil may magandang sasalubong sayo sa paguwi. Sarap ding magturo kasama sya dahil kinikilig ako sa mga biro ng mga bata na akala nila Jowa ko si Ganda.. kaya tuwang tuwa naman ako pag ako tinutukso sa kanya at sya'y napapangiti nalang. "Ganda.. syotain mo na si Kuya dik, pogi pogi nyan e at mabait pa." nabigla ako na sabihin yun ni buloy habang nagtuturo si Ganda at akoy nakaupo na nagaasikaso ng mga libro. "Pstt.. Buloy makinig ka kay Ate Ganda, hindi yung ang dami mong sinasabi." kunyari kong pinapagalitan si Buloy pero sabay kindat dito. "Ikaw talaga buloy--" ang tanging nasabi lang ni Ganda at nagpatuloy na sya sa pagturo at pagkanta. Napatingin ito sakin habang kumakanta ng pangbatang awitin sabay nun ang isang ngiti na ayuko munang bigyan ng kahulugan dahil baka magassume lang ako. tapos na ang pagtuturo at pinabitbit sakin lahat ni Ganda ang mga gamit dahil diko alam at bigla syang naginarte. "Masakit kamay ko, diko mabuhat-- ikaw na magbuhat a." pakiusap nito. Hinayaan ko nalang sya at baka napagod narin ito. "Wag mo pala pansinin yung nasabi ni Buloy a, matagal ng makulit yun e," wika ko habang naglalakad kami pauwi. "Sanay na ako, lagi naman nyang sinasabi yun e- Ikaw kasi tinuturuan mo!" anya sabay kurot sa tagiliran ko. "Anong tinuruan, pinagalitan ko nga e" sagot ko na kunyaring uminda ng sakit sa pagkurot nito. "Sabay kindat? susss kinontsaba mo pa ang bata, kala mo diko nakita!" anya. na alam kong nagggalit galitan lang ito dahil alam kong gusto nya rin iyun. "Ha, hindi a! bakit ko sasabihin sa bata kung pwede ko naman sayong sabihin ng harapan." lakas loob kong sinabi. "Puro ka talaga kalokohan d**k Tsk!" anya na kita ko ang pag ngiti nito sabay naglakad ng mabilis at iniwan ako. "Oyy!! hintay..." sigaw ko na may halong saya dahil sa nadama ko sa kanya. Hinabol ko nalang sya kahit na marami akong bitbit. naabutan ko na sya sa bahay hindi pa nga ako pinapansin e di ko alam tila nagpapakipot ito. "Nakalimutan natin, hindi tayo nakabili ng bigas, ang bilis mo kasi maglakad." wika ko. pero di parin sya namamansin at inintindi ko nalang. "Sige pahinga ka na diyan baka napagod ka, ako na bibili ng Ulam at Bigas natin, pauwi narin naman si Nanay e." wika ko. Sakto nakasalubong ko si Nanay sa labasan at may dala ng tangkay ng puno ng malunggay at may hawak din itong buhay na manok para gawing tinola binayad daw ito ng nagpahilot sa kanya kaya bigas nalang ang binili ko. Nang makauwi na kami ni Nanay naabutan na naming tulog si Ganda. "Gisingin mo na si Ganda, anong oras na baka mamaya hindi na makatulog yan." wika ni Nanay. Lumapit ako kung saan nakahiga si Ganda hindi para gisingin ito kundi para kumutan ng maayos. "Kakatulog nya lang din Nay, napagod ata" sagot ko habang nakatitig sa maamo nitong mukha. at biglang itong ngumiti habang natutulog, mukhang nanaginip ito a siguro ako yung nasa panaginip nya. Nang may mabanggit syang isang pangalan na tumatak sa aking isipan. Gabrielle? ang ilang beses nitong nabanggit sa kanyang pagtulog kaya tinapik ko sya kaya naging mahimbing ulit ang pagtulog nya na baka isang bangungot iyun. Nang tawagin ako ni Nanay para katayin na ang manok para gawing ulam hindi mawala sa isip ko ang pangalang iyun, sino si Gabrielle? pangalan nya ba, nagpahirap sa kanya o ang taong nagpapasaya sa kanya. Pagkatapos maluto si Nanay na ang gumising sa kanya dahil hinahanda ko na yung kakainin namin at pagsasaluhan agad naman itong bumangon. Nakatingin lang ako sa kanya habang kumakain dahil iniisip ko parin ang pangalang Gabrielle na nabanggit nito at tahimik lang itong kumakain. Nang matapos kami at nakapaghugas narin ng plato, naabutan ko syang nakaupo sa labas tila malalim nanaman ang iniisip, kaya lumapit ako para kausapin sya. "Lalim na nanaman ng iniisip mo a." wika ko. "Hindi ko nga alam e, kung bakit laging ganto-- masaya naman ako pero bakit may oras na malungkot ako." anya. "Kanina pala habang tulog ka may nabanggit kang pangalan- Gabrielle!" wika ko. "Gabrielle? habang tulog ako, sino sya?" pagtataka nito. "Hindi ko rin alam kung sino yun, nakangiti ka pa nga e boyfriend mo siguro yun." biro ko. "Wala akong kilalang Gabrielle at kahit panaginip wala akong matandaan na nanaginip ako." anya. "Baka nga! sabagay panaginip lang yun, sige pasok muna ako sa loob." wika ko. "d**k, Gusto mo ba ako?" anya at napahinto ako sa paglakad papasok sa loob ng bahay. "Bakit mo nasabi yan?" sagot ko sabay kamot sa ulo dahil nahiya ako bigla. "Ramdam ko lang, iba kasi yung trato mo sakin e parang espesyal, pero kung hindi naman wala naman saking problema." anya. "Ah-eh sa katunayan nyan O-Oo, matagal na pero..." mautal utal kong sagot. "Pero ano? Dahil ba lalaki rin ako, panget ako at nakakahiya kapag nangyari yun, ano dun?" anya na kinalungkot ko dahil ang baba pala ng tingin nya sa sarili nya. "Hindi, wala dun! pero.. dahil ayuko pagsamantalahan yung alaala mo, ayuko din umamin sayo kasi mahiyain ako, kaya sana yung iniisip mo sakin ay ibasura mo." "Ganun, kasi ako Gustong gusto ko mahulog sayo pero parang may tadhanang pumipigil para mahalin ka." anya. Kaya tumabi ako sa kanya para i comfort sya. "Ganun din ako, may nagtutulak sakin na sabihin sayo na Mahal kita pero may pumipigil din na "Wag" dahil baka masaktan lang ako sa huli." sagot ko habang nasa malayo ang tingin namin sa isat isa. "Bakit ganun ang damot ng tadhana satin, bakit hindi nalang tayo hayaang maging masaya at malaya," Naiiyak kong daing. "Baka kasi yung tadhanang yun ang nagsasabi na hindi talaga tayo pwede, pinapaiwas lang tayo sa makaka-sama sa atin." Anya at kita ko ang pagpatak ng luha nito. "Payakap nga" hiling nito, kaya niyakap nya ko dahil ramdam din nya na nasasaktan ako. sobrang sakit na hindi lang pala ako ang nakakaramdam ng ganun kundi sya rin. "Pero kung kaya mong ipaglaban kahit mahirap, lalaban din ako para sa atin." anya. habang itoy nakayakap sakin. "Ipaglalaban kita dahil Mahal kita!" sagot ko sabay halik sa ulo nito. "Wag mong nang isipin yung nakaraan ko, isipin mo yung ngayon na nagpapasaya sayo, kasi wala ako sa nakaraan, andito ako sa kasalukuyan na kasama ka," anya. Buong buhay ko 1st time kong humagulgol sa isang tao, siguro nga mahal ko na sya kaya labis akong naapektuhan. Sa totoo nyan, natatakot ako na mahalin sya dahil ayukong masaktan sa huli. natatakot din ako na baka hindi nya ako mahalin sa totoong mundo nya at natatakot na baka may mas higit pa sakin at iwan nya ako. Pero tama nga sya, wala kami sa nakaraan para matakot at magisip ng kung ano ano. Ayun ang nagustuhan ko pa sa kanya lalo, na kaya nyang kontrolin lahat para mapanatag ako. kaya nang gabing din iyun lakas loob at lumuhod ako sa harap nya para hingiin ang matamis nyang Oo. "Hindi ka lalaki lanģ, hindi karin bakla lang, ikaw yung taong walang presyo pero may halaga, Ikaw yung naging lakas ko nung panahong hinang hina ako, ikaw din yung naging karamay ko sa lahat, kaya naniniwala ako na ikaw na yung taong para sakin. Ilove you Ganda!!" wika ko na may nagmumugtong luha sa mga mata ko. "Salamat sa lahat! ang daming nawala pero salamat sa diyos ikaw ang pinalit, salamat sa pagaalaga, pagaaruga at pagmamahal, aking magaling na doktor at Guro na nagturo sakin paano lumaban, at higit sa lahat Matipuno at gwapo.. Iloveyou too Pogi!" sagot nito at sinunggaban ako ng yakap. Sobra nya akong pinasaya, ibang saya na ngayon ko lang nadawa at hindi mapaliwanag tila buo na ang pagkatao ko ng dumating sya sa buhay ko. Alam kong hiram lang ang mga oras at araw para mahalin sya, kaya susulitin ko ang mga sandaling iyun na hindi ko hahayaang masayang. Magdamag kaming nasa labas ng bahay ang dami naming napagkwentuhan, ang dami namin agad na plinano at mga balak at magiging lagay ng relasyon namin. Hanggang sa naging opisyal na kaming magkasintahan nilihim muna namin ito sa mga nakakasama namin kay Nanay at lalong lalo na sa mga bata dahil isa yun sa mga napagkasunduan namin. Dahil mga menor pa sila. Kay Nanay naman siguro hindi na ito mabibigla kung maging kami na dahil walang bago sa makikita nya sa aming dalawa dahil una palang duda na sya sa mga lambingan namin at harutan kaya para sa kanya, kami na noon pa!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD